Tuesday, January 17, 2012

After All : Chapter 2


Chapter 2:
Bad Hair Day

[Aya’s POV]



It was not really my day. Ayon nga kay Avee “ Bad Hair Day”. Kung ano man ibig sabihin nun, wala na akong pakialam. Basta ang alam ko naiinis ako..hindi lang basta naiinis kundi inis na inis.


Kagabi sinet ko yung alarm ng cellphone ko pero sa hindi ko malamang kadahilanan hindi sya nag-alarm. Kung hindi pa ako pinasok ni West sa kwarto para gisingin malamang hanggang ngayon eh tulog pa ako. Nagmamadali na akong maligo dahil ayokong malate sa klase. Sayang ang magandang record ko kung malalate lang ako. Sa pagmamadali ko nadulas ako nung palabas na ng banyo at nasugatan ang kamay ko nung nabunggo ko yung figurine at nabasag. Nung makita ko yung dugo sobrang lakas ng tili ko kaya naman agad sumugod sa banyo sina west at Yaya Miling. Pati na din yung dalawa naming kasambahay na sina Ana at lita. Agad inutusan ni Yaya Miling si ana na kunin yung medicine kit. Kinuha naman ni West yung twalya para takpan yung dumudugo kong kamay. Aaminin ko takot ako sa dugo dahil sa tuwing makakakita ako ng dugo naaalala ko yung nangyari dati, ahh..basta ayoko ng maalala. Dahil nangiginig pa din ako sa takot binuhat nalang ako ni West papasok ng kwarto. Hindi sya umalis sa tabi ko kahit sinabi ko ng okay na ako. Nang masigurong maayos na ang sugat ko sabay na kami umalis ng bahay ni West.


Pagdating ko sa classroom nagtuturo na si Ma’am. Nag excuse nalang ako at tahimik na pumasok but I know all eyes are looking at me. First time ko kasing nalate sa klase. Natapos ang klase ng wala akong naintindihan dahil panay ang kalabit sakin ni JM. Hindi na yata nakatiis at nung nakalabas na si Ma’am eh nakipagpalit sya ng upuan sa katabi ko para lang kulitin ako.


“Bakit ka late?”


 Astig magtanong noh?hehe nagsilapitan nadin sina Avee, Madz Vaughn at Jake.


“Hay naku mahabang kwento” sagot ko sa kanya.


Napansin ni Madz ang benda sa kamay ko.


“ Anong nangyari dyan?Naaksidente ka?”


“ Wala ito..malayo sa bituka hehe”


“Mukha kang mummy” biro ni Jake


“Sipain kaya kita dyan” banta ko kay Jake.


Nagtawanan nalang ang iba kong mga kaibigan. Natigil kami sa pag-uusap nang tumunog yung speaker sa labas ng classroom. Bawat floor ay may nakalagay na speaker para kapag may announcement ay madaling marinig ng lahat. Nagpapatawag ng staff meeting ang chairman ng school. Iisa lang ang ibig sabihin nun…. Walang Pasok!!! Naghiyawan ang lahat ng mga kaklase ko.


“ It’s time to party!!!” sigaw ni Vaughn


“ Text nyo sina Vince dali!!!”excited na sabi ni JM.


Ang hyper talaga nitong babaeng ito kahit kailan.Pero buti na din yun para hindi na ako ang kulitin nya.


Agad inilabas nila Madz at Jake ang mga cellphone para itext ang iba pa naming mga barkada nang biglang nagsulputan ang mga ito sa classroom.


“ Hey yo! Whatz up guys” bati ni Lieu at nakipaghigh-five kina Vaughn at Jake.


“Ang bilis nyo naman hindi ko pa nga nasesend yug message natanggap nyo agad”  amused na sabi ni Madz.


“Syempre kami pa eh alam naman naming wala ng klase eh kaya pumunta na agad kami dito.” Nakangiting sagot ni Vince.


“ So what’s your plan?” tanong ni Avee


“ Kayo?” balik-tanong din ni Vince


“ Ikaw Lance baka may maisa-suggest ka?” baling ni  Jake sa binatang busy sa paglalaro ng games sa IPhone.


Iling lang ang isinagot ni Lance habang di inaalis ang paningin sa paglalaro.


“ Si Lance pa talaga ang tinanong mo ah..eh kung hindi yan busy sa paglalaro natutulog lang yan.” Nakasimangot na sabi ni JM


“ Mind your own business” pagsusungit ni Lance.


Inirapan lang ito ni JM. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanila. Kahit kailan talaga yan si Lance oh.!


“ Nood nalang tayo ng sine. Showing ng Final Destination ngayon diba?” yaya ni Vaughn.


“ Bakit naman horror? Lovestory nalang o di kaya comedy” protesta naman ni Madz


“ Ang baduy kaya” angal ulit ni Vaughn.


“ So parang sinabi mong baduy ako?” asar na sabi ni Madz


“ Hey! Wala akong sinabi ah..” tanggi ni Vaughn


Agad naming pumagitna si West sa dalawa.


“ Okay ganito nalang magbotohan nalang tayo para fair diba? Sino may gusto ng horror?”


Nagtaasan naman ng mga kamay ang mga boys pati na din si JM.


“..eh lovestory sino may gusto?”


Bukod tanging si Madz lang ang nagtaas ng kamay.


“..eh kayong tatlo anong gusto nyo?” tanong samin ni West.


 Napansin kong bukod sakin hindi rin pala nagtaas ng kamay sina Avee at Lance.


“ Anywhere will do” balewalang sabi ni Avee


“Count me out guys.. I have a meeting with my fellow student councils…Next time nalang.”


Agad naming nag-angalan ang mga kabarkada ko.
“ That’ s not fair Aya.. Wag ka ngang KJ” angal ni JM


“Hindi naman siguro magwewelga ang mga estudyante ng CSL kapag gumala ang presidente nila di ba?” komento naman ni Jake


“ Magwewelga sila, kasi gagala si Aya with us.. you know naman how famous we are to girls..Magseselos ang mga fans ko.” Pagyayabang ni Lieu.


“ Excuse me noh? As if naman uubra ang mga sinasabi mong fans kay Aya noh? Baka balian nya pa yun ng buto” kung minsan talaga masungit din itong si Avee.


Nagkibit-balikat lang si Lieu.


“ Sige na naman Aya sumama ka na..kasi for sure kaya hindi nagtaas ng kamay yan si Lance kasi hindi ka rin nagtaas ng kamay eh.” Pamimilit naman ni Madz


Tinuro ko ang sarili ko. “ Ako? Ano namang kinalaman ko dun hindi ko naman hawak ang kamay nyan ni Lance ah”


“Basta sumama ka na lang. Syempre BBF kayo eh. Kaya kung nasan ka andun din sya.”




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^