Thursday, January 19, 2012

After All : Chapter 11

Chapter 11:
Perfect Two

[ Aya’s POV]

First day of the Foundation week.


Hay salamat mukhang okay naman ang magiging foundation week ng CSL ngayon. Medyo nagiging busy ako lately sa paghahanda. Nakakatuwa nga dahil tinitulungan ako ni Vince sa mga dapat kong gawin.


It’s been almost two weeks ago mula nung pumunta kami ng CCP at kung saan nagtapat sa akin si Vince ng feelings niya. Mula madalas na kaming magkasama. Sinusundo at hinahatid niya ako sa school. Sabay kaming naglalunch.


Open na nga sa mga kaibigan namin kung anong meron samin eh.


Nakakatawa kasi iba-iba ang reaksyon nila.


“ ows??? Hindi nga?” sina Avee at Madz.


“ luka-luka ka din noh? Ako yung inaasar mong inlove yun pala uunahan mo pa ako.” Si JM


Ang mga boys naman eh inaasar si Vince.


Pero pansin ko lately hindi madalas sumasama sa amin si Lance. Lagi niyang idinadahilan na busy sya.


Hay! One of this days kakausapin ko nga siya.

Iba- iba ang ginawa naming program ng school.


May Mr.& Ms. CSL. May ibat-ibang games, maraming food stalls na nakakalat sa paligid, at kung ano-ano pang pakulo ng bawat department.


Sa bawat department or organization kasi meron silang stalls. Katulad na lamang ng Jail Booth, Meron ding marriage booth, kissing booth ( yung parang loovapalooza).


May presentation naman ang mga nasa Drama Class. May mga ginawang exhibits naman ang mga nasa Arts Class.


Saka syempre ang inaabangang laban ng basketball team between CSL at St. Joseph.


Medyo bongga ngayon ang foundation kasi nga nakikicelebrate sa amin ang St. Joseph.


Abala ako sa pagmamasid sa paligid nang biglang may nagdikit ng malamig sa pisngi ko.


“ sorry, nagulat ba kita?” hinging paumanhin ni Vince at iniabot sa akin ang dala niyang coke in can at sandwich.


“ thanks. Hindi naman medyo lang” nakangiting sabi ko sa kanya.


“ mukhang worth it ang paghihirap mo ah” pansin ni Vince habang pinagmamasdan ang paligid.


“ hindi lang naman ako noh. Everybody’s effort yan. Pati na rin ikaw. Thank you ah”


“ wala yun. Ikaw pa eh malakas ka sakin eh.ako lang naman ang mahina sa iyo eh”


“ asus! Nagdrama daw ba?” natatawang sagot ko sa kanya.


“ Aya”


“Hmm??”


“ about dun sa tanong ko sayo. Are you ready to answer me now?”


Hindi ako nakapagsalita.


Alam ko kung anong tinutukoy niya.


Yung tanong niya sa akin nung nasa CCP kami.


“ would you be my girl Aya?”


Napatingin ako sa kanya.


“ano bang sagot ang gusto mong marinig?” tanong ko.


“ syempre yung positive answer. Pero nasa sayo pa din naman iyan eh. But I hope that you will give me a honest answer. Whether it’s good or bad ”


“ hmmm…ano nga ba?” kunwa’y nag-iisip ako. “ yes?”


Mukha namang nagulat si Vince sa sagot ko.


“ ano ulit yun? Pwede pakiulit?”


“ wala ng ulitan. Bahala ka dyan.” Pang-aasar ko sa kanya.


“ Aya naman eh. Sige na. ano nga ulit yung sinabi mo? Baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig eh.” pamimilit naman niya.


“ayoko nga”


“ kapag hindi mo sinabi kikilitiin kita” banta niya.


“ Belat!”


“ ahh ganun ayaw mo ah. Ibahin natin. Kapag hindi mo sinabi hahalikan kita”


Napatigil naman ako at biglang napatingin sa kanya.


“ ano? Uulitin mo o hahalikan kita sa harap ng buong estudyante ng CSL?” nakangiting pamimilit niya sakin.


Luko-luko din itong si Vince. Hahalikan daw ako? Eh di go!!!

Pero syempre sa isip ko lang iyon. Ayoko naming masira ang image at reputasyon ko bilang presidente ng CSL noh!


“ ano na? pagbilang ko ng tatlo….isa”


Hindi ako sumasagot.


“..dalawa…”


no response.


“..dalawa’t kalahati..”


dedma.


“ dalawa’t three-forth”


Dedma padin.


“ mukhang gusto mo yata talagang halikan kita eh. Sabihin mo lang” biro ni Vince.


“ tagal!!!” tumatawang reklamo ko kunwari.


“ ahh ganun ha? Akala mo ba nagbibiro ako” tumatawang sagot ni Vince.


Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinawakan sa balikat at iniharap sa kanya.
“ uy! Vince anong gagawin mo?” natatarantang tanong ko.


Shit!! Vince wag naman dito ang daming tao.hehe


“ now, sasabihin mo ba ulit o hahalikan talaga kita”


“ oo na!!!”


“ anong oo na?”


“ Oo na. Yes. Si.  Hai! Girlfriend mo na ako.”


Napatitig sakin si Vince halatang hindi makapaniwala.


“ Seryoso ka?”


“ ayaw mo ba?”


“ Syempre gusto ko no!...woohhhh!!!!” bigla nalang nagsisigaw si Vince.


 MGA BATA!!! BATIIN NIYO AKO!!! SINAGOT NA AKO NG PRESIDENTE NIYO!!!! GIRLFRIEND KO NA ANG MAGANDANG BABAENG ITO!!!”


“ I LOVE YOU SHINAYA RIYUSAKI MONTREAL…. WOOOHHHHH!!!!”


 Parang baliw na nagtatalon si Vince at nakipagkamay sa mga estudyanteng naroon.Tawa naman ng tawa ang mga ito habang binabati si Vince.


“ Vince tumigil ka na nga. Nakakahiya ka na. Iiwan na kita dito” saway ko sa kanya.


Lumapit naman sakin si Vince at bigla akong niyakap.


“ masaya lang ako.” Pagtingin ko sa mukha niya mababasa nga na masaya sya at take note ah teary eyed pa siya.


“ Wag ka mag-alala promise ko sayo hinding hindi kita sasaktan at paiiyakin” sinserong pahayag ni Vince “ saksi ko ang buong estudyante ng CSL, mamahalin kita ng buong buhay ko”


Namula naman ako sa sinabi niya. Naghiyawan naman ang mga estudyanteng nakasaksi sa aming dalawa ni Vince.


“ KISS!!!! KISS!!!” sigaw  ng mga estudyante.


Tumingin naman sa akin si Vince.
“ wag mong sabihing gagawin mo ang gusto nila?” tinaasan ko siya ng kilay.


Humarap naman si Vince sa mga estudyante.


“ Saka na mga bata!!! Private iyon…hindi dapat binobroadcast!!!” sigaw ni Vince.


Nagpalakpakan naman ang mga ito.


“ ANG GALING MO VINCE!!!! IDOL!!!”


“ THE BEST KA!!!”


“ IDOL KA NAMIN!!!”


“ VINCE PAANO NA KAMI???!!!”


“ VINCE MAHAL KITA!!!”


“ VINCE AKO NALANG…AKO NALANG ULIT!!!”
Teka… bakit may umeekstra???


“ Pasensya na mga bata!!! May nagmamay-ari na sa puso ko.” Sagot ni Vince at masuyong tinignan ako.


Ngumiti naman ako sa kanya. Hay naku mamatay sila sa inggit.


Dahil ang gwapong mamang ito ay boyfriend ko na. hahahahaha!!!!


Ang sarap mainlove lalo na kung alam mong mahal ka rin niya.
Mula ngayon hanggang sa susunod pang mga araw alam kong magiging makulay ang takbo ng mundo ko.


I looked at the man beside me.


I love him..


He loves me..


Perfect!!!






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^