Wednesday, January 25, 2012

Riot Love Game : Chapter 14


CHAPTER 14
(REGINE POV)


Harujusmio!!! Tama ba ‘tong ginagawa namin ni Richelle. Okay, so nasilaw nga ako agad sa kagwapuhan nitong si Daniel, at ganun din sa bagong papa ni Richelle. Pero kakikilala pa lang namin sa kanila! Paano kung mga serial killer pala ‘tong mga ‘to! Tapos target nila ang mga magagandang babaeng tulad namin! Paano yun? Mababawasan ang magaganda sa mundo!!!


Hindi na rin naman na ako nakapalag, tutal gusto ko rin nga namang kalimutan si Rayce. Yeah!!! This is it!!! Lumandi ka Regine!!! Nagawa mong wag sumuka nung nilandi mo si Rye diba… wag ka ring susuka ngayon habang nilalandi mo si Daniel.


DANIEL: SO… HOW SHOULD I CALL YOU? (Kaming dalawa lang sa sasakyan niya at nakasunod kami kina Richelle. Mygawd espren kong malandi!!! Ano nang gagawin ko!)


REGINE: REGINE… JUST CALL ME REGINE. (At heto ako ngayon… tamang sagot lang ang ginagawa. Sa twing magsasalita siya, saka lang ako sasagot. Tapos tahimik na ulit.)


DANIEL: YOU DON’T SEEM COMFORTABLE WITH ME? ARE YOU SCARED?


REGINE: I’M NOT SCARED. BUT TO BE HONEST, GWAPO KA NAMAN EH. HINDI LANG TALAGA KITA TYPE. (Yan ka na naman Regina! Yang bibig mo, i-preno mo utang na loob.)


DANIEL: AWW! HINDI KA PALA KATULAD NG KAIBIGAN MONG SI RICHELLE. MASYADO KANG STRAIGHT TO THE POINT. BUT THAT’S GOOD!


REGINE: (Medyo gumaan yung loob ko nung naintindihan niya ako. Kaso biglang kumilos yung kamay niya… anong gagawin niya? Hahawakan niya ako?) WUPS!!! SISIGAW AKO NG RAPE!


DANIEL: RELAX! (Natawa siya bigla at napatakip ng bibig niya nung tinitigan ko lang siya ng masama.) SEATBELT! YOU FORGOT YOUR SEATBELT.


REGINE: AH!!! SEATBELT LANG PALA… AKALA KO RAPIN MO NA AKO EH. (Gaganess! Nakakahiya ka Regine! Ang feeler mo ha! So pinilit kong hilain yung seatbelt, pero ang tigas at hindi ko mahila!) ANO BA ‘TONG SEATBELT MO!


DANIEL: THAT’S WHY I WANT TO DO IT MYSELF! (Tapos inilapit niya yung katawan niya saakin… joke! Pero parang ganun na din yun, kasi hinila niya yung seatbelt at sa wakas ay na-secure na din. Infairness ang bango niya, at yung muscles! My gawd yung laway ko!) THERE!!!


REGINE: AH… THANKS. (Para lang akong tanga kung kumilos!) SO… DIDIRECHUHIN NA KITA HA. (Makapag-open na nga para makalma na ako.) ALAM MO KASI… BROKEN-HEARTED KAMI NG BESTFRIEND KO DAHIL SA DALAWANG LALAKI.


DANIEL: SABAY KAYONG SINAKTAN? AYOS YUN AH!


REGINE: NAGSASALITA PA AKO DIBA? WAG KA MUNANG SUMABAT JAN! (Feeling close na ako! Buti na lang hindi siya pikon! Haha!) SO AS I WAS SAYING… KAILANGAN NAMIN KAYO NG PINSAN MO BILANG BOYFRIEND PARA PAGSELOSIN YUNG MGA HINAYUPAK NA YUN.


DANIEL: SO GAGAMITIN NIYO KAMI? (Ang sagwa naman ng term na ginamit niya, pero tama naman yun. Napa-isip siya sandali…) SO ANONG MAKUKUHA KO KAPAG NAGPANGGAP AKONG MAGING BOYFRIEND MO? MAGIGING GIRLFRIEND BA KITA SA HULI?


REGINE: SYEMPRE HINDI!!! HINDI NGA KITA GUSTO EH! PAGSESELOSIN KO LANG YUNG MAHAL KO!


DANIEL: LUGI! HINDI AKO PAPAYAG!


REGINE: (Punyemas na lalaki ‘to! Bakit yung si Denni, ang daling napapayag na maging boyfriend ni Richelle!) KUNG AYAW MO, DI WAG MO! STOP THIS CAR! (At ito na ang sutil na Regina! Ganito lang talaga ako pag hindi ko nakukuha yung gusto ko, nagiging maldita!)


DANIEL: PARA KANG BATA, ALAM MO YUN? ALRIGHT… PAPAYAG AKONG MAGING BOYFRIEND MO KUNYARI.


REGINE: PAPAYAG KA RIN NAMAN PALA, GINALIT MO PA AKO.


DANIEL: BUT THEN… YOU SHOULD STILL CONSIDER ME. ANONG MALAY MO, SA HULI MAGUSTUHAN MO RIN AKO.


REGINE: YUN LANG BA? OKAY… BASTA WALANG SAPILITAN HA! KUNG HINDI KITA MAGUSTUHAN SA BANDANG HULI, SORRY.


DANIEL: TIGNAN NATIN KUNG HINDI KA MA-FALL SAAKIN.


Psh! Ako pa tinakot ng lalaking ‘to! Madali nga akong mabihag sa mga gwapong lalaki, pero sa huli, nag-iisip pa rin ako ng maigi noh! At isa pa, hindi naman kasi ako ganun kadaling nakakamove-on eh! Kung si Paul nga na hindi ko naging boyfriend, ilang taon kong pinaglamayan ang sarili ko nun! Pero kung si Daniel lang ang makakatulong saakin na kahit papano ay makaganti kay Rayce, sige! Gawin na natin ‘to!!!



===================

(RAYCE POV)


Nandito kami sa Star City para kalimutan muna yung mga nangyari! Sakit kasi nung nguso ko nung nasuntok nung buset na Richelle na yun! Kababaeng tao, ang maton! Eh kung si Regine yung nanuntok saakin, naamoy ko pa sana kamay niya! Swerte din nitong si Rye eh, siya sumalo ng kamay ni Regine. Sayang!


RYE: RAYCE…


RAYCE: WHAT?


RYE: I THINK RICHELLE AND REGINE ARE HERE TOO.


RAYCE: WHAT? (Gagu din talaga ‘tong kambal ko! Paano naman mapupunta sina Regine dito!? Dapat mararamdaman ng radar ko yun noh!) ARE YOU SURE? NAKITA MO BA SILA? SAAN MO SILA NAKITA?


RYE: YEAH, I SAW THEM, AND MAY KASAMA SILANG IBANG LALAKE! NAKITA KO SILA KANINA NUNG PAGPASOK NATIN DITO. (Ungas din ‘to! Nakasinghot yata ng lumang medyas ‘tong si Rye at grabe kung makapag-hallucinate eh!)


RAYCE: REALLY? SO WHAT? (Anak ng!!! Imposible! Kung si Richelle pa may kasamang lalaki, maniniwala ako! Pero kung si Regine, imposible! Saakin lang si Regine!) WE ARE HERE TO ENJOY, AND NOT BECAUSE OF THEM. (Nasabi ko lang yan para astig tignan! Para saan pa pagkaplayboy ko kunyari kung papahalata ko ang selos ko diba!) WE ARE WITH SHINAYA AND JIYEON, LET’S NOT THINK ABOUT THOSE TWO, PLEASE?!


RYE: OK, OK!


Dahil sa sinabi ng mongoloid kong kakambal, hindi na tuloy ako mapakali. Malaman-laman ko lang na naglalandi si Regine sa ibang lalaki… lintek lang!!! Pero ang gagu ko din, kung ako nga nambababae eh. Pero ganun lang naman yun, pang-good time lang ‘tong si Jiyeon at yung ibang girls. Si Regine, pang-seryosohan ko yun!


Pag naging kami na, ititigil ko rin naman ‘tong pambabae eh. Hindi lang alam ng marami, matagal ko na kayang crush si Princess Regine ko. Ang sungit lang niya kasi eh, pero mabuti na yun nang walang makaporma sa kanya. Hindi yata kakayanin ng gwapo kong mukha na makitang may ibang lalaki si Regine eh.


Yung Paul? Kilala ko rin yun eh. Ulul yun na nagpaasa lang sa mahal ko. May plano pa nga akong ipabugbog yun sa mga bandmates ko eh. Kaso sa ngayon, ang importante, yung makapanligaw na ako kay Regine. Nag-iipon pa lang ako ng lakas ng loob. Ang galing kasing mambara ng babaeng yun, lagi akong nasosopla eh!


RYE: RAYCE!!! HALIKA DALI!!! (Makakatikim na talaga ng bangas ‘to eh!) SILA RICHELLE YUN EH!!! (Aba naman at si Richelle nga yun ha! Nakakatawa lang ‘tong si Rye! Kung makapagwala eh.)


RAYCE: HINDI KA PA NASANAY JAN SA BABAE MO, EH MAHILIG NAMAN TALAGANG MANLALAKI YUN.


RYE: (Para lang pinagsakluban ng langit at lupa ‘tong si Rye nang makitang may ibang lalaki si Richelle. Kasalanan niya rin, ang bagal niya kasi!) RAYCE… SINO NAMAN YUN? (Sabay turo sa isa pang direction. At pagtingin ko.)


RAYCE: ANAK NG PUSANG GALA!!! (Si REGINE ko!!! Sino yung kasama niyang timawa! Bago niyang alipin? Anak ng, ang ganda kasi ng buhay ko! At bakit ganyan siya kung makangiti, pamatay!!! Saakin lang dapat yang ngiting yan eh!)


RYE: OH… NGAYON ALAM MO NA, HINDI KA NA RIN MAPAKALI?


Teka lang ha! Humanda saakin ‘tong si Regine! At mas lalong humanda saakin yung kasama niyang alipin! Anak ng! Hindi pa nga kami, pinagpapalit na ako! Paano na pangarap ko para saaming dalawa ni Regine. Hindi pwede ‘to! Hindi pwede ‘to! Makidnap nga siya!


JIYEON: RAYCE! SUMAKAY NAMAN TAYO DUN SA RIDES!


RAYCE: UMUWI KA NA JIYEON. TAPOS NA ‘TONG DATE NA ‘TO. (Ipapaliwanag ko lang din kung bakit madalas ko siyang nilalandi. Hindi ko naman talaga gusto si Jiyeon eh. Siya lang ang naghahabol saakin. Kailangan ko lang siyang landiin kasi malakas ang connection ni Jiyeon sa WineLine. Kung saan kami naggi-gig! Pero bukod dun, WALA na!)


JIYEON: BAKIT? DID I DO SOMETHING WRONG? DID SOMETHING HAPPEN? BAKIT GALIT KA?


SHINAYA: ANO BANG PROBLEMA? (At ito namang Ex ni Rye, matagal nang nakamove-on ang kambal ko sa kanya! Itong babae naman na ‘to ang naghahabol sa kanya matapos niyang paasahin si Rye! Oh yan, nasa huli talaga ang pagsisisi! Si Rye kasi, patay na patay na yun kay Richelle!) IKAW BA RYE, IIWAN DIN AKO?


RYE: SHINAYA, YOU TWO SHOULD GO HOME. NAGKAPROBLEMA NGA KASI EH. HINDI NAMIN PWEDENG SABIHIN. MAY KAILANGAN KAMING PUNTAHAN NI RAYCE.


SHINAYA: SAAN? WHY? WHAT HAPPEN BA KASI? SASAMA KAMI.


Punyakol! Tumatagal yung usapan! Mawawala sa paningin ko si Regine nito eh!


RAYCE: (Binulungan ko si Rye.) BRO, IKAW NA BAHALANG DUMISPATCHA SA KANILA HA. TAKTE, SUSUNDAN KO NA SILA.


RYE: SUNTUKAN NA LANG OH! PAANO SI JIYEON? KAW KUMAUSAP SA KANILA.


RAYCE: WAG MO AKONG HAMUNIN NG SUNTUKAN, ALAM MONG NO MATCH KA SAAKIN. (Ang totoo kasi, magaling din ako ng taekwondo dahil sa Korea ako lumaki. Hindi lang ako nakaporma dun kay Richelle nung sinuntok niya ako. Hindi rin naman ako gumanti kasi alangan naming pumatol ako sa babae. At lalong-lao pa, bestfriend siya ng future wife kong si Regine!) MAS MATALINO KA NAMAN EH, KAYA MO NA YAN. BASTA SIGURADUHIN MONG AALIS NA SILA. SUSUNDAN KO SILA REGINE, AT TETEXT NA LANG KITA KUNG NASAAN NA SILA NAPUNTA.


Hindi na nakapalag si Rye kaya tumakbo na ako agad para sundan sila Regine. Pero para hindi mahalata yung nagliliwanag kong kagwapuhan, bumili ako ng pan-disguise na maskara. Binilhan ko na din yung kupal kong kakambal hindi lang ako yung mukhang tanga!


RAYCE: TANGNA!!! BAKIT BA SOBRANG GANDA NI REGINE? (Sinusundan ko na sila at bwiset na bwiset ako sa lalaking ka-partner niya? Kung makaakbay naman ang langya! Buti wala akong baril na dala, kanina pa siguro sumabog yung bungo ng lalaking yun!) PANIGURADO, YUNG MALANDING SEXY VOLLEY BELLE ANG NAGSAMA SA INOSENTE KONG PAG-IBIG! HINDI NAMAN SUMASAMA NANG BASTA-BASTA SI REGINE SA KUNG SINONG LALAKI EH.


At Ayoko talaga pag nagseselos ako eh, parang sasabog yung utak ko kakaisip ng mga brutal na ganti sa mga lalaking nakakasama ni Regine! Ang lakas kasi ng tama ko sa kanya, dinaig pa niya ang alak! Nung magtext na saakin si Rye, sinabi kong nandito kami malapit sa carousel. Pagdating niya…


RAYCE: KAMUSTA YUNG DALAWA? SINIGURADO MO BANG WALA NA?


RYE: WALA NA! NASAAN NA SILA RICHELLE?


RAYCE: AYUN SI RICHELLE MO, NAKAKAPIT DUN SA LALAKI NIYA.


RYE: TANGEENA LANG!!! (Mokong na mongoloid na ‘to, sa sobrang asar at selos nung makita niya si Richelle, yung likod ko yung pinisil at sinuntok!) YUN YUNG LALAKING NAKITA KONG KASAMA NIYA RIN SA TRINOMA.


RAYCE: ARAY KO! KUPAL KA TALAGA! GUSTO MONG ISABIT KITA SA ROLLER COASTER? (Tapos binigay ko sa kanya yung mask.) SUUTIN MO YAN, KIKIDNAPIN NATIN SILA! (Wala na akong ibang maisip eh… yun na lang para masolo ko ulit si Regine!)


RYE: PAANO NATIN GAGAWIN YUN?


RAYCE: IDEA KO NA NGA YUNG PAGKIDNAP! IKAW NA MAG-ISIP KUNG PAANO! BASTA KIDNAPIN NATIN SILA… SAKA KO PAPA-SALVAGE YUNG KASAMANG LALAKI NI REGINE.


RYE: UY! ISAMA MO YUNG LALAKING KASAMA NI RICHELLE.


Parang tanga lang eh noh. Buti na lang nasa tamang pag-iisip pa kami. Pag ginalit talaga ako ng lalaking kasama ni Regine, I swear mahe-headline siya sa TV na tinorture at sinalvage ng isang gwapong chickboy! Nag-isip sandali si Rye… at ayan nag-aala Jimmy Neutron na siya! Iba din pag nag-iisip ng kasamaan itong si Rye, hindi ako bibiguin nito.


RYE: MAY NAISIP NA AKO! (Mukhang mamaw lang yung itsura niya! Hwahaha!!!) MAKINIG KA.


At yun naman ang gusto ko! Ang gandang plano ng naisip ni Rye! Minsan may mabuti rin nagagawa ang pagka-nerd niya at pagkahilig sa mga mystery movies! Ito matitiyak ko, makikidnap niya si Richelle, at makikidnaps ko rin si Regine! Hwahahahaha!!! At itaga mo ‘to sa bato, pagna-solo ko na ulit si Regine, sisiguraduhin kong magiging kami na!!!



===================

(REGINE POV)


Pagdating namin sa Star City…


RICHELLE: KAMUSTA NAMAN SIS? ANG GWAPO NI DANIEL DIBA… ANO NAPAPAYAG MO NA BA SIYANG MAGING BF MO?


REGINE: HA… OO! HAHA!


RICHELLE: GREAT JOB SIS!!! NATUTUTO KA NA SAAKIN!


REGINE: HA? OO NGA EH… HAHA! (Ako na ‘tong si Ha, si OO at si HAHA! Yun lang kasi yung maisasagot ko kay Richelle eh. Gusto ko kasi siyang pasiyahin. Alam ko naman kasing gusto na niyang kalimutan ko si Rayce at maghanap na ako ng ibang lalaki.)


DANIEL: (Sabay akbay saakin ang mokong. Buti na lang mabango siya!) TARA NA! (Haizz!!! At dinadaan pa niya ako sa ngiti niya!)


RICHELLE: (Yung ngiti naman saakin ng impaktita, siya lang yung kinikilig para saakin!) GAME! LET’S HAVE FUN! (At nakipagholding-hands siya kay Dennis nang ganun-ganun lang! Ibang klase na talaga ang pagiging friendly ng espren kong ito! Nauna na silang naglakad at naka-sunod lang kami ni Daniel sa likod.)


DANIEL: DID YOU HEAR WHAT YOUR BESTFRIEND SAID? LET’S HAVE FUN! JUST RELAX!


REGINE: (Inalis ko yung kamay niya sa balikat ko dahil hindi ako kumportable ng ganito.) ANG USAPAN, MAGPAPANGGAP TAYONG MAGBOYFRIEND SA HARAP LANG NG LALAKING NANAKIT SAAKIN.


DANIEL: GANUN… RICHELLE OH! (Sabay sumbong ang kumag kaya hinila ko agad yung kamay ni Daniel para akbayan niya ako agad.)


RICHELLE: BAKIT?


DANIEL: (Napangiti na lang siya sa ginawa ko.) LOOK, ANG SWEET NAMIN NG BESTFRIEND MO.


REGINE: AHAHAHA!!! OO NGA! SUPER SWEET!!! KAKILABOT!


RICHELLE: EH… IKAW SIS HA! AHAHAHA!!! TULOY NIYO LANG YAN! ANG GWAPO MO DANIEL, BAGAY KAYO NI REGINE!


DANIEL: I THOUGHT SO TOO! HAHA! (Tapos nag-apir silang dalawa! Close na din sila! Bakit parang ako lang ang hindi kumportable sa ganitong situation!) BAGAY DIN KAYO NI DENNIS! DIBA REGINE?


REGINE: HA… YE… YEAH!!!


RICHELLE: (At kinilig ulit ang bruha! Lalo pa nung titigan siya bigla ni Dennis! Ikaw na Richelle! Ikaw na!!!) SAAN NA BA TAYO?


DENNIS: TRY MUNA NATIN SA RIDES!


REGINE & RICHELLE: RIDES? (Sabay pa kaming nagsabi. Alam niyo naman kasi ang mga kalamnan namin! Konting ikot lang, hilo at suka na ang katapat.)


DANIEL: YEAH! DUN TAYO SA STAR FLYER!


REGINE: STAR FLYER? (Yun yung inverted na roller coaster eh. Harujusko! Pinagpapawisan na ako!)


DENNIS: UNAHIN NA LANG NATIN YUNG SA JUMPING STAR! MAS NAKAKATAKOT DUN! (Sadista ba ‘tong magpinsang ito! Paano na yan Richelle-tot? Pagaganahin mo pa rin ba ang kalandian?)


RICHELLE: TARA! (Nyeta!!! Handang suungin ang pagkahilo makasama lang si Dennis at mapagbigyan lang ang hilig!)


REGINE: TEKA… KAILANGAN BANG DUN PA TAYO SUMAKAY? PWEDE BANG SA MAGIC TEA CUP NA LANG.


DENNIS: REGINE ALAM KONG BAGAY ANG CUTENESS MO DUN. (Uy cute daw ako! Alam ko! Wag kang magselos jan Richelle dahil cute naman talaga ako! Haha.) KASO PANG KIDDIE RIDE YUN EH.


REGINE: DUN SA QUACK-QUACK AYAW NIYONG I-TRY? MASAYA DIN DUN EH.


DANIEL: KIDDIE RIDE DIN YUN AH. ILANG TAON KA NA BA SA TINGIN MO HA?


REGINE: HULAAN MO? (Baby-face kaya ako! Ang dami pa ring nagkakamali sa edad ko! Lagi ngang napagkakamalang baby sister ako ni Richelle samantalang ang totoo niyan, mas matanda ako sa kanya! Haha!!! Oo, ng 9 1/2 seconds! Wag niyong alisputahin yang 9 1/2 seconds na yan ha! Basta mas nauna akong iluwal kesa jan kay Richelle!)


RICHELLE: (Sabay bulong saakin ang bruha! Hoy mas matanda ako sayo ng 9 ½ seconds! Haha! Nawiwile!) HOY REGINA NAMAN, BE STRONG! GAYAHIN MO AKO! WAG MO NAMANG IBABA ANG LEVEL NATIN SA HARAP NILA DENNIS AT DANIEL!


REGINE: BE STRONG KA JAN! WAG KA NGANG MAGMAANG-MAANG HINDI KA NATATAKOT!


RICHELLE: SIGE NA SIS! CELEBRATION NAMAN ‘TO NG BIRTHDAY NATIN! WAG KA NANG KILLJOY JAN AT BAKA IKAW PA ANG MA-KILL KO.


REGINE: (Pasalamat ka mahal kita at gusto kong mapasaya ka sa birthday natin!) OH SIGE NA NGA!


===================

(RAYCE POV)


Lahat na yata ng mura, nabanggit na namin ni Rye. Busog na busog na nga kami eh. Pero lintek lang, kulang pa yata lahat ng mura na alam namin. Nakaka-buset yung mga mokong na kasama nina Regine. Argh!!! Talagang bang natutuwa sila sa mga pagmumukha ng timawang yun?


RYE: (Siya na nagplano ng pag-kidnap namin kina Regine. Malaki naman tiwala ko sa mongoloid kong kambal kasi matalino naman siya.) AYAN! PAG SUMAKAY SILA JAN, MAHIHILO SILA RICHELLE, PANIGURADO!


RAYCE: (Natawa ako bigla. Naalala ko kasi nung nagdi-deliryo na si Regine nung nasa sasakyan pa lang kami. Ang cute niya nun, sarap nang ibahay! Haha!) UUNAHIN NATIN SI RICHELLE MO HA.


RYE: LINTEK KA RAYCE! AYUS-AYUSIN MO LANG YANG KAMAY MO AT KUNG SAAN YAN MAKADAPO SA KAHIT ANONG PARTE NG KATAWAN NI RICHELLE! MA-CHANSINGAN MO LANG KAHIT ISANG HIBLA NG BUHOK NIYA, MAGPAALAM KA NA KAY REGINE!


RAYCE: CHICKBOY NGA AKO, PERO HINDI NAMAN AKO PUMAPATOL SA MATON!


At binigyan ako ng malupit na bangas ni Rye! Ganito kasi ang plano namin, pag sumakay na sina Regine dun sa rides, eh di mahihilo silang mag-bestfriend. Yung dalawang lalaking kasama nila, panigurado aalis ng sabay para kumuha ng maiinom para magpa-impress sa mga prinsesa namin.


Pag naiwan na sina Regine at Richelle, na lutang pa at wala pa sa kanilang katinuan, saka na namin pagtutulungang hilain si Richelle. Tama, kami dalawa ang magtutulungan para maisama ni Rye si Richelle. Hindi yata kasi kakayanin ng isang lalaki lang si Richelle. Magaling pumalag yun at magaling pang manuntok! Mahirap na, baka matuyluyang masira ang gwapo naming pagmumukha! Yung sa Barbie doll ko naming si Regine, kayang-kaya ko nay un! Dadaanin ko na lang siya sa ngiti at kindat!


RYE: YUN OH! SUMAKAY NA SILA!


RAYCE: PUTCHANGGALANG KAMAY YUN NG LALAKING NAKAAKBAY KAY REGINE! SANA SUMABIT YUNG PANGA NIYA HABANG UMIIKOT YUNG COASTER!


RYE: PERO ALAM MO BRO, YANG SI REGINE MAY TINATAGO DIN YANG ANO EH… ALAM MO NA…


RAYCE: ANONG ANO?


RYE: (Nahihiya siya bigla… takte ano naman kayang iniisip ng kupal na ‘to?) KASI HINDI MO LANG NATATANONG, FEELING KO CRUSH DIN AKO NIYANG REGINE MO EH. HINDI LANG TUMALAB SAAKIN YUNG CUTENESS NIYA DAHIL NGA KAY RICHELLE LANG AKO.


RAYCE: GUSTONG HUMANDUSAY NGAYON? SIKMURAAN KAYA KITA JAN!


RYE: NAGSASABI AKO NG TOTOO! BAGO YUNG CATFIGHT, ALAM MO BANG NILANDI-LANDI AKO NIYANG SI REGINE. GRABE PRE… KUNG KATULAD MO LANG AKONG MALANDI.. EWAN KO NA LANG!


RAYCE: OH PAKYU! (At binigyan ko ng uppercut si Rye!) MALAMANG WALA SA SARILI NUN SI REGINE! HINDI NIYA GAGAWIN YUN, ANG PANGIT MO KAYA! BUTI NGA KAMBAL TAYONG HINDI MAGKAMUKHA EH!


RYE: KESA NAMAN MUKHA MO ANG MAKUHA KO! BAKA HABANG BUHAY AKONG NAGLULUPASAY!


RAYCE: MAGLULUPASAY KA TALAGA DAHIL SA DAMI NG CHICKS ANG NAHUHULOG SA MUKHANG ‘TO NOH!


Wag na kayong magulat. Favorite pastime namin ang pag-aaway! Ginawa na nga naming hobby yun eh. Hindi kasi kami lumaki ng sabay dahil nga separated na ang parents namin. Madalas nga kaming magsuntukan, pero pag dating sa kalokohan, magkasundo kami niyan!


Bumaba na silang apat at ang galing talaga ng calculation ng kambal ko, bagsak nga sina Richelle at Regine! Tapos ilang sandal pa, umalis na yung dalawang mokong! Tamang-tama, malayo pa yung food booth dito!


RYE: GAME NA! (Isinuot nan i Rye yung mask na binili ko!)


RAYCE: TARA! (Kinakabahan na ako dahil si Richelle nga yung una naming target. Pero baka pagnalapit ako sa prinsesa ko, baka siya na mahila ko. Umayos ka Rayce, sumunod ka sa plano.)


Lumapit na kami sa kanila at mukhang ewan lang yung reaction nila. Ikaw ba naman makaharap ng dalawang gwapong lalaking nagtatago sa mascara eh. Masasabi mo pa ring gwapo dahil sa ganda ng katawan namin! Hinawakan ni Rye yung kamay ni Richelle at tumulong din ako sa paghila.


RICHELLE: TEKA SINO KAYO?


RYE: SUMAMA KA SAAMIN! (Ginagu niya yung boses niya.) JAIL BOOTH! (Hwahahaha!!! Kulungo ba ‘tong si Rye?)


RICHELLE: KELAN PA NAGKAROON NG JAIL BOOTH DITO? ANO ‘TO HIGHSCHOOL?


RAYCE: BASTA SUMAMA KA SAAMIN!


REGINE: TEKA! SAN NIYO DADALHIN YUNG BESTFRIEND KO? (Mamaya ka na my loves? Humanda ka saakin!)


RICHELLE: BITAWAN NIYO AKO SABI!


RAYCE: TANGEENA!!! BUHATIN MO NA SIYA DALI! (Hinahanda na niya kasi yugn kamao niya. Baka lumanding na naman saamin! Ma-fail pa yung plano!)


RICHELLE: UWAAAAAHHH!!! SAN NIYO AKO DADALHIN!!!


At binuhat nga ni Rye si Richelle at syempre, nagpupumiglas si Richelle. Pero dahil nga mahina pa siya dahil sa nahihilo pa siya, wala rin siyang nagawa. Tumakbo kami ng mabilis at dahil sa bagal ng takbo ni Regine, hindi niya kami nahabol. Nagtititili lang siya!


Nakasunod lang ako sa kanila, back-up ako ni Rye kung sakaling manlaban na si Richelle. Nung makarating kami sa parking lot sa harap ng sasakyan ni Rye.


RICHELLE: ANO ‘TO? KIDNAP FOR RANSOM? WALA AKONG PERA, WALA YUNG PARENTS KO DITO! (Isinakay namin siya sa sasakyan at parang may na-realize din siya.) TEKA… SASAKYAN ‘TO NI RYE HA! (At saka namin hinubad yung mga masks namin.) KAYO??? LINTEK NA YAN! ANONG GAGAWIN NIYO SAAKIN!


RYE: SASAMA KA SAAKIN!


RICHELLE: ANO ‘TO SAPILITAN! IDEDEMANDA KO KAYO! (Hinablot ko yung bag niya at kinuha ko yung phone niya. Pante-text ko ‘to kay Regine mamaya!) HOY MALANDING RAYCE!!! AKIN NA YANG CELLPHONE KO!


RAYCE: IKAW NA BAHALANG JAN KAY RICHELLE! WAG MO NA MUNA SIYANG IUWI!


RICHELLE: ANO? HINDI PWEDE!!! BIRTHDAY NA NAMIN NI REGINE BUKAS!


RAYCE & RYE: BIRTHDAY NIYO?


RYE: EH DI TAMANG-TAMA! LALONG HINDI KA MAKAKAUWI!



Patay ka ngayon Richelle. Hindi ka talaga pauuwiin niyan ni Rye! Haha! Fi-first base na yan oh! Umalis na sila at it’s my time to get back my princess! Ngayon pang nalaman kong birthday rin pala ni Regine bukas, sisguraduhin kong saakin ang bagsak niya! Tinext ko siya gamit yung phone ni Richelle at pinapunta ko sila sa sa ‘Gabi ng Lagim.’ Tamang-tama kasi dun sa horror house ng Star City, madilim at madali ko lang maipupuslit si Regine!


===================


(REGINE POV)


DENNIS: CALM DOWN REGINE! (Paano ako magca-calm down!!! Si Richelle kinidnap!) I’LL LOOK FOR HER! (At umalis na si Dennis para hanapin si Richelle.)


DANIEL: NAMUKHAAN MO BA SILA?


REGINE: NAKA-MASKS SILA! UWAAAHHH!!! (Ito na naman ako sa iyak ko! Wala akong pakelam kahit pagtinginan kami ng mga tao. Maya-maya nag-ring na yung phone ko. Ito na ba yung mga kidnappers? Gamit nila yung phone ni Richelle. At nung binasa ko…) “BRU! HAHA!!! MGA ADIK LANG YUNG KASAMA KO. WALA LANG YUN, DON’T WORRY! PUNTA KAYO DITO SA GABI NG LAGIM! NANDITO NA AKO.”


DANIEL: OH OKAY NAMAN PALA EH.


REGINE: MYGALY!!! (Natuyo bigla yung luha ko sa mata!) LETCHUGAS NA BABAE YAN! KINABAHAN PA AKO! TARA NA NGA DANIEL, PUNTAHAN NA NATIN SIYA DUN. TEXT MO NA LANG DIN SI DENNIS NA PUMUNTA DUN.


Nagpunta na nga kami sa horror house ng Star City. Ano naman kayang pumasok kay Richelle at dito pa niya naisip na pumunta? Kasama ko na sina Dennis at Daniel, at sabi niya pumasok na daw kaming tatlo dun. Bakit? Nasa loob na siya? Aning talaga ‘tong si Expren! Mape-pektusan ko siya eh pagnakita na kami.


DENNIS: RICHELLE! (Parang lang kaming naghahanap ng bata ha!)


REGINE: MALAMANG NAGKO-CAMOUFLAGE NA SIYA SA MGA ASWANG AT TYANAK NA NANDITO! HOY RICHELLE, NASAAN KA NA BA! (Natigil kami nang dumugin kami ng tao. Aba naman? Saan galing ‘tong mga babaeng hinayupak na ‘to? Sikat ba ‘tong sina Dennis at Daniel?) ARAY KO. (Sa sobrang daming tao, napalayo ako kina Daniel. Maya-maya may humawak sa braso ko.) TEKA… ARAY!!! (At kinaladkad niya ako palabas ng horror house! Sino ba ‘to? Richelle, ikaw na ba yan?)


RAYCE: AKO LANG ‘TO BARBIE DOLL!


REGINE: RAYCE!!! (Ay Hyeung pala dapat ang tawag ko sa kanya!) ANONG GINAGAWA MO DITO? BITAWAN MO NGA AKO! TEKA, HINAHANAP KO PA SI RICHELLE!


RAYCE: KINIDNAP NA SIYA NI RYE! NASAAKIN NGA PHONE NIYA EH PARA HINDI MO SIYA MA-CONTACT. AT IKAW NAMAN, KIKIDNAPIN KO!


REGINE: PAKSHET KA BA? BITAWAN MO NGA AKO! (Syempre wala naman akong magawa sa higpit ng hawak niya. Saan ako dadalhin ng lalaking ‘to?)


RAYCE: MALAKI KASALANAN MO SA PRINSIPE MO HA! HUMANDA KA SAAKIN! PASOK! (At tinulak niya ako papasok naman sa sasakyan niya.)


REGINE: TEKA… BIRTHDAY NAMIN NI RICHELLE. HINDI PWEDENG HINDI KAMI MAGSAMA!


RAYCE: KASAMA NIYA SI RYE, OKAY? (Tapos ni-start na niya yung sasakyan at umalis na kami.) JUST SHUT UP OR ELSE, I’LL STOP YOU WITH MY LIPS! (Uy! Parang gusto ko pang dumaldal ngayon ha! Ahaha!!!)


Richelle kung nasaan ka man ngayon, ipagpi-pray na lang kita. Kasama mo naman si Rye eh, malay ko kung ano nang mangyayari sa inyo! Anyway, go with the flow na lang muna ako sa planong ito ni Rayce. Hindi ako makapag-concentrate eh. Kinikilig kasi ako… anakng!!! Nakakalimutan kong galit pala ako dapat sa kanya… Owemjiness talaga!!! Ano nang gagawin ko!


End of Chapter 14

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^