Wednesday, January 25, 2012

After All : Chapter 17

Chapter 17: 
A Kiss is Still a Kiss

[Aya’s POV]


Wala kaming imikan ni Lance hangang sa maihatid niya ako sa bahay. Parang there’s a big wall between us. Walang nagtatangkang magsalita. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.


Bababa na sana ako sa sasakyan nang pigilan niya ako at hawakan sa braso. Sabay pa kaming napakislot dalawa dahil parang may kuryenteng dumaan sa amin.


Agad namang binitawan ni Lance ang braso ko.


“Goodnight” he said.

I didn’t utter a word. I just nodded at him as I try to open the door of the car.


“ I’m not sorry for kissing you” without looking at him I hear him saying that.


Tuluyan na akong lumabas ng sasakyan. Hindi ko na hinintay na makaalis siya, pumasok na ako sa loob ng bahay.


Dirediretso ako sa kwarto at pabagsak na nahiga sa kama. Ibinato ko nalang ang sapatos ko sa tabi. Masyadong magulo ang isip ko. Nagflashback sakin ang nangyari samin ni Lance sa loob ng sasakyan.


For Godness Sake!!!


May boyfriend ka Aya. You shouldn’t behave like that especially when it’s your bestfriend who is concerned.


Isa kang malaking sabog!!!! Abnormal  at tanga!!!

_____________________________

[Lance POV]


Gigil na dumiretso sa CR si Lance. Binuksan ang shower at itinodo ang lakas. He doesn’t care if he has still had his clothes on him. Gusto niyang iuntog ang ulo niya sa pader ng banyo at baka sakaling matauhan siya.


Isa kang malaking sabog Lance!!!


You just kissed Aya.!!!


You just kissed your bestfriend!!!


Kung isang malaking bawal as in with a big cross mark ang mainlove sa bestfriend mas lalong maling halikan mo ang bestfriend mo gayong may boyfriend siya at barkada mo pa!!!


Saan na ba napunta ang utak mo Lance???!!!


Sobra sobrang pagtatalo na ang nagaganap sa buong system ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ko nagawa iyon. Basta all I know is I’m dying to kiss her ever since I found out that I’m inlove with her.


Yeah right!


I’m inlove with my bestfriend.


Yun pala ang dahilan kung bakit nasaktan ako nung nalaman kong sila na ni Vince. Nagseselos pala ako.


Napakalaki ko kasing tanga!!!


At ngayon gumawa pa ako ng isang napakalaking kasalanan sa kanya.


Paano na ngayon iyan?!


AAARRRGGGHHHHH!!!!


Badtrip na buhay ito!!!


Paano ko siya haharapin ngayon???

_____________________________

[Vince POV]


It’s already past eight at hindi pa rin nagtetext si Aya kung nakauwi na siya. I tried to call her phone pero unattended. Nagaalala na tuloy ako. Ang sabi kasi ni Lieu kanina magkasama daw silang umalis ni Lance ng school.


Actually may tiwala naman ako kay Aya pero hindi ko maiwasang makaramdam ng selos lalo na pagdating kay Lance. Alam ko kasi kung gaano sila kaclose dalawa. Mas nauna niya pang nakilala si Lance kesa sakin. Although inassure ni Aya na kaibigan lang niya talaga si Lance alam ko hindi ganun ang tingin ni Lance kay Aya.


Lance is inlove with her. Lalaki din ako at alam ko ang mga tingin, galaw at reaksyon ng kapwa ko lalaki kapag inlove. At nakikita ko yun kay Lance when Aya is around.


Mahal na mahal ko si Aya at hindi ako papayag na agawin siya sakin ni Lance. I will do everything for her. At baka ikamatay ko kapag nawala siya sakin. Si Aya lang ang nag-iisng babaeng minahal ko.


I dialed her number again. Luckily nagring na rin sa wakas.


On the phone


Aya: hello


Vince: baby bakit unattended yung phone mo?


Aya: sorry baby nalowbat kasi kasi ako eh. Kakacharge ko lang.


Vince: ahh ganun ba? Kauuwi mo lang ba?


Aya: kanikanina lang po.


Vince: kumain ka na?


Aya: tapos na. Kaw?


Vince: hindi pa. I was worried about you kasi hindi ka tumatawag or nagtetext sakin. So how was your date with Lance?


Aya: date??? Ano ka ba hindi date yun noh! Nagpasama lang ako sa kanya.


Vince: bakit hindi ka nalang sakin nagpasama? ( tampo voice)


Aya: ano ka ba?! Syempre may klase ka pa kanina eh. Saka kailangan ko kasi yung opinion niya eh.


Vince: hindi ko kasi maiwasang magselos baby eh. Dalawa lang kayo diba? Saka mukhang may gusto pa si Lance sayo.


Aya: Si Lance? May gusto sakin?! Ano ka ba? Walang gusto sakin yun noh magkaibigan lang kami kaya wag ka na magselos alam mo naming ikaw lang ang love ko eh.


Vince: talaga? Promise?


Aya: promise. Mamatay man yung langaw ng kapitbahay namin.


Vince: I love you baby sleep ka na may pasok pa tomorrow..nytnytz..mwahhh!!!


Aya: love you too..nytz.


There at natapos din ang pag-uusap namin.


Kahit papano gumaang ang pakiramdam ko na inaasure sakin ni Aya na ako ang mahal niya.
I sleep with a smile on my face. Tomorrow is another day=)

_______________________________

[ Aya’s POV]


“Hhhuuuwwwwaaaattttt?????!!!!” gulat na sigaw ni JM “tama ba yung naririnig ko ha Aya??? Hinalikan mo si Lance???!!!”


Gigil na tinakpan ko ang bibig niya. Nasa office kami nun ng student council at kasalukuyan niya akong iniistorbo.


Naikwento ko tuloy ang nangyari samin ni Lance kagabi.


“ pwede wag masyadong maingay? Baka may makarinig sayo niyan eh” sita ko sa kanya.


Umayos naman si JM ng konti…konti lang kasi mukhang any minute from now eh sisigaw na naman siya.


“ Teka nga???!!! What happened ba at paano nauwi sa kissing scene ang drama niyo ni Lance?”


“ kissing scene talaga ah??”


“ oo. Kasi para kayong loveteam sa TV yun nga lang siya yung third party” sabay tawa ng malakas.


Hinampas ko naman siya ng papel na nakapatong sa table ko.


“ alam mo ikaw ang hirap mo kausap sinabi ng wag kang maingay eh”


“ okay okay behave na ako”


Napabuntong-hininga ako bago ipinagpatuloy ang pagkukwento.


“ ahh..so ganun? Inasar asar mo siya hanggang sa naprovoke siya na halikan ka dahil tinawag mo siyang bakla?” komento ni JM matapos ko magkwento.


“ parang ganun na nga”


“ at kelan ka pa naging reincarnation ni Jake ha???!!!”


“Reincarnation???”


“ yah! As in reincarnation. Kasi si Jake lang naman ang hari ng pang-asar eh tapos nakisali ka naman at ang napili mo pang asarin eh ang pinakasupladong lalaki pa ng CSL”


Natahimik ako bigla.


“ eh sanay na naman sakin si Lance eh”


“ kahit sinong lalaki na asarin mo ng ganun at kantahan mo ng Di ako bakla eh siguradong mapipikon din sayo. Pasalamat ka nga at premyo pa ang natanggap mo eh”


“ premyo?”


“oo. Kasi kung naibang lalaki lang si Lance baka nasapak ka na nun. Kaso hindi eh nahalikan ka pa niya oh di ba bongga!!!”


“ hindi naman nananakit ng babae si Lance”


“ kaya nga ang swerte mo eh. May gwapo ka ng papa Vince may kissing scene ka pa with Papa Lance. Malandi ka! Ikaw na!”


Natahimik ulit ako nung binanggit niya si Vince.


“ so alam ba ito ni Papa Vince mo?”


“syempre hindi”


“ aha!! So nagsisikreto ka na ah..bad for the relationship yan.”


“ sa tingin mo ba kapag sinabi ko kay Vince yun matutuwa siya?” kung minsan talaga hindi nag-iisip ang babaeng ito.


“ sabagay, baka mamaya mag-away pa sila sayang ang mga kagwapuhan nila. Ang haba ng hair mo girl infairness sarap putulin” sabi ni JM at hinila pa ang buhok ko.


“ aray naman masakit”


“ so anong feeling?”


“feeling?”


“ alam mo kanina ko pa napapansin na inuulit mo lang mga sinasabi ko. Abnormal ka ba?”


“ eh paano ba naman kasi hindi ko maintindihan mga sinasabi mo”
“ tagalog naman ang sinasabi ko at hindi Chinese para hindi mo maintindihan. Sobrang sarap bang humalik ni Lance at naghang na ang operating system ng utak mo?!”


Agad akong namula sa sinabi niya. Luka luka talaga itong babaeng ito.


“ see? Nagbablush-on ang fez mo?! So it’s true. Magaling humalik si papa Lance.Hay naku kawawang Vince.”


“ tumigil ka na nga”


“ sino mas masarap humalik si Vince o si Lance?”


“ ewan ko sayo!”


“ asus! Ayaw pa sabihin. Pustahan tayo one of this days lalapit ka ulit sakin para sabihing si Lance na ang mahal mo at hindi na si Vince”


“ that will never happened” mahinang bulong ko.








2 comments:

  1. next na po ate!!!!!!! cno ba tlga si vince o lance? aku lng yta ang nde nakakarelate, ala kasi ako pf. nakakakilig p c lance!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^