Sunday, February 26, 2012

After All : Chapter 44

Chapter 44 : I’m Addicted To You
[Rhapsody’s POV]



Back to reality world na ulit. Parang kelan lang nangyari yung swimming sa Tagaytay pero almost one week na pal ang nakalipas.



Ayun…eto na naman ako…nakatunganga sa harap ng monitor ng desktop computer ko.



As usual konti na naman ang customer. Sana magpasukan na para naman lumakas ang kita nitong computer shop. Ang dami ko pa namang bayarin.



Sa one week na nagdaan nakabalik na si Aya sa Japan. Syempre kasama niya si Vince.



Kami namang mga naiwan dito eh balik na sa kanya-kanyang buhay.



“Ate paextend pa po”



“Ilang oras?”



“15 minutes lang po”



Letsugas na bata ito..mageextend lang 15 minutes pa…sana ginawa na niyang 30 minutes diba?



Pero ano nga bang pakialam ko.



“Haaayyyy!!! Vaughn my love..kumusta ka na? siguro napapaligiran ka na naman ng mga babae noh?”



Sana may lakas ng loob din ako na makipag-kumpetensya sa mga babae sa paligid ni Vaughn.



Pero tama naman si Ching eh..



Ano nga bang laban ko sa kanila?



Sa mga babaeng pinampapaligo ang pabango at naliligo ng gatas sa puti.



Samantalang ako napakasimple ko lang. may pagkaboyish pa kumilos at manumit.



Hindi ako yung tipo ng babae na bibigyan ng second look ng isang lalaki. Hindi ako kagandahan kumpara sa iba.



Napakanormal lang ng mukha ko.



Kaya nga nakapagtatakang niligawan ako ng isang Jake Suarez.



At napakaimposibleng mapansin ako ng isang Vaughn Smith.



Hay! Nagpapakaself-pity na naman ako.



“hello Raffy!!!!” bati sakin ni JM.



Nagulat ako ng makita sila ni Jake dito sa computer shop ko.



“Oh? Anong ginagawa niyong mag-jowa dito?”



“magcocomputer”



“Weehhh…di nga?”



Tumawa bigla yung dalawa.



Bagay na bagay talaga sila. Pareho silang mga baliw.



“Napadaan lang kami. Galing kasi kami dyan sa may malapit lang dito eh”



“Kaya naisipan namin na dalawain ka…mukhang wala kang masyadong customer ah”



“Obvious ba Jake??? May nakikita ka ba? Eh apat lang ang costumer dito.”



“Sungit”



“ganito ba lagi katumal dito?”



“hindi naman..ngayon lang summer. Pagpasukan na madami na ulit costumer.”



“Ahh…mas okay ng magbantay ng computer shop kesa ng grocery” sabi ni JM



May mini-grocery kasi sila JM.



Bakit naman? Okay nga yun madami ka laging pagkain”



“Bawal kumain dun noh! Magagalit si Mama”



Tara libre ka naming ng lunch” yaya ni Jake



“Ay! Gusto ko yan. Kaso wala namang magbabantay ng shop ko” nanghihinayang na sagot ko.



Sayang yung libreng pagkain.



“Para kang si JM mahilig sa libre” natatawang sabi ni Jake.



“Bakit? Sino ba namang tatanggi sa libre ah” nakasimangot na sabi ni JM sa boyfriend.



Bahagya pa nitong kinurot sa braso si Jake.



“Joke lang yun Mahal…” agad namang inalo ni Jake ang nobya.



At sa harapan ko pa talaga hinalikan.



Nakakaloka itong dalawang ito.



“Hoy! Wag kayo maglambingan dito. Virgin pa ang mga mata ko” birong saway ko sa kanila.



“Asus…naiinggit ka lang eh”



“Alam niyo naman pala eh nang-iinggit pa kayo” nakasimangot na sabi ko sa kanila.



Tumawa nalang ang dalawa.



“Mainggit ka mainggit ka!!!!”



Natigil kami sa pagtawa ng biglang may pumasok sa loob ng computer shop.



Pakiramdam ko eh kakapusan ako ng hininga ng makita ko kung sino ang bagong dating.



Gosh!!! Ang gwapo niya talaga.



Parang tumigil ang pag-ikot ng paligid ko.



“Vaughn!!! Anong ginagawa mo dito” nakangiting bati ni JM.



“Yeah Brhaw…what brought you here?”



Hinalikan ni Vaughn sa pisngi si JM at niyakap naman si Jake bilang pagbati.



“Wala lang…may pinutahan lang ako malapit dito. And parang gusto ko kasing magcomputer kaya napunta ako dito” sagot ni Vaughn sa dalawa. “Hi Raffy..ikaw pala ang may-ari nito” kunwari ay gulat na bati nito sakin.



Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Paano nagulat si Vaughn na ako ang may-ari nitong shop eh minsan na siyang napadpad dito nung hinahabol siya ng mga reporters?



Hindi na ba niya ako natatandaan?



Nawala bigla ang ngiti sa mukha ko.



Ang saklap naman.



Sabi ko an eh wala talagang magbibigay sakin ng second look eh.



“Asus Vaughn…palusot mo eh.” Kantyaw ni JM



“Hah? Bakit naman?” kunwa’y inosenteng tanong nito.



“Vaughn basketball player ka diba? Kelan ka pa naging artista?..saka hindi bagay sayo maging artista dahil di ka marunong umarte.” Kantyaw naman ni Jake.



“Vaughn…kung meron mang magaling na artista dito sa grupo natin..si Avee lang iyon.”



Natawa nalang si Vaughn.



“Yeah..yeah..you caught me..kilalang kilala niyo na nga ako”



“Naman Vaughn!!!”



“So bakit ka nandito?” nakataas ang kilay na tanong ni JM.



Tumingin bigla si Vaughn sakin at ngumiti.



Shucks!!! Yung panty ko yata malalaglag…este..yung puso ko pala.



Ang landi mo Rhapsody!!!



Ikaw ba naman ngitian ni Vaughn na akala mo ikaw na ang pinakamagandang babae sa paningin niya kung di ka atakihin ng kiti kiti sa kilig eh ewan ko lang.



“Gusto ko lang makita si Raffy”



“ayyiiiiiieeeeee”



Umulan ng tuksuhan mula sa dalawang baliw na magjowa.



Pero infairness..maski ako ay di ko mapigilang kiligin sa kanya.



“Ikaw Vaughn ah…wag mong sabihing pati ba naman si Rapsody balak mong pormahan? Naku lagot ka kay Aya niyan”



“Grabe naman kayong dalawa..para gusto ko lang makita eh popormahan na agad..di ba pwedeng namimiss muna?”



“Ayyyyyiiiiieeeee…lumalovelife si Vaughn ah”

“Kay Lieu ko lang naririnig ang mga ganyang salita eh”



Grabe di ko na talaga carry ito.



Si Vaughn namimiss ko? Gusto niya akong makita???



OHEMJI!!!!



“Tumigil na nga kayong dalawa dyan. Nakakahiya kay Raffy eh…” saway ni Vaughn sa dalawa sabay baling sakin. “pasensiya ka na sa kanila ah…may tama sa ulo yang dalawang iyan eh..di pa kasi natuturukan ng gamot”



“Okay lang yun. Sanay na ako”



“See??? Okay lang daw kay Raffy..tara Jake asarin pa natin sila”



“Ikaw nalang baka mamaya masapak pa ako ni Vaughn eh pag napikon sakin yan” tanngi ni Jake.



“Gusto mo ako sumapak sayo?” mataray na tanong ni JM.



“Hindi nga eh…sabi ko nga aasarin natin sila….bhe bhe bhe bhe..aasarin namin kayo!!!”



Napuno tuloy ng halakhakan ang buong computer shop.



Nakakaaliw talaga itong mga taong ito.



“Raffy kumain ka naba?” nakangiting tanong sakin ni Vaughn.



“Hindi pa eh” (bakit yayayain mo ako kumain?)



“ganun ba?..tara libre kita”



“niyaya na namin si Raffy na kumain kaso walang magbabantay dito sa computer shop niya pero since nandito ka na Vaughn ikaw na ang magbantay” sabi ni Jake sa binata.



Napatingin naman kami nila JM at Vaughn sa kanya.



Pinanlakihan siya ng singkit na mata ni JM.



“On the contrary…kayo nalnag palang dalawa ang kumain at kami ni JM ang magbabantay ng shop” biglang bawi nito.



Napangiti naman si JM at nakahinga ako ng maluwag. Kasi kung si Vaughn ang magbabantay ng shop ko eh mabangk-rupt ako ng wala sa oras.



Mas mahalaga ang negosyo ko kesa sa kanya.



“Sure…is it okay with you Raffy? Sina Jake ang magbabantay muna ng shop mo…don’t worry dahil isang malupit na negosyante iyang si Jake..hindi ka malulugi.” Yaya sakin ni Vughn.



Syempre naman yes agad ang sagot ko dun.



Imagine? Kakain kaming dalawa ni Vaughn?



Kaming dalawa lang.



Pero di agad ako sumagot. Baka isipin niyang patay na patay naman ako sa kanya.



Hindi pa ba halata???



“Sige na Raffy..minsan lang manlilibre iyang si Vaughn kaya sumama ka na.” pangungumbinsi sakin ni JM.



Sige pa konti pa at papayag na ako.



“Harmless naman iyan eh..kaya okay lang na sumama ka.akong bahala sa shop mo.” Pamimilit naman ni Jake.



“Sige na nga…basta libre mo ah” kunwari napilitan lang akong sumama.



Pero deep inside eh super kilig ang nararamdaman ko.



Ngumiti ako kina JM at Jake. At lihim na nagpasalamat.



“Goodluck” bulong ni JM.



Thumbs-up naman ang isinagot sakin ni Jake.



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^