CHAPTER 18
(Ryuji Francisco)
Masayang-masaya si Mommy at Daddy dahil nakita na naman nila ang anak nilang babae, si Inah. Minsan tuloy gusto ko ng magselos kay Inah, para kasing mas mahal pa nila yung babae na yon kesa sa akin, samantalang ako yung tunay nilang anak.
Amerie: now I know why you can’t love me back.
Ryuji: Amerie, ikaw pala, upo ka.
Nandito kasi ako ngayon sa may garden, naka-upo habang iniisip ko kung saan talaga ako magtatago bukas.
Amerie: gustong-gusto sya nila Tito at Tita, bakit?
Ryuji: because she’s the daughter they never had. They both want to have a babay girl that time, kaya lang hindi na pwedeng magbuntis si Mommy dahil delikdo na para sa kanya.
Amerie: pano ba kayo nagkakilala, hindi mo naman kasi sinabi sa akin before.
Ryuji: naglalaro lang sya nung mag-isa jan sa tapat ng bahay namin, panlalake pa nga yung laruan nya noon eh.
Amerie: tapos?
Ryuji: nung makita ko sya na naglalarong mag-isa, lumabas ako. Pagka-labas ko naman hindi ko agad sya nakita, akala ko nga umalis na agad sya eh. Yun pala naka-upo na sya kasi magka-sugat yung tuhod nya at iyak sya ng iyak, baka daw kasi labasan ng kalabaw yung sugat nya o kaya naman daw maubusan sya ng dugo.
Amerie: pfft… grabe naman pala ang imagination ni Inah that time. So, anong ginawa mo?
Ryuji: tinawag ko si Mommy, then ayon, si Mommy ang gumamot sa sugat nya. Simula non lagi na kaming magkalaro, madalas syang pumunta dito dati, yung malaking bahay na puti jan na walang nakatira, sa kanila yan.
Amerie: matagal na ba silang wala jan?
Ryuji: matagal na, ten years na silang wala jan. Eto, hulaan mo ang dahilan kung bakit sya laging nagpupunta dito sa bahay noon.
Amerie: para makipag-laro sayo?
Ryuji: mali , lagi syang nagpupunta dito para kumain. Lahat ng niluluto ni Mommy sya ang taga-tikim, bihira lang yang magpunta dito na ang dahilan eh para makipag-laro sa akin, kadalasan pa nga nauuwi sa asaran at iyakan yung paglalaro namin eh. Mula noon hanggang ngayon asar talo pa rin sya sa akin.
Amerie: close pala talaga kayo to think na sandaling panahon lang kayo nagkasama.
Ryuji: tama ka jan. Kita mo si Mommy at si Daddy, sobrang saya nila na nakita na ulit nila ang pasaway na yon.
Amerie: may gusto ka ba sa kanya Ryuji?
Anu daw, ako may gusto sa asar-talong babae na yon? Huh!!! Kahit kailan hindi ko naisip na may gusto ako sa isang yon! Nami-miss ko lang yung dating kami kaya lagi ko syang hinahanap.
Ryuji: ano ba namang klaseng tanong yan Amerie?!
Amerie: hindi ba sya yung dahilan kung bakit hindi mo ako magawang mahalin ng buo?
Ryuji: hindi, kaibigan ko lang talaga yang si Inah! Kumbaga, she’s my girlbest buddie, parang si Clint.
Amerie: oo nga pala, kailan mo ba ako pwedeng ipasyal sa school nyo? Nagsasawa na akong makipag-kulitan dun sa mga pasaway mong pamangkin eh.
Ryuji: tama!!! Bukas, isasama kita bukas, tapos na ang mga exams namin and who knows baka magkita din kayo ni Inah bukas.
Amerie: psssshhh!!! Kung hindi ko pa alam na kaya mo lang ako isasama para ma-divert yung attention ni Inah from you to me.
Ryuji: hindi yon!
Amerie: ok, if you say so. Sige, good night na, mauna na akong matulog sayo.
(Sabina “Saab” Bernardo)
Yaya: ang sarap talaga ng Bacon Cheeseburger ng Fridays Sabina, hindi nakakasawa. Sa susunod ulit ha.
Saab: Yaya abuso ka na ha, kailangan tuwing pupunta ako doon meron ka din?
Yaya: syempre naman, nangako ka kay Rina na aalagaan mo ako.
Saab: so inaabuso mo talaga? Grabe ka yaya!!! Gaaaaahhhhd!!!
Yan ang laging dahilan sa akin ni Yaya kapag ayoko syang bilan ng pasalubong, si Rina ang panakot nya, yung pangako ko kay Rina to be exact. Ayos si Yaya diba, ma-diskarte!!!
Yaya: Gaaaaahhhhhd ka jan, sige na magbihis ka na at ng maka-tulog ka na!
Saab: yaya, diba sabi mo sabi ni Papa babalik na tayo sa Twilight Park ?
Yaya: oo, kakasabi ko lang sayo kanina diba, may sakit ka na ba ngayon na kalimot?
Saab: yaya dadagukan na kita jan ah, dina-daig mo pa si Vice Ganda. Yaya, may good news ako sayo.
Yaya: sigurado ka bang good news yan?
Saab: oo naman yaya.
Yaya: eh ano ba yang good news na sinasabi mo?
Saab: malapit ka na ulit mag-aral ng pagbe-bake.
Yaya: gaga ka talagang bata ka, good news ba yon?
Saab: para sa akin good news yon, kasi matututo ka na talaga.
Yaya: bakit, ie-enrol mo ba ako?
Saab: no Yaya, pag bumalik na tayo sa Twilight Park matuturuan ka na ulit ni Tita Yukiko.
Yaya: doon pa rin sila nakatira? Weh, di nga?
Saab: oo nga Yaya, kasama ko kaya sila kanina.
Yaya: ay talaga? Ano ng itchura ni Ryuji, yung batang matakaw? Pogi pa rin ba?
Saab: muka pa rin syang timang. Yaya, excited na ulit akong matikman yung mga luto ni Tita.
Yaya: so nagsasawa ka na sa luto ko? hmmp…
Saab: Aray naman Yaya, tama bang kurutin ako. Saka yaya, hindi naman ikaw ang nagluluto eh, si Aling Marta, taga-hain ka lang, feeling ka talaga yaya.
Siguro kung buhay pa si Rina hanggang ngayon malamang dalawa kaming nang-iinis lagi kay Yaya. Ang cool ng yaya namin diba, bagets na bagets pa rin kung humirit. Twenty pa lang si Yaya nung inalagaan nya kami, ngayon 38 na sya pero wala pa rin syang asawa. Nirereto nga namin si Yaya saka si Kuya Juancho noon eh, kaya lang hindi sila na-develop, masyado kasing choosy tong si Yaya eh, ayaw daw nya sa may magandang katawan, habulin daw kasi ng bakla. Hahaha!!! Adik din minsan si Yaya eh, pero mahal na mahal ko yan. Kung tutuusin, parang mag-kapatid lang ang turingan namin ni Yaya, halata naman diba.
Yaya: wala namang masamang mag-feeling, wala namang batas na nagsasabi na bawal yon. Pero di nga Sabina, doon pa rin sila nakatira sa Twilight, bakit hindi sila umalis doon?
Saab: oo nga Yaya, doon pa rin daw sila nakatira. Pakelam naman natin Ya kung bakit ayaw nilang umalis don, adik toh. Sa dating bahay pa rin ba tayo titira yaya?
Yaya: mas adik ka! Syempre naman, hindi naman binenta ng magulang mo ang bahay na yon. Bakit, sa ibang bahay mo nab a gustong tumira?
Saab: pwede rin, kung pwede nga lang kila Tita Yukiko na ako titira eh.
Yaya: si Tita Yukiko mo ba talaga ang dahilan? Baka naman mamaya pagpa-pantasyahan mo lang si Ryuji tapos mamanyakin mo.
Saab: kapal mo Yaya, hindi ko type ang isang yon. At least kapag doon ako tumira mararamdaman ko ulit na may magulang ako. Magiging Papa ko si Tito Eugene, at si Tita Yukiko naman ang Mama ko, at ikaw Yaya, yaya ko pa rin…hahaha…joke lang, ikaw pa rin ang best buddie ko!!!
ryuji, deny p!!! kaasar ka, hhbuln mu rin yng si saab! bhala ka! hmp!
ReplyDeletenaasar ako sa part na 'to ha! ----> "Anu daw, ako may gusto sa asar-talong babae na yon? Huh!!! Kahit kailan hindi ko naisip na may gusto ako sa isang yon! Nami-miss ko lang yung dating kami kaya lagi ko syang hinahanap."
ReplyDeletesige gumanyan ka ryuji! luluhod ka rin sa paghahabol mo kay saab! in denial pa 'to!
hindi ko gusto si Amerie. whahahaha ang late lang ng mga comment ko :P
ReplyDelete