Candy
Genre: Comedy, One-shot, Romance, Supernatural
Characters: Phoebe, Yoshua,
Drei, Lexus
Nagpunta
ako sa may pinakamalapit na mental hospital hindi para i-admit ang sarili ko
dun. Hindi ako baliw. Nandun daw kasi yung Red Cross at plano kong mag-donate
ng dugo. Maganda daw kasi sa katawan yun. At para naman makatulong ako.
Pagdating
ko dun, ayun, pina-direcho ako ng guard sa loob sa may second floor. Sinalubong
ako dun ng ilang nurse at doctor. Consultation daw muna bago malaman kung pwede
daw ba akong mag-donate ng dugo.
“Pakifill-up na muna itong form.” Sabi nung nurse.
May
ganito pa pala. Na-pwesto muna ako dun sa isang table malapit sa salamin. Dun
ko sinagutan yung form na binigay nung nurse. Pero habang nagco-concentrate ako
sa sinasagutan ko, may kumalabit saakin. Paglingon ko, “Miss may candy ka ba?”
Nanlaki
lang ang mata ko. Ke-gwapong nilalang kasi ang lumapit at nagtanong saakin kung
may candy daw ba ako. Ako naman kumapa pa sa bulsa kahit na alam kong wala
naman talagang baon na candy. “Ay wala eh.” Sayang naman!
“Ah… amoy candy kasi sa
banda rito.” Napakunot tuloy ako ng noo. So
ako yung amoy candy? Ang gwapong sira-ulo naman nito! Na-turnoff
naman ako! Sayang ang ka-gwapuhan niya! Bangag lang! Hindi ko na siya pinansin
after nun.
Tinawag
na kasi ako ng doctor. Tinimbang muna nila ako at kung anu-ano pang chuchu bago
nila i-approve na ready ako for blood donation. Then pinahiga na nila ako sa
isang kama. Kumportable ako dun habang tinuturukan ako para kuhaan na ako ng
dugo.
“Relax ka lang ha.” Sabi nung doctor. “Babalikan
kita mamaya.”
“Okay po.” Pag-alis nung doctor, ako na lang mag-isa dun sa cubicle.
Syempre,
nakatingala lang ako sa may kisame habang naghihintay. Kaso naagaw naman ang
atensyon ko dahil may napansin akong taong nakasilip.
Yung
lalaking pogi na naghahanap ng candy! Nakatitig lang siya saakin kaya
nako-conscious ako. Lakas siguro ng tama niya saaken. Hindi kaya crush niya ako?
Kapal ko lang din noh! Sa gwapo niyang yun!
Anyway,
kahit gwapo siya at kahit pa sa crush niya ako, nakakatakot yung ginagawa niya.
Iniharang ko na lang yung kurtina para hindi ko na siya makita.
Matapos
kong mag-donate ng dugo, tinanong lang ako ng doctor kung nahihilo daw ba ako
or medyo sumama ang pakiramdam ko. Sabi ko naman, okay lang ako. Binigyan niya
ako ng certificate sa participation sa program nila.
“Wala po yun. Basta po
makatulong ako kahit papaano sa mga pasyente niyo.” Ang rewarding ng feeling pagkatapos nun. Umuwi na rin ako
agad kesa tumambay pa dito sa mental hospital diba?
Kaso
nung nasa hallway na ako… nasalubong ko ulit yung lalaki! Ang creepy na talaga
niya! “Phoebe…”
“Teka! Paano mo nalaman
pangalan ko?”
“Nabasa ko dun sa form na
sinagutan mo kanina.”
“Hanggang ngayon ba
naghahanap ka pa rin ng candy?”
“Hindi. Nandito ako para ayain
ka…” Aayain niya akong mag-date?
Grabe, ang ganda ko lang talaga ha! “Aayain sana kitang magpakasal. Be my bride and let’s
live together.”
.
.
.
Alam mo yun? Yung puro tuldok lang talaga yung nasa isip ko pagkasabi na pagkasabi niya nun. KASAL? Ako, BRIDE niya? KAMI, magsasama?
.
.
Alam mo yun? Yung puro tuldok lang talaga yung nasa isip ko pagkasabi na pagkasabi niya nun. KASAL? Ako, BRIDE niya? KAMI, magsasama?
“Hoy lalaki! Umamin ka
nga? Pasyente ka dito sa mental hospital noh?” Hindi nga malayong mangyari yun. “Tigilan mo ako, papahuli kita sa guard.
Sige na, bumalik ka na dun sa ward mo habang mabait pa ako.”
Naglakad
na ako palayo at nakikita ko na ang labasan. Kaso naramdaman kong hinawakan pa
ako nung poging baliw sa may kamay ko, tapos nilanghap pa niya yung sugat ko.
Yung pinagturukan kanina nung doctor para kuhaan ako ng dugo. “A… Ano ba?!?”
“Sige na naman Phoebe…” Yung itsura niya, nagmamakaawa na parang gutum na gutom. “Seryoso ako. I
need you to be my bride. I need your blood so I can still live… and feed.”
.
.
.
Sunud-sunod na tuldok ulit. Live? Feed? Blood? “Nagpapatawa ka ba? Kailangan mo ako para mabuhay ka. At kailangan mo ang dugo ko para makakain ka? Ano ka bampira?” Ang sarcastic kong tanong. Nakakaasar na siya eh. Kahit baliw, pinatulan ko na dahil nakakabwiset!
.
.
Sunud-sunod na tuldok ulit. Live? Feed? Blood? “Nagpapatawa ka ba? Kailangan mo ako para mabuhay ka. At kailangan mo ang dugo ko para makakain ka? Ano ka bampira?” Ang sarcastic kong tanong. Nakakaasar na siya eh. Kahit baliw, pinatulan ko na dahil nakakabwiset!
“If I say yes, would you
say yes too?”
“No.” Nakakatakot na talaga siya! Iba na talaga ang mga gwapo
ngayon! Kung hindi bading, mga baliw!
“Sige na naman please!”
“I said no!” Sinipa ko na siya at nagtatakbo na. Alam ko ngang
nakasunod siya pero iniisip ko naman na pipigilan siya ng mga guards kasi diba
mental patient siya. Kaso hindi. Nakasunod siya saakin hanggang sa may sakayan,
ang bilis pa niya!
Nakahinga
lang ako ng malalim nang makapara ako agad ng taxi. Mabilis itong nagpaandar
dahil yun yung sinabi ko. Nakita ko naman siya sa may salamin na nakatanaw na
lang dahil hindi na siya nakasunod saakin. Siguro naman hindi na niya ako
masusundan.
Pagkauwi
ko sa bahay, dumirecho ako sa kusina para uminom ng isang basong tubig. Nauhaw
ako dun ha! “Grabe
napagod ako nun…” Ikaw ba naman kasi kagagaling mo pa lang sa
pagdo-donate ng dugo tapos para kang makikipag-marathon sa isang baliw.
Hay,
erase that memory na nga lang! Dinala ko yung baso at pitchel ng tubig dun sa
living room para makahilata ako sa sofa at dun na muna ako magpapahinga.
Kaso
ipapatong ko pa lang sana sa side table yung mga dala ko, nakita ko yung
gwapong mental patient at nandito na siya sa loob ng bahay ko. “Phoebe…”
Sa
gulat ko, nabitawan ko yung baso pero mas nakakagulat ang sumunod na nangyari.
Sa isang iglap kasi, nakalapit saakin yung lalaki at nasalo niya yung baso sa
mismong harap ko.
“Kyaaaaaaaaaaaaaah~!!!” Naibuhos ko tuloy sa kanya yung tubig dun sa pitchel na
hawak ko tapos binato ko rin sa kanya yun pero parang hindi man lang siya
nasaktan. “Paano
ka nakasunod saakin? Paano ka nakapasok sa bahay ko? Sino ka ba talaga?
Ahhhh~!!!”
Sabay
tinakpan niya ang bibig ko. “I already told you, I need you to be my wife.”
Hindi lang siguro baliw ang lalaking ‘to. Psychotic…? Rapist…? Serial Killer…?
Ow no!!! Gusto ko pang mabuhay!!! “I’m Yoshua at katulad nga ng hula mo kanina, I’m a
vampire.”
“Hmmm…?” Nanginginig lang talaga ako! Ni-corner pa niya ako dito
sa may gilid habang nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig ko.
“Wag kang matakot kasi!
Hindi naman kita sasaktan. Tatanggalin ko na ang kamay ko ha, pero wag kang
sisigaw.”
Tumango
naman ako kaya tinanggal na niya ang kamay niya kaya, “AHHHHHHH!!! TULUNGAN NIYO PO AKO MGA
KAPIT-BAHAY!!!” Agad akong tumakbo papunta sa pintuan pero ang bilis
niyang humarang.
“Ikaw! Makulit ka!”
“Ano ba kasing kailangan
mo saakin! Baliw ka!!! Baliw!!!”
“Hindi ako baliw. I’m telling
the truth.” Tapos humawak siya sa
dalawang braso ko and he showed me his teeth. And just seconds later, biglang humaba yung dalawang ngipin niya at naging pangil.
Ow.
My.
Gawd.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah~!!!” Sinong normal na tao ang hindi magpapanic! “ASWANG~!!! ASWANG KA!!! Wag mo akong kainin!!! Bata pa ako!!! Marami pa akong pangarap!!!”
My.
Gawd.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah~!!!” Sinong normal na tao ang hindi magpapanic! “ASWANG~!!! ASWANG KA!!! Wag mo akong kainin!!! Bata pa ako!!! Marami pa akong pangarap!!!”
“Bampira nga ako sabi! At
hindi kita kakainin. Pwede ba kumalma ka kahit sandali lang. Pakinggan mo ako,
please?”
Pagbigyan
na nga natin. Napaupo na ako sa sofa at natabi siya saakin at ikinuwento ang
tungkol sa pagiging bampira niya. At habang nangyayari yun, syempre hindi pa
rin ako kampante noh! Mahirap na, baka mamaya sakmalin na lang niya ako bigla.
Pero
habang nagsasalita siya, ramdam ko naman na parang harmless naman ang lalaking
‘to. Kasi nga diba kung talagang gusto niya akong saktan at biktimahin, kanina
pa sana niya ako pinatay.
“So… you were about to die but there’s this one vampire na kinagat ka to make you just
like him. At binigyan ka niya ng chance to live again.”
“Oo.”
“Pero may palugit naman
siya na one month lang para makahanap ka ng bride dahil kung hindi, babalikan
ka ng ibang mga bampira para patayin.”
“Ganun na nga.”
“Eh bakit?”
“Yun kasi ang sacred law
ng lahi nila. For more than hundred years of hiding their existence, ang bawat
bampira ay kailangang magkaroon ng isang partner at yun na ang makakasama nila
habang buhay. Yun na yung permanent blood supply nila. Ginawa nila yun para makaiwas sa mas malaking krimen at para
hindi makapambiktima ng mas maraming tao ang mga kalahi nila. Kapag hindi
nakahanap ang isang bampira ng willing partner, syempre magugutom ito at hindi
maiiwasan na umatake ng ibang tao. Ito ang iniiwasan ng buong angkan nila kaya
papatayin nila ang mga bampirang ito.”
“Bakit naman ako ang
napili mong bride?”
“Kasi amoy candy ka. Ang
bango ng dugo mo.” Napaatras tuloy ako
sa takot. “Pero
wag kang mag-alala, hangga’t hindi ka willing na maging bride ko at ayaw mong
magbigay ng dugo saakin, hindi kita pipilitin.” At nakahinga ako ng
malalim. “Kahit
pa gutum na gutom na ako.” Ow no ulit! Paano kung hindi siya
makapagpigil?
“Ah… Yoshua. Baka naman
pwedeng maghanap ka na lang ng ibang bride. Ayokong maging bampira na tulad mo.
Ayoko ng dugo! At hindi ko yata maiiwan ang mga pagkain ng normal na tao.”
“Hindi ka naman magiging
bampira kapag naging bride kita. You will remain as a human pero immortal
lang. I just want your blood.”
“Ang sama mo naman! Bakit
ako pa ang kailangan mong maging supplier ng dugo! Baka ma-anemic naman ako
nun.”
“Hindi ko naman uubusin
ang dugo mo. Once a month lang naman ang pagkain namin ng dugo eh.” Ayoko pa rin ng gusto niya! “At tsaka… hanggang bukas na lang kasi ang
palugit ko.”
“Ha? Agad- agad? Hindi ba
pwedeng mag-isip muna ako? Baka naman pwedeng i-extend yan!”
Hay!!!
Ano bang ginawa ko at napasok ako sa ganitong gulo? Porket ba nag-amoy candy
lang ang dugo ko? Nakakainis naman! Pero sabi nga niya, hindi naman daw niya
ako sasaktan kahit pa humindi ako.
Ang
hirap kaya ng gusto niyang mangyari! Syempre kapag pumayag ako dun, eh di
parang nagpakasal na rin ako sa kanya! Kasi nga sabi niya habang buhay na
kaming magsasama!!! Eh kakikilala pa nga lang namin!!! At hindi ko rin siya
mahal!!!
Grabe!!!
Hindi ako nakatulog ng maayos! Yung idea pa lang na may kasama akong iba sa
isang bahay. At bampira pa siya na nagugutom para sa dugo ko! Pero hindi naman
niya ako inatake habang tulog ako.
Pagbangon
ko inimagine kong panaginip lang yung nangyari pero syempre ang korni ko na nun.
Nakita ko pa rin kasi si Yoshua at nakatayo pa siya sa my gilid ng lamesa. “Good morning~!”
“Hwah!” Nagulat na lang ako nang marami nang nakahandang
pagkain! “I…
ikaw ba ang nagluto ng lahat ng yan?”
“Oo. Bilang pasasalamat sa
pagpayag mo na mag-stay dito sa bahay mo.”
“Kagabi lang yun! Hindi pa
ako pumapayag na dito ka mag-stay forever.”
Bigla
siyang nalungkot pero, “Okay lang. Sige kain ka na.”
Naupo
na ako at tinikman na yung almusal na niluto niya. At infairness sa poging ‘to,
ang sarap ng luto niya! “Ang sarap!!! Ikaw ba talaga nagluto nito? Paano mo
nagawa yun eh diba wala ka nang panlasa?”
“Tinancha ko lang.” He smiled looking at me while I’m eating. Pero ang
nakaagaw sa attention ko, yung pagtitig niya sa leeg ko tapos napalunok siya at
parang gutum na gutom na talaga siya.
Napansin
niya yata na na-conscious ako dahil dun kaya umiwas siya ng tingin saakin at
tumayo na. “Oh
paano, enjoy mo lang yang almusal mo. It’s really nice to meet you Phoebe.”
“Aalis ka na?”
“Oo. May konting oras pa
naman para makahanap ako ng ibang bride.”
Naawa
naman ako sa kanya pero hindi ko naman siya nagawang pigilan pa sa pag-alis
niya. Mag-isa na lang ulit ako dito sa tinitirahan kong bahay at tahimik kong
inubos yung almusal na hinanda niya para saakin.
Buong
araw lang na gumugulo sa isip ko yung tungkol kay Yoshua. Ang bilis lang kasi
ng mga pangyayari. Nagpakita siya tapos inaya niya akong maging bride niya,
tapos yun pala bampira siya na may taning ang buhay.
Ang
bait-bait pa niya kasi kahit tinakbuan at inayawan ko siya sa gusto niya, hindi niya
ako sinaktan. Nakuha pa niya akong pagsilbihan kaninang umaga.
“Oh so ano ngayon?
Nagi-guilty ka Phoebe?” Ay ano ba yan!
Nagtatalo ang isip at puso ko! Wow talagang kasama ang puso!!! Hindi ko kasi
makalimutan ang poging mukha ni Yoshua… at ayan tuloy kahit sandaling panahon lang,
medyo nagka-crush ako sa kanya! “Ay ano ba ‘tong pinag-iisip ko!!! Ang gulo!!!”
After
a long day in school, umuwi na ako. Nagpasya akong maglakad para
makapagmuni-muni at makapag-isip ng malalim. Papagurin ko na ang sarili ko sa
pag-iisip ngayon para pag-uwi ko, hindi ko na maisip si Yoshua.
“Pero ano na kayang nangyari
sa kanya? Nakahanap kaya siya ng willing human para maging bride niya? Oh di
kaya… baka natunton na siya ng ibang bampira para tuluyan siyang patayin…” Hala naman!!! Ano ba naman kasing kunsensya ‘to! Sino
bang nagpauso nito!!!
“Hi Miss…” Napatigil ako sa paglalakad nang may humarang na lalaki
sa harapan ko. Isa siyang lalaking mukhang hindi gumagawa ng mabuti kaya
napaatras ako. Pero nagulat na lang ako nang biglang may humarang pa saakin na
mas marami pang lalaki.
“Ops! Saan ka pupunta?” Mukha silang mga adik! Mga lasing na ewan!
“Ayos ha. Matagal-tagal na rin nung huli
akong nakatikim ng kolehiyala.”
“Si… sino kayo?” Higit lima sila pero hindi lalagpas sa sampu.
“Bakit natatakot ka? Virgin ka pa noh?”
Nangingilid
na ang luha ko nung tanungin niya yun dahil mukhang alam ko na ang masama
nilang plano. Pero ayokong isipin yun! Bigla na lang silang natawa ng
sabay-sabay na para bang nananabik! “WOW!
Jackpot tayo sa isang ‘to!!!”
“Maganda, sexy at virgin pa!!! Masaya ‘to!!!”
“Anong gagawin niyo saakin?” Bakit
tinatamaan ako ng kakaibang kamalasan? Ngayon pa kung kelan walang tao sa
paligid! Tatakbo na sana ako pero kumapit na ang isa saakin. Nagpupumiglas ako
pero wala akong magawa. “SAKLOLO!!! AHHH!!!” Sapilitan
nila akong isinama sa may eskinita at kahit pa nagsisisigaw ako, wala namang
taong makakarinig saakin!
“Manahimik ka kung ayaw mong tuluyan ka
namin!!!”
“Ahhhh!!! Bitawan niyo
ako, mga hayup kayo!!!” Nagwawala na talaga ako at nag-iiyak pero sa halip ay inihiga pa nila ako sa semento at nagtatawanan lang.
“Wag ka
nang maglaban!!! Masasarapan ka naman sa gagawin namin!” Mga demonyo!!! Nakakadiri sila!!!
Kung
kasing gwapo sila ni Yoshua, matatanggap ko pa! Kaso ang papangit nila!!! “Uwaaaaaaahhhh!!!
Tulungan niyo ako please!!!”
Nakapatong
na ang isa saakin habang hawak naman ng iba yung mga braso at paa ko. Nung maghubad
na ng pantalon yung ilan sa kanila, ipinikit ko ang mga mata ko dahil ayokong
makita ang mga itinatago nila! Nakakadiri talaga!!!
Naninigas
na ang buo kong katawan dahil nararamdaman ko yung kamay nila na malapit na sa
maseselan na parte ng katawan ko. “WAG!!! AYOKO!!! TULUNGAN NIYO AKO!!!” At grabe
na talaga ang pag-iyak ko nun! Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko. Mas
mabuti pang patayin na nila ako kesa babuyin pa nila ang pagkababae ko.
Nagdadasal
na talaga ako nun sa isip ko at mukhang sinagot naman ang panalangin ko nang
may dumating na tatlong lalaki.
Mga
halos kasing-edad ko lang sila pero ang gagaling nilang makipaglaban dahil
walang kahirap-hirap nilang pinatumba isa-isa yung mga manyakis na demonyong
balak akong halayin! Para silang mga superheroes! Literal superheroes dahil sa
kakaibang bilis at lakas nila!
Pero
ang lalo kong ikinagulat, isa sa mga yun ay si Yoshua! “Phoebe!!! Okay ka lang?”
“Du… dumating ka?”
“I smell your blood kahit
pa nasa malayo akong lugar. I thought you were in danger so I traced your scent
and found you here. Nasaktan ka ba nila?” Bukod
sa konting galos, hindi naman ganun kalala.
Pero
hindi ko na siya nasagot nun dahil napayakap na ako sa kanya ng mahigpit.
Naiyak na ako sa sobrang saya dahil dumating siya para iligtas ako!!! “Thank you
Yoshua!!! Thank you!!!” Nagulat nga siya nun pero naramdaman ko ang
pagyakap niya rin saakin.
Nagtatakbo
na paalis yung mga bugbog-saradong lalaki at ang tanging naiwan ay kami, kasama
yung dalawa pang kasama ni Yoshua. “Te… teka… sino nga pala sila?”
“Siya na ba ang tinutukoy mo Yoshua?”
“Ikaw
na ba ang bride niya?”
“Ha?” Napatingin ako kay Yoshua nun. “Anong sinasabi nila?”
“They are Drei at Lexus.
Mga bampira sila na ipinadala para alamin kung may nakuha na ba akong bride.”
“Anong pangalan mo babae?”
“P… Phoebe po…”
“Uulitin
lang namin. Ikaw ba ang bride ni Yoshua?”
Kahit
pa kasama sila sa nagligtas saakin, I found them scary kaya nauutal ako sa
pagsagot. “No,
she’s not my bride. Hindi siya pumayag na makasama ako.”
“Yoshua?”
“Sorry for the trouble, but
I just have to come here and save her.”
“Tss… this is such a waste of time!!! Now we also have to
erase her memory dahil mukhang nasabi mo na sa kanya ang lahat.”
“I’m sorry… but I’m coming
with you so hindi na kayo dapat mag-alala. I just want to make sure na safe
siyang makakauwi.”
“You
think you’re in the position to compromise? You have no more time Yoshua!!!”
Bigla
na lang napunta malapit saakin yung isa sa kanila and I think siya si Drei. “Don’t worry, this girl will go home safe.”
He told Yoshua. Then he looked at me. “And you won’t
remember a thing about this.”
“Teka!!! Tapos ano? Anong
gagawin niyo kay Yoshua?”
“As
if you don’t know? Nasabi niya na siguro yun sayo. Na kapag hindi siya
nakahanap ng bride niya, we will have to kill him dahil magiging problema siya
sa angkan ng mga bampira.”
Mas
kakaibang takot ang naramdaman ko nun. Nung magtama ang tingin namin ni Yoshua,
nakangiti lang siya saakin pero halata ang lungkot sa mukha niya. “Okay lang yun
Phoebe. Everything will be fine.”
“Ha? Pero…”
Pinaghiwalay
na nila kami ni Yoshua habang nakahawak sa mga balikat ko si Drei. Nakatitig
saakin ang mga pulang mata niya na tila ba hini-hypnotize ako. “From this moment, you will not remember…”
“TEKA LANG!!!” Napatigil siya sa pagsasalita! “Ayokong patayin niyo si Yoshua! Kaya
pumapayag na ako! Pumapayag na akong maging bride niya!”
“Phoebe!” Binitawan ako ni Drei kaya nakalapit ako ulit kay Yoshua.
“You don’t
want this. Don’t do this Phoebe.”
“I want to do this.” Utang ko na kasi sa kanya ang buhay ko! At isa pa… may
narealize lang ako… “Please I want to be your bride. I just realize na wala
na rin namang ibang lalaki na gugustuhin kong makasama habang-buhay kundi ikaw…”
Nagulat
lang sila sa revelation ko. At naghintay lang sina Drei at Lexus sa mga
mangyayari.
Yoshua
looked at me and asked me once again. “Are you really sure?”
And
of course, the answer will be “Yes I’m sure.”
At
ang sunod na nangyari, he slowly bit me on my neck at nakaramdam ako ng kakaibang
sensation nun. He was drinking my blood, and it was really painful yet sweet.
“Good morning sweet candy~”
“Uwaaaaaaaaaah!!!” Naitulak ko palayo si Yoshua nang magising ako na katabi
ko na siya sa kama.
Mag-iisang
linggo na rin kasi simula nung naging official partner niya ako. Hindi siya
pinatay nina Drei at Lexus at ibinalita na nila sa buong angkan nila na
nakahanap na nga ng sariling blood supply si Yoshua.
Samantala,
immortal na po pala ako. Though pwede akong masugatan o masaktan, hindi naman
ako tatanda o mamamatay! “Bakit nandito ka sa kwarto ko ha!!!”
“Nagsasama naman na tayo! Ayoko na dun sa sofa!!!”
At
hinampas ko siya ng unan! “Hoy hindi porket partner mo na ako, hindi ibig sabihin
nun girlfriend o mag-asawa na tayo!!!”
Tapos
bigla siyang nawala sa harapan ko at napunta na pala siya sa likod ko! Niyakap
niya ako bigla at hindi na ako makawala!!! “Ang bango mo talaga sweet candy!!!” Sabay
amoy sa leeg ko. “Pakagat nga!!!”
“Waaaah!!! Sabi mo once a
month lang kung uminom ng dugo ang mga bampira!!!”
“Ang sweet mo kasi. Nakakaadik!!!”
“Bitawan mo ako!!! Hindi
pa nga tayo eh!!! PERV!!! PERV!!!”
“Sheesh! Wag kang
maingay!!! Nililigawan ka na nga eh. Wala ka namang magagawa kundi sagutin ako.”
“Kapal nito!!! Ngayon pa
lang binabasted na kita!!!”
“Ayos lang, mahaba naman
ang panahon para patunayan na mahal na natin ang isa’t isa.”
Saklolo!!!
Tulungan niyo po ako! Isang gwapo pero babaliw-baliw na bampira po ang kasama
ko ngayon!!! At… at… at naiinlove na talaga ako sa kanya!!!
-The End-
~>angel is luv<~
ReplyDeleteang ganda po! ang cute ni yoshua! i really like vampire story! sana naging series mo na lang ito ate.
i sooo love this!!!!.. this is gonna be one of my favorites.. ang ganda po tlga ng story!.. eeehhh!kilig much!!
ReplyDelete--DemiDoLL
WaaaaaaH!! Parang mababaliw ako ha! Uwaah! Mababaliw talaga ako! Superb! Ang ganda subro! OVer Over! Binasa ko ito ng malakas..kaya nabulabug mga tao dito sa bahay! Wala silang pakialam..Ang ganda kasi nito subra!
ReplyDeleteThank you so much! Sa paggawa ng Story na to! Tears of joy! Parang ako talaga si PHoebe sa story na to..ako tlaga to.Wala ng iba..saka si Yoshua..speechless ako.. Bagay kami..hahaha.. Naalala ko ang vampire academy at twilight. Wew! sana may picture ang story na 'to. Si logan Lerman as Yoshua.. Pardon..malakas mag demand
Salamat talaga ng marami sa pagsulat nito. Hanggang langit ang saya ko..Nawala tuloy ang stress.. Ko! LIKE!
naku, meron ngang poster ito pero hindi si logan lerman! >>___<< alam mo naman kpop ang gusto kong gamitin... hayaan mo, cute naman yun! ahahahaha.. ^___~
DeleteSaan na ate sis?? Gusto ko makita sa much..hehehe.. Xiexie Wo Ai Ni! hehehe..
Deleteaww! ang sweet ni yoshua!
ReplyDeleteyheeey..hehe how sweet?sweet as a candy..haha..
ReplyDelete>aj..
that's cool!
ReplyDeleteang gondo!
ReplyDeleteang sweet naman! vampire!!!... nakakailig!!!..
ReplyDeleteay sushmita!!! hahahaha..betsung ko 'to *u*!!! nakakatuwa sila...fudge!!! ^____^
ReplyDelete~ajea_08