Sunday, February 26, 2012

After All : Chapter 41

Chapter 41: Boys are Unfair
[Queen’s POV]



Since nabuking na din naman ako ni West na nanunubok sa kanila eh lumabas na din ako sa pinagtataguan ko. Nonsence na makipaghide and seek pa ako sa kanya.



“Ikaw?” gulat na tanong ni West pagkakita sakin.



“Oo ako nga” tapang ko noh? Ako pa ang galit hehe.


Iiling-iling si West pagkakita sakin.



“sinusundan mo ba ako?”



“Wow tsong ang tapang ng apog mo ah feeling mo naman diba? Hindi kita sinusundan noh!”



“eh anong ginagawa mo dyan at nagtatago ka sa batuhan ha?”



“Nagpapahangin lang ako” palusot ko sa kanya.



“Pahangin??? Come-on!”



“Ewan ko sayon kung ayaw mong maniwala noh! Basta ako malinis ang konsensya ko” kahit kalian talaga hindi ako magaling magsinungaling kasi ang bilis ng pagsasalita ko kaya masyadong obvious na nagsisinungaling ako.

Kung naniwala sakin si West o hindi eh hindi ko na alam. Tumahimik nalang kasi siya at tumingin sa malawak na dagat.



Naglakad lakad siya papunta sa tubig.



Hala ka? Hindi kaya maisipan nitong magpakamatay?



Teka nga may magpapakamatay bang nagtatanggal pa ng sapatos?



Sa katarantahan ko dahil baka nga biglang magpakalunod itong si West eh agad ko siyang sinunggaban para mapigilan sa tangka niyang pagpapakamatay. Dahilan para matumba kami pareho sa buhanginan.



“hey ano ba?!” reklamo ni West ng bumagsak kaming dalawa pahiga.



Ako ang nasa ilalim at nakapatong siya sa ibabaw ko. Kung may makakakita siguro sa ayos naming dalawa iisipin ng mga iyon na may ginagawa kaming milagro.



Pareho kaming hindi nakapagsalita.



For a moment bigla nalang kaming natahimik. Nagkatitigan nalang kami. He’s eyes locked on mine. Hindi ko tuloy maiwasang titigan siya.



Ang gwapo talaga niya. Napakaamo pa ng mga mata niya. I wonder kung bakit pa siya nagawang ipagpalit ni Madz sa ibang lalaki. Eh na kay West na ang katangian ng isang “perfect” na lalaki.



Napansin kong tinititigan din niya ako. Dahan-dahang bumaba ang mukha niya sakin.



Syet!!! He’s going to kiss me.



Ewan ko pero imbes na umiwas at itulak siya palayo ay ipinikit ko pa ng tuluyan ang mga mata ko waiting for his kiss.



Malandi ka Queen!!!!



Sigaw ng pakialamera kong konsensya. Pero hindi ko iyon binigyang pansin. Mas gusto kong harapin ang isinisigaw ng puso ko.



Mahal ko si West.



Ramdam kong napakalapit na ng mukha niya sakin dahil tumatama sa mukha ako ang paghinga niya.



Pero bigla nalang umalon ng malakas dahilan para mabasa kaming dalawa ng tubig sa dagat.



“Ahhhh!!!” sigaw ko dahil basing-basa kami ng tubig.



Hindi pa naman kami nakapagpalit dalawa ng pampaligo.



Parang natauhan bigla si West dahil tumayo siya at inalalayan ako sa pagtayo.

A perfect gentleman.



Sayang naman oh! Makakahalik na sana ako eh.



Kamalas naman. Pesteng alon iyan ang ganda ng timing.

Nagulat nalang ako ako ng biglang tumawa si West. Nababaliw pa yata itong lalaking ito.



“anong nakakatawa?” asik ko sa kanya.



Naku!!! Pag ganitong bitin ako eh baka masapak ko siya.



Nakatawa pa ding binalingan niya ako.



“Ang gusto ko kasi magbabasa lang ako ng paa. Raramdamin ko lang ang lamig ng tubig. Pero ang saklap kasi buong katawan ko tuloy ang nabasa”



Ha? Ano daw? Magbabasa lang siya ng paa?



“anong ibig mong sabihin? Kaya ka pupunta sa dagat eh para basain ang paa mo?”



“Oo..para kasing ang sarap ng tubig. Malamig. Weakness ko pa naman ang tubig”



“hindi ka magpapakamatay?”



Parang naguguluhang napatingin siya sakin. Nakakunot pa ang noo.



“Magpapakamatay? Bakit naman ako magpapakamatay?” tanong ni West na para bang napakaignorante kong tao para isiping gusto niyang magpakamatay.



“sorry ah!!!” sarkastikong sagot ko. “nakita ko kasi na papunta ka sa dagat. At dahil broken hearted ka inisip ko na gusto mo ng magpakamatay. Sorry sa pagliligtas ng buhay mo!”



Kaasar naman oh napahiya pa tuloy akoeh gusto ko lang naman siya pigilan sa pag-aakalang magpapakalunod siya sa dagat.



Bigla nalang ulit tumawa si West. Nababaliw na nga yata.



“iniisip mong magpapakalunod ako sa dagat para magpakamatay dahil lang sa broken hearted ako?”



“oo..masama ba?”



“My Queen…kung gugustuhin kong magpakamatay which is napakaimposible hindi ako magpapakalunod sa dagat dahil magaling akong lumangoy. Pahihirapan ko lang ang sarili ko sa pagpretend na nalulunod ako. Nasabi nab a sayo ng kapatid ko na once na ako lumusong sa tubig walang makakapigil sakin? Captain ako ng swimming team nung college kami kaya imposibleng malunod ako”



Strike two na naman ako sa pagkapahiya. Asar talaga.



Wait…did he just called me “My Queen”???



Nemen!!!! Syet!!! Kinikilig ako.



Kaya sige kahit na napahiya ako eh kinikilig naman ako sa inawag niya sakin kaya okay lang.



“So ibig mong sabihin hindi big deal sayo ang break-up niyo?”



“impokrito ako kung sasabihin kong hindi big deal sakin yun. Syempre may part sakin na nasaktan din ako. Hindi rin naman biro ang tagal ng pinagsamahan naming dalawa. Pero ganun talaga. Wala na akong magagawa pa. kung tutuusin wala yung sakit na dinadanas ko sa pinagdaanan ni Aya kaya wala akong karapatang magreklamo. Kung ang kapatid ko nga nakaya iyon ako pa?”



Grabe naman. Ang bait naman niya yata ngayon. Hindi ako sanay na ganito si West. Nasanay ako na lagi siyang masungit sakin.



Ito ba yung talagang William Montreal?



Sabi nga ni Lieu si west ang pinakamabait sa kanila.



Sa totoo lang kung ako yung lokohin ng ganun baka sinumpa ko na buong lahi niya. Pero si West nagagawa padin niyang ngumiti na parang wala siyang pinagdaanan.



Lalo tuloy nadagdagan ang paghanga ko sa kanya.



“saka parang alam ko na dito rin sa break-up kami aabot. Kaya hindi ko na siya masyadong dinamdam. Para ngang nakahinga pa ako ng maluwag eh. Alam kong ganun din siya. Ramdam kong di na niya ako mahal. We just stick to the relationship dahil nakasanayan nalang namin.”



Tumayo na si West at pinagpagan ang short niyang kinapitan ng buhangin.



tara na baka magkasakit ka nyan. Nabasa ka pa tuloy.” Yaya ni West at iniabot ang kamay niya sakin upang alalayan akong tumayo.



Naninibago talaga ako kaya naman pagtayo ko eh agad kong sinalat ang noo niya.



Nagtataka man eh hindi umimik si West at hinayaan lang ako.



“wala ka naman lagnat pero bakit parang ang bait mo yata sakin ngayon?” nagtatakang tanong ko.



Natawa nalang si West at hinawakan ang kamay ko.



“bumalik na tayo sa bahay para makapagpalit ka na.”



Hawak pa rin ang kamay ko na naglakad na kami pabalik sa resort.



Nagtataka man eh hindi ko naman binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.



Ang sarap sa pakiramdam na hawak niya ang kamay ko.



It’s not the first time na nakipagholding-hands ako sa isang lalaki pero iba ang pakiramdam na hawak ni West ang kamay ko.



Napangiti nalang ako habang naglalakad kami pabalik sa bahay.



(^_^)



[Aya’s POV]



Pagbaba namin sa bahay eh hindi na naming sila naabutan. Ang sabi ni Yaya Miling eh nasa labas na daw silang lahat. Kaya naman sumunod nadin kami.



Natanaw naming nag-iihaw sina Vince at Lance ng barbeque kaya agad kaming lumapit sa kanya.



Napangiti naman sina Lance at Vince ng Makita kami.



“Hay naku mga lovebirds nandito na makaalis na nga at baka mainggit pa ako” sabi ni Avee at agad humiwalay samin ni Regine bago pa man kami makalapit kina Vince.



Agad kong kinintalan ng halik sa labi si Vince at yumakap sa bewang niya.

Napansin kong biglang nawala ang ngiti sa labi ni Lance pagkakita kay Regine.

Hahaha!!! I know it.!



“Sorry natagalan kami sa pagbihis ah” nakangiting sabi ni Regine at yayakapin sana si lance pero agad itong umiwas.



“Why?” nagatatakang tanong niya.



“Bakit ganyan ang suot mo?” nakasimangot na sita ni Lance kay Regine.



Tinignan naman ni Regine ang sarili niya.



“What’s wrong with my swimsuit?” takang tanong nito.



“Magpalit ka” utos ni Lance.



“bakit naman? Ayoko nga”



“magpalit ka!”



“eh bakit ba?!”



“tignan mo nga yang suot mo kulang nalang maghubad ka eh. Ayokong ibinibilad mo ang katawan mo sa madla.” Matigas na sabi ni Lance.



Napasimangot nalang si Regine. Natawa naman kami ni Vince.



“Eh bakit ba napakaunfair niyong mga boys? Gusto niyong makakita ng mga babaeng halos hubad na pero bakit kapag kaming mga girlfriend niyo ang nagsuot ng ganung damit nagagalit naman kayo.” Reklamo ni Regine.



“well Redj, who says life is fair?” nakatawang sagot ko sa kanya.



“ang daya talaga eh.”



“syempre..ayaw naman naming mabastos kayo kaya hindi naming kayo gustong makitang nagsusuot ng mga ganung klaseng damit.” Sagot ni Vince.



“Madaya kayo.” Nakasimangot padding sabi ni Regine.



“sige na Redj magpalit ka na wag mo nang painitin pa ang ulo ko” matigas na pahayag ni Lance.



“eh nakakainis naman kasi eh..feel na feel ko pa naman itong swimsuit na bigay ni Aya kasi feeling ko ang sexe-sexy ko dito tapos pagpapalitin mo lang ako.” Nagtatampong reklamo pa ni Regine.



Agad naman siyang niyakap ni Lance para amuin.



“Mahal ko…sexy ka na naman eh..di mo na kailangang patunayan pa yun okay? Saka syempre gusto ko ako lang ang makakakita sa katawan mo” pilyong sabi ni Lance at hinalikan pa talaga si Regine sa harapan namin.



Hay naku!!! Kaloka itong dalawang ito ah.



“sige na Redj sundin mo na si Lance..tama naman siya eh” pagsang-ayon ni Vince kay Lance



“eh bakit si Aya? Okay lang na magsuot ng sexy na swimsuit?”



Napatingin naman sakin si Vince.



“Ayan? Sinong nagsabing okay lang? hindi na niya tatanggalin yang sarong na yan sa katawan niya noh.”



“Oh? Bakit naman pati ako?”



Nadamay pa tuloy ako dito sa dalawang ito.



“Syempre naman babydoll akin kalang noh kaya hindi ako papayag na may ibang titingin sa napakasexy mong katawan.”



“halleerrr??? Eh nagmodel na naman ako ng undergarments sa Japan.”



Napasimangot tuloy si Vince sa sinabi ko.



“pasalamat ka at wala ako sa tabi mo ng mga panahong iyon dahil kung nagkataon hindi talaga kita papayagan”



“OA niyo ah..kung ako ang nagkaroon ng katawang tulad ng kina Aya at Regine naku ibabandera ko talaga sa madla yun.” Biglang singit ni Rhaffy.



“oo nga..di ba may kasabihang if you have it, flaunt it” segunda naman ni Ching.



Mukhang napagod sa paglalaro sa dagat itong dalawa kaya lumapit na din samin para kumuha ng pagkain.



“Anong if you have it, if you have it ka dyan Chinggay!! Tumigil ka nga noh hindi ko papayagan iyon. At ikaw..wala na dapat i-iikli pa yang short na suot mo okay?” sita ni Vince kay Ching.



“Oh come-on playing kuya na naman siya.” Pinaikot pa ni Ching ang eyeballs niya.



“mas matanda naman ako sayo kaya kuya mo ako. Isa pa inihabilin ka sakin ng tatay mo kaya pinayagan ka sumama sakin dito sa Tagaytay.”



“Whatever..tara na Rhaffy..baka sa banda doon may Makita tayong boys.” At hinila na nito palayo si Rhaffy.



“wag kayo masyadong lumayo ah.” Pasigaw na bilin ni Vince sa kanila.



“Sige na baka magkalimutan pa tayo..regina mahal ko magpalit ka na ng damit.” Pagtataboy ni Lance kay Regine.



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^