Wednesday, March 7, 2012

A - Z Series : Amnesia

Amnesia


Genre: Drama, One-shot, Romance
Characters: Stephen, Aireen, Eirik, Matt, Charles, Doctor, Mommy, Daddy, Aira/Rosa




“Repressed memory…” Sabi ng doctor na pinakausap saakin ng parents ng ex-girlfriend ko na si Aireen.


“So ang tanging nakalimutan niya lang ay yung break-up namin? Ganun ba?” Letchugas naman! Galing ng fate! Talaga naman!


“Oo. Kasi yun ang pinaka-stressful na event na nangyari bago pa man siya maaksidente.”


“Stephen, nakiki-usap kami sayo. Masyadong fragile si Aireen ngayon. Kung bibiglain mo siya, baka mapatagal lalo ang recovery ng anak namin.”


“And what do you suggest? Mag-pretend na kami pa at mahal ko pa siya?”


“I suggest as her doctor that you help her first. Hindi nga makakabuti kapag dadagdagan mo ang stress ng ex-girlfriend mo. Don’t worry, kapag fully recovered na naman siya, then saka mo sabihin na gusto mo nang makipaghiwalay sa kanya.”


“Please Stephen. Ikaw lang ang makakatulong sa anak naming si Aireen.” Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang wala rin namang choice kaya pumayag na lang ako.


Girlfriend ko si Aireen for almost three years pero last week lang, nakipag-break ako sa kanya dahil… sabihin na nating hindi ko na siya mahal? Ewan!


I guess sa sobrang tagal na din kaya siguro na-fall out of love na ako.


Nawala na kasi yung thrill, wala nang surprises! Hindi na ako masaya, yung tipong gusto ko ng space. In short, wala ng spark!


Pero after that break-up, nabalitaan kong naaksidente siya, five days na na-comatose at nung pag-gising niya, okay naman siya agad! Except nga na nakalimutan niya yung mga nangyari nung araw na nakipag-break ako sa kanya!


Langyang yan! Ang hirap pa namang makipag-break! Pinag-practisan ko pa yung mga sinabi ko sa kanya noong nag-sabi akong ayoko na.


“Mallows!” Yung ang tawagan namin noong mahal ko pa siya. “Gusto ko nung apple!” At hindi nga niya naaalalang hindi ko na siya mahal!


“Heto oh.” Binalatan ko muna saka ko binigay sa kanya.


“Ano daw sabi nung doctor? Kelan daw ako lalabas? Wala naman akong masyadong sugat eh. At saka hindi naman grabe yung pagkabagok ko diba? Naalala ko pa nga kayo eh. Ano daw yung amnesia na sinasabi nila?”


“Ah… ano Aireen… alam mo kasi… nakalimutan mo yung ano… um…”


“Ano?”


“Um…” Biglang pumasok yung parents niya at yung doctor.


“Pwede ka na daw lumabas anak!”


“Talaga mommy! Yes!”


“Pero twice a month, kailangan mong bumalik dito sa hospital para sa check-up mo.”


“Okay po!!! Pero dok, ano po ba talaga yung amnesia na tinutukoy niyo? Parang wala naman akong naaalalang may nakalimutan ako eh.”


“Oh kitam mo, hindi mo maalala na may nakalimutan ka. Yan ang amnesia mo.” Nakakagulo naman ‘tong doctor ni Aireen! Pero yun nga, hindi daw dapat siyang madaliin.


Nung makalabas na ng hospital si Aireen, parang itinuloy niya lang rin yung buhay niya nang walang nangyaring masama. Hindi mo nga aakalaing na-aksidente siya at five days na na-comatose.


Minsan iniisip ko, baka naman nagkukuwarian lang itong si Aireen na nakalimutan niya yung break-up namin that day. Alam niyo na, kasi ganun niya ako kamahal kasi nga ang gwapo ko.




“Hay naku! Nakaka-asar nga mga pare! Kung kailan akala ko malaya na ako, saka naman nangyari ‘to!” Nakikipag-inuman ako ngayon sa mga ka-tropa kong sina Matt at Charles.


“Eh kelan ka daw ba pwedeng makipag-break ulit?” Si Matt yan.


“Kapag nagbigay na ng signal yung doctor.”


“Kelan nga?” Yan naman si Charles.


“Malay ko!” Tapos lumaklak na lang ako ng beer kasi bad trip na talaga ako!


Uminom ako ng uminom hanggang sa ma-bangag na ako at makalimutan ko yung problema ko tungkol kay Aireen.


“Oh Steep, hetong mga chikas!” Dakilang chickboy kasi ‘tong si Charles. “Pili ka na ‘bro, si Aira o si Lory o si Fhay?”


“Silang tatlo pare!”


“Isa-isa lang Steep! Tag-isa tayo!” Yun, nakipag-partner na nga kami sa mga babaeng hinila lang ni Charles sa ibang table. Sa kanya si Fhay, si Lory naman ay napunta kay Matt at ang babaeng pinartner nila saakin ay si Aira.


“Wala ka bang ibang pangalan ha?”


“Aira lang ang name ko. Bakit? Pangit ba pangalan ko?”


“Eh naalala ko sayo yung pangalan ng ex-girlfriend ko na girlfriend ko pa rin ngayon eh. *hik* Nakakaasar! Ikaw na lang si Rosa, okay lang ba?”


“Ex mo na girlfriend mo pa rin ngayon? Alam mo lasing ka na noh?”


Oo lasing nga ako pero alam ko pa rin yung mga nangyayari sa paligid ko. Ang flirt nitong si Rosa (Aira). Kung saan-saan gumagapang ang kamay niya. Syempre lalaki lang ako, pinagapang ko rin kamay ko! Hahaha!


Maya-maya nagkatitigan kami tapos napatingin ako sa lips niya kaya hinalikan ko siya agad. Hindi naman siya umangal, kaya yung simpleng halik, nauwi sa french kiss. Siguro nag-iinit na kami pareho kaya nag-aya na siyang pumunta na daw kami sa tahimik na lugar. Alam na kung ano ang gusto niya!


Nakaakbay na ako sa kanya at palabas na kami nung bar. Ni-hindi na nga ako nagpaalam kina Matt at Charles kasi busy sila kakalaplap sa mga babae nila.


Kaso pagdating namin dun sa sasakyan ko…


“Stephen?” Anong ginagawa ni Aireen dito? “Sino yang kasama mo?”


“Teka, siya ba yung sinasabi mong ex mo?”


“Anong ex pinagsasabi mong pokpok ka!” Tapos tinulak ni Aireen si Rosa. “FYI, girlfriend niya ako!”


Nagwawala na si Aireen at syempre hindi rin naman nagpatalo si Rosa. Nagkagulo na nga kaya naglabasan yung mga tao at napalabas na rin sina Matt at Charles.


“Uy pare, hindi mo ba sila pipigilan?”


“Tsk! Hoy tama na nga!” Hiniwalay ko si Aireen habang nakasabunot pa siya kay Rosa. Pagtingin ko pa sa kamay niya, ang dami nang buhok! Lagas ang ulo ni Rosa sa kanya, kawawa naman!


*pak!!!*


“Walang hiya ka! Nambabae ka pala! Sabi mo mahal mo ako? Sabi mo ako lang? Ano ‘tong ginagawa mo?”


“Hindi na kita mahal!!!” Na-direcho ko na lang bigla. Wala nang preno bibig ko eh. Dala na rin ito ng dami ng nainom ko kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko. “Alam mo ba kung ano yung nakalimutan mo ha? Nakalimutan mong nakipag-break na ako sayo kasi hindi na kita mahal!!!”


*pak!!!*


Aray! Ang tigas ng kamay niya kung makasampal! Matatanggal na yata panga ko eh.


“I can’t believe that! Hindi yun totoo!”


“Totoo yun! Hindi ako nagsisinungaling! I don’t love you anymore, Aireen! I’m sorry.”


“I hate you!!!” Tapos umiiyak na tumakbo si Aireen.


Napayuko na lang ako kasi parang na-guilty ako bigla. Kagagaling nga lang niya sa aksidente tapos ganito pa! Argh!


“Okay lang yan pare, at least nasabi mo na.”


Magso-sorry na lang ako kina tito at tita. Hindi ko talaga kaya eh. Hindi ko na kayang mahalin pa si Aireen.




Kinabukasan, dumalaw ako sa bahay nina Aireen. Gusto ko talagang mag-sorry kina tito dahil hindi ko sila matulungan sa anak nila. Kahit magalit sila, tatanggapin ko na lang. Agad naman akong pinapasok ng katulong nila at doon ko nakita sina tito at tita sa may living room nila.


“Ano bang nangyari. Umuwi siyang umiiyak kagabi. Nagkulong na nga lang siya at hindi na lumabas.”


“I’m sorry tito. Nakita niya po akong may kasamang babae kagabi.”


“ANO!?”


“At nasabi ko na po sa kanya kahapon na break na kami.”


Halata yung galit sa mga mukha nila. Okay lang kung ma-salvage nila ako ngayon. Alam nina Matt at Charles ang ituturong salarin kung sakali man kasi alam nilang nandito ako ngayon.


“Mommy? Daddy?” Nasa hagdanan naman si Aireen at pababa na siya. Napatingin siya saakin at napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.


“Walang hiya ka! Anong ginagawa mo dito? Yaya, ipalapa ang lalaking yan kay Brownie! Sunugin niyo ng buhay ang lalaking yan!” – Yan ang dialogue na inaabangan ko pero ang narinig ko…


“Mallows!!!”


“Mallows?”


“Pa rin?”


*Kiss and hug!*


Anong…? Bakit niya ako binabati ngayon? Bakit may kiss at hug pang kasali? Diba dapat sakal at kutos ang matanggap ko? “Wala ka bang naalala kagabi?”


“Ha? Ah… ang alam ko, hinahanap kita kagabi. Tapos naisip ko na puntahan ka dun sa bar na madalas niyong tinatambayan nina Matt at Charles. Tapos…”


“Tapos?”


“Nakatulog yata ako. Nagising na lang ako na nasa kama ako kanina eh. Ahahaha!” Ang inosente lang ng tawa niya. “Teka? Nasaan ka nga ba kagabi? Hindi kita matawagan nun eh.”


Nagkatinginan na lang kami ng parents niya.


“Anyway, nandito ka na naman na! Dito ka na rin mag-lunch, Mallows ha!” Ang saya-saya niya. Hindi niya naaalala na sinaktan ko siya kagabi… at two times na akong nakipag-break sa kanya.




Nung tinanong namin yung doctor niya kung bakit ganun…


“Sa tingin ko, after the accident…” chu-chu, blah-blah, “…kaya dahil doon, hindi na niya magagawa pang ma-recall ang lahat ng mga masasamang mangyayari na darating sa buhay niya…” blah-blah, chu-chu, “…and I’m afraid na maging permanent condition na yun ni Aireen.”


“Teka… so you mean na kahit ilang beses akong makipag-break sa kanya, the following day, makakalimutan niya lang rin?”


“I’m afraid, that will be the case.”


Anakngpucha! Ano yun? So yung mga pagpapanggap kong masaya pa rin ako sa piling niya, na kami pa, yun maaalala niya.


Pero once na saktan ko siya o makipag-break ako sa kanya, yun ang makakalimutan niya? Bakit naman ganun? Pahihirapan ako ng situation na ‘to eh! Ang saklap! Ang complicated masyado!


Pero hindi ako ganun kadaling susuko. The next day…


“I don’t love you. Break na tayo.”


*pak!*


“I hate you!”


The following day…


“Mallows!!!”


*kiss and hug… and more kisses.*


“May gusto akong sabihin sayo. I need space. Hindi na kita mahal.”


“Ha? Bakit biglaan naman yata?”


“I just don’t love you, I’m sorry.”


*pak!*


“I hate you!”


The following more days…


“Mallows!!! Oh my gosh! I miss you!!!”


“Break na tayo.”


“Huh?”


“May iba na akong babae.”


“Are you serious?”


“Hindi na kita mahal.


*pak!*


“How could you! I hate you!”


And the following more days…


Ganun lang din! I tried different ways of breaking-up pero paulit-ulit lang ang nangyayari. Sasampalin niya ako, sasabihan niya ako na she hates me then then the next day, she loves me again. Siguro more 50 times nang paulit-ulit na ganun.


Ano bang gustong palabasin ng author ng buhay ko! Lintek na yan! Ipakilala niyo siya saakin! Mapapatay ko siya! Argh!!!




“Eh di paulit-ulit ka lang makipag-break sa kanya.”


“Ginawa ko na nga! Kaso nakakalimutan niya nga lang rin!”


“Ay patay tayo jan! Pero come to think of this ha, kahit mahuli ka naman niyang may kasamang ibang babae, makakalimutan niya lang rin!”


“Oo nga noh! Hindi mo na kailangang magpalusot!” Kaso, katumbas naman nun eh araw-araw na sampal sa mukha.


“Hindi yun ang issue pare. Ayoko namang araw-araw siyang saktan, tapos I’ll get away with it dahil sa condition niya? Hindi kaya yun ng kunsensya ko.”


“So ano? Itutuloy mo na lang ang pakikipag-relasyon sa kanya?”


“Hindi ko na nga siya mahal!” Napakamot na lang ako sa ulo ko. “Kailangan kong makahanap ng paraan para tuluyan akong makipaghiwalay sa kanya na hinid niya nakakalimutan!”


“Eh sa tuwing nakikipaghiwalay ka nga, nasasaktan mo naman siya. Anong point? Makakalimutan niya lang rin.”


“Unless makagawa ka ng way na hindi siya masaktan sa break-up niyo.”


“Meron bang ganun? Painless break-up?”


Nanahimik kaming tatlo habang nag-iisip at tumatagay.


“Paano ako makikipag-break sa kanya nang hindi siya nasasaktan?”


Isip at tagay ulit.


“Yung hindi stressful sa part niya para naman hindi na sakop yun ng repressed memory niya.”


Wala ng maisip, puro tagay na lang.


“Waaaaaaahhhhhhhhhhh!!!” Bigla namang sumigaw si Matt kaya nabulunan kami pareho ni Charles. “Alam ko na pare!!!”


“ANO???” Pa-suspense effect pa ‘tong kumag na ‘to! Hindi na lang direchuhin!


“Kailangan siya ang makipag-break sayo!!!”


“Eh…?” Eh mahal ako nun, paanong siya ang makikipag-break saakin?


“Ah tama!!! Kapag siya ang nakipag-break sayo, hindi siya yung masasaktan kasi siya mismo ang tumapos ng relasyon niyo.”


“Hindi… hindi magagawang makipag-break saakin si Aireen! Mahal ako nun!”


Binigyan nila ako pareho ng matinding bigwas. “Ano ka ba? Ikaw lang ba may karapatang makipag-break?”


“Ganun nga kasi niya ako kamahal!”


“Eh di hanap tayo ng lalaking mas mamahalin niya.”


“Imposible.”


“Bakit ba kumukontra ka? Ano ba talagang gusto? Makipag-break o hindi?”


“Syempre makipag-break pero… pero hindi… mahal ako nun ni Aireen. Ako lang talaga mahal nun.” Ang yabang ko lang kasi totoo naman yun. “Imposibleng siya ang makipag-break saakin.”


“Hay naku, wag kang mag-alala pare. Leave this matter to us.” Tapos umakbay siya saakin. “Tutulungan ka namin this time for you to get rid of her completely.”


“Pwera na lang kung nagdadalawang-isip ka na ngayon.”


“Ako magdadalawang-isip? Hindi noh! Makikipag-break ako… I mean siya makikipag-break saakin! Ano ba plano niyo ha? Sige pag-success ‘to lilibre ko kayo at magse-celebrate tayo.”


Mataba rin talaga utak nitong mga kaibigan ko eh. At mukha namang matino yung planong naisip nila. Ang isa lang talaga sa pinangangambahan ko, kung magagawa nga kayang ma-inlove si Aireen sa ibang lalaki habang sa isip niya ay kami pa rin.


Pero ano ka ba Stephen! Dapat nga ipagdasal mo na mainlove na sa ibang lalaki si Aireen para siya na ang kusang-loob na makipag-break.




Nakapang-disguise kami ng mga kaibigan ko habang sinusundan na si Aireen. May date kami ngayon pero sa plano namin, kunyari hindi ako makakarating at saka na papasok yung nakuhang lalaki ni Matt. “Sigurado ba kayong matinong lalaki yung nakuha niyo?”


“Oo naman! May gusto kaya kay Aireen yun.”


“Ano? Sino yun? Bakit hindi ko alam yun?”


“Tumigil ka nga kakasigaw Steep! Kung makapagtanong akala mo totoong boyfriend ka pa rin.”


Nang makarating na sa meeting place si Aireen, saka na ako tumawag sa kanya na hindi na nga ako makakarating dahil may biglaan akong dapat na gawin.


Halata ko sa mukha ni Aireen yung pagkadismaya nung maputol na yung tawag namin at nung aalis na sana siya, saka na umeksena yung lalaking sinasabi nina Matt.


“Ay sorry.” Obvious naman na binunggo niya talaga si Aireen! Nagpacute pa talaga si mokong!


“Um… it’s okay.” Wahaha! Hindi siya pinansin ni Aireen!


“Wait… Aireen? Is that you?”


“Yeah… Do I know…” Tapos napatingin si Aireen dun sa lalaki. “Eirik?”


“Oh my gosh Aireen!!! Long time no see!!! I miss you!!!”


“Waaahhh!!! Ikaw nga Eirik!!!” Tapos nagyakap silang dalawa. Magkakilala na sila noon pa? Bakit walang nabanggit saakin noon si Aireen tungkol sa tukmol na Eirik na yun? Nung magkita sila, sobrang saya nila! Ewan ko kung bakit pero… parang… basta! Naaasar lang ako!!!


“Sino yung Eirik na yun ha? Paano niyo siya nakilala?”


“Ikaw ‘tong boyfriend hindi mo alam?”


“Si Eirik, kaibigan yan ni Aireen bago pa man kayo nagkakilala. Sa na-research ko sa mga kabigan ni Aireen, yang Eirik na daw na yan ay naging ka-MU  niya. Kaso dahil nagpunta siya ng States kaya hindi natuloy yung kwento nila.”


“Wala namang na-kwento saakin si Aireen tungkol sa kanya.”


“Syempre naman! Sino bang matinong girlfriend ang magku-kwento sa mga boyfriend nila about sa mga naging past nila noon na pwedeng pagsimulan ng away diba? Hindi ka naman siguro nagseselos, Steep. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.


Pinapanood ko lang sila Aireen at Eirik habang sila na yung nagde-date. Sinundan lang namin sila buong araw at kapansin-pansin kay Aireen na parang hindi man lang siya naba-bother na pwedeng tawaging panlalalaki yang ginagawa niyang pagsama kay Eirik.


“Oh pare… mukhang tutuloy tayo sa celebration nito ha! May spark pa rin dun sa dalawa eh. Parang muling ibalik! Ahahaha!!!”


“Yan pare ha, mababawasan na ang problema mo… o bakit parang hindi ka yata masaya?”


“Ha…?” Pasensya, lutang! “Masaya ako noh!  Masayang masaya!!!”


“Yown! In no time pare, maiinlove na yang si Aireen kay Eirik at makikipag-break siya sayo.”


Masaya ka nga ba Stephen? Masaya ka nga ba?


Nagdaan pa ang ilang araw at pagkakataon na hindi ko sinisipot yung mga pagkikita namin ni Aireen. At sa tuwing mangyayari yun, si Eirik ang sumusulpot at siya ang nakakadamay ni Aireen.


Masaya sila, halata naman sa mga mukha nila. Masaya si Aireen, yung parang tipong hindi niya ako naiisip.




“Mallows.” Sinundot ko bigla sa tagiliran si Aireen. Nasa bookstore siya ngayon at nagulat siya nang makita ako.


“Mallows! Nakakagulat ka naman! Anong ginagawa mo dito?”


“May kailangan kasi akong bilhin eh.” Wala talaga kaming planong date ngayon, nagkataon lang na nakita ko siya ngayon. “Sorry ha, this past few days lagi akong hindi nakakasipot sa mga date natin.”


“Ahh… oo nga eh. Nakakatampo ka nga eh. Pero okay lang. Busy ka sa work eh.” Nginitian niya lang ako at parang hindi naman talaga siya nagtatampo.


“So ano yun Mallows? Ganun na lang?”


“Ha?”


“Ngayon na lang tayo ulit nagkita? Wala man lang hug or kiss? Parang hindi mo ako na-miss ha?”


“Ahahaha! Ito naman, nagtatampo agad!” Tapos ni-hug at ni-kiss niya ako sa pisngi. “Namiss mo ba ako?” Sabi niya habang naka-cling ang mga braso niya sa balikat ko.


“Kailangan pa bang itanong yan ha?” Kinurot ko siya sa pisngi. “Tara, date tayo.”


“Now na?”


“Oo!!!”


“Eh hindi pwede eh.”


“Bakit?”


“Kasi… ano eh… um…”


“Aireen.” Bigla kaming napalingon sa boses na tumawag kay Aireen. Si Eirik? Napatingin ako sa kanya, at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting asar at galit. Ang epal eh!


“Ay Eirik!” Biglang lumapit si Aireen sa kanya at kumapit pa sa braso nito! Ang babaeng ‘to! Hindi na iniisip na nakikita ko sila! “Siya pala si Stephen, boyfriend ko.”


“Hi, nice to meet you.” Ito namang Eirik na ‘to, ang galing umarte! Nice to meet you daw! Eh kaya nga siya nandito at nakakasama ni Aireen ay dahil saakin at sa mga kaibigan ko!


“At Stephen, siya naman si Eirik. Kaibigan ko siya nung high school pa ako.”


Tinanguan ko lang siya at umiwas dun sa shakehands. “Bakit ka nga pala nandito?”


“Ha… ah… Aireen hindi mo ba nasabi sa boyfriend mo na may lakad tayo?”


Napatingin ako sa kanila. Kelan pa sila gumagawa ng sarili nilang lakad?


“Well, kung may lakad man kayo. Hindi pwede dahil nandito ako.” At hinila ko palayo si Aireen kay Eirik at naglakad kami paalis ng bookstore.


Hindi dapat ganito eh. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero hindi ko mapigilan na maasar. Nagseselos? Ewan! Basta ang alam ko, ayoko ng ganitong feeling.




“Ouch! Nasasaktan na ako Steep.” Sabi niya habang humihingal. “Aray ko… may paltos na yata paa ko.”


Pinaupo ko siya sa bench at tinignan yung paa niya. “Diba sabi ko naman sayo noon, wag kang magha-highheels.”


“Nakalimutan ko eh.” Kasama ba yun sa amnesia? “Ikaw naman kasi, bigla mo na lang akong kinaladkad! Nagselos ka ba kay Eirik ha?”


“Ako? Magseselos? Sa tukmol na yun? Hell no!” Tapos nilabas ko yung wallet ko at kinuha yung nakasiksik na band-aid dun.


“Wow! May stock pa rin pala ng band-aid sa wallet mo.”


“Syempre. Hobby mo kasing magkapaltos eh.”


Isa yun sa mga bagay na nakasanayan ko na. Dapat kapag magkasama kami ni Aireen, lagi akong may dalang band-aid kasi madalas niyang ireklamo na nagkakasugat siya sa paa kakalakad. Ewan ko ba kung anong meron sa paa niya o sa sapataos na sinusuot niya. “Oh yan! Tsinelas ka na lang muna ulit ha. Bawal heels o kahit na anong close shoes. Maliwanag ba? Kapag hindi ka nakinig, babangasan kita.”


“Opo Mallows!”


Tapos tumabi na ako sa kanya dun sa bench.


Hindi ko alam pero dapat pinagsawaan ko na ang mga ganitong bagay eh.


Hindi na ako dapat nage-enjoy na kausapin siya.


Hindi na ako dapat nage-enjoy na titigan siya.


Hindi na ako dapat nage-enjoy na pakinggan ang tawa niya.


Hindi na ako dapat nage-enjoy na kasama siya.


Kasi hindi ko na nga siya mahal.


Pero bakit nae-enjoy ko ‘to ngayon? It’s like… I’m falling for her again.


“Alam mo Mallows, these past few days, parang ang saya-saya ko palagi! Wala na akong maalalang panahon na nalungkot ako o umiyak ako after kong maaksidente.”


“Ayaw mo nun? Palagi ka nang masaya?”


“Masaya nga ako… pero parang…” Napayuko siya bigla. “Parang may kulang. Hindi ko lang maalala.”


“Yan yung amnesia mo. Repressed memory. Sinabi naman na sayo yun ng doctor mo diba?”


“Oo… na ever since that accident na hindi ko na rin maalala kung ano, lahat na ng mga stressful times na nararanasan ko, nakakalimutan ko daw pagkagising ko sa umaga. Alam mo kung minsan nga, nakakalimutan ko rin yung nangyari saakin sa buong araw eh. Kulang-kulang na yung past ko, Steep. I don’t feel complete anymore. Nakakaasar!”


“Sige maasar ka… makakalimutan mo rin yan bukas!” Nalungkot siya bigla sa sinabi ko.


“Ikaw ba may ginawa ka saakin noon na nakapagpalungkot saakin after nung accident? Now is the time for you to tell it.”


“Ayoko… magagalit ka lang.”


“Then what’s the point of you being my boyfriend? Baka mamaya, nahuli na pala kitang nambabae tapos nakalimutan ko lang!” At nag-pout pa siya. “Come on! Tell me Steep. Gusto ko lang makaalala ulit ng bad memories.”


“You’ll just get hurt.”


“It’s a part of living.”


“If you get hurt, you’ll just forget about it. What’s the point?”


“Then don’t make it too painful for me.” But everything I did to her was painful! Paano ko gagawing hindi yun painful. “Ganito, sa tuwing magsasabi ka ng isang bagay na nakalimutan ko, tatawanan ko lang! Iisipin kong joke lang yun. Sige na please! Gusto kong maalala yung mga nakalimutan kong malulungkot na bagay. Promise, lahat ng sasabihin mo, hindi ko didibdibin.”


Masyadong siyang mapilit, hihindi ako pero mamimilit lang siya. Kaya sa huli, wala akong choice kundi subukan itong naisip niya.


“Okay…” Inhale, inhale, inhale… exhale. “Hindi mo nawala yung bracelet na binigay ko sayo nung first year anniversary natin, tinapon mo yun sa kanal dahil naasar ka saakin noon.”


“Hwahahahahahahahahahaha!!!” Ang wagas ng tawa niya. Tuloy pa rin sya sa pagtawa, pinipilit niyang maging masaya at hindi na siya nagtanong pa kung bakit siya nagalit saakin noon. “Ano pa dali! Ahahahahahahahahahaha!!!”


“Yun muna.”


“Ha? Bakit?”


“Kapag bukas nakalimutan mo yung tungkol dun sa bracelet, ibig sabihin nag-aaksaya lang tayo ng oras. Pero kapag naalala mo yung tungkol doon, itutuloy ko ang pagpapatawa ko sayo.”


“Ay bitin! Pero sige… Payag ako jan Mallows!”




Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko pero umasa ako na sa pamamagitan nun, maaalala nga ni Aireen yung bad memory niya na yun. Para rin hindi na niya kailangan pang makipagkita sa Eirik na yun.


“Mallows!!!” Niyakap niya ako agad nung magkita kami kinabukasan sa usual meeting place namin. “Hindi ko nawala yung bracelet!!! Tinapon ko pala yun sa kanal dahil nagalit ako sayo noon!” Nanalaki bigla yung mga mata ko sa biglang bungad niya.


“Naalala mo yung sinabi ko sayo kahapon?”


“Oo!!! Naalala ko! Ahahahaha!” At tuwang-tuwa siya. “It turns out na yung bad memory na yun, wasn’t that bad after all! I can say malungkot ako dahil wala na yung bracelet saakin, pero masaya ako dahil naaalala ko na nalulungkot ako dahil doon! Na-gets mo ba ako Mallows?”


Napangiti ako bigla kasi naaalala na niya! Pero mas napapangiti ako dahil alam kong masaya siya sa kalungkutan niya. Ang weird niya noh?


Pero mas weird ako dahil ganito ako sa kanya.


“Kung ganun, alalahanin mo na rin na kaya mo tinapon yung bracelet kasi nakipag-break si Stephen sayo nung time na yun.” Napatingin kami pareho sa lalaking nagsalita nun. Ano na namang ginagawa ni Eirik dito.


“Ano na namang ginagawa mo dito? Umalis ka na!!!”


“No. Let him speak. Anong sabi mo Eirik?”


“I love you, Aireen.” Nanlaki ang mga mata ni Aireen sa biglaang confession ni Eirik. Hinawakan pa niya ang kamay nito at… “Matagal nang nakikipag-break si Stephen sayo dahil hindi ka na niya mahal. Paulit-ulit ka niyang sinasaktan pero nakakalimutan mo lang yun.”


“What?” Napatingin saakin si Aireen, nangungusap ang mga mata niya. Hindi niya kasi alam kung anong reaction ang uunahin niya. Yung pagka-flatter ba sa confession ni Eirik o yung pagkagulat sa katotohanang nakipag-break na ako sa kanya noon pa. “Totoo ba yun?”


“I’m sorry…”


Magbabago na sana yung reaction ni Aireen, na parang gusto na sana niyang umiyak pero pinigilan ito ni Eirik.


“No Aireen, look at me. I just said I love you.” Tapos ni-kiss niya bigla si Aireen sa lips kaya nagulat na naman ito at may sudden shift na naman sa reaction niya. “I can’t afford to make you sad right now because I don’t want you to forget that Stephen already broke your heart. Sumama ka saakin ngayon. Pasasayahin kita so you won’t have to forget everything that happened now.”


Hindi na nakapagsalita si Aireen at pumayag ito agad sa alok ni Eirik.


Tinignan ko lang sila na sumakay sa sasakyan at umalis. Saka lang nag-sink in sa utak ko na ito na siguro yun… ito na yung katapusan. Ito na ang talagang katapusan sa pagitan namin ni Aireen.




Isang linggo ang lumipas…


“Ang galing niyo talaga mga pare! Ang galing ng taong nakuha niyo! Sumama na talaga si Aireen sa kanya! Wala na kami! Tapos na yung saamin!”


“Tama na yan Steep! Ang dami mo nang naiinom.”


“Bakit? Diba nga kapag naging successful, magse-celebrate tayo! Tara tagay tayo!”


“Ilang araw mo na ring dahilan yan eh. Nagpapakalasing ka na kasi nasasaktan ka!”


“Hindi ako nasasaktan!!! Hindi!!!” Pero kahit anong pilit kong sabihin na hindi, at kahit ilang bote na ng beer ang naiinom ko, nararamdaman ko pa rin yung sakit! “Put@ngina naman kasi!!! Bakit kung kelan makikipaghiwalay na ako, saka ko lang nalaman na mahal ko pa rin siya!!! Put@ngina naman talaga!!! Bakit mas mahal ko pa siya ngayon?!?!”


“Tama na ‘pre!”


“Ang g@gu ko rin noh! Ang hirap kong intindihin. Pasagasa na rin kaya ako para paggising ko, makalimutan ko na ‘tong lecheng sakit na ‘to!!!”


Hindi ko alam na ganito pala kasakit. Ganito pala kasakit ang magselos. Yung feeling na yung mahal mo, iniwan ka na. Ganito pala yung nararamdaman ni Aireen everytime na sinasabi kong ayoko na.


Pero lugi ako eh! Siya nakakalimutan niya yung sakit! Paano ako? Dahil ba g@gu ako, habang buhay ko nang dadalhin ‘tong sakit?


Tumayo ako at kahit pagewang-gewang pinilit kong lumabas. “Uy pare, saan ka na naman pupunta?”


“Kay Aireen!!!”


“Lasing ka na pre!”


“Problema ba yun? Dalhin niyo ako sa kanya.”


Wala rin silang nagawa dahil kung papalag sila, pipilitin ko lang ring magdrive na mag-isa. At kung pipigilan nila ako, magwawala talaga ako.




“Aireen!!! Aireen!!! Lumabas ka jan, kausapin mo ako!!!”


At may lumabas naman pero hindi yun si Aireen. Yung mga magulang niya.


“Stephen? Dis-oras na ng gabi!”


“Tito… tita…” Lumuhod ako sa harapan nila. “Patawarin niyo ako dahil paulit-ulit kong sinaktan ang anak niyo. Pero please po, magpapakamatay talaga ako kapag hindi ko siya nakausap ngayon.”


“Nakainom ka ba?”


“Anong nangyayari?” Lumabas na rin yung talagang taong pinunta ko. “Stephen?”


“Aireen…” Lumapit ako sa kanya pero dahil parang umiikot ang ulo ko, natumba ako. Pero buti na lang nasalo naman niya ako. “Aireen…” Niyakap ko siya ng mahigpit.


“Amoy alak ka. Nakainom ka?”


“Aireen… ako muna pasalitain mo.” Pinilit kong tumingin sa kanya at kahit lango ako sa alak ngayon, alam ko ang mga gusto kong sabihin. Mas malakas pa ang loob ko. “Naaalala mo pa bang break na tayo?”


“Stephen…?”


“Naaalala mo na nga!” Halata sa itchura niya na alam na nga niyang matagal na akong nakipag-break sa kanya. Napaluha ako bigla, nakakahiya man pero hindi ko mapigilan eh. “Ibig bang sabihin nun, hindi na masakit ang hiwalayan natin? Bakit Aireen? Hindi mo na ba ako mahal ha? Pinalitan na ba ako ni Eirik sa puso mo?”


“Ano bang pinagsasabi mo Mallows! Kelan ka nakipag-break saakin? At tsaka si Eirik? Magkaibigan lang kami nun.”


Teka??? Ano daw? Hindi pa rin niya naalala na matagal na akong nakipag-break sa kanya? Ibig bang sabihin nun, hindi niya tinanggap si Eirik nung araw na yun at nasaktan siya sa mga nangyari noon kaya nakalimutan niya lang ulit.


Tapos blackout! Wala na akong maalala matapos ang gabing iyon.




“Nakwento nga ni Aireen yung nangyari sainyo nung araw na yun. Nagawa niyang maalala yung tungkol sa bracelet dahil nung pinaalala mo sa kanya yun, the experience was light. She was actually happy knowing what really happened.” Pinaliwanag saakin ng parents ni Aireen yung mga nangyari.


“Then that day happened. Nalaman ni Aireen yung tungkol sa break-up niyo and at the same time, nag-confess sa kanya si Eirik.”


“Then how come nakalimutan pa rin ni Aireen ang mga nangyari?”


“You don’t actually think na mapapasaya nga ni Eirik ang anak namin.” Kung ganun… “Sumama nga si Aireen sa kanya noon pero hindi ibig sabihin nun na tinatanggap niya ang pag-ibig ni Eirik sa kanya. At mas lalong hindi ibig sabihin nun na masaya siya to know about your break-up.”


“Masyado kang mahal ni Aireen, Stephen. Pero hindi naman namin kayang tiisin yung paulit-ulit mong pananakit sa anak namin dahil paulit-ulit kang nakikipag-break sa kanya. Sasaktan mo siya, tapos makakalimutan niya, tapos mamahalin ka niya ulit… at sa huli sasaktan mo siya ulit.”


“After that day, pinipigilan na namin siya na makipagkita sayo at dinadahilan namin ay dahil kami na ang tumututol sa relasyon niyo.”


“Pero tito, tita. Please give me another chance. This time I’m sure that I'm irrevocably in love with your daughter.”


“At ano Stephen? Kakalimutan na lang rin namin ang lahat ng sakit na binigay mo sa anak namin? Kung si Aireen, makakalimutan yun, kami hindi! Nung sinasaktan mo ng paulit-ulit ang anak namin, doble ang sakit ang nararamdaman naming mga magulang niya.”


“I beg you tito and tita.” Lumuhod na ako this time. “I can’t go on with my life without Aireen. Please, I’m going to die if you won’t let me love her again.”


Matagal silang sumagot… at alam kong I don’t deserve their kindness but I’m still hoping they would let me be with their daughter again. Nagkatinginan muna sila bago nila sinabi ang desisyon nila…


“Sabihin mo sa kanya ang lahat ng kasalanang ginawa mo, and we want you to help her remember it forever. Katulad nung ginawa mo para maalala niya yung tungkol sa bracelet. If after that,  pipiliin niyang patawarin at mahalin ka, saka ka rin namin bibigyan ng blessings.”


Nung marinig ko yun, abot-langit ang saya na naramdaman ko. Pero kasama nun yung kaba dahil kailangan kong ipaalala ulit kay Aireen ang lahat ng sakit na binigay ko sa kanya.


But this time… I know the only way to do.




“Ewan ko nga Mallows. Ano bang kasalanan na ginawa mo kina mommy at daddy at ayaw ka na nila para saakin? Ang weird.”


“Aireen.” I held her hand. “This place is dear so to us. Can you still remember the reason why?”


“Easy! This is the place where you confessed and where I agreed to be you girlfriend.”


Napa-smile ako at ganun din siya. “There’s more to that. Wala ka na bang ibang naaalala?”


“Hmmmm… wala na…”


Then a romantic background music started playing. It was our theme song.


“I want you to listen to me carefully… this place is the place where I broke you heart.” Halatang nagulat siya sa sinabi ko. “Nakipag-break ako sayo dito, August 27th of this year and after that, you were in an accident that permanently damaged your brain.”


I was talking to her, explaining slowly and gently. “Since then, you can no longer recall each and every sad memories, including our break-up and the other break-ups I did.”


Namumugto ang mga mata niya and I know this sounds crazy for her but it’s the truth.


“You caught me kissing and making-up with other girls. I broke your heart for a hundred times, I made you cry every night. But all that sadness and pain, nakakalimutan mo whenever you wake up in the morning.” I looked straight to her eyes, making sure she’s absorbing everything I’m saying. “And every morning after all your heartaches, you’ll come back to me as if nothing happened.”


Then I started to get a tight grip on her hands. “I’m sorry for everything I did. And if I have to spend the rest of my life apologizing for all the pain I gave you, I’ll be glad to live up with it.”


“So what now Stephen?” Her voice was shaky. “Is it over?”


“Yes.”


Then tears started to fall from her eyes. Alam kong masakit… alam kong masakit na naman yun para sa kanya. And if I let her feel this pain again, and then everything will be nothing.


“Yes, it’s over… but we’re not yet done.”


Saka ako lumuhod sa harap niya. I took something out from my pocket and she was stunned with what I’m holding in my hands right now.


“I’ve forgotten how special you are to me, that I thought I fell out of love with you. I maybe confused but it led me to understand one thing. Aireen, even if we already broke up, would you still let me be your husband?”


I showed her the ring and asked her again. “I love you more now so please be my wife Aireen.”


At ngayon mas maraming luha ang tumulo sa mga mata niya.


“Yes! Yes, I do.” Humikbi pa siyang um-oo.


I hugged her tightly, kissed her and wiped away her tears.


“Wag ka nang umiyak! Baka makalimutan mo yung ginawa kong break-up, tapos yung proposal tapos yung engagement natin!”


“Sira!” Binatukan niya ako. “That’s for hurting me.” Aww! Kaya pala sobrang sakit nun! “These are tears of joy! I will never ever forget about this day.”


Napangiti ako at niyakap siya ulit ng mahigpit.




Matapos ang gabing iyon, naalala pa rin naman lahat ni Aireen yung tungkol sa proposal ko sa kanya. Yung tungkol naman sa ginawa kong pananakit sa kanya noon…


*pak!*


“Aray! Ang aga-aga, nananampal ka! Ano bang ginawa ko Mallows?”


“Hehe… wala lang, naiisip ko lang kasi yung mga iba’t ibang break-ups na ginawa mo saakin noon.”


Opo, naaalala niya na rin yun. Successful yung ginawa ko eh. At ngayon alam na namin ang paraan para baligtarin ang medical condition nitong si Aireen.


Kung may isang bagay man daw na makakapanakit sa feelings niya, then we just have to make sure na pasayahin pa rin siya at the end of the day. Sabi nga ng doctor, yung makakalimot lang daw siya kung masamang memory ang dadalhin niya hanggang sa pagtulog niya.


So the only way to prevent her amnesia from happening is for me to stay by her side, love her, and assure that she's happy despite all the sadness that she had to face.


-The End-




13 comments:

  1. Yong Letter B!! Next!! hehehe!! MAkulet talaga ako..KSP!!

    ReplyDelete
  2. wooooww! nkktouch ung kwento ate!!!!!!!!!!!

    prang naiisip q ung 50 1st dates sa condition ni aireen, ung sknya lng, bad memories n ang nde nia kayng tandaan.


    kun aq ung paulit-ult n mkikipgbreak sken ung bf q, grabe iyak q tlga!!!!
    buti nmn at narealize p rin ni steep n love nia tlaga si aireen!!


    nice tlga ate!!!!!!!!!! ang ayus ng plot, originl and the best!!!!!!!
    aabngan q ung nxt oneshots!

    ReplyDelete
  3. natouch aq s katapusan! ang gnda!!!!!!!!!!

    gling ng short story n 2 ate!

    ReplyDelete
  4. napakaganda po nung short story n 2!

    -erica

    ReplyDelete
  5. natutuwa ako sa plot nitong story! kakaiba!
    yung ibang nakapost na titile dun sa series, mukha rin exciting!
    aabangan ko laaht yun!

    ReplyDelete
    Replies
    1. naiyak ako dun..Aireen? akala ko si Toni ng My Amnesia Girl haha

      Delete
  6. ~>angel is luv<~

    kayo po ang mayari nitong blog ate?
    ang galing galing niyo naman pong magsulat!
    grabe! naiyak ako dito! nakakatouch sobra!
    babasahin ko po lahat ng stories niyo.
    yun uunahin ko!
    napahanga mo talaga ako ate!

    ReplyDelete
  7. ..woooh..ganda po..grabe ibang klase ung plot..unique
    >aj..

    ReplyDelete
  8. ~~~~~~~~```ang cute... grabe

    ReplyDelete
  9. waahhh this is one great story love it <3

    ReplyDelete
  10. waahhh this is one great story love it <3

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^