Wednesday, March 7, 2012

After All : Chapter 49

Chapter 49:
All About Love
[Aya’s POV]

Kasalukuyan kaming nasa boutique ni Vince na pag-aari ni Queen upang isukat ang damit na gagamitin para sa wedding nila Regine at Lance. Ako kasi ang maid of honor nila. Si West naman ang bestman.

“Wow…you’re so unfair” sabi ni Vince pagkakita sakin wearing the gown.

“Ha? Bakit naman ako unfair?” nagtatakang tanong ko.

“Kasi mas maganda ka pa sa bride eh..dapat di ka masyadong mag-ayos ah baka agawan mo pa ng lime light yung bride sa special day niya” nakatawang sabi nito.

Naiiling na nilapitan ko naman si Vince at kinintalan ng halik sa labi.

“Alam ko namang ako ang pinakamagandang babae sa paningin mo eh”

“Oo naman walang duda yun”

And he kissed me in the lips.

“Ehem!!!”

Sabay naman kaming napalingon kay Queen na eksaheradong tumikhim.

“Baka buhatin na kayo ng daga at langgam dyan sa kinatatayuan niyo.”

“Inggit ka lang Queen..nasaan ba si West”

“Ayun…busy-busyhan sa trabaho niya…di daw kasi siya tinutulungan ni Aya eh” nakasimangot na sagot ni Queen.

“Ako pa talaga ang may kasalanan ah”

“eh di ikaw nalang ang dumalaw sa kanya” suhestyon ni Vince

“ayoko nga…bahala sya dyan..kung namimiss niya ako sya ang pumunta dito”

“kaya pala mainit ang ulo niyo mam lately kasi di kayo pinupuntahan ng super gwapo at hot niyong boyfriend” biglang sabad ni Mitchie.

“Mitchie gusto mong mawalan ng trabaho?”

“naku mam sabi ko nga ikaw ang pinakamabait na boss sa balat ng lupa eh”

“ewan ko sayo magtrabaho ka na nga…Aya okay na ba yan sayo?”

“Yeah…tama lang naman eh”

Pagkatapos magpalit ng damit ay nagpaalam na kami ni Vince kay Queen.

“Sige Queen…mauna na kami”

“wag..bata pa kayo”

“Sira”

“Magdedate lang kayo eh”

“sige sabihin ko kay kuya idate ka naman para di ka high blood dyan”

“hay naku sabihin mo sa kuya mo Aya kapag di niya pa din ako niyayang makipagdate hanggang bukas magbreak na kami.”

“ang tapang ah..parang kaya”

“Hoy Vicente kaya ko yun noh!!! Kaya sabihin niyo kay West yun!!!”

“Anong sasabihin sakin?”

Bigla kaming napalingong tatlo sa nagsalita.

“ano yung sasabihin nila sakin My Queen?” tanong ni West sabay halik sa labi ng nobya.

“Ahhh..sabi ko sa kanila..sabihin sayo sa kailangan mafit mo na yung barong na gagamitin mo para malaman kung may adjustment pa”

Napangiti naman kaming dalawa ni Lance ng pandilatan kami ng mata ni Queen. Hindi rin niya talaga kayang magdemand kay kuya kahit gusto niya.

“Yeah…kaya nga pinuntahan na kita rito eh para maisukat ko na yung damit then we can go out”

Namilog ang mga mata ni Queen sa excitement.

“saan naman tayo pupunta?”

“it’s a surprise…masyado kasi akong naging busy lately kaya di na kita naasikaso..so to make it up to you I prepared a surprise for you..so tara na isusukat ko na yung damit para makaalis na tayo”

“Ohhhhh… I’m touch” sagot ni Queen at yumakap kay West.
“Baka naman buhatin na kayo ng daga at langgam niyan ah” panggagaya ni Vince sa sinabi ni Queen kanina.

“Oh shut up Vince”

Ayun naman pala eh…matutupad din ang date na gusto ni Queen.

“Sige..mauuna na kami” paalam namin ni Vince sa kanila.

“Okay…sige mag-ingat kayo…Vince ingatan mo yang kapatid ko”

“Oh sure….eh loves na loves ko ito eh”


++++++
[Queen’s POV]

Sa Pent house ng La Breeze ako dinala ni West pagkagaling namin sa boutique. Akala ko talaga eh matitiis niya ako. Napakaganda ng venue dahil tanaw ang magandang view sa labas ng bintana. May nakahandang champagne at candle light dinner.  Lahat ng lakaran ko ay napapaligiran ng petals ng rose.

“you prepared all this?” gulat na tanong ko sa kanya.

“Yup…pero tinulungan ako ni Aya at Vince sa pagseset-up”

Hinila ni West ang silya upang makaupo ako. Siya na din ang nagserve ng pagkain naming dalawa. Sobrang overwhelmed talaga ako. I didn’t expect that he would prepared all this for me. Kakuntsaba pa pala yung dalawa hindi nagsasalita.

Surprise nga diba???

Habang kumakain ay nagpapatugtog ng soft music si west bilang background namin.

“you’re so sweet” sabi ko sa kanya.

Hinawakan naman ni West ang kamay ko.

“You deserve the best.”

“thank you”

“I love you”

Dinner with candle light….romantic environment…soft music…

‘isn’t it the time you’re going to ask me to marry you?” biro ko sa kanya.

Bigla namang natawa si West.
“panira ka ng diskarte eh” at mula sa bulsa ng suot nitong coat ay inilabas ni West ang isang maliit na kahita.

Bigla namang nanlaki ang mata ko. I didn’t expect it. It was just a joke.

Oh My God!!! Is he going to propose to me?

Binuksan ni West ang kahita. Tumambad sakin ang isnag napakagandang singsing na may batong kasing laki ng monggo.

“I, William Montreal asking you…Queen Richelle Montealegre to spend all you’re life with me now and forever…will you marry me My Queen?” he asked sabay luhod hawak ang kamay ko.

Ako pa ba ang tatanggi??? Eh ito ang pangarap ko.

“Yes My King… I will marry you kahit sa lahat pa ng simbahan at Judge sa mundo.”


+++++
[Avee’s POV]

“Oh Eulysis anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong ko ng maabutan si Lieu sa bahay namin.

Mula kasi nung mangyari yung bridal shower ni Regine ay iniwasan ko na si Lieu. Hindi ko rin kasi alam kung paano siya haharapin after nun. Hindi ko alam ang nangyari pero nagising nalang ako na magkatabi kami sa kama at parehong walang saplot sa katawan. And all our friends were nowhere to be found. Since di pa masyadong maabsorb ng utak ko ang nangyari ay dali-dali akong nagbihis at iniwan si Lieu. Pero alam kong may nangyari samin dahil the red stain on the bed was the evidence.

“Iniiwasan mo kasi ako.di mo din sinasagot mga tawag at email ko kaya I decided na dito ka nalang abangan sa house.”

“what do you need? Bakit kailangan mo pa akong hanapin?”

“We both know na may nangyari satin that day although di ko sya masyadong matandaan at ganun ka din but it doesn’t change the fact na may nangyari ng gabing iyon”

“so what? It’s just a sex”

“I know you’re not the type of person who goes for a one night stand because you’re still a virgin”

“So eh ano naman? Matagal ko na ngang gusting i-rid yung virginity na yun eh”

“Kahit ano pang sabihin mo buo na ang desisyon ko…I’m going to court you again”
Para dun lang liligawan mo ako?”

“not exactly..pero kasama na din yun…sabihin nalang natin na that I’m still the grade school boy who can’t get over to his first love who happenes to be his first heartbreak”

Napangiti nalang ako. So he still remember that time.

“bahala ka…pero tandaan mo hindi kita crush ah”


++++++
[Rhapsody’s POV]

“Pwede ba kitang ligawan?”

Yun ang salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung anong sigaw o tili ang gagawin ko sa sobrang kilig ng tanungin ako ni Vaughn nung araw na ihatid niya ako sa bahay mula nung bridal shower ni Regine. Ikaw ba naman ang tanungin ng ganun ng gwapong gwapo at machong machong crush mo eh ewan ko lang kung di ka himatayin sa kilig.

“Hi Miss Prettyful…”

Speaking of crush. Nakatayo siya sa harapan ko ngayon at may hawak na bulaklak.

“bakit ka nandito?”
“Manliligaw”

“Seryoso ka ba? Baka naman trip trip lang yan ah”

“I’ve never been serious in my life ngayon lang maliban na nga lang sa paglalaro ng basketball. So when I asked you kung pwede ba akong manligaw eh seryoso ako nun”

“bahala ka nga” kunwari’y sabi ko pero kilig na kilig na ako.

“So okay na? Pwede na?”

“Oo na”

“Tayo na?”

“ha? Akala ko ba manliligaw ka palang?”

“hehe..baka makalusot lang naman eh”

Nagulat ako ng bigla siyang dumukwang mula sa counter area at halikan ako sa labi.

“pampabuenas..hehe…kita nalang tayo mamaya Miss Prettyful…practice lang ako” paalam nito at lumabas na ng computer shop.

Naiwan naman akong natulala sa ginawa niya. Wala sa loob na hinawakan ko ang labi kong hinalikan ni Vaughn.
Wait….he kissed me!!!

“Ahhhhhhhhh!!!!!!!!” sigaw ko sa sobrang pagkakilig.   “I LOVE YOU VAUGHN!!!!!!!!”


++++++
[Regine’s POV]

Day of the wedding….

Kinakabahan ako na excited. This is it!!!! Eto na ang araw na hinintay ko.

I slowly walk in the aisle with my parents beside me while my lovely groom was waiting at the end. Pakiramdam ko ito na ang pinaka matagal na Segundo ng buhay ko.

Nang maibigay ako ni Daddy at Mommy kay Lance ay napaiyak nalang ang daddy ko. I’m his only daughter kasi. But they know that I’m in good hands.

We faced the officiating priest to get married.

“Kung sinuman ang tumututol sa kasalang ito ay maari lang tumayo ngayon o habang buhay ng manahimik” tanong ni father.

Jusko naman kapag may tumutol dito ay ipapabarang ko talaga.

Wala namang tumutol kaya the ceremony started.

I cried when he finally said his vows to me and he also shed a tear when I said mine. Even the guests were moved in tears.

“Lance…do you accept Regine to be your lawfully wife? For better or for worse? For richer or for poorer? In sickness and in health?” the father asked.

“I do” he said as he looked at me lovingly.

“Regine…do you accept Lance to be your lawfully wife? For better or for worse? For richer or for poorer? In sickness and in health?”

“I do father”

Bakit pa ako tatanggi eh ito lang ang pinangarap ko sa buong panahong nakasama ko si Lance at mula ng makilala ko siya.

“I now pronounced you husband and wife..you may now kiss the bride.

Masigabong palakpakan naman ang ibinigay ng mga bisita as Lance kissed me lightly on the lips.


+++++
[JM’s POV]

After 7months….

“Ahhhhhh… Jake manganganak na yata ako!!!!!” tili ko ng maramdaman ko ang pananakit ng tyan ko.

Bigla namang napabangon si Jake mula sa higaan.

“Teka!!!! Wag muna” tarantang sagot nito at dali-daling nagbihis.

“Jake ano ba???!!!!!”

“eto na nga eh…. Manang!!!!!!”

Agad namang lumapit ang katulong samin.

“ilagay niyo na yung mga gamit ni JM sa sasakyan” utos nito.

“Ay ser manganganak na si Mam?”

“ay hindi!!!!... gagawa palang kami!!! Natural manganganak na diba?!”

“Jake!!!!!!!!!!”

Naramdaman ko kasing pumutok na ang panubigan ko.
Halatang natataranta na si Jake at di alam ang gagawin. Sobrang sumasakit na naman ang tiyan ko.
“Oh..my god…mukhang wrong timing pa yata ang dating ko.” Paputol putol na sabi ni Vince.

Napatingin naman ako kay Vince na bagong dating.

“Hi Vince..ikaw pala.” Nagawa ko pa din siyang batiin kahit na nananakit na ang tyan ko. “Jake ano ba?! Yung kamay mo nasasaktan ako.”

“Sorry sweetheart….buhatin nalang kaya kita…Teka teka…natataranta na ako”

“oh yeah? Eh mukhang kanina mo pa gustong magcollapse dyan eh.”

“of course not!!”

Pero halatang nagsisinungaling si Jake dahil namumutla na ito eh. Akmang bubuhatin ako ni Jake upang ibaba ng hagdan pero pinigilan siya ni Vince.

“Brhaw ako na….baka mamaya mahulog pa kayo eh.. mukhang nanlalambot ka na eh….buhatin kita ah”

“thanks brhaw,…nanginginig na nga mga tuhod ko eh….Manang lagay niyo na yung gamit ni JM sa sasakyan” utos ni Jake.

“Yes ser!!!!”

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^