Wednesday, January 25, 2012

After All : Chapter 16


Chapter 16:
The Kiss

[Lance POV]


Alien ba itong babaeng ito???


Ano daw??? Future wife ko daw siya samantalang hindi ko naman siya kilala. Pansin ko na tinititigan siya ni Aya mukhang hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng bestfriend ko.

Napatingin ako sa babaeng lumapit sa amin. Infairness maganda siya, maputi kahit na hindi siya masyadong matangkad. Nasa 5ft lang yata ang taas niya eh. Maypasingkit ang mga mata at may dimple siya sa right cheek.


Overall pasado naman siya..


Pero to be my future wife???


Hah!!! Ano siya sinuswerte.???!!!


“ look miss-’’


“ it’s Aegyo..mas prefer ko yung name na yun eh”


“ okay whatever! As you can see nakakaistorbo ka na sa amin at sorry to say pero hindi talaga kita kilala.”


Naiinis na talaga ako. Mamaya maniwala si Aya sa sinasabi nitong babaeng ito. Takas pa yata sa mental ito eh.


“ ano ka ba naman. How could you say that to your future wife??? Hindi mo ba alam kung ilang lalaki ang tinurn-down ko sa korea para wala kang kaagaw dahil ayokong magselos ka tapos ganyan lang sasabihin mo sa akin? Have a heart naman oh”


Aba???!!!  Nagdrama pa daw ba??? So kasalanan ko pa pala na marami siyang tinurn-down na lalaki??? Sinabi ko ba yun???


“look, I think much better kung pag-uusapan niyo ito ng maayos di ba?” sumingit na si Aya sa usapan.


Bilib din naman talaga ako dito sa babaeng ito kahit kelan napakaprofessional. Ni hindi nga niya kilala yun tapos nagpapaka-nice siya??


“why don’t you join us? Nagugutom na din naman ako at kanina pa kami nag-iikot kain muna tayo” yaya ni Aya sa kanya.


“ teka nga!” pigil ko. “bakit mo niyayaya iyang babaeng iyan hindi mo nga kilala iyan. Mamaya stalker pala yan o di kaya killer o kidnaper!!”


Napatingin sa akin sina Aya at Aegyo  yung tingin na parang nagsasabing “Alien ka ba?”.


“What??!!”
“ ang morbid mo mag-isip alam mo yun?” puna ni Aya sakin.


“Ako pa ngayon ang morbid? Hindi mo ba alam na uso na ang cases ngayon ng patayan?”


“teka nga!!” awat ni Aegyo “excuse me po Lance itong gandang ito mukha ba akong killer?”


“ Hindi ka rin naman mayabang noh? Masyado bang magaan ang bangko mo at ikaw na mismo ang nagbubuhat?” sarkastikong sabi ko sa kanya.


“ oo naman, don’t worry kayang kaya ko ito. Gusto mo pati bangko mo buhatin ko pa eh”


“no thanks!”


saang lupalop ba ng earth ito nagmula???


“tara Aegyo, pagpasensyahan mo na iyang si Lance, bad mood lang siya”


“ you know what? I think I like you. Ano nga palang name mo?”


“ I’m Aya. BBF ako nitong si Lance”


“ BBF?”


“ yeah as in Bestest Best Friend”



“ ahhh…nice…BBF…hehehe…so since BBf mo naman pala ang future husband ko eh di BBF nadin tayo” nakangiting sabi ni Aegyo at hinawakan sa braso si Aya. “tamang-tama kasi gutom na din ako eh”



At nagpauna na silang maglakad.


Shock ako sa mga pangyayari. Kahit kailan talaga ang hirap intindihin ng mga babae. Mas mahirap pa silang intindihin kesa sa pinakamahirap na equation sa math.



(o.+)

[ Aegyo’s POV]


Sa wakas, after 5 years nameet ko din siya ng personal.


Si Lance Montealegre.


Ang tagal kong nangarap na isang araw magkikita din kami.


Ako nga pala si Aegyo Geung Yee. Regine ang English name ko. Korean ang father ko at Filipina naman ang mother ko. Sa Korea na halos ako lumaki pero three years ago umuwi kami dito sa Pilipinas para asikasuhin ang properties nila daddy rito kaya naman mahusay akong magsalita ng Tagalog.


Bakit ko nga pala nasabi na future husband ko si Lance?


Sa litrato ko siya unang nakita. Pinakita sa akin ng mommy niya. Magkaklase pala nung highschool sina mommy at yung mommy ni Lance. Right there and then nainlove na ako sa kanya. I guess highschool palang yata siya noon. Fourth year at ako naman eh second year.


Sobrang gwapo niya kasi at ang lakas ng appeal kahit na sa litrato ko lang siya nakita. Kaya naman sinabi ko sa magulang niya na baling araw si Lance ang mapapangasawa ko. Tumawa lang yung mommy ni Lance samantalang yung daddy niya ang sabi ipapakasal niya ako kay Lance kapag laki ko.


Pinanghawakan ko ang sinabing iyon ng daddy niya. Kaya naman nagsumikap akong mabuti para maging karapat-dapat akong asawa ng isang Lance Montealegre.


Maraming nanliligaw sa akin sa Korea pero wala akong sinagot kahit isa kaya naman NBSB ako ngayon. Para kasi sakin, kapag nagboyfriend ako para ko na ring pinagtaksilan ang pagmamahal ko kay Lance.


Si Lance ang lalaki para sa akin.


At ako lang ang babaeng nararapat para sa kanya.


(o_o)


[Aya’s POV]


Nakakatuwa si Aegyo. Ang kulit at ang daldal niya kasi. Ikinuwento niya sa akin kung paano niya nakilala si Lance.


Haay mukhang magkakalovelife na ang BBF ko ah.


Kasama namin siyang naglibot at humanap ng regalo para kay Vince. At habang naglilibot eh panay ang kwento niya. Kaya naman hindi naming namalayan na gabi na pala.


“ oh paano, Aya, mauna na ako. Nagtext na yung mommy ko andiyan na daw siya tapos na siya magpaspa.” Paalam ni Aegyo sa amin.


“ ok sige ingat ka”


“text text nalang tayo ha? Bye Aya, bye future hubby”


“ future hubby?! Tsk!” sumimangot si Lance sa tinawag ni Aegyo sa kanya.


Nang makaalis na si Aegyo ay naglakad na din kami papunta sa parking lot kung saan nakaparada yung kotse ni Lance.


“ Bakit ka naman ganun kay  Aegyo. Mabait naman yung tao eh” sita ko kay Lance  habang naglalakad.


“ I just don’t like her” nakasimangot na sagot niya.


“ but she’s nice naman eh and besides kilala niya pala sina Mama”


“ IDC”


“Hay naku BBF lagi ka nalang cold sa mga girls. Paano ka magkakagirlfriend niyan?”


“ Gusto mo na bang magkagirlfriend ako?” tanong niya sakin.


“ Well, it’s up to you. Pero ayoko naming maging sad ka eh. I just want you to be happy”


“ Hindi ibig sabihin na wala akong girlfriend eh hindi na ako masaya at hindi lahat ng may girlfriend ay masaya” sagot ni Lance at binuksan na ang passenger seat ng kotse.


“ May point ka dun. Pero you will never know unless you try di ba?” I still didn’t end the topic.


“ will you please stop it? I’m allergic to that topic”


Hay naku kasungit na lalaki talaga oh. Dinaig pa ako.


“ BBF, umamin ka nga sakin….BAKLA KA BA?!”


Bigla nalang nagpreno ang sasakyan at kung hindi siguro ako nakaseatbealt malamang tumalsik na ako sa harapan ng sasakyan.


“ ano ba?! Mag-ingat ka nga!” galit na sita ko sa kanya.


“ AKO BAKLA?!” PERO MAS GALIT ANG BOSES NIYA.
Nanlalaki pa ang mga mata at butas ng ilong habang kinakausap ako.


“ Wala ka naming dapat ikahiya sa akin kasi magkaibigan naman tayo eh slash BBF slash tropa slsh kinakapatid. So there’s no need for you to be shy”


Haay!!! Kahit na maging bakla itong kaibigan ko eh susuportahan ko pa rin siya ng bonggang bongga.!!! Ganon ko kamahal iyang bestfriend ko.


“AYA HINDI AKO BAKLA!!!”
“ hindi ako Bakla!!!! Ka-ka-kla kak-la..hindi ako shokla..ka-kak-la-kak-la” kantang pang-aasar ko sa kanya.


Hah! Sinong nagsabing si Jake lang ang may talent mang-asar? Meron din ako nun noh!! Hahahah!!!


Itinodo ko pa ang pagkanta with matching swaying of the body pa. Feel na feel ko lang mang-asar ngayon kaya ang malas ni Lance.


“ NILILINLANG KA LANG NG IYONG PANINGIN, BABAE PO AKO!!!”


“ AYA STOP IT” namumulang saway sa akin ni Lance.


“ HINDI AKO BAKLA…KA-KAK-LA-KAK-LA-’’
Hindi ko na natapos ang kinakanta ko because my lips we’re sealed by Lance lips.


Ampotek!!!! Hinahalikan ako ni Lance!!!


Sa una, it was a harsh kiss, yung halik na nagpaparusa then turned into a sweet kiss. The next thing I know I was kissing him back. I could feel the heat flowing into my body. I close my eyes and put my arms around his neck. It was so magical parang may naririnig pa akong background music.


Pooottttt!!!! Pooottttt!!!!
Busina ng sasakyan sa likod namin ang nagpabalik sa amin sa reyalidad. Nakahinto nga pala kami sa gitna ng kalsada.
Sabay pa kaming lumayo ni Lance sa isat- isa.


Walang imik na pinaandar ni Lance ang sasakyan. Ako naman nanahimik rin lang. I don’t know what to say. I don’t know why a simple song leads to a hot kiss.


“Yeah Aya!! You just kiss Lance. You just kiss your bestest bestfriend!! Ang tanga-tanga mo. Ikaw na!!”


“But he’s the one who kissed me.”


“ because you provoke him to do so! And you kissed him back gayong pwede mo naman siyang itulak”


Hayan nag-away na ang angel at devil na konsensya ko.








2 comments:

  1. ayiiie kinikilig p din aq the 2nd time around. bet q din sna si lance eh kaso dhil nga mhal ko si ate aegyo, binigay q na lng s knya si lance. haha.

    at saka mas gus2 q n din na aya vince aq!

    ReplyDelete
  2. Aegyo Geung Yee!!! cute tlaga ng name ko dito oh! Geung Yee! ahahaha...

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^