Wednesday, January 25, 2012

After All : Chapter 14


Chapter 14:
Lance
[ Lance POV]


D**N!!! P@##@*$!!!


Bakit ganun?!!!


Nung nalaman ko na na sina Vince at Aya na hindi ko mapigilang masaktan.

Fucking S**t!!!


Ayoko ng ganitong pakiramdam!!!


Three days na ang nakalipas mula nung sinabi ni Vince na sila na. Iniiwasan ko na munang magpakita sa barkada.


 Ewan ko ba. Mukha akong gagong nagtatago at umiiwas sa kanila. Hindi ako pumapasok sa school. Buti na nga lang at Foundation Day kaya hindi kami obligadong pumasok sa school.


Three days and yet hindi man lang ako naabalang puntahan nung babaeng yun!


Busy busyhan siya dun sa BOYFRIEND niyang hilaw!!!


Asaaarrrr!!!


Meennnnn!!!!


Nandito ako sa bahay ngayon. Since nagdeclare ako sa sarili kong hindi ako papasok eh tumatambay lang ako dito.


Sa kasalukuyan eh nagbababad ako sa swimming pool.


Mukhang kinalimutan na talaga ako nung babaeng yun ah!


Ang lakas ng loob na sabihing bestfriend ko siya tapos ganun ganun na lang! hah!!! Para saan ang ilang taong pinagsamahan namin diba?!


Muli kong inulublob ang sarili ko sa swimming pool. Hindi alintana ang lamig ng tubig.


“  At kelan ka pa natutong hindi pumasok sa school?!”


Mula sa pagbababad sa tubig ay narinig ko ang boses na iyon.


Ang boses na kilalang- kilala ko mula pa noon.


Hindi ako umahon sa pool kahit alam kong nandiyan lang siya. Sino kaya ang nagpapasok sa kanya?! Sabagay labas pasok naman talaga siya dito sa bahay kaya malamang hindi na siya sinita nung guard.


“ hoy! Lancelot kinakausap kita. Wag kang magkunwaring hindi mo ako naririnig!!”


Hindi ko pa rin siya pinansin. Sige pa rin ako sa paglangoy.
“ ahh ganun? So ded-madela ang drama mo ngayon?? Ui! Kausapin mo naman ako. Sorry na!!!”


Umahon ako sa pool. Ayos ah! Siya na nga lang ang magsosorry galit pa?!


Pag ahon ni Lance sa pool ay tumutulo tulo pa ang mga tubig sa katawan niya. He’s well-built body is revealed.


Ang katawang pinagnanasaan ng mga bakla at pinagpapantasyahan ng mga babae.


Sa edad na 21 ay maganda na ang hubog ng katawan ni Lance na alaga sa work-out at tamang pagkain.


Actually marami ngang nag-ooffer sa kanya na maging model at artista pero hindi niya tinatanggap.


Chuzy kasi ang lolo niyo.


Dinampot ko ang tuwalyang nakapatong sa upuan at sinimulang magtuyo ng katawan.


“what do you want?” supladong tanong ko sa kanya.


Akala niya madadaan niya ako sa sorry niyang siya pa ang galit? Hah!! Asanez!!!!


Pero sa pagkagulat ko ay bigla nalang niya akong niyakap. As in yung sobrang higpit.


Oh My Gulay naman oh!!!!


Teka lang naman!!!!


Tama ba namang yakapin ako eh wala akong pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang suot ko.


“ Aya, wait lang” sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap niya pero ayaw niyang bumitiw.


Maya-maya lang ay naramdaman kong nababasa ang dibdib ko.


“ umiiyak ka ba Aya?”


“ hindi tumatawa ako!!!” sagot niya pero halata naman sa boses niya na umiiyak siya.


“ bakit ka ba umiiyak ah? Pinapaiyak ba kita ha?!”


“ikaw kasi eh”


“ anong ako???!!! Ayos ka ah!!! Akala mo madadaan mo ako sa pag-iyak mo??!!!”


I tried to show her the tough me. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na nasasaktan ako.


“ sorry na naman please!!!” umiiyak pa din siya habang nakayakap sa akin.


Hindi ko na tinangkang tanggalin ang pagkakayakap niya tutal nag-eenoy naman ako eh.


Oh?! Baka naman sabihin niyo minamanyak ko ang sariling bestfriend ko ah!


Hindi ako ganun! Saka sabihin nalang natin na sinasamantala ko ang pagkakataon dahil alam kong may tendency na hindi na maulit ito ngayong may boyfriend na siya.


Hay naku naiinis talaga ako at may boyfriend na siya,


“ TUMIGIL KA NA NGA SA PAG-IYAK OK?!”


Hindi ko napigilan ang sarili ko at hingpitan ko ang yakap niya sakin. Niyakap ko na din siya ng sobrang higpit.


Yung pakiramdam na doon ko gustong ibuhos lahat ng nararamdaman ko.


“ BBF, hindi na ako makahinga” reklamo niya.


Mukha ngang nasobrahan sa higpit ang yakap ko ah.


Unti-unti kong niluwagan ang pagkakayakap ko sa kanya.


“ hindi ka na galit?” nakangiting tanong niya sakin.


Kanina lang eh iyak siya ng iyak ngayon naman nakangiti na siya. Hay paano ko ba naging kaibigan itong luka-lukang ito.


“ galit pa rin!” pasigaw na sabi ko.


Galit galitan pa ako kunwari.siyempre hindi pwedeng bumigay agad.


Dumapa ako sa may upuan para paarawan yung likod ko.


Oh diba ang lakas ng trip ko?
Sinong nagsabing hindi pwedeng magbeach sa loob ng bahay?hehe


Sinubukan kong dedmahin yung presensiya ni Aya. Medyo nahiya kasi ako nung niyakap ko siya eh. Nagtataka nga ako kasi madalas ko naman talagang yakapin si Aya…ay mali… siya pala ang yumayakap sa akin…hehe..


Bakit noon parang wala lang naman sakin kahit na niyayakap niya ako.kung minsan nga tabi pa kami matulog niyan eh.


Syempre mga bata palang magkasama na kami eh. Halos sabay na kami lumaki. Kaya wala na dapat malisya sa pagitan namin.


Then bakit ako nakakaramdam ng malisya sa simpleng yakap na iyon.


Ok fine!!! Lalaki lang ako! Nakakaramdam din ako ng malisya. Pero hindi dapat sa bestfriend ko.!


Number 1 rule na bawal pagnasaan ang bestfriend.


Kahindik hindik!!!!
“ BBF…sorry na…hindi ko naman gusting maglihim sayo eh. Hindi ko nga lang agad nasabi kasi walang time.” Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng hinihigaan ko.


Naman!!! Aya please wag mo muna akong dikitan…


Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Instead sinungitan ko sya.


“ sa loob ng isang minuto may 60 seconds, may 60 minutes sa loob ng isang oras, may 24 hours sa isang araw, may 168 hours sa isang linggo at may 5040 hours sa loob ng isang buwan. Now tell me…yun ba ang walang oras??? Ang sabihin mo wala ka lang talagang oras para mag-effort na puntahan at kausapin ako.” Masungit na sabi ko sa kanya.


Hindi ko pa din siya tinitignan. Natatakot kasi ako na baka may mabasa sya sa mga mata ko.


“ alam ko naman yun eh. Kaya nga nagsosorry na yung tao di ba?...sorry na please!!!!” malambing na sabi nya.


Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya.


Maya maya naramdaman kong tumayo siya.


Tignan mo itong babaeng ito, walang tiyaga. Tama bang iwanan ako porket di ko sya pinapansin.


Tatayo na sana ako nang maramdaman kong umupo ulit siya sa tabi ko.
Nagulat nalang ako nung nilalagyan na niya ng lotion yung likod ko.


Haha!! Ang vain ko no? oo alaga ko kasi yung katawan ko eh. At alam ni Aya yun.


Hay! Napabuntong-hininga ako.


Sa tagal na nga naman naming magkasamang dalawa eh kabisado na naming ang ayaw at gusto ng bawat isa as well as the routines of our lives.


Potek!!! Naiiyak naman ako!!!


“ BBF…sorry ah…alam ko sinabi ko noon sayo na hindi ko kailangan ang boyfriend sa buhay kasi andiyan ka naman eh. Lagi mo akong tinutulungan kahit na puro ka reklamo, lagi mo akong napapasaya kahit na badtrip na badtrip na ako. Kahit na hindi mo gusto yung mga trip ko sinasakyan mo basta gusto ko. Kahit na may lakad ka ika-cancel mo kapag nagpasama ako sayo. Kahit na ayaw mong manood ng lovestory nakikinood ka na din kapag nagyaya ako. At higit sa lahat kahit na ikaw na ang pinakasupladong lalaki sa mundo at parang ang mahal mahal ng ngiti mo hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya kapag napapangiti kita. Kung tutuusin ang dami mo ng ginawang mabuti sakin and yet ganito ang igaganti ko sayo. Pakiramdam ko ang bad bad ko!!!”


Nagsisimula na naman siyang umiyak.
Haayyy!!!
“ mahal mo ba siya?”


Damn!!! That was the hardest and painful question.


Not because it’s hard to say but because it’s hard to accept the answer.


“ yes…I love him”
s**t!!! yun nay un eh..sabi na eh ayokong marinig ang sagot na iyon.


Badtrip na buhay naman oh!!! Gusto ko nang maglaho sa mundo.


Parang gusto ko nang umiyak.


“ BBF…kilala mo na naman si Vince diba? Matagal na din syang parte ng barkada kaya sana be nice to him please??? Ayoko kasing nag-aaway ang dalawang taong malapit sa puso ko eh. Ikaw na bestfriend ko at siya na boyfriend ko. Ayokong dumating ang time na kailangan kong mamili sa inyong dalawa because I don’t want to lose both of you.”


How can I say no to this girl?


Kahit na napakasakit na ng nararamdaman ko I still manage to sound cool and unaffected.


“ ano ka ba?! Sinong nagsabi sayong mawawala ako sayo? How could I leave a weak and stupid person like you!”
supladong sabi ko sa kanya at hinarap siya.


Iyon ang madalas kong banggitin sa kanya kapag naaalala niya yung mommy at daddy niya. West and I promised her that we wouldn’t leave her.


Nagpout siya ng lips. Ang madalas na reaksyon niya kapag sinasabihan ko siyang “weak” and “stupid”.


“ I maybe weak but im not stupid” tanggi niya.


“ whatever!” bale-walang sabi ko sa kanya.


“ I mean it!”


“yeah yeah!”


“ Lancelot!!!”


Tinignan ko siya at pabirong kinurot sa mga pisngi.


“Uuuummmmmm!!!!! Ang panget mo talaga!!!”


Pang-aasar ko sa kanya. Kahit man lang sa kurot sa pisngi eh makabawi ako sa sakit na naramdaman ko.


“ AAaawwww!!!! Lance tama na”


Nung makita kong namumula na ang mga pisngi niya saka ko lang siya tinigilan.


“ quits na tayo!” nakangiting sabi ko sa kanya.


Kapag siya talaga ang kasama ko madalas ako mapangiti dahil siya lang ang bukod tanging babaeng may kakayahang magpangiti sa akin.


“ masakit yun ah. Nga pala..oh!” aniya at inabot sa akin ang isang box.


“ ano ‘to?” tanong ko habang tinitignan ang inabot niya.


“ hindi mo malalaman kung hindi mo bubuksan.”


“arte!” sabi ko habang tinatanggal ang wrapper nung box.


“ano ba iyan parang ayaw magpabukas ah! Balot na balot!” reklamo ko kunwari.


Pagbukas ko isang Iphone ang nakita ko. Takang napatingin ako sa kanya. Nagtatanong ang mga mata.


“ kapalit nung binato mo” sabi niya.


Infairness natuwa naman ako dun. Paglalaro ng Iphone kasi ang madalas na libangan ko pero nung binato ko iyon nawala sa isip ko.


“ ingatan mo yan ah! Wag mo nang ibabato. Ang mahal ng bili ko dyan” sabi niya habang dinadampot yung bag niya. “nagugutom na ako, pakainin mo ako”


Yun lang at pumasok na siya sa loob ng bahay.


“ nga pala, magbihis ka muna at baka magkasakit ka” pahabol na sabi ni Aya bago pumasok ng tuluyan sa loob ng bahay.


Muli kong tinignan ang hawak ko na Iphone. May kasama palang teddy bear kaya malaki ang box at may nakaipit pang note.


“BBF…Sorry…thank you…iloveyou…mwuah!!
PS. Nga pala ingatan mo si Ace…yun ang pangalan nitong teddy bear” =)


Napangiti nalang ako habang nakatanaw sa pintong pinasukan niya.


“ LANCELOT GUTOM NA AKO!!!!” mula sa loob ng bahay na sigaw niya.








No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^