Tuesday, January 24, 2012

Boyfriend in Disguise : Chapter 9

Chapter 9
(RILEY DAYNE POV)



After nung interview, umalis na ako agad sa set. Hindi ko nagustuhan yung nangyari ngayon, kahit na alam kong ganito naman talaga sa showbiz. Ginagawang big deal ng lahat ang paglipat ni Casey Anne at ang masaklap pa, gustung-gusto nila kaming pinapa-partner!




I want my boo right now. Gusto ko ulit siyang makausap.




"Riley..."




At talagang hinabol pa niya ako papunta dito sa dressing room ko! For the record, hindi ko celebrity crush si Casey! No doubt na talagang maganda, talented at sikat siya... but I'm not into her. Sinabi ko lang yun kasi kababasa ko lang nung pangalan niya sa isang magazine during that time.



Photobucket



"Casey." And I have no choice but to smile. Yun ay dahil showbiz nga ito! I have to be professional with my work. And she... is just a part of my work. "What brings you here?"




"I'm inviting you to my welcome party." So kailangan siya mismo ang magpunta? Pwede namang iutos sa PA niya.




"Sure... if I'm not busy." Tapos pumasok na ako sa loob at pinagsaraduhan na siya ng pinto. Pero ang kulit din ng babaeng ito dahil kumatok pa siya kaya napilitan akong pagbuksan siya ulit.




"I mean I want you to be my escort tonight." Napakunot na lang ako ng noo sa sinabi niya. "My manager already talked to your manager. He told us na hindi ka naman busy mamayang gabi."




"Sinabi ng manager ko yun?"




"Yeah." Tapos nag-smile siya saakin. "We're actually thinking na magandang pam-boost yun ng team-up natin. If people see us together, then mas pag-uusapan tayo."




Natawa ako bigla sa sinabi niya. Wow! Just like what I've thought to female idols like her! "Hmm... okay."




"Really?" Napatalon siya at tumatawa pa. Tapos ni-kiss niya ako sa pisngi saka siya umalis. "OMG!!! I'm a big fan of you!!!"


Photobucket



"Talaga?" Nakakatawa lang siya. Hindi ko akalaiang ganito siya kakulit.




"Oh by the way! I've mentioned you at one my previous interviews." At naglalakad siya paatras. "You're my celebrity crush too, Riley Dayne!"




Saka siya mabilis na tumakbo paalis.




Bigla na lang akong napa-smile sa sinabi niya. Biruin mo si Casey crush daw ako! Si Casey Anne mismo ang nagsabi na fan ko siya at crush pa niya ako!!! Wow!!!




.




.




.




Damn!!! What am I thinking! Napakamot na lang ako sa ulo ko. Casey was after all a very nice and fine lady! So mukhang makakasundo ko naman siya sa trabaho.




"Pffft." Pero natatawa pa rin ako pag naiisip ko yung sinabi niya at mga reactions niya.




"Uy yung mga ganyang ngiti!" Biglang umepal yung P.A. ko! "Sir Riley hah!"




"What?"




"Napaka-chickboy talaga ng amo ko ha."




"What are you talking about?" Nakakapeste naman oh!




"Crush ka rin pala ni Miss Casey eh. Uy mag-MU na sila!" Ma-issue 'to! Kalalaking tao apaka-daldal!!!




"SHATAP!!!" Hindi pwede yun! "Yeah! I'm flattered that she likes me... but that's just it! Now give me back my phone!"


Photobucket



Inabot naman niya agad saakin yung phone ko at tuluyan na akong nagkulong sa dressing room. "I don't want any distractions, okay! Gusto kong magpahinga!" Isinigaw ko.




"Yes sir!"




Tapos nahiga na ako sa sofa... "Now... matawagan na nga si Boo!"






* dialing... waiting mode*






The subscriber cannot be reach. Please try your call again later.




Malamang hindi boses ni Ishy yun! Bakit out-of-reach siya! Argh!!!






*     *     *


(ISHY ARAVILLA POV)






"Mas masarap sa Boo Amore!"




"Mas masarap dito!"




"Kasi yung ice cream pa lang dito ang natitikman mo. Yung sa Boo Amore, mas the best!" Nilibre ako ng ice-cream ni Johann. At bukod dun, nag-cutting class pa ako! Sinabi ko lang na tapos na ang klase ko, pero sa totoo lang, kailangan ko lang talagang maglakwatsa para makalimutan yung interview kanina ni Riley.




"Boo Amore, Boo Amore! Siguro madalas kayo dun ng boyfriend mo noh?"


Photobucket



"Yep! Siya ang nagturo saakin ng lugar na yun! Dun nga rin namin nakuha yung tawagan namin eh... BOO!!! Cute noh."




"Ahahaha! Next time sige, libre mo ako doon."




At nagngitian kami. Ewan ko ba kung bakit, pero napakagaan na agad ng loob ko kay Johann! Samantalang hindi pa naman kami ganun katagal na magkakilala. "So, bakit ka umiiyak kanina kung hindi naman pala kayo nag-away ng boyfriend mo?"




"Yung topic na naman na yun!" Napakulit din ng lalaking 'to! "Mag-iba ka naman!"




"Hmmm... nakaka-intriga lang kasi eh."




"Kalalaki mong tao na-iintriga ka!" Tapos tinawanan ko siya.




Maganda rin naman itong place eh, at masarap din yung mga pagkain. Masarap pang kausap si Johann kasi kung anu-ano lang din ang pinag-uusapan namin. Pero may sense naman palagi ang usapan namin! Napakalalim kasi na tao nitong si Johann.




"Teka lang hah, magpupunta muna ako ng CR." Feeling ko kasi ang haggard ko na! Magre-retouch muna ako!




"Sure."




At iniwan ko sandali si Johann dun sa pwesto namin. Pagpasok ko sa CR, nagmadali ako agad na tignan ang sarili ko sa salamin. Kagagaling ko lang nga  pala sa iyak, nakakahiya, ang dugyot ko na tuloy tignan! So nagpowder lang lang ako, konting blush-on, lipgloss and poof!!! Balik na ulit sa dati kong mala-josang kagandahan!




Kaso paglabas ko, may nabunggo naman akong lalaki.




"Aww sorry miss."




Nginitian ko na lang yung lalaki. "It's okay." Hindi ko na lang sana papansinin kasi babalikan ko pa si Johann, kaso...




"Um Miss..."




"Yeah?"




"Have we met before?" Uy paraan talaga ng mga lalaki oh! Sorry I'm not interested!




"No, I don't think so!"




"Sa Newcastle Moore ka nag-aaral, right? First year CommArts."




"How the hell did you know?" Stalker siguro ang mokong na 'to!


Photobucket



"We're schoolmates! I always see you with your friends kapag inaabangan niyo yung celebrity na si Riley."




"So?"




"So... you still don't know me?"




"I don't know you." As if namang kikilalanin ko siya noh! "And I have no plans of knowing." Aalis na sana ako, pero pinigilan niya ulit ako nang hawakan  naman niya ako sa braso.




"Wait..." Tapos ni-picturan niya ako gamit ang phone niya.




"What the! Ano bang problema mo hah."




"Crush ka namin ng mga ka-brad ko. Sasabihin kong nakasama kita dito."




Sa pagka-bwiset ko sa bastos at walang modong lalaking ito, sinampal ko siya ng kabilaan. At siguro dahil na din sa takot kaya bumalik ako sa loob ng CR.




Shet! Schoolmate ko ba talaga ang lalaking yun! Kaasar! Napaka-bastos! Grrrr!!! Siguro 10 minutes pa akong nagtagal dun sa loob ng CR, at nung sumilip na ako ulit sa labas, wala na yung lalaki.




"Nako... ang tagal nang naghintay ni Johann." Nagmadali na lang akong bumalik dun sa cafe... ang kaso nakita ko naman na may kausap nang ibang babae si Johann.




"Johann... I didn't know you're still going here." 




Wala lang sinagot si Johann, ni hindi rin siya makatingin dun sa babae.




Medyo lumapit ako pero hindi ko pinahalatang nakabalik na ako. Pinakikinggan ko lang ang usapan nila. "Siguro siya yung Elaine."




"One week kitang hindi nakita hah. Nagtatago ka ba?" Ang casual niya lang na sinabi at nakangiti pa siya. "Yung nangyari between us..."




"I don't want to talk about it." Confirm! Si Elaine nga yung babae! Kung iri-rate ang beauty nitong si Elaine ng 1-10, six lang siya. May something sa kanya kaya hindi ko masabing maganda siya!




"Kasama ko ngayon si Jayson."




Maya-maya, may lumapit na ibang lalaki kay Elaine, inakbayan pa niya ito. "Uy pareng Johann! Nandito ka rin pala!" Uwaaahhhh!!! Si lalaking malandi! Argh! So magkakilala pala sila!




Wala lang ni-react si Johann nung makita niya yung lalaki. Halata kasing nasasaktan pa rin siya na makita ang ex-girlfriend niya na may kasama nang ibang lalaki. And to think na ang pangit pa ng ipinalit sa kanya!




"Tara samahan mo muna kami." Napaka-manhid naman nitong si Elaine! O sinasadya ba niyang saktan si Johann.




"Hindi wag na... paalis na din ako."




"Pare naman! Ikaw na nga 'tong inaaya ni Elaine, ikaw pa 'tong tumatanggi!" At sobrang kapalmuks din ng lalaking ito at umakbay pa kay Johann.




"Bitawan mo ako!"




"Oh easy lang dude! Ang init agad ng ulo mo eh." 




"Wag mo akong matawag na dude, hindi kita kaibigan!"




"Napaka-seryoso naman! Kaya ka iniwan ni Elaine!" Ang angas din ng pesteng 'to! "Walang ka kasing kwentang boyfriend!"




Tumataas na ang mga boses nila, at ito namang Elaine, ang feeler much! Parang gustung-gusto pa niyang pinag-aawayan siya ng dalawang lalaki! Pinagtitinginan na sila ng mga tao at ang lumalabas pa na kawawa, si Johann!




"Ano ka ba Jayson... haha! Maawa ka naman." Bwiset na babaeng ito! At talagang natuwa pa siya na napahiya si Johann!






*     *     *




At dahil nakayuko na lang ang kaibigan ko, saka ako nakaisip ng napaka-gandang idea! I can't let him down! Kaibigan ko na nga si Johann, at hindi ako papayag na ganituhin lang siya! "Johann!"


Photobucket



Napalingon silang tatlo saakin nang marinig nila ang boses ko. "Ishy..."




"Kanina mo pa ba ako hinihintay Mah Boo?" Wala na akong maisip na itatawag sa kanya eh! Nakasanayan ko nang endearment yun!




"Mah Boo?"




"Boo? Magkakilala kayo?"




"Sino siya Johann?"




"Sino kayo?" Tinaasan ko sila ng kilay saka ako lumapit kay Johann at kumapit sa braso niya. "Oh wait! Mah Boo, alam mo bang siya yung lalaking nambastos kanina saakin sa CR."




"What?" Maki-ride ka na lang Johann!




"What is she talking about?"




"Hah? Wa... wala yun?"




"Sabi mo crush mo ako at ng mga ka-brad mo. Kaya nga kinuhaan mo ako ng picture kanina diba? Naka-save pa sa phone mo."




"She's lying, Elaine."




"Go ahead and check his phone!"




Tapos hinablot na ni Elaine yung cellphone nung Jayson at nakita nga niya yung picture ko. Nung tumingin naman ako kay Johann, hindi pa rin niya ma-gets yung nangyayari kaya kinindatan ko na lang siya.




Pagka-delete ni Elaine sa picture ko... "Who are you anyway?"




"The question is, who are you? Bakit kayo nag-uusap ng boyfriend ko?"




"Girlfriend mo siya?" Ang tanong ni Elaine kay Johann.




Nagkatinginan kami ni Johann, please don't ruin this moment! Kailangan mo nang gumanti! "Yeah! She's my Boo." Bumilis bigla yung tibok ng puso ko, siguro dahil nae-excite ako sa mga nangyayari! "Ishy, siya nga pala si..."




"No need for introductions Boo. I think I know her, your ex! Elaine, right?"




"I can't believe this..." Oh bakit ngayong nanggagalaiti siya!


Photobucket



"Believe it! At  infairness, bagay kayo ng bago mong boyfriend." At natameme na lang yung Jayson. "I'll take care of Johann from now on."




"Sa tingin niyo ganun lang kadali kaming paikutin? You still love me Johann, that girl is just a b*tch!"




Ampupu! Mumurahin ko sana siya dahil sa pang-iinsulto niya kaso nagulat naman ako sa sinagot at ginawa ni Johann.




"No Elaine, I'm over you!"




He reached for my hand, held it tightly, then he  kissed me in front of them... on my lips.




"Ishy is the one I love now." Sinabi niya saakin, looking straight into my eyes.




.




.




.




Pero bawal munang ma-shock! Tinignan namin yung mga mukhang ewan na reaction nina Elaine at Jayson, saka namin sila nginitian.




"Tara na Boo! Wag na tayong mag-aksaya ng oras dito."




"Sure, let's go."




At kinawayan ko na lang yung dalawa bago kami tuluyang umalis ni Johann. Magkaholding-hands pa rin kami hanggang ngayon, and I wonder kung sino saaming dalawa ang nanginginig.




Pretending wasn't the right thing to do, but I know both of us felt happy for what happened!




"Thanks Ishy... and sorry about..."




"It's okay! You're my friend now Johann, so it's fine with me!" Wag na lang natin pag-usapan yung kissing scene, dahil mas mabuti pang kalimutan na lang yun!


Photobucket



(Disclaimer: I do not own the photos used in this chapter)

End of Chapter 9


3 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^