Bipolar
Genre: Comedy, One-shot, Romance
Characters: Derrick, Richelle, Adviser, Doctor, Marco, Frank, Ara,
“Okay class, narito kami ngayon para i-announce yung scores na nakuha niyo sa naging test niyo kahapon.”
Isa-isang binanggit ng adviser namin yung scores ng mga kaklase namin. Natatawa na lang nga kami kasi parang joke lang yung test kahapon. Lakas-trip talaga ‘tong school namin kung minsan eh.
Pero actually, kabado na ako sa score ko dahil may kalokohan akong ginawa nung ni-take ko yung test.
“Miss Richelle Salonga.” Si classmate na katabi ko sa left side. Madalas siyang tahimik kapag nandito sa room, parang may pinagdadaanan palagi! “You scored 49 out of sixty.”
“Woooooaaaahh!!!”
Nagulantang naman ako! Ibig sabihin… “And Mr. Derrick Soriano, you scored 54.”
“Woooooaaaahhhh!!!? Si Derrick, 54 ang score?”
Napatayo na ako nung binanggit yung score ko. “There’s a misunderstanding ma’am! Hindi ko score yan.”
“Mr. Soriano, hindi mo naman dapat ikahiya kung ikaw ang nakakuha ng pinaka-mataas!”
“Hindi ko score yan! Promise ma’am!!! Kumopya lang ako kay Richelle nun!” Napatingin silang lahat saakin. “Promise! Kumopya lang ako sa katabi ko nun, kaya hindi ko score yan! I demand a second test!!!”
Sa lahat naman ng estudyante, ako lang ang ayaw magkaroong ng highest score. At sa lahat ng estudyante, ako lang rin ang umamin na nangopya ako sa katabi ko.
Wag na kayong magtaka, hindi naman kasi academic test ang pinag-uusapan eh. BIPOLAR SCREENING QUIZ yun test na kinuha namin!
Pinasagutan kasi kami ng isang test nung isang araw, eh tinatamad ako kaya kumopya ako sa katabi kong si Richelle. Matalino kasi yun kaya umasa na lang ako sa sagot niya. Hindi naman din lahat kinopya ko, yung ibang sagot, hula-hoops lang!
Nung pinasa na namin, saka lang sinabi na bipolar test nga lang yun. Linchak na yan! Eh kilala pa naman sa pagiging weirdo ‘tong Richelle na ‘to kaya masama na agad kutob ko na papasa siya agad sa pagiging bipolar!
Eh kaso ang malala tuloy niyan, bukod sa nakopya kong sagot mula sa kanya at sa bara-bara kong hulabira, ayan na! Highest tuloy ako!
Dahil sa test na ‘to, ni-require pa ng school namin na mag-attend kami ng mental health consultation sa health department every after class.
DAY 1:
“Kasalan mo ‘to eh! Bipolar ka pala. Bakit kasi binalandra mo yung sagot mo saakin? Yan tuloy pati ako nadamay mo!” Timang ka rin Derrick, ikaw ‘tong nangopya eh! Pero kahit na! “Hindi ako makatambay after class dahil sa bwiset na one-hour consultation na ‘to!” At magtutuluy-tuloy ito sa loob ng isang buwan!
“Well, sa score nating dalawa, ikaw ‘tong may serious symptoms ng bipolar disorder.” Bigla na lang siyang nagsalita eh tahimik lang ‘to palagi sa klase. “Euhahahaha!!! Saakin moderate lang! Ikaw malala! Euhahahahaha!!!”
“Huh?” Grabe… bipolar nga ‘tong babaeng ‘to! Ngayon ko lang siya nakitang tumawa! Ang seryoso niya lang kanina! Hindi mo aakalaing ganito siya. “Hala! Bipolar ka nga!”
Bigla niya akong tinitigan ng masama, kaya napalayo ako sa kanya. “Mas bipolar ka nga diba?”
“Kumopya lang ako nun sa sagot mo, tapos yung iba hinulaan ko lang talaga! Hindi ko sineryoso yun kaya ganun ang score ko.”
“Pfffft!!! Bipolar ka pa rin! Euhahahahahaha!!!”
Wuuuuuaaaahhh!!! Nakakatakot kasama ‘tong Richelle na ‘to! “Okay, Mr. Soriano and Ms. Salonga, tara na kayo sa office ko.”
Hay sa wakas may matinong tao kagaya ko na sumulpot! Nakakatakot na baka kapag nagtagal akong kasama itong si classmate, mahawa ako ng tuluyan sa pagiging bipolar niya!
At naku po!!! Isang buwan ko pa siyang makakasama sa consultation!!! Nakakatakot!!!
DAY 4:
After ng isang maikling lecture/speech/sermon/wateber, pinasagot lang kami ng abstract test nung school doctor. Pero dalawa lang kami sa loob ng kwarto ni Richelle.
Nagko-concentrate na lang ako sa pagsagot para matapos ko na ‘to agad kaso nadidistract naman ako sa pagha-hum ni Richelle. “Hoy! Tumahimik ka nga! Ang ingay mo.”
“Wag mo akong kausapin bipolar!”
“Ikaw ang bipolar! Tumahimik ka jan.”
“Lalalalala! Lalalalala! Lalalalala!!!” Hindi lang yata siya bipolar, autistic pa! Kapag sinasaway, lalong ginagawa! Ang lala ng sayad niya sa utak! Argh!
“Tumahimik ka na nga!!!”
Pagkasigaw ko, bigla siya tumahimik na parang natakot yata sa sigaw ko. Matagal kaming magkatitigan, pero nauna siyang yumuko. Tapos nanahimik na lang siya at ipinahinga yung ulo niya sa mga braso niya. Hindi ko na tuloy makita yung mukha niya.
“Uy, joke lang ha. Hindi ako galit.” Wala lang, baka kasi umiiyak siya dahil sa pagsigaw ko. Alam naman natin na ang mga girls ay over sa pagkasensitive. “Uy, Richelle…”
Hindi pa rin siya sumagot at maya-maya, narinig ko siyang nag-sniff. Umiiyak?
“Wag mo akong kausapin!!!”
“Eh di wag!” Hindi naman pala umiiyak.
“Ilang taon ka na?” Akala ko ba ayaw niya akong kausapin?
“Magkasing edad lang tayo… siguro… hindi ko sure ha...”
“Taon mo ang tinatanong ko. Hindi mo sure kung ilang taon ka na?” Ay oo nga pala! Ano bang nagngyari sa sagot ko ha! Shet! Nahawa na yata ako talaga sa sakit nitong si classmate eh!
“Ah… seventeen. Ikaw?”
“Seventeen din.” Matagal kaming nagtinginan.
Kahit mag-classmate kami at seatmates pa, hindi kami talaga nagkakausap ng babaeng ito. May sarili kasi siyang mundo! Kaya nga siguro nag-positive siya sa bipolar test na yun!
Ako naman ‘tong pasaway at gagu, sa dinami-dami ng pagkakataong mangongopya ako, yung time pa na nung test na yun mismo! Tapos sa kanya ko pa naisip mangopya!
“So, bipolar ka talaga noh?”
“Ikaw din. Severe ka pa nga diba.”
“Kumopya nga lang ako sayo nun.”
“Severe pa rin yung sayo.”
Natigil lang ang usapan namin nang dumating yung school doctor.
Hala naman! Hindi pa ako tapos dun sa pinasagutan niyang abstract test! “Ay… hindi ko pa po tapos. Dinaldal kasi ako nitong bipolar kong kasama eh.”
“Okay lang.”
“Okay lang na hindi ko natapos? Or okay lang kasi bipolar ‘tong kasama ko.”
“Okay lang na hindi mo natapos! Sige pwede na kayong umuwi ni Miss Salonga. Bumalik na lang kayo ulit dito bukas, ng ganung oras pa rin.”
Lumabas na kami para umuwi. Pero bago ako umalis, naghasik pa rin ng kabaliwan si Richelle. “Oy! Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng hindi mo pagtapos nung exam?”
“Ano?”
“Bipolar ka talaga.”
“Gusto mo ba talagang mabangasang babae ka!”
“Anong favorite food mo?”
“Fishball.”
“Kitam mo bipolar ka nga.” Fishball lang favorite ko, bipolar na agad?
“Hah???” Lintek na ‘to! Aasarin ako tas iibahin ang usapan! Tapos aasarin ulit ako! Nakakapuno na siya ha!
“You’re lacking concentration and may memory problems ka pa. Isa yun sa mga sinabi ni school doctor na symptoms of bipolar depression eh.”
“Kelan niya sinabi yun?”
“Kanina.”
Ampupu!!! Eh kanina hindi naman kasi ako nakinig talaga sa mga pinagsasabi ni doc bago kami nag-test! Bahala na nga siya sa buhay niya!
Umalis na lang ako agad bago pa man tuluyan akong masiraan ng bait na kausapin si Richelle.
DAY 8:
Dahil sa kalokohang bipolar test na yun at mga consultation every after class, hindi na tuloy ako nakakasama sa mga kaibigan ko! Napag-iiwanan na tuloy ako sa mga gimik nila! Asar talaga!
Bukod pa dun, feeling ko parang naa-isolate ako sa loob ng classroom! Letchugas na yan! Wala na halos pumapansin saakin!
“Uy!” Binato ako ng papel ng katabi kong si Richelle. Epal talaga ‘to! “Bakit hindi ka sumamang mag-lunch dun sa mga kabarkada mo?”
“Tinatanong pa ba yan? Dahil sayo! Dahil sa kinopya kong sagot sayo!”
“Ay! Irritability. Isa yan sa symptoms!”
“Hindi ako masayang kausap ka kaya wag mo akong kausapin! Pwede ba?”
“Helplessness, feeling sad and displeasure. Sintomas din yun!”
“Wag ka ngang makulit! Saating dalawa, ikaw lang ang bipolar!”
“Gusto mong kumain?”
“Wag mo akong idaan jan sa change topics mo ha! Hindi na uubra saakin yan! At saka wala akong gana.”
“Naku! Appetite problems! Nasabi rin yan ni doc!”
“Aissshhhh!!! Lahat na ng sintomas! Sige na! Nakakaubos ka ng energy kausap! Nakakapagod! Bahala ka na sa buhay mo!”
“Tsk! Loss of energy with physical and mental laziness. Severe ka pala talaga.”
Ay mahabaging langit!!! Tumayo na lang ako at umalis para iwan yung babaeng yun. Ubos na talaga pasensya ko kaso hindi ko naman siya pwedeng patulan! Baka ma-guidance pa ako!
Pero naman kasi ang kulit-kulit ng babaeng yun! Para siyang timang na nanggugulo at nambubwiset sa araw-araw! Langya naman!
Nakaka-depress na talaga ‘tong nagyayari sa buhay ko!!!
DAY 11:
Hindi na naman pumasok si Richelle kaya masaya ang buhay ko. Magti-three days na din. Tahimik. Walang gulo. Bawas epal sa mundo. Masaya!!! Pero… “Alam mo ba kung bakit hindi na naman siya pumasok ngayon?”
“Hindi po.”
“Ganun ba? Heto…” Tapos nag-abot siya ng mga papel saakin. “Pwede bang ikaw na magbigay sa kanya niyan on Monday kapag pumasok na siya? Kailangan kasing sagutan niya yang mga yan.”
“Ah sige po.”
“Salamat. End of this session na. Makakauwi ka na.”
“Sige po, salamat po.”
At paglabas ko ng room, “Bakit nga kaya ang tagal nang hindi pumapasok ng babaeng yun?” Hindi sa nag-aalala ako ha! Sabi ko nga, masaya ako pag wala siya dahil walang magulo!
DAY 14:
Ang aga-aga pagpasok ko sa room, nagkakagulo yung mga classmates ko. Actually, nag-grupo lang talaga sila dahil may pinagchi-chismisan sila.
Paglapit ko sa pwesto ko, nalaman ko na ang dahilan kung bakit chismisan mode itong mga kaklase ko. Present na ulit yung katabi kong bipolar kaso…
“Uy, pumasok ka na pala.” At napatingin ako sa magkabilang kamay niya. Nakabenda kasi yung dalawang braso niya. “Ano nangyari jan?”
“Pakelam mo?” Anak ng! Umagang-umaga, barado ako hah!
“Psh! Oh heto, pinabibigay ni doc.” At nilabas ko na lang yung mga papel mula sa bag ko. “Sagutan mo daw lahat yan. Pasa mo sa kanya mamayang session.” Pero nakaka-agaw atensyon talaga yung mga sugat niya. Hindi ko maiwasang titigan!
“Sasagutan ko lang ‘to?”
“Hindi, baka kakainin mo rin yung papel.” Pang-ganting bara lang! Hindi na niya ako pinansin pagkatapos nun.
After class dun sa mental health consultation, matagal na kinausap ng school doctor si Richelle. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero kitang-kita ko dun sa salamin na parang yung tinutukoy eh yung mga nakabendang mga sugat malapit sa pulso ni Richelle.
Nagulat na lang ako nung ni-check ng doctor yun at kitang-kita ko yung mga marka ng sugat. Teka… ibig bang sabihin nun, naglaslas si Richelle kaya siya hindi nakapasok ng ilang araw???
Bigla na lang tuloy napasok sa isip ko yung isang symptom na paulit-ulit na sinasabi saakin nung doctor. “It’s common na makapag-isip daw ng death or suicide ang isang taong may bipolar depression.” Hala ka! Ang lala pala talaga nung si Richelle!
DAY 18:
Lagpas kalahating buwan na rin kaming patuloy na umaattend ng medical consultation. Actually, after kong malaman yung tungkol sa suicide attempt ni Richelle, umiwas na muna akong makipag-asaran sa kanya.
Baka kasi yung pakikipagbarahan ko sa kanya, nakakadagdag ng mental illness niya. One time wala kaming homeroom teacher kaya tambay muna yung buong klase. Naiwan lang siya sa loob ng classroom namin kasi hindi ko siya nakikitang pakalat-kalat sa paligid.
Nakakakwentuhan ko pa rin yung mga kabarkada ko pero dahil nga sa hindi na ako nakakasama sa mga gimik nila, madalas nao-OP na ako sa usapan.
Dahil doon, naisipan ko na lang na bumalik na lang rin sa loob ng classroom namin. “Uy! Nag-iisa ka jan?”
“Bakit nandito ka?” Nakapatong lang ang baba niya sa dalawang kamay niya at nakatingin sa malayo.
“Wala lang. Naa-out-of-place ako sa mga kaibigan ko eh.”
“At isisisi mo na naman saakin?”
“Sana… kaso nakakapagod na manisi kaya hindi na lang.” Wala nang benda sa mga kamay niya, pero halata pa rin yung mga sugat niya. “Anong nangyari jan?” Tapos tinago niya mga sugat niya. “Totoo ba yung chismis?”
“Anong chismis? Ang dami nun eh.”
“Yung tungkol sa dahilan kung bakit ka nagtangkang mag-suicide? Dahil ba yun sa wala kang friends.”
“Hindi yun totoo.”
“Dahil ba sa palagi kang binu-bully?”
“Hindi rin.”
“Ah… e di nag-suicide ka dahil broken-hearted ka?”
“Hindi rin yun totoo.”
“Eh di nagsuicide ka dahil trip-trip mo lang?”
Natahimik siya at tumitig saakin. “Capital H-i-n-d-i. Hindi!”
“Anong dahilan?”
“Anong dahilan ang pinagsasabi mo? Hindi ako nag-suicide.”
“Hindi???” Hinablot ko yung mga braso niya at, “Eh ano ‘tong mga sugat na ‘to? Paano ka nagkasugat kung hindi ka nagtangkang magpakamatay?”
“Bakit ba gusto mong malaman?” Nakatitig pa rin siya saakin.
Doon ko lang napansin na may kakaiba pala sa kanya.
Yung mga mata niya, malungkot. Parang walang buhay.
Yung parang siya yung tipo ng tao na may mabigat na dinadala.
“Bakit gusto mong malaman? Ano bang pakelam mo?” Hindi ko nasagot. Oo nga naman! Ano bang pakelam ko? Pero… gusto ko talagang malaman eh.
“Bakit ayaw mong sabihin?”
“Siguro crush mo ako noh?”
O__________________O ???
“Ah… ang kapal mo!!! Hindi ha!” Napatayo na lang ako at binitawan ko na ang mga braso niya. “Paano naman ako magkaka-crush sa isang bipolar na tulad mo!”
“Eh di kung hindi mo ako crush, wala kang karapatan na alamin ang mga nangyayari sa buhay ko.”
DAY 21:
Aish! Napaka-boring naman! Nakakapang-hina! Hanggang ngayon, bwisit pa rin ako sa mga pinagsasabi ng babaeng yun! “Asar!!! Nakakaasar talaga!!!” At sa sobrang asar ko, pinagsusuntok at inuuntog ko yung ulo ko sa pader. “Kakairita! Bakit ba siya kasi iniisip ko!!! Argh!!! Baliw ka na yata Derrick!!! Baliw! Baliw!”
“Hala… nakakatakot na si Derrick.”
“Di kaya nahawa na talaga siya kay Richelle?”
Amputek na yan! Nakita pa tuloy ako ng mga classmates ko!
“Anong tinitingin-tingin niyo jan?” Tinatanong ko lang naman, nagtatakbo na agad sila! Psh!
Sakto napadaan naman si Richelle. Nagchuchupa-chups na lollipop! Ang lutang lang ng itsura niya. “Hoy!”
Tumigil siya sa harap ko. “Hoy ka rin!”
“Nakita mo?”
“Yung sinusuntok mo yung pader, tapos inuntog mo yung ulo mo, tapos nakita ng mga classmates natin, tapos tinakot mo sila kaya sila nagtatakbo palayo.”
“Oo na, nakita mo nga.”
“Lollipop, gusto mo?”
“Ayaw.”
“Eh di wag.” Tapos umalis na siya sa harapan ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
“…wala kang karapatan na alamin ang mga nangyayari sa buhay ko.”
“Hoy!” Nilingon niya ako at mas masama na ang tingin niya saakin. “Pupunta ka na ba sa consultation?”
Tumingin siya sa suot niyang relo. “Oo. Time na oh!”
I sighed. “Wag na. Takas tayo ngayong araw.”
“Ha? Ayoko nga!”
“Sige na, ngayon lang.”
“Ayoko. Tumakas ka kung gusto mo pero ako ayo…” Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil hinablot ko na agad yung kamay niya at itinakbo siya papalabas nung school.
Hindi na rin siya nakapalag dahil hindi ko siya binitawan. Dinala ko siya sa mall.
“Lagot talaga tayo! Hala! Anong gagawin natin bukas! Ikaw naman kasi! Bakit pati ako dinadamay mo sa kalokohan mo! Kapag tayo pinagalitan, ikaw talaga ang ituturo ko bukas!”
“Ganyan ka ba talaga hah? Hysterical ka masyado! Nandito na tayo eh, magsaya na lang tayo!” Nakatitig lang siya ulit saakin.
Ngayon ko lang napansin, ang ganda pala niya.
“Anong gagawin natin?” Ang haba ng mga pilik-mata niya. May dimples siya parang katulad nung kay Naruto. Tapos ang ganda ng pagkatangos ng ilong niya. “Hoy! Ano na bang gagawin natin?”
“Ha… ah… tara, nood na lang tayo sine. Tapos laro tayo sa Timezone” Putek? Ano ba yung pinag-iisip ko?
DAY 22:
Nagkasama kami kahapon sa mall, at doon ko lang nalaman na ang kulit palang kasama nitong si Richelle.
Walang tatalo sa kadaldalan niya. Ang expert niya sa barahan. Ang weird niyang kausap pero ang tindi ng sense of humor niya.
Sa totoo lang, never kong in-expect na matutuwa pala akong kasama siya. “Ayan, bilang parusa sa pag-skip niyo kahapon, dalawang oras kayo ngayon dito.”
“Opo!”
Sulat… sulat…
Siya?
Drawing… drawing…
“Uy? Bakit nagdo-drawing ka? Hindi ka magsulat?”
“Wala namang sinabi na mag-sulat diba?” Tapos tinitigan ko yung dino-drawing niya. “Ops! Bakit nangongopya ka na naman?”
“Pati drawing kokopyahin ko? Patingin lang ng ginagawa mo.”
“Ayoko nga. Mag-drawing ka ng sarili mo.”
“Psh!” Ayaw mo ha!
Hablot!
Kinuha ko yung papel na tinatago niya at nakita ko yung drawing niya. “Pffttt…” Putek! “Daig mo kinder sa drawing mo ha! Hwahahahahahahahaha!!! Ang panget, shet!!!”
*pak!*
Aray! Nasampal tuloy ako ng di-oras!
“Oy! Gusto mo tambay ulit tayo mamaya sa mall! Laro ulit tayo dun sa Timezone!”
Tumingin lang siya saakin.
Tapos ngumiti.
“Okay.”
Tapos yung puso ko…
Kumabog na naman ng malakas. Adik lang ako noh?
DAY 25:
Magkasama kami ngayong mag-lunch.
“Wow! Ang sarap naman niyan! Penge naman!”
“Al-al mo! Bumili ka ng sarili mo. Puro ka chupa-chups!”
“Ang damot mo! Penge!”
“Bleh!” At isusubo ko na sana yung pagkain ko kaso hinila niya yung kamay ko at siya ang kumain sa pagkaing hawak ko kanina.
“Hmm~Ang sarap!”
“Kadiri ka! Pati daliri ko na-shoot sa bibig mo! Nalawayan mo tuloy ako! Eww!”
“Ang arte naman! Daig pa bakla!”
“Sa gwapo kong ‘to, bakla! Hoy! Wala pang babaeng ang hindi nahuhulog sa sex appeal ko noh!”
“Bakit hindi ka pa nagkaka-girlfriend?”
“Nagka-girlfriend na ako! Naka-tatlo pa nga ako eh!” Totoo yun ha!
“Ibig sabihin nakahalik ka na rin?”
“Oo!”
“Eh bakit nandidiri ka pa sa laway?”
“Kasi laway mo yun! Pahalik muna!”
.
.
.
Teka.
.
.
.
Ano daw sinabi ko?
Ang tagal lang namin nagkatitigan.
“Uy! Joke lang yun.”
Tapos yung lollipop na nasa bibig niya, isinubo niya sa bibig ko.
Ang tamis lang.
“Oh yan. Indirect kiss tawag jan.”
.
.
.
“Bakit namumula ka jan? Kinikilig ka noh?”
.
.
.
Ilang sandali pa bago ako nakareact.
“Pweh! Kadiri ka talagang babae ka!”
“Late reaction! Nandidiri ka pa rin sa laway ko?”
“Mahahawa ako sa sakit mo eh!”
“Mas malala nga sakit mo. Baka sayo pa nga ako mahawa.”
*dugdug!*
Nakakaasar na babae! Ano ba ‘tong ginagawa niya saakin!
DAY 29:
Dahil nga sa outcast na kami sa loob ng classroom, kaming dalawa na lang ni Richelle ang palaging magkasama. Okay lang dahil yung mga kumag ko namang barkada ang unang tumalikod saakin eh.
Isa pa, aanhin ko ang maraming kaibigan diba? Masaya naman ako na kasama si Richelle eh. Masaya siyang kasama.
At oo nga pala, sa rooftop kami madalas tumatambay. Tahimik kasi dito, walang epal na classmates namin.
DAY 31:
Last day na ng medical consultation.
“Derrick!” Si Marco yan. Isa sa mga kabarkada ko dati. “Ngayon na yung end ng 1 month medical consultation niyo diba?”
“Oo…” Oo nga noh? Hindi ko na halos napansin na ngayon na pala yun
“Ibig sabihin niyan, makakasama ka na ulit sa tambay namin?” Si Frank naman yan. Isa lang din sa mga kabarkada ko noon.
Hindi ako nakasagot. Sila unang umiiwas saakin tapos ngayon mag-aaya sila? “Di ko sigurado eh.”
“Bakit naman 'pre? Wag mong sabihing may lakad na din kayo ng new found friend mo.”
“Si Richelle ba tinutukoy niyo?”
“Oo! Kayo na nga madalas magkasama diba?”
“Hindi ka na nga sumasama saamin kasi palagi kang nadikit sa babaeng yun.”
“Hoy! Eh kayo nga ‘tong umiiwas sa akin! Bugbugin ko kaya kayo!”
“Hindi naman kami umiiwas sayo! Ikaw lang ‘tong simula nung makasama yung classmate nating si Richelle, ang hirap mo nang pakisamahan!”
“Minsan nga iniisip namin, baka bipolar ka talaga!”
“Hoy hindi nga ako bipolar ha! Kumopya lang ako kay Richelle nung time na yun!”
“Eh, ang close niyo na kasi sa isa’t isa eh.”
“Kasi nga wala akong choice. Kesa naman sa mag-isa ako diba! Eh di pagtyatyagaan ko na lang na kasama si Richelle.”
“Hwahahahaha!!! Pero ‘pre, akala din namin kayo na eh!”
Kami na? Weh? Ganun ba ka-obvious? “Uy hindi ah! Hindi ako papatol sa babaeng yun!”
“Sabi nga namin! Oh pano, bukas may lakad ang grupo! Sasama ka na ulit?”
“OO NAMAN!” Ayun naman pala! Babalik din naman pala ang social life ko eh. “Sige bukas!”
At yung akala kong paglayo ng mga tao sa paligid ko, misunderstanding lang pala.
= = = = =
“Anong plano mo? Bukas back to normal na! Last day na ng medical consultation natin ngayon.” Tahimik lang siya. Ibang klaseng mood swing na naman! “Mamaya, lakwatsa tayo ulit.”
Oh sige Derrick! Para kang kumakausap sa estatwa!
“Oy Richelle! Nakikinig ka ba ha? Malungkot ka ba dahil last day na natin ‘to?” Nakayuko lang siya. I can see the sadness in her eyes again. At dahil doon, nalulungkot din ako.
Kelan ba ako nagsimulang mag-alala sa babaeng ito?
“Ayaw mo nun… hindi mo na ako kailangan pang pagtyagaan.”
“Ha?”
Kelan ba nagsimulang maramdaman ko ito…
“Narinig ko yun Derrick. Yung pinag-usapan niyo ng mga kabarkada mo.”
“Teka, nagkakamali ka! Meron kang hindi naiintindihan! Nasabi ko lang yun kasi...”
Hindi na namin natuloy yung pag-uusap namin dahil dumating na yung school doctor. Sabi niya, ibibigay niya saamin yung evaluation ng naging 1 month consulatation namin after one week. “So kailangan niyo magpunta dito next Monday.”
Habang nagsasalita yung doctor, hindi ko maiwasang tumingin kay Richelle.
Galit kaya siya? Anong gagawin ko? Hindi pwedeng mangyari 'to saamin!
= = = = =
Simula noon, hindi na ulit kami nagkausap ni Richelle. Iniiwasan na niya ako, hindi pa niya ako iniimik.
Magkatabi nga kami sa loob ng klase, pero feeling ko ang layo ng pagitan namin.
She was the usual loner kaya wala siyang mga kaibigan.
Samantalang ako, muling pinalibutan ng mga kaibigan pero sa totoo lang, pakiramdam ko ang lungkot-lungkot ko. Parang nag-iisa pa rin ako. nakakalungkot. May kulang sa puso ko.
= = = = =
“Derrick, birthday ko ngayon. Hindi ka pwedeng mawala sa party ko mamaya ha!”
“Syempre naman Ara! Hindi magpapahuli yang si Derrick. Matagal ka na kayang crush niyan!”
“Woooohooooo!!!”
“Oy! Tumigil nga kayo!” Sino nga bang lalaki ang hindi magkaka-crush kay Ara? Eh muse namin siya! Kaso… “Pupunta lang ako kung invite niyo din si Richelle.”
Napatingin silang lahat saakin. Tapos dun sa pwesto kung nasaan si Richelle.
“Sigurado ka ba Derrick?”
“Actually, we don’t think it’s a good idea.”
“Hindi ako talaga palagay jan kay Richelle eh. Ang weird kaya niya.”
“Nakakatakot pa ng ugali niya. Grabe ang mood swing.”
“Naalala niyo ba yung hindi siya pumasok ng ilang araw dahil sa nagbalak siyang mag-suicide! Nakakatakot talaga!”
“Baka mamaya hindi lang yung sarili niya yung saktan niya. Sa susunod, pati tayo masaktan na niya noh!”
“Grabe naman kayo!!!” Nakakapagsalita sila ng ganyan dahil hindi nila kilala si Richelle.
“Hindi magiging masaya kung magsasama tayo ng bipolar. What if guluhin niya ang party ko.”
Pagkasabi na ni Ara nun, nagulat na lang kami dahil nakatayo na pala sa likod niya si Richelle. Ang plain lang ng itsura niya, pero ang talas ng tingin niya.
“Don’t worry Ara. Wala din akong planong sumama sa party niyong mga plastik noh.”
“Plastic? Sinong tinatawag mong plastic ha?”
“Ikaw… at ang mga kasama mo.” Natigilan ang lahat. Pero mas natigilan ako nung huli siyang tumingin saakin. “Kasama ka na.”
Saka siya nag-walkout.
Pag-alis niya, samut-saring mura na ang mga pinagsasabi ng mga classmates ko tungkol sa kanya.
Kesho ang freak niya talaga. Mayabang. Bad trip. Outcast. Baliw.
Pero ang hindi nila nakita kanina, yung maluha-luhang mga mata ni Richelle.
“I wonder how did you survive staying with that girl during the past month. Naku talaga Derrick. Buti hindi ka nahawa sa pagka-bipolar ng babaeng yun.”
“Hay naku, nakakabad-trip talaga siya!!!”
“Anyway, pag-usapan na nga lang ulit natin ang tungkol sa party ko mamaya.”
Tumayo na ako this time dahil hindi ko na kaya ‘to.
“Derrick, saan ka pupunta?”
“Hindi ko na kayang makipag-plastikan sa inyo.”
“Uy pare! Ano bang pinagsasabi mo?”
“Tingin ko kasi, mas malala pa ang mga ugali niyo keysa kay Richelle.”
Hindi sila nakasagot sa sinabi ko.
“Ni minsan ba, nagawa niyo siyang intindihin? Hindi diba? Kaya anong karapatan niyong lait-laitin ang pagkatao niya?”
Nanlaki lang ang mga mata nila kaya nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila. Pero bago ko sila tuluyang iwanan, may pahabol pa ako…
“At di hamak naman na mas maganda at mas matalino si Richelle kesa sa kahit sinong babae dito ngayon!” Saka ko sila tuluyang iniwan.
Sinimulan ko nang hanapin si Richelle sa buong paligid.
Gusto kong humingi ng sorry dahil kinalimutan ko siya.
Pero hindi ko naman talaga siya kinalimutan. May sinigurado lang ako sa nararamdaman ko.
At gusto kong malaman niya na… “Richelle!”
Dito ko siya sa rooftop nakita. “Wag kang magpapakamatay!!!” Nakatayo kasi siya sa isang delikadong pwesto. Sa itsura niya, parang plano niyang tumalon.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Alam kong nalulungkot ka. Na minsan iniisip mong parang wala nang halaga ang buhay mo! Pero kapag ginawa mo yan, hindi ko kakayanin Richelle!”
“Anong sinasabi mo? Dun ka na nga sa mga kabarkada mo.”
“Hindi mo pa ba ako maintindihan? Hindi ko na sila kaya pang pakisamahan dahil may na-realize ako…” Kinakabahan ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Lalo pa dahil nakatayo sa nakakatakot na pwesto ngayon si Richelle. “Hindi ko na sila maituring pang mga kaibigan dahil sayo. Nasasaktan ako sa tuwing nagsasabi sila ng masasama tungkol sayo dahil… dahil…”
“Dahil ano?”
Huminga ako ng malalim. “Dahil naging mahalaga ka na saakin.”
“Kapag kumampi ka saakin, mawawalan ka ulit ng kaibigan.”
“Wala akong pakelam!!! Mawala na sila, basta ikaw wag lang ikaw ang mawala saakin!”
Hindi ko namang in-expect na mararamdaman ko ‘to eh.
“I love you.”
Saka na ako nakalapit sa kanya at hinablot na siya para yakapin.
“Aray! Ang higpit na ng yakap mo…”
“Paano naman kasi, nakatayo ka sa pwestong yun! Bakit ka magpapakamatay ha?” At hindi ko na rin napigilan na maiyak!
“Ha? Sinong magpapakamatay?”
“Ikaw! Balak mong tumalon diba? Ang suicidal mo kasi eh!”
“Suicidal ka jan! Nagpapahangin lang ako!” Tapos ang ewan na ng tingin niya saakin at bigla pa siyang natawa. “Teka, ano nga ulit yung huli mong sinabi kanina bago mo ako hatakin at yakapin?”
“Ha? Meron ba akong sinabi?”
“Meron.”
“Wala.”
“Meron.”
“Wala nga sabi.”
“Tatalon na talaga ako.”
“Sabi ko I love you!”
Bigla siyang ngumiti.
Bigla siyang ngumiti.
“Sabi ko na eh… sige na. I love you too na din!”
“Love mo rin ako?”
“Ayaw mo? Eh di wag.”
“Wala naman akong sinabing ayaw ko ha!”
= = = = =
Naging girlfriend ko po siya after that. Ayaw niyang magpaligaw eh. Gusto niya kami na lang agad. Astig din ng bipolar kong girlfriend noh?
After a few days, inilabas na rin ng health department ng school namin yung evaluation tungkol sa pagiging bipolar namin.
“Negative ka?”
“Sabi naman sayo hindi ako bipolar eh.”
“Eh bakit dun sa test mo noong una?”
“Trip-trip ko lang yun. Wala kasi ako sa mood nung sinagutan ko yung test.”
“Eh ano yung issue na palagi mong tendency na magpakamatay?”
“Chismis nga lang yun! Yung dati, nahulog kasi ako sa patay na halamanan nun kaya sugatan yung braso ko.”
“Ang weird mo kasi eh.”
“Weird lang pero hindi bipolar. Anyway, yung sayo naman yung basahin natin.”
.
.
.
O_________O
“Oh hindi!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ano ‘to!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Bakit positive?
“Sabi na, bipolar ka.”
Ganun pa rin yung result nung saakin! Severe!!! Ampupu!!! Lokohan na talaga ‘to!!! “Ayoko na!!! Gusto ko nang mamatay!!! Sobrang nakakahiya ‘to!!!”
“Kitams mo! Ikaw ‘tong suicidal eh. Ahahahaha!!!” Tinawanan pa ako! Anong klaseng girlfriend ba ‘tong si Richelle! “Okay lang yan Derrick, mahal pa rin naman kita. Tanggapin mo na lang na ganyan ka.”
Hindi nga? Bipolar talaga ako?
sobrng tawa q nmn d2!!!!!!!!! pngalan n nmn ni miz queen ang bida!
ReplyDeletekinilig nmn aq s knila ni derrick! ang kult tlga nla! lalo n dun s bipolar test nung umpisa. hahahahahahaahhha!!!
ikw nmn pla ang tlgang mei skit derrick! lels!!!!
sna nxt one-shot aq nmn ang bida!!!!!!!! jane ate! jane nmn ang name ng gurl!
hahahahhaha....nakakatawa...hahahha,,,kakakilig na nakakatuwa
ReplyDeletewow salyudo ako sayo derrick!!! hahahaha
nyahahaha...bwahahahah!!! ang dami kong tawa... Nung nabasa ko yung pangalan ko parang na-curious ako, kaya binasa ko...whahaha.... taraklis na yan, ang sakit sa tyan...
ReplyDeletegrabe, sobrang laugh trip ang mga hirit ni Richelle... baradong-barado si Derrick!!!
ang dami ko ring kilig...nyahahhaa..
ang dami ko ring natutunan sa pagiging bipolar... sa mga nasabing symptoms ng bipolar, feeling ko bipolar nga talaga ako!!! nampucha talaga...
kilig, tawa...lahat na!!! hahaha
ikaw kasi naisip ko habnag sinusulat ko 'to!
Deletegaling kasi ng mga hirit mo eh. >__<
ikw pla derrick ang bipolar eh! hwahahahaaaahhahahah!!! kk2wa lng tlga!!!!
ReplyDeleteang kukulit ng one-shot mu ate! ibng-iba nmn 2 dun s amnesia! excited n 2loy aq s next.
at feelng q, bipolar din aq!
nakangiti lang ako while reading this. ang kulit ng sagutan nila.
ReplyDelete..haha ktawa..ang kukulit nila..cute.
ReplyDelete>aj..
:))
ReplyDelete