Wednesday, January 25, 2012

After All : Chapter 13


Chapter 13:
The Powerpuff Girls

[Aya’s POV]


Nagulat ako sa ginawa ni Lance.


Siguro galit sya sakin. May kasalanan naman kasi talaga ako. Naturingang bestfriend ko sya and yet hindi ko man lang nasabi sa kanya na kami na ni Vince.


Kakausapin ko nalang sya at magsosorry. Hindi naman ako matitiis nun eh.

“bakit baby doll?” tanong ni Jm habang kumakain.


Nasa activity area kami ng school kung saan nakapalibot ang maraming stalls at pagkain.


“ ewan ko ba dyan kay Vince.”


Si Vince naman ang binalingan ni Jm.


“ bakit baby doll?”


Saglit na tumingin sa akin si Vince bago sinagot ang tanong ni Jm.


“ kasi baby ko sya eh tapos mukha pa syang manika kasi yung mga eyes niya akala mo laging iiyak. saka para sa akin kasi ang manika hindi dapat pinaglalaruan ng mga lalaki.”


“ ahhh.. yun pala yun”


“Jm mukha ka din naming manika eh” biglang singit ni Jake


“ talaga?”


“ oo. Manika ng mangkukulam” nang-aasar na sabi ni Jake.


Bigla silang nagtawanang mga lalaki.


“ sira-ulo ka talaga!!!” asar na sabi ni Jm at inulan ng kurot at hampas si Jake.


“ uy!!! Dyan nagsimula lolo’t lola ko” asar ni Lieu.


“ isa ka pa!” sigaw ni Jm kay Lieu


“ako?” nagtatakang tanong ni Lieu at tinuro ang sarili.


Napansin ni Madz na tahimik lang ako kaya naman binulungan niya ako.


“ ok ka lang?”


“ yup. Don’t mind me.” Nakangiting sagot ko sa kanya.
 Iniisip ko pa rin kasi si Lance.


Bigla nalang kaming nakarinig ng mga sigawan at tilian.


Mukhang nag-eenjoy ang mga estudyante sa ibat ibang pakulo ng school.
“ ang saya naman. Tara makijoin tayo” yaya ni Jm


“ Avee, dun tayo sa marriage booth” yaya ni Lieu


“ marriage booth? At bakit naman kita pakakasalan?” nakataas ang kilay na tanong niya kay Lieu.


“ ayaw mo ng marriage booth? Sige kissing booth nalang tayo” nang-aasar na sabi ni Lieu.


“ Mukha mo!!! Si Jm nalang yayain mo at baka sumama pa yan sayo” mataray na sagot ni Avee at nakakalokong tinignan si Jm.


Napatawa tuloy ako bigla kaya naman napatigin sila sakin.


“ why?” Vince asked


“ nothing. May naisip lang ako.”


Nakita ko pang kinurot ni Jm si Avee.


“ ouch!”


Napatingin naman ang lahat sa kanya.


“ why?” tanong ni West


“ nothing. Ant bite.” Nakangiwing sagot ni Avee pero tinitigan ng masama si Jm.


“ sinong gusto ng ice cream? Manlilibre ako” alok niVaughn


Lahat kami nagtaas ng kamay.


Sino ba naming tatanggi sa libre di ba?


“ chocolate flavor”


“ strawberry”


“ avocado”


“cheese”


“ durian”


Lahat kami napatingin bigla kay Jake.


“ durian? Sinong tanga ang kakain ng durian flavor na ice cream?” tanong ni Vaughn


“ sino pa eh di si Jake” sabay sabay na sagot naming lahat at biglang nagtawanan.


“ wala lang para maiba naman di ba?”


“ kahit kelan talaga Jake abnormal ka”


“ alam ko. Matagal na”


Umalis na sina Vaughn at West para bumili ng ice cream matapos ang mahaba habang diskusyunan ng mga flavor. Kung anu-ano kasing kalokohan ang pinagsasabi nila Jake at Lieu.


“ here” abot sa akin ng ice cream ni West.
“arigato”


Grabe ang sarap talaga kapag0 libre. Sarap na sarap kami sa pagkain ng ice cream ng may lumapit saming tatlong babae.


“ Hi, mind if we join you?” bati nung babaeng nasa gitna.


One look at her and you could easily tell the best word to describe her.


F-L-I-R-T


That’s her.


“ Pepper is the name and this is my friends Polly and Hibari.”


Meet the Power Puff Girls of St. Joseph Academy.


Hibari Yang


Half Filipina, half Korean na anak ng may-ari ng isang malaking mall sa Pilipinas. Super sa kaartehan, sosyalera, laging may maid na kasama. Feeling close sa lahat ng tao. Minsan may pagka OA sa lahat ng bagay. Sya din yung tipo ng taong 10/11. Means sa sampung sinabi niya labing-isa ang mali. Dagdag bawas kung magkwento kaya naman talagang nakakaimbyerna.


Pollyana Crisostomo aka Polly


Tahimik lang. Pahinhin effect. Mayuming ngumiti hindi bulgar kung magsalita o tumawa. Kapag tumawa hindi nakikita yung ngipin. Yung tipong mala Maria Clara pero wag ka nasa loob ang kulo ng babaeng iyan.


Last but not the least.


Pepper Buenviaje


Anak ng isang tong-gresman…este.. congressman pala.
Siya yung tipo ng babaeng akala mo everyday is “Foundation Day”…yup..laging nakamake-up at kung manamit eh akala mo laging aatend ng party. Super as in super to the highest level sa pagka vain. Saksakan din ng arte at flirt tipong lahat ng lalaki eh akala mo may gusto sa kanya. Sobrang feelingera at illusionares!!! In addition na din ambisyosa. At saka siya nga din pala ang presidente ng student council ng St. Joseph.


Hindi ko nga maintindihan kung bakit siya nanalong presidente eh alam kong maraming asar sa kanya katulad ng di ko din maintindihan kung paanong nananalong congressman ang tatay niya gayong corrupt naman ito.


Sabagay kelan pa ba natalo ang mga mandaraya di ba? Kaya nga maraming nakaupong ulupong sa gobyerno ngayon eh.


Sila ang Power Puff Girls ng St. Joseph Academy. Ang school malapit sa CSL.


Siguro nagtataka kayo kung bakit kilala ko sila di ba?


Sabi ko nga eh nameet ko na talaga kasi sila personally. Bilang president ng student council madalas din ako lumaban sa ibat ibang school at since parang join forces ang CSL at St. Joseph madalas ako pumunta sa St. Joseph para makipag coordinate sa presidente nila.


At doon ko nga nakilala ang Power Puff Girls. Nakatikim na ako ng kamandag ng pagiging maldita ng mga iyan kaya sobrang imbyerna ako sa kanila.


“ wala pa kasi kami kilala dito sa CSL maliban sayo Aya kasi di ba ikaw ang president niyo rito kaya naman baka pwede mo kaming itour di sa CSL di ba?” nakangiting sabi ni Pepper.


Yun ang ngiting kinaaasaran ko dahil I know from that smile there’s a hidden bitchiness inside.


Gustong umangat ng kilay ko hanggang singtaas ng Eifel Tower sa sinabi niya. Mabuti na nga lang at napigilan ko ang sarili ko.


“ open naman ang CSL sa lahat ng student ng St. Joseph. Welcome kayo rito kaya there’s no need for me to tour you three around. Saka I know na hindi niyo ako kailangan to mingle yourself to others you could easily do it on your own right?” nakangiting sagot ko sa kanya.


Saglit kaming nagsukatan ng tingin.


Although pareho kaming nakangiti alam namin na hindi namin gusto ang isat’ isa.


For professional sake. I told to myself.


Siya ang unang nagiwas ng tingin.
Hah! Oh san ka ngayon eh di panalo ako?!! Wala pang nakakatalo sa akin sa staring contest noh! Hehehe…


“ well, your right. So I should start mingle myself to others.”


And I was shock when she approaches Vince and smile at him sexily.


“ hi! You’re Vincent Madrigal right? Would you be gentleman enough to tour this young lady here at your school” and she seductively put her arms on Vince.


Take note mga pare ko!!! Halos ingungod niya na yung sarili niya sa boyfriend ko.


See? Magtataka pa ba kayo kung bakit asar na asar ako sa kanya?!


Tinanggal ni Vince ang mga kamay ni Pepper na nakapulupot sa braso niya.


“ yeah your right! I’m gentleman and a true gentleman wouldn’t leave his GIRLFRIEND behind just to go with another woman” nakangiting sagot ni Vince pero may diin sa salita ang pagkakabanggit niya ng salitang GIRLFRIEND.


Pepper was shocked on what Vince said but she could easily hide it and still manage to smile at him.


“ oh! So you have a girlfriend already. That girl must be really lucky”


“ you could say that. But on the contrary I’m lucky to have her as my girlfriend” Vince said as he put his arms on my shoulders.


Oh diba ang haba ng hair ng lola niyo.


This time hindi na naitago ni Pepper ang pagkashock nung malaman niya na ako ang girlfriend ni Vince.


“ she’s your girlfriend?!”


Umangat pa yung kilay niya while looking at me from head to toe.


“ yeah! You have a problem with that?!”


Aba!!! Hindi na siya nakakatuwa ah.


Papatulan ko na itong pamintang ito ah!!!


The hell I care about professionalism.


Kung ganitong tao ba naman ang makakaharap mo eh mawawala ang pagiging professional mo.


Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang bigla akong unahan ni Avee.


“ excuse me but cant you see that you’re disturbing us already? Hindi ba kayo marunong makahalata o sadyang makapal lang talaga ang mga mukha niyo?” mataray na sabi ni Avee.


Napatingin kaming lahat sa kanya.


Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan.


May isa nga rin palang bitch dito sa barkada ko.


Si Avery Lopez.


But since friend ko siya okay lang sa akin yung pagiging bitch niya kasi nasa lugar naman eh.


Haha..bias no?


Actually bihira lang magsalita yan eh pero kapag iyan naman nagsalita panigurado magtataray iyan.


Oh di ba hindi nakapalag si Pepper.


Malakas ang loob niya kasi alam niyang hindi ko kasi siya papatulan eh pero malas nalang niya dahil si Avee walang sinasanto iyang babaeng iyan.


Tinaasan ni Pepper ng kilay si Avee pero mas mataas pa yata sa Mount Everest ang itinaas ng kilay ni Avee.


Para tuloy gusto kong matawa kaya lang baka naman maoffend sila. Kaya quiet nalang ako.


“ Ahm.. gusto mo I will show you around” prisinta ni Lieu.


Dito naman nabaling ang tingin namin.


Tama ba namang makisingit???
Hay naku talaga Lieu kahit kailan talaga basta babae walang pinapalampas.


Tinignan ni Pepper si Lieu bago nagsalita.


“ sorry hindi kita type!” pangsosopla nito.
Basag!!!! Kawawang Lieu.


Singit kasi ng singit eh..


“ ok lang…don’t worry hindi rin naman kita type eh. I’m just being nice to you since nandito kayo sa school namin.” Ganting sagot ni Lieu


Aba aba!!! Lumalaban ang lolo mo!!!


Go Eulysis!!!


Sabi ko na..kahit ganyan yan si Lieu basta for his friends eh lalaban iyan.


“ Pepper let’s go check nalang natin yung iba.. we shouldn’t waste our time to this kind of people” yaya ni Hibari sa kanya.


“ yeah! She’s right. You shouldn’t waste OUR precious time.” I told them.


Hah! Sinong nagsabing pwede silang umasta asta dito sa CSL.






1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^