Thursday, March 8, 2012

After All : Chapter 50

Chapter 50:
The Final Act
[Vince POV]

Tamang tama lang pala ang punta ko sa bahay nila JM dahil saktong manganganak na siya.

Nakita kong natataranta na si Jake kaya nagprisinta na akong tumulong.

Binuhat ko si JM hanggang sa loob ng sasakyan.

Naramdaman kong nabasa ang laylayan ng T-shirt na suot ko.

“Oh..oh…”

“Bakit brhaw?” natatarantang tanong ni Jake sakin.

Tinignan ko si Jake. “pakibukas nalang ang sasakyan pwede?”

Sumunod naman si Jake.

“Brhaw baka naman pwedeng ikaw nalang ang magmaneho? Wala kasi akong driver eh” pakiusap ni Jake sakin.

“You don’t have to tell me..alam kong di na kakayanin ng tuhod mo eh.” Ako na ang nagprisintang magmaneho dahil mukhang bangag pa si Jake eh.

Pagkadeposito kay JM sa likod ng sasakyan ay pumunta na ako sa driver seat.

“Vince bakit ka nga pala nandito? Kasama mo ba si Aya?” tanong ni JM sakin.

Mula sa rearview mirror ay tumingin ako sa kaniya.

“naiwan si Aya sa Japan eh..may kailangan lang kasi akong ayusin sa business dito… magbabakasyon kasi sina Mommy at Daddy kaya ako muna ang magmamanage ng business nila…. bibisita lang sana ako eh di ko naman alam na manganganak ka na pala.” Natatawang kwento ko.

“Ay naku buti na nga lang at dumating ka dahil baka kanina pa hinimatay itong si Jake eh.”

“eh nakakanerbyos naman kasi ang sigaw mo eh”

Sa wakas ay nakarating na din kami sa ospital. Since naitawag na din naman ni Jake sa doctor eh agad na silang naadmit.

Tinawagan ko na din ang ibang barkada at si Aya para iinform na manganganak na nga si JM.

Si Jake naman ay kanina pa hindi mapakali. Hindi ko din siya maiwan eh. Excited din naman ako na makita ang baby nila.

Mula sa labas ng delivery room ay dinig namin ang sigaw ni JM. At sa bawat sigaw nito ay napapangiwi si Jake.

“Brhaw ayos lang kaya ang mag-ina ko?” kinakabahang tanong ni Jake sakin.

“Ano ka ba? Ayos lang sila. Magaling ang doctor niya.”

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na din ang doctor ni JM. Sabay pa kaming lumapit ni Jake sa kanya.

“Sino ba sa inyo ang tatay?”

“Siya po”

“ako po”

Napangiti naman ang doctor.

“Okay na sila…maayos ang delivery ng bata at malusog. Congratulations Mr. Suarez…it’s a healthy baby girl” nakangiting bati nito.

“Thanks doc”

Mula sa labas ng silid ay sinilip nila ang bagong silang na sanggol.
“She’s beautiful Jake” bulong ko sa bagong ama pagkakita sa baby.

Napakunot ang noo ko ng mapansing wala akong katabi sa labas ng pinto ng delivery room.

Halos malaglag ang panga ko ng mapansing nasa sahig si Jake at hinimatay.

“Some happiness is just so overwhelming” I muttered to myself and smiled.

++++++

[Aya’s POV]

Masigabong palakpakan ang natanggap ko mula sa mga taong nanood ng fashion show. Kaya tuloy kahit pagod ay magaan ang pakiramdam ko.

“Omedeto Shinaya-san..you made my collection famous.” Bati sakin ng baklang American designer ng mga damit na minodel ko at hinalikan ako sa pisngi.

“Arigato… I was the one who should be thankful to you.” Nakangiting sagot ko naman.

“We will be having a victory party in this hotel and I wish you could join us.”

“Oh…Thank you for the invitation but I really need to go home now. I still have to call my friend in the Philippines. She just had a new baby and I want to congratulate her.”

“Oh..i see.. but I’m sad that the star of this show can’t join us.”

“There’s still some other time.”

“Sumimasen Shinaya-san…there’s someone looking for you” singit ni Gia samin.

“who?”

Ganun nalang ang gulat ko ng makitang si Vince ang kasama ni Gia.

“Bheb” nakangiting sabi ko.

“Omedeto Babydoll”

“Oh.. is that handsome and super hot guy your boyfriend?” nakangiting tanong ng bakla.

“Nope..he’s my fiancĂ©e”

“Really? Your one of a hell lucky girl”

“I know…excuse me I have to go” nakangiting paalam ko sa kanya at nilapitan si Vince.

Agad akong yumakap sa kanya at hinalikan siya ng mariin sa labi kahit na madaming taong nakatingin samin. Napansin kong ang iba ay kinuhanan pa kami ng picture but I didn’t care at all.

All I know is that I’m happy that he’s here.

Sumakay na kami sa sasakyang dala ni Gia.

Pareho kaming nasa backseat ni Vince at si Gia naman sa passenger seat.

“I thought you’re in the Philippines?” tanong ko sa kanya habang nakayakap.

“Yeah..pero namiss kita eh kaya bumalik ako agad. Okay na naman yung business eh kahit wala ako. mapagkakatiwalaan naman yung tauhan ni daddy dun.” He said and kissed me lightly in the lips.

“I see…so how’s the barkada? Si JM?”

“Okay naman.. Healthy yung baby girl nila.”

“Really? Baby girl? Wow!!!!”

“Naiinggit nga ako eh”

“Why?”

“kasi may baby na sila.”

“bheb…”

“si Lance kasal na…si Jake kasal na din at may baby na…si West niyaya na din si Queen..si Madz may asawa na din…samantalang tayo yung naunang maging lovers sa barkada.” Nagtatampong sabi ni Vince.

Naglalambing na niyakap ko naman siya.

“Bheb…wala pa din namang asawa sina Vaughn, Lieu at Avee ah”

“talagang nangatwiran ka pa ah”

“tama naman ako ah”

“That’s not the point. Si Vaughn pinopormahan na si Raffy, si Lieu at Avee naman mukhang may something na sa kanila.”

“Really? That’s nice”

“Gust ko ng magkababy ayaw mo naman. Gusto na kitang pakasalan ayaw mo din”

“bheb..hindi naman sa ayaw…alam mo naming may contract pa ako diba? Baka makasuhan ako pag di ako tumupad”

“Well I could get the best lawyers in the world”

“bheb naman eh..that’s not the point”

“eh ano pala? Sabihin mo lang kasi kung ayaw mo pa talagang magpakasal sakin” sigaw ni Vince.

Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya.

“Bakit mo ako sinisigawan?” nagtatampong tanong ko at tinalikuran siya.

Agad naman akong niyakap at sinuyo ni Vince.

“I’m sorry bheb… I didn’t mean to shout at you. .it’s just that when I saw Jake and JM’s baby I can’t help but to envy them. I want to have a family of my own”

“Gusto ko na din namang magkababy eh…pero hindi pa talaga pwede.”

“I know..sorry kung naging makitid ang utak ko bheb”

“you’re forgiven” nakangiting sabi ko.

“where’s my kiss?”

Natatawang hinalikan ko naman siya sa labi.

“Ilang baby ba ang gusto mo bheb? Ako gusto ko isang dosena” tanong niya sakin.

“What??? Anong tingin mo sakin aso? Sabay-sabay ang panganganak? Saka baka malosyang agad ako noh!”

“Okay lang..kahit malosyang ka pa ikaw lang ang mamahalin ko”

“gusto ko isa lang”

“ang tipid naman nun? Wala siyang kalaro”

“andyan ang anak ni JM yun nalang kalaro niya”

“Ayoko ng isa malungkot…diba ako isang anak lang? kaya gusto ko may kapatid siya. Hmmm…mga apat”

“Ayoko madami pa din yun.”

“tatlo?”

“dalawa”

“Babydoll naman eh”

“Huli na yun..wag ka ng humirit hanggang dalawa lang tayo. Mahirap manganak noh”

“Sige na nga..pero gusto ko lalaki panganay ah”

“babae gusto ko”

“Kontra ka na naman”

“Aangal ka?”

“Hindi nga…pero lalaki yan..malakas dugo ko eh”
“Sus! Kaya pala naaksidente ka”

“Buhay pa din naman ako”

“Bheb…”

“babydoll ah wag mo akong tignan ng ganyan..baka di ko mapigilan ang sarili ko at mabuntis ka ng wala sa oras.”

“eto naman yun agad ang iniisip”

“Eh kasi naman the way you look at me makes me want to kiss you and make love to you…kaya kung ayaw mo pang mabuntis don’t look at me like that”

“Eh anong tingin gagawin ko?”

“basta…kahit ano wag lang yung ganyang tingin”

“Ano bang tingin ito?” at inulit ko pa talaga.

“Aya!!! I try to control myself ah…don’t push me to the limit”

Tumawa ako at walang sabi-sabing hinalikan siya sa labi.




+++++++


[Author’s POV]

Dalawang taon ang lumipas bago natapos ni Aya ang lahat ng dapat intindihin at ayusin sa Japan.

Gusto kasi niyang dito nalang sa Pilipinas manirahan kasama ang mahal niya sa buhay at mga kaibigan.

Sa mga panahong kasama niya si Vince sa Japan ay pabalik-balik ito sa Pilipinas upang asikasuhin ang business ng pamilya nito para sa future nilang dalawa

Nauna ng ikasal sila West at Queen. Naikasal na din sina JM at Jake pagkasilang sa baby nila.

After 2 years ay dumating na din ang pinakahihintay ng lahat.

Matapos ang masusing paghahanda ay idinaos ang isang fairy-tale themed wedding sa Tagaytay.

Ang kasalanang inaabangan ng lahat.

Ang kasalang Shinaya Montreal at Vincent Madrigal.

Dinaluhan iyon ng mga kilalang tao sa lipunan at mga piling media personalities di lamang sa Pilipinas kundi maging sa Japan.

Dahil isang sikat na tao si Aya sa Japan ay inabangan talaga ang kasal na ito ng mga tao.

May mga pulitiko at bigating businessman din na umatend ng wedding.

Isang kilalang designer ang gumawa ng wedding gown ni Aya na hango sa damit ng isang prinsesa sa fairy tale. Ang simbahan ay inayos na parang isang palasyo ang dating.

At syempre pa ang kanyang groom ay imbes na tradisyunal na barong ay nakasuot ng damit na parang kay Prince Charming.

Maging ang mga abay at bisita ay pawang nakasuot ng fairy tale costumes.

Si Lieu ang bestman at si Ching naman ang maid-of-honor dahil malaking part din siya ng buhay ni Vince. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi na sana nakaligtas noon si Vince.

Ang two years old baby boy nila Regine at Lance na si Rence ang ring bearer nila.

Mukhang nagmana pa yata ito sa kasungitan ng daddy nito dahil ni hindi man lang ito ngumingiti kahit anong pilit nila.

Ang baby girl naman nina JM at Jake ang isa sa flower girl.

Kasama din ang buong barkada sa entourage.

Umuwi din galing Japan ang grandparents ni Aya para saksihan ang kasal ng bunsong apo nila.

Lahat ng tao ay masaya para sa dalawa.

Nararapat lang naman na sa kasalan mauwi ang kapana-panabik na lovestory ng buhay nila.
Sa kabila ng lahat ng hirap at sakit ay napatunayan nila that true love conquers all.

Samantala sa isang banda..lahat ng myembro ng barkada ay masaya nadin sa kanilang buhay.

Last year ay ikinasal sina West at Queen. Although wala pa rin silang baby ngayon.

Sina Lieu at Avee matapos ang mahaba-habang bangayan ay mukhang may sumisilay na ding magandang lovelife. Yun eh kung bibigyan ng priority ni Avee ang lovelife niya kesa sa career.

Si Raffy naman ay although naninimbang parin sa relasyon nila ni Vaughn ay halata namang super happy din. Ikaw na may sikat na boyfriend.

Si Madz ay umuwi pa talaga ng Pilipinas mula America para saksihan ang kasal ni Aya. Five months pregnant na ito sa first baby nila ni Ivan.

Ang kuya John naman ni JM at si Ching ay nagcelebrate ng one year anniversary nila. Sa kasalan na din siguro mauuwi ang dalawang iyon.

Si JM ay buntis na naman sa second baby nila ni Jake.

Okay na ang lahat. Kaya naman everybody happy.

++++++

Trip to Europe ang regalo ng parents ni Vince para sa bagong kasal. Pero bago sila lumipad patungong Europe ay sa resthouse sa Tagaytay muna sila nagstay.

And on the night after their wedding isang surprise gift ang inihanda ni Aya para sa asawa.

“Are you tired?” Vince asks after going outside the bathroom.

Tumutulo pa ang basang buhok nito sa matipunong dibdib nitong tanging twalyang hanggang ibabaw ng bewang lang ang natatabingan.

Nakangiting tumingin si Aya sa asawa.

“Medyo..pero okay lang…happy naman ako eh” sagot nito habang tinatanggal ang suot na wedding dress.

“Let me” prisinta ni Vince at tinulungan ang asawa na tanggalin ang suot na gown.

Matapos mahubad ang suot na damit ay niyakap ni Vince si Aya mula sa likuran. At hinalik-halikan ang leeg nito.

“Wait lang may sasabihin pa ako sayo eh” pigil ni Aya sa ginagawa ng kabiyak.
“That can wait” angal nito.

“Ahh basta.” Pamimilit ni Aya at inilayo ang katawan sa asawa.

Wala ng nagawa si Vince kundi ang sumunod dito at itigil ang ginagawa.

“Ano ba kasi yun at di pwedeng maghintay?”

“I have a surprise for you”

“What is it?”

Isang maliit na kahita ang inilabas ni Aya. Nababalutan ito ng kulay pink na ribbon. Iniabot niya ito kay Vince.

Nagtatakang kinuha naman ito ng asawa.

Matapos mabuksan ay di makapaniwalang tumingin ito kay Aya.

“Is it true? Are you sure about it?”

Tango naman ang isinagot ni Aya.

“Yup. I wrapped it pink because I’m hoping for it to be a girl..well if it’s a boy…okay lang din ang mahalaga malusog siya…you’re going to be a daddy in 8 months time. Aren’t you happy about it?”

“Are you kidding me??? Of course I’m happy!!!” at bigla nalang itong nagsisigaw ng malakas.
“WOOOHHHHH!!!!! I’M GONNA BE A DADDY!!!!!” sigaw nito with matching patalon-talon pa talaga.

“Oopppss..baka magulat si baby” bigla rin itong tumigil at niyakap si Aya at hinawakan ang pipis pa na tyan nito.

Di pa nakuntento ay idinikit pa nito ang tenga sa tyan ni Aya.

“Ano ka ba? Wala ka pang maririnig dyan noh.”

“Ssshhh…I want to hear his breathing” saway nito kay Aya.

“His ka dyan..babae yan.”

“lalaki yan…maniwala ka sakin.”

At niyakap nito ng mahigpit si Aya.

“Thank you for coming into my life again. Ikaw at ang baby natin ang inspirasyon ko para mabuhay…I love you two.”

He said as he kissed her fully in the mouth.

“Di pa naman masama pag one month diba?”

“Sabi ng doktora ko pwede pa daw hanggang five months.”

“Eh di simulan na natin” he said as he carried Aya into the bed.
The lights finally turned off.

Alam na naman siguro natin kung anong ginagawa nila. ^_^


+++++

After 4 years…

Masayang nagkakatuwaan ang magkakaibigan. Ang mga lalaki ay nag-iinuman at ang mga babae naman ay nagkukwentuhan.

Ang mga anak ng mga ito ay binabantayan ng mga yaya.

Kasalukuyan silang nasa bahay nila West at ngsecelebrate ng kaarawan nito.

“Kayo West kelan ba kayo magkakaanak niyan ni Queen ha? Aba nakadalawa na kami ni JM hindi ka pa rin nakakaisa.” Biro dito ni Jake habang nag-iinuman.

“Wala brhaw mahina ka” tukso naman ni Lieu.

Mula ng ikasal ito at si Avee ay tumigil na sa pagshoshowbiz si Avee at nagtayo nalang ng business ang mag-asawa.

“Nagsalita..eh ikaw din naman wala pang anak ah”

“Atleast ako bagong kasal pa lang eh ikaw limang taon na kayong kasal ah”

“nagpacheck na ba kayong mag-asawa?” tanong ni Vaughn.

Kasama nito si Raffy at ang one year old baby boy nila.

“Pareho naman daw kaming normal eh. Siguro hindi pa nga lang panahon…gusto na din naman naming magkaanak eh lalo na si Queen..”

“Maghintay lang kayo brhaw at darating din yan.”

“Sana nga..naiinip na ako eh..gusto ko na magkaroon ng makakargang bata at tatawag sakin ng daddy”

“Daddy naman tawag sayo ni Ayesha ah” tukoy ni Lance sa 4 years old na super cute na anak nila Aya at Vince.

“Syempre iba naman yun pamangkin ko yun eh”

Tama nga si Aya at babae ang naging anak nila ni Vince. Pwede pa naman daw sila gumawa ulit ng lalaki.

Lalo pang sumaya ang usapan nila ng makisalo na din ang mga girls sa kanila.

Mula naman sa bakuran ay naririnig nila ang boses ng mga anak nilang naglalaro.

Maya maya lang ay narinig nila ang matinis na tili ni Ayesha.

Nagtatakbo ito palapit sa kanila kasunod ang anak nila Lance na si Rence.. Sa likod naman ng mga ito nakasunod ang mga yaya ng mga ito.

Agad nagpakarga si Ayesha kay Vince at inalo naman nito ang umiiyak na anak.

“Baby what’s wrong? Are you hurt?”

Pinaghalong mukha ni Aya at Vince si Ayesha…pero sa edad na apat na taong gulang ay kakikitaan na ito ng pagiging bibo. Idagdag pa na napakagandang bata nito.

No wonder kapag nagdalaga ito ay tiyak na hahabulin ito ng mga lalaki.

“Daddy….Rence kissed me in the lips…” Iyak ng bata habang nagsusumbong sa ama.

Lahat naman sila ay napamulagat na napatingin sa anak ni Lance.

“Woohh!!! Masyadong mabilis yang anak mo Lance ah” biro ni Jake.

“Hindi naman pwedeng mana sa tatay eh makupad din kumilos yang si Lance..malamang kay Regine nagmana yan” dugtong naman ni Queen.

“Hahaha..oo nga eh. Sa akin nagmana yang si Rence..pero yung kasungitan naman niya sa daddy niya.” Sagot ni Regine.

“Magugulat ka nalang balang araw may nabuntis ng maaga iyang anak mo” biro ni Vaughn

“wahhh….i’m gonna be pregnant daddy!!!!” iyak ni Ayesha.

“hush baby….that’s not true” alo ni Vince sa anak.

“But my classmate told me that when a boy kisses you you’re going to be pregnant” patuloy na iyak nito.

“eh di kapag nabuntis ka ipakakasal ka namin kay Rence” biro ni West sa pamangkin.

“Hey Rence..is it true? Did you kissed Ayesha?” tanong ni Lance sa anak.

Pero imbes na matakot ay taas-noo pa itong sumagot sa kanila na animo matanda.

“I told her I’m going to marry her someday. But she ignored me so I kissed her” proud pang sagot ng bata.

“Diosmio!!! Six years old ka pa lang Rence…gusto mo ng pakasalan si Ayesha? At four years old lang ang anak ko.” gulat na tanong ni Aya sa bata.

“ I like Ayesha Tita Aya”

“But I don’t like you. I only love my daddy” nakalabing sagot ni Ayesha at yumakap pa sa leeg ng ama.

“You’re daddy can’t marry you but I can.” Sagot ulit ni Rence kay Ayesha.

“Naku naman!!! Ang bata mo pa…at bata pa din si Ayesha” napapailing na sabi ni Lance sa anak.

“I said someday and not for today” sagot ni Rence at kapagkuway bumaling kay Vince. “I will marry your daughter Tito Vince someday.. So please don’t let other boys marry Ayesha”

Napakamot nalang sa ulo si Vince at napailing.

“Why do I have this feeling na poproblemahin kita balang araw Rence?”

Napuno ng tawanan ang buong bahaging iyon ng bahay.


* * THE END * * *

12 comments:

  1. Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!! grabe, grabe, as in grabe talaga!!!!


    i super dooper love the last part of this story!!!!

    barado si Daddy Lace kay Rence!!!whahaha!!!


    “I said someday and not for today”
    -basag ka daddy lance!!! wahahahaha...


    anu ba namang buhay yan...four years na kaming kasal ni West pero hindi pa rin kami maka-buo...nyemas na buhay yan!!! whahaha!!!!


    I LOVE IT SIS!!! as in...SUPER LOVE!!!!

    ReplyDelete
  2. sis yung picture hindi makita! >__<

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..okay lang..di ba naipost ko na din aman yung pics nila?

      Delete
  3. nice! ang ganda po ng ending nitong story mo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks po...dahil sa sinabi mong gusto mong mabasa ulit sina Aya at Vince sila ang ginawa kong finale talaga..thanks po ulit.

      Delete
  4. ayieeeehhhhh...sisisisssss.....hehehehehe

    ReplyDelete
  5. Sis i love you...sobrang saya...

    ReplyDelete
  6. hindi ako makapag comment ng mahaba eh...ay miss ko na rin ang PF!!!

    ReplyDelete
  7. This is the second time I've been to your website. Thank you for explaining more details.
    Feel free to visit my homepage ; Picture Booth Hire Adelaide

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^