CHAPTER TWO
“Mauna na ako Bea, wala kasing kasama si Chay sa bahay eh baka nagugutom na yon.” Masama pa namang ginugutom ang bata na yon.
“Ok, ingat ka na lang.” sabi nya sa akin at umalis na agad ako.
Gabi na pero nandito pa rin ako sa school, bakit ba kasi ngayon pa nila naisipang magpa-tawag ng meeting, hindi ko pa naman naibilin kay Aling Lucia na gagabihin ako. “Crap that, I still have an evening job.” Tatawagan ko sana si Aling Lucia para ibilin ang kapatid ko, kaya lang hindi naa pala kasya yung load ko to make a call. Pusanggala, ang malas ko din minsan ee.
Teka, mukang may napapag-tripan na naman yung mga tambay ng Barangay Tanso ah, mukang bigtime kaya lang kawawa naman yung napag-tripan nila, pogi pa naman yata. Ano ka ba naman Cha inuna mo pa yung pogi na yon kesa sa kapatid mo. Baka lang nakakalimutan mo, walang kakainin yung kapatid mo. Hay, bahala nga syang pogi dyan, kaya na nyang ipag-tanggol ang sarili nya.
“Arggg! Tulong!” hala ka, anong nangyare? Bwisit naman kasing mga tambay to, tama bang kapag walang magawa eh mambugbog ng mga taong walang alam? “Tulungan nyo ako!”
Bumalik ako dun sa lugar kung saan ko nakita yung poging lalake para tingnan kung ano yung nangyari. Laking gulat ko na lang ng makita ko na naka-handusay na sya sa kalsada, putarklis talagang mga tambay na yan, mga walang magawang mabuti sa buhay.
“Ui mister, ok ka lang ba?” tanong ko sa kanya habang tinutusok-tusok ko yung likod nya. “Ui, ok ka lang ba? Sumagot ka naman oh!” nakaka-frustrate naman to, bakit ayaw sumagot nitong si Mr. Pogi? Hindi kaya wala na tong buhay? Susmaryosep na yan, baka mamaya ako pa mapag-kamalan na may sala, maka-layas na nga dito. Aalis na sana talaga ako ng biglang magsalita yung lalake.
“Obvious bang hindi ako ok? Nakita mo naman ang kalagayan ko diba?”
Aba, aba, aba! Nakuha pa nya akong pilosopohin ha. Pero Charlene naman kasi tama naman kasi si Mr. Pogi, nakita mo na ngang bangas-bangas na yung muka nya tapos tatanungin mo kung ok lang sya. Tapakan ko kaya muka nito baka sakaling umayos yung pakiramdam nya?
Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita ulit, kinalma ko muna yung sarili ko. “Muka namang ok ka, so bahala ka na jan. Malaki ka na, kaya mo ng gamutin at alalayan yang sarili mo.” Nice Cha, hindi mo rin napigilan yang inis mo. Ganyan ba ang tinuro sayo ng mga magulang mo?
“Please naman Miss, tulungan mo na ako. Sa tingin mo ba hihingi ako ng tulong kung kaya ko naman?” sya nga naman Cha. Pero kahit na, nakaka-inis pa rin sya. “Wala lang talaga akong kakilala dito.”
Soooo, ipa-paslang ko na nga lang kaya talaga sya, papatuluyan ko na para hindi na sya mahirapan. Charlene Placido, bakit ganyan ang mga tumatakbo sa utak mo, normal ka pa ba? “Oo na, sa bahay muna namin kita iuuwi, walang kasama ang kapatid ko. Tumayo ka na jan!” utos ko sa kanya, alangan namang buhatin ko sya eh ang laki nyang lalake.
“Hindi nga ako makatayo eh, so please Miss tulungan mo na ako!” etong lalake na to, sya na nga lang ang humihingi ng tulong sya pa tong saksakan ng yabang! “Please naman oh.” Ah marunong naman palang mag-please.
==========================
Pesteng babae naman na to, bakit ba kasi sa dinami-dami ng tao sa Pilipinas eto pang babae na to ang nakakita sa akin? Out of more than eighty million sya pa talaga ang biglang sumulpot dito, wala na bang iba?
“Oo na, sa bahay muna namin kita iuuwi, walang kasama ang kapatid ko. Tumayo ka na jan!”
May sanib yata ang utak nitong babae na to eh. May sanib talaga kasi hindi man lang nya napansin na ang ganda kong lalake. Ikaw ang may sanib Stanley, kung nakikita mo lang yang muka mo ngayon na binangasan nung mga tambay kanina!
“Hindi nga ako makatayo eh, so please Miss tulungan mo na ako! Please naman oh”
Bakit ba ang malas ko ngayong araw? Una si Samantha, tapos nagkanda-ligaw-ligaw ako to think na nasa Pilipinas pa rin naman ako. Tapos ngayon nabugbog ako ng wala sa oras, tapos eto namang nasa harapan ko ngayon eh dinaig pa ang tigre sa sungit, hindi ba nya alam kung sino ako?
“Alalayan mo kaya ako para maka-alis na tayo dito.” Inis na sabi ko sa babae, kasi naman parang wala syang balak na tulungan akong tumayo. “Wag mo akong masyadong titigan, baka malusaw ako.”
Halata naman na nainis sya dun sa huli kong sinabi, eh talaga namang grabe sya kung naka-titig sa akin. “Ang yabang mo rin naman no, iwan kaya kita dito at tawagin ko yung mga tambay sa amin para sila naman ang bumugbog sayo, baka sakaling mawala yang ka-angasan mo!” kahit madilim, halatang namumula yung muka nya sa galit, hahaha. Ang cute nya!
“Ooh, I’m sorry. Please naman oh, tulungan mo na ako, masakit na talaga ang buong katawan ko.” Tapos nilapitan na lang nya ako at inalalayan without even saying any word. “What’s your name by the way?” ibang klase ka talaga Ley, nagawa mo pang makipag-landian samantalang bugbog sarado ka na.
Tiningnan naman nya ako ng masama bago nagsalita “Walang kinalaman ang pangalan ko dyan sa kalagayan mo. Wala akong kinalaman sa mga nangyayari sayo lalong-lalo na sa kamalasan mo, hindi ako ang nagpa-bugbog sayo, kaya wala akong nakikitang dahilan para sabihin ko ang pangalan ko.” Tapos bigla na lang nya akong binitawan. Para pangalan lang pinag-dadamot pa!
“Aray! Bakit binitwan mo ako?” galit na tanong ko sa kanya, ang sakit talaga, yung pwet ko pa naman ang unang bumagsak.
“Ay nako sorry, sobrang hindi ko sinasadya”
Nakaka-inis na tong babae na to, kanina pa nya ako binu-bwiset. Hindi ba nya alam na ako si Stanley Montereal, ang nag-iisang Stanley Montereal? Wala ba silang tv dito sa lugar na to kaya naman wala silang pambili ng broadsheet o kahit tabloid man lang?
“Tara na!” nagsimula na kaming humakbang paalis sa kasumpa-sumpa na lugar na yon.
Pero teka lang, paano yung kotse ko? Iiwan ko lang ba yon dito, hindi kaya yung katayin nung mga timawa dito sa lugar na to? “Yung kotse ko.”
Tumigil naman sa paghakbang etong babae na to at saka ako tiningnan, syempre tiningnan ko rin sya. Tapos bigla syang humakbang palapit dun sa kotse ko. “Oo nga, yang kotse mo, i-drive mo para hindi mo maiwan dito. Sigurado ako na kapag iniwan mo yan dito hindi mo na yan masisilayan kahit kailan dahil ibebenta na yan ng mga tambay at ipang-iinom. Sige mauna na ako, masyado ng abala yung dinala mo sa akin eh.” Seyosong sabi nya, pero seryoso ba talaga sya, iiwan nya ako ditong mag-isa?
“Iiwan mo ako dito?”
Iritable naman napa-kamot si Ms. Sue dahil sa tanong ko. “Obvious ba, mas mahal mo pa yang kotse mo kesa jan sa sarili mo. Kung hindi mo kayang iwan jan yang kotse mo, eh di buhatin mo para hindi ka nangangamba na baka ma-chop-chop yan, pero wag mong asahan a tutulungan kita.” Nasa Pilipinas pa ba talaga ako, para kasing taga-Planet of the Tigress ang isang to eh, nakaka-gagong kausap.“Ngayon, iiwanan mo ba yang kotse mo o gugustuhin mo na pati ikaw machop-chop ng buhay?”
“Anong lugar ba to Ms. Sue, wala kasi talaga akong idea kung anong lugar na to. Nasa Pilipinas pa ba ako?”
Nagpapadyak naman sya na parang bata bago sumagot. “Arrrgggg!Hindi ka naman sumakay ng eroplano o kaya naman nag-ferry or RORO para mapunta ka ibang bansa. At kung nasa ibang bansaka man, eh di sana hindi tayo nakaka-intindihan dahil magka-iba yung salita natin, but we are talking here using the same language. Hindi kaya galing ka ng ibang planeta kaya ganyan ka?” ako pa ngayon ang galing sa ibang planeta. “And please lang, don’t call me Ms. Sue kung ayaw mong tawagin kita na Mr. A.”
“Kung meron man sa atin ang mukang galing sa ibang planeta ikaw yon. Sino naman kasing matinong tao o normal na tao ang magtatanong kung ok lang sya kung nakita mo naman na dumudugo yung muka?” pagkasabi ko nun bigla na lang syang nag-lakad palayo sa akin na halatang inis na inis!
“Ewan ko sayo, maghanap ka ng kausap mo! Balikan ka sana nung mga gumawa sayo nyan!”
nakaka2wa po iung title ng story!
ReplyDeletekpag medyo mhba na ung yung chapters, saka ko ito babasahin para tuluy-tuloy.
erica here.
ano ba yan! aso't pusa sila agad! ahahahaha!!!
ReplyDeletekasalanan mo rin yan stanley, kung hindi ka ba naman sandamakmak ng pilosopo at sungit! MR. POGI pa man din! tsk!
hahaha.. siya na nga yung tinutulungan,siya pa ang galit!.. haha.. mei world war na kagad!..
ReplyDelete