Chapter 26:
I Will Always Love you
[Aya’s POV]
Christmas..
New year..
Birthday..
Graduation Day..
Mga araw na lumipas na dapat ay masaya ako. Pero hindi ko maramdaman iyon. Ilang buwan na ang nakaraan pero hindi na natagpuan ang katawan ni Vince. Sumuko na ang mga rescuers maging ang mga magulang niya. Tanggap na nilang wala na si Vince.
Pero hindi ako. Hindi nga ako pumunta ng magkaroon ng misa para kay Vince dahil ayokong tanggapin sa sarili ko na patay na siya.
Nararamdaman ng puso ko na buhay pa siya. Kaya hindi ako nagsasawang maghintay everyday. Kahit na inaaway na ako ng kapatid ko at ng mga barkada ko.
WEST: “Hanggang kelan ka magmumukmok Aya?! Hanggang kelan mo sisirain ang buhay mo! Kelan mo ba tatanggapin na wala na si Vince???!!! Patay na siya pero ikaw buhay na buhay!!! Move-on!!!”
JM: “Aya, mistula ka ng zombie. Isa ka ng buhay na patay. Pumapasok ka araw-araw. Pero hindi mo ineenjoy ang buhay mo.”
Avee: “Look at yourself Aya! Hindi na kita friend kasi hindi ka na pretty.”
Madz: “Friendship, wag mo namang patayin yung sarili mo. Awang awa na kaming lahat sayo eh.”
Jake: “ ano bang dapat naming gawin para mapasaya ka?”
Vaughn: “Kung nakikita ka ni Vince ngayon panigurado hindi sya matutuwa kasi pinapabayaan mo sarili mo.”
Lieu: “ I’m sorry Aya”
At ang pinakamasakit tanggapin ay ang sinabi ni Lance.
Lance: “SO PINAPATAY MO NA DIN YUNG SARILI MO? BAKIT GUSTO MONG SUMUNOD KAY VINCE?!!! SIGE KUNG YAAN ANG MAGPAPASAYA SAYO PERO SANA ISIPIN MO DIN YUNG MGA TAONG NAG-AALALA SAYO. SI WEST, ANG BUONG BARKADA, AKO!!! LAHAT KAMI NAG-AALALA PERO MASYADO KANG SELFISH!!! SARILI MO LANG KALUNGKUTAN ANG INIISIP MO.HINDI LANG NAMAN IKAW YUNG NAGMAMAHAL KAY VINCE!!! LAHAT TAYO NAWALAN. OO NGA AT MAS MASAKIT TANGGAPIN PARA SAYO DAHIL BOYFRIEND MO SIYA. PERO AYA HINDI TITIGIL ANG MUNDO DAHIL LANG NAMATAY SI VINCE!!! BUHAY KA PA RIN. MAY SARILI KANG BUHAY!!! MAY MGA TAONG NAGMAMAHAL PA SAYO. KUNG NAKIKITA KA NI VINCE NA NAGKAKAGANYAN SA TINGIN MO BA MASAYA SIYA KUNG NASAAN MAN SIYA NGAYON? MALAY MO BINABANTAYAN KA PALA NIYA? AT NGAYON UMIIYAK SI VINCE AT NASASAKTAN DAHIL NAGKAKAGANYAN KA. WALANG NAGMAMAHAL NA GUSTONG MAKITANG NASASAKTAN YUNG MAHAL NILA.!!!”
Sobrang sakit. Sana kung ganun kadali lang tanggapin na wala si Vince at ipagpatuloy ko ang buhay ko sana noon ko pa ginawa. Sana ganun kadali tanggapin sa sarili ko na dapat akong mabuhay ng wala siya.
REGINE: “ I never met your boyfriend but I know and I could feel that you really love him. I know wala ako sa posisyon na sabihin ito sayo but I cant help to say this but you have to let him go. Hind matatahimik yung kaluluwa niya hanggat hindi mo siya pinapalaya.”
Paano??? Paano ba ang dapat kong gawin. Hindi ba nila alam na sa araw-araw na gawin ng DIYOS pinipilit ko ang sarili ko na mabuhay dahil yun ang tama. Pero ang sakit sakit!!!
Isang araw pinuntahan ako ng mommy ni Vince sa bahay.
“ I know what you feel hija. I know how much you love my son and I’m thankful that he had a wonderful girlfriend like you. You changed my son a lot. Araw araw kinukwento ka niya sakin and you don’t know how glad I am to see my son happy. I treat you as my daughter and that would remain even if Vince is not around anymore. You’re the only reminder to me that my son was happy in his life. But you also have to move on hija. Live your life properly. Because I know wherever my son is he would be sad to see you like that. No matter what happened you will always be remain as my daughter.”
I cried hard that time. Vince mom hugged me tight. This is the time that I wish my mom was still alive. I wish I could cry on her like that. I wish I could tell her how much it hurting me.
I wish my mom was still alive.
(T_T)
After akong kausapin ng mommy ni Vince I talked to West.
WEST: “What??? You’re going to Japan ? Ano namang gagawin mo dun? Ano na namang kalokohan ito Aya? Hanggang kelan mo ba papatayin ang sarili mo? Wag mo sabihing tatalon ka ng eroplano?”
AKO: “ Wag kang OA West. Gusto ko lang ng change of environment. Kailangan kong makalimot. And besides matagal na naman gusto nina Lolo at Lola na dalawin natin sila sa Japan. Nag-iisang anak na nga lang nila si Mommy eh pati tayo hindi pa nila nakakasama.”
Tinitigan ako ni West. Binabasa ang isip ko. Iniwas ko naman ang tingin.
WEST: “You’re not a very good liar you know. Ever since we’re still in mom’s womb konektado na ang mga isip at damdamin natin. I know it when you’re hurting or you’re happy. It hurts me too you know. I love you so much because you’re the only sister that I have. If going to Japan would make you happy then it’s fine with me. Just promise me that you would always take care of yourself.”
I smiled and hugged him tight.
I don’t know what to do kung pati si West mawawala sakin.
(@_@)
The barkada’s was shock when I told them my plan to go to Japan but West said that it might be the best solution to my problem.
LANCE: “Running away won’t solve anything.”
AKO: “I’m not running away. I’m just trying to find myself away from here.”
Wala na silang nagawa kundi pumayag. Sa palagay ba nila madali para sakin ang gagawin kong paglayo? Nandito sa Pilipinas ang buhay ko. Nandito ang mga kaibigan ko. Pupunta ako sa lugar kung saan wala akong kakilala maliban sa Lolo at Lola ko. Mahirap na hakbang iyon pero baka yun lang ang tanging solusyon para makalimot ako.
Later that evening I packed my things. Nakatawag na din ako sa Lolo at Lola tungkol sa pag-uwi ko and they are very glad to see me there. Mas close kasi ako sa family ni Mommy si west naman sa family ni Daddy.
Habang nagliligpit ng mga gamit ay nakita ko ang picture frame sa tabi ng table ko. Picture naming dalawa yun ni Vince nung nagpunta kami ng Boracay.
Ang saya saya pa naming noon . Sinong mag-aakala na sa isang iglap mawawala sya sakin?
Hawak hawak ang litratong napaiyak na lang ako.
“Alam mo ikaw madaya ka eh. Iniwan mo ako. Di ba nagpromise ka sakin na hanggang pagtanda magkasama tayo? Di ba sabi mo sasakay tayo ng jeep? Pero bakit mo ako iniwan? Paano na ako? Vince hindi ko alam ang gagawin ko eh. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang mabuhay ng wala ka. Nasanay ako na lagi ka lang nandyan eh. Ang daya daya mo eh!!!”
Sige lang ang pagtulo ng luha kong pilit kong itinago sa mga barkada ko.
“Pupunta ako ng Japan kasi hanggat nandito ako sa Pilipinas lagi lang kitang maaalala eh. Pero hindi ibig sabihin makakalimutan na kita. Habang buhay ka ng mananatili sa puso ko. Wala na akong ibang mamahalin pa maliban sayo. Ayoko kasing maging unfair eh. Samantalang ikaw iniwan mo ako ng walang pasabi. Sana hindi nalang ako nagpuntang Australia sana kasama pa rin kita. Sana hindi ka nalang nagpunta ng Baguio . Ang daming sana !!! Ang daya daya mo!!!”
Walang tigil ang patak ng luha ko. Hindi ko na kayang pigilan ang emosyon ko.
(T_T)
[West POV ]
Papasok na sana ako ng kwarto ko ng marinig kong nagsasalita si Aya. Noong una iniisip kong may kausap siya kaso nung pagsilip ko sa kwarto niya ay picture frame ang hawak niya. Alam ko yung picture na yun. Yun ang picture sa Boracay nung nagpunta kami nila Madz at Vince.
Iyak ng iyak si Aya. Awang awa ako sa kakambal ko pero wala akong magawa. Hindi madaling mawalan ng taong minamahal. Gusto kong pigilan ang pag-alis niya pero alam kong hanggat nandito siya ay hindi sya makakamove-on.
Kahit saming mga kaibigan at kaeskwela ni Vince ay naging mabuti siya. Kaya maski kami ay di matanggap ang nangyari sa kanya.
“Sana lang someday everything will be back to normal.” I whispered to myself as I walked out of her room.
(“/)
Buong barkada ang naghatid kay Aya pasakay ng eroplano papuntang Japan . Parang nung hinatid lang naming sya papuntang Australia . Pero this time hindi namin alam kung kelan sya babalik. O kung gugustuhin pa ba niyang bumalik sa Pilipinas.
“Basta tawagan mo nalang ako lagi ah. Dadalawin nalang kita doon. Ikumusta mo ako kina Lolo at Lola.” Malungkot na sabi ko at niyakap siya.
Tango lang ang sinagot niya at kiming nagpaalam sa mga kaibigan namin.
Napakalungkot ng environment at aura ng bawat isa.
“Bestfriend mamimiss kita.”
Iyak ng iyak si JM. Understandable naman iyon dahil highschool palang ay magkasama na yang dalawang iyan.
“Ako din. Ingat ka dito. Balitaan mo nalang ako ng development sa lovelife mo”
Isa-isa na syang yumakap samin at pumasok na sa loob ng boarding area.
(O_O)
After All | Character Photos | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4
Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10
Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16
Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22
Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27 | Chapter 28
Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33 | Chapter 34
Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39 | Chapter 40
Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45 | Chapter 46
Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10
Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16
Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22
Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27 | Chapter 28
Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33 | Chapter 34
Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39 | Chapter 40
Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45 | Chapter 46
YIKES!!! Nakakaiyak.. feel na feel ko ehh.. hahaha..
ReplyDelete