Tuesday, January 24, 2012

Goddesses' Karma : Chapter 2


2: Life in the Mortal World
(Empress POV)


Sigawan ng mga tao ang maririnig sa loob ng pool area. Nakakatuwang marinig na isinisigaw nila ang pangalan ko.


STUDENT 1: GO EMPRESS GALINGAN MO!!!


STUDENT 2: PALAMUNIN MO NG ALIKABOK YUNG KALABAN…AY NG TUBIG PALA!!!


Kasalukuyan akong lumalaban para sa National Championship sa Swimming Competition. Ako ang representative ng school namin para lumaban.


Ilang segundo pa ay narating ko na ang dulo ng pool. Ako ang tinanghal na kampyeon sa larangang ito.


Agad akong lumapit sa pamilya kong nakasuporta sa laban ko.


MRS. ELENA: ANG GALING MO ANAK. ANG LAYO NG PAGITAN MO DUN SA KALABAN MO.


MR. ALBERT: OO NGA. CONGRATULATIONS ANAK.


EMPRESS: SYEMPRE AKO PA!!! BASTA SA TUBIG WALANG MAKAKATALO SAKIN!!!


ROHAN: OO NAMAN IKAW PA EH SYOKOY KA YATA!!! (Ginulo pa talaga ang buhok ko nitong si kuya)


MRS. ELENA: SYOKOY? BAKA SIRENA.



ROHAN: SYOKOY MA... KASI ANG SIRENA PAMBABAE LANG YUN EH..HINDI NAMAN BABAE YANG SI EMPRESS EH.


Nakatikim tuloy siya ng hampas sakin. Pang-asar talaga kahit kelan.


MR. ALBERT: TAMA NA YAN.TARA NA!!! MAGCELEBRATE TAYO..MAGBIHIS KA NA ANAK HIHINTAYIN KA NAMIN SA SASAKYAN.


EMPRESS: SIGE PO WAIT LANG (at tumakbo na ako papunta sa shower room)


Ako nga pala si Empress Kendra Aneira...oh di ba ang ganda ng pangalan ko...babaeng-babae...ang hirap pang bigkasin..ewan ko ba kina mama at papa at yun ang ipinangalan sakin. Sobrang kabaligtaran naman ng ugali ko yung pangalan kong pambabae masyado.


Kendra means magical water and Aneira means snow…yung Empress hindi ko alam kung saang lupalop nakuha ng magulang ko.


Captain ako ng swimming team dahil sabi nga ng kuya kong si Rohan wala ng makakapigil pa sakin at wala ng makakatalo pa sakin kapag ako lumusong na sa tubig. Hindi ko nga din alam kung bakit masyado akong fascinated sa tubig eh.


Boyish din ako dahil unlike other girls hindi ako mahinhin. Masyado akong magaslaw at mahilig akong makipag-away lalo na sa mga lalaki. Sa katunayan ilag nga sakin ang karamihan sa mga estudyante sa school namin. Kapag nabanggit na ang pangalan ko nanginginig na sila sa takot….hahaha..hindi naman masyado.. medyo lang.


Sanay ang katawan ko sa kahit anong physical na laban dahil ang papa ko ay isang martial arts teacher. Kaya naman mula pagkabata ay sinanay na niya kami ni kuya Rohan sa lahat ng laban.


Yun ang alam ko…yun kasi ang kwento nila sakin eh.


Sa totoo lang kasi wala akong maalala sa childhood ko. Parang may wall na nakaharang sa utak ko at natabunan ang lahat ng memories ko mula nung bata ako. Basta ang naaalala ko nalang ay yung teenager na ako. Sabi ni mama masyado daw kasi akong makulit nung bata kaya nauntog ako na siya marahil dahilan kung bakit wala akong maalala nung kabataan ko.


MRS: ELENA: ANG GALING MO TALAGA ANAK…PROUD NA PROUD ANG MAMA SAYO. (at niyakap ako ni mama…sobrang love ko sila ni papa kasi sobrang supportive nila sakin)


ROHAN: OO NGA KEN-KEN…MAY DAGDAG MEDAL KA NA NAMAN SA KOLEKSYON MO. (si kuya Rohan lang ang tumatawag sakin ng KEN-KEN..panlalambing na nya sakin yun)


Sobrang close kami ni Kuya Rohan sa isat-isa…Kahit kasi mapang-asar iyang si kuya ay sobrang bait niyan sakin. Pareho kami ng school na pinapasukan at tulad ko ay sikat din si kuya….may banda kasi sila eh…at sikat ang banda nila sa buong school…kahit sa ibang school din.


MRS. ELENA: WAG MO NGANG TAWAGING KEN-KEN IYANG SI EMPRESS. GINAGAWA MONG LALAKI ANG KAPATID MO EH.


EMPRESS: OKAY LANG YUN MA..


MRS. ELENA: ANO BANG OKAY ANG PINAGSASABI MO DYAN?! ANG GANDA GANDA NG PANGALAN MO PINAPAPANGIT NIYANG KUYA MO.


Nagkatinginan nalang kami ni kuya.



ROHAN: EH KASI MA ANG EMPRESS PAMBABAE YUN HINDI BAGAY KAY KEN-KEN.


MRS. ELENA: AT ANONG TINGIN MO SA KAPATID MO?! LALAKI???!!! (bumaling si Mama kay Papa) NAKITA MO NA ANG NANGYAYARI HA ALBERTO? MASKI SARILI NIYANG KAPATID HINDI NA BABAE ANG TINGIN KAY EMPRESS AT KASALANAN MO YUN!


MR. ALBERTO: BAKIT AKO?


MRS. ELENA: DAHIL KUNG ANU-ANONG KALOKOHAN ANG PINAGTUTURO MO DYAN SA ANAK MO.


MR. ALBERTO: MABUTI YUN PARA WALANG UMAPI SA KANYA AT MALABANAN NIYA ANG MASASAMA.


MRS. ELENA: HINDI PULIS O SUNDALO ANG ANAK KO PARA LUMABAN SA MASASAMA.


EMPRESS: (umawat na ako kina mama at baka mas lalo pang humaba ang usapan) TAMA NA PO. MASAYA AKO NG GANITO MA AT HAYAAN MO NA SI KUYA KUNG ANONG GUSTO NIYANG ITAWAG SAKIN.


ROHAN: ANG EMPRESS KASI MA PAMBABAE YUN…AS IN YUNG BABAE TALAGA…SI KEN-KEN KALAHATING BABAE LANG. (sabay tawa ng malakas…upakan ko kaya itong si kuya?)


EMPRESS: HAY NAKU KUYA TUMIGIL KA KUNG AYAW MONG MABALIAN NG BUTO.



ROHAN: WEEEHHH…DI KA NGA MANALO SAKIN EH.


Tama si kuya..dahil ni minsan ay hindi ko pa siya natalo tuwing naglalaban kami. Kaya mas lalo akong nagsasanay para matalo ko siya.


Balang araw matatalo ko din si kuya at ako na ang magiging pinakamalakas.


(►▬◄)


Pagkagaling sa restaurant kung saan kami nagcelebrate ay dumiretso na kami sa bahay. At dahil pagod ako sa competition ay agad akong umakyat na ng kwarto ko para magpahinga.


Pabagsak akong nahiga sa kama at itinaas ang mga kamay ko. The mark on my palm caught my eyes.


Sa pagkakatanda ko mula ng may maalala ako nakatatak na ito sa mga palad ko. Hindi ko naman alam kung ano ibig sabihin. Birthmark yata ito na mukhang tattoo....ahhh hindi birthmark nga  dahil imposibleng magpalagay ako ng tattoo....parang alun-alon ang design nung birthmark ko. Nakakatuwa nga kasi sobrang clear pa nito saka parang kung titignan mo siyang mabuti iisipin mong kumikinang siya.





Ito yung hitsura ng birthmark na nakatatak sa palad ko.



 


Hay! Kung anu-ano na tuloy naiisip ko. Pati nananahimik kong birthmark eh napagtripan ko.


Nagulat nalang ako ng sumampa sa kama si Xixi at nahiga sa tyan ko. Siya ang alaga kong pusa na hindi mukhang pusa…ewan ko ba mukha kasi siyang maliit na fox eh..yung cute na cute na fox…kulay puti siya at ang mga mata niya ay kulay blue…parang kulay ng dagat.. at ito pa ang nakakaintriga dito kay Xixi..meron siyang maliit na parang bato or diamante sa noo niya. Kulay blue din. Ewan ko kung para saan yun at ewan ko din kung anong lahi itong si Xixi…basta ang alam ko bigla nalang siyang bumagsak sa mga kamay ko ng minsang pauwi ako galing sa school. Mukha namang walang may-ari sa kanya kaya inuwi ko nalang siya sa amin. Saka hulog
ng langit si Xixi sakin…literal na hulog ng langit.


EMPRESS: HI XIXI…KUMAIN KA NA BA? NAGPAKABAIT KA BA NAMAN  HABANG WALA AKO HA? ALAM MO NANALO AKO KANINA…ANG SAYA NGA EH..PARA SAYO DIN YUNG PAGKAPANALO KO SYEMPRE PATI KINA MAMA, PAPA AT KUYA.


Mukha akong tangang kinakausap ang pusang-lobong ito. Pero ang nakakatuwa ay nakatingin siya sakin na parang naiintindihan niya ang sinasabi ko.


EMPRESS: HAY!!! KELAN KA KAYA MAGSASALITA NOH? PARA NAMAN HINDI AKO MUKHANG TANGANG KINAKAUSAP KA TAPOS HINDI KA NAMAN SUMASAGOT? SABAGAY KAPAG NAGSALITA KA MALAMANG IISIPIN KO NABABALIW NA AKO NUN…HMMM…KUNG ANU-ANO NA ANG NAIISIP KO..MATUTULOG NA NGA MUNA AKO…MATULOG KA NA DIN XIXI… (at ipinikit ko na ang mga mata ko kasabay ng paghila sakin ng antok)


Hindi ko na namalayan ang pag-ilaw ng bato sa noo ni Xixi kasabay ng pagliwanag ng silid.

▀▬▀


At Caelum Utopia:


NALALAPIT NA ANG TAKDANG PANAHON…NALALAPIT NA ANG ORAS NA KAKAILANGANIN NG GISINGIN ANG INYONG NATATAGONG KAPANGYARIHAN..
MALAPIT NA... MALAPIT NA MALAPIT NA...


EROS: KATAAS-TAASANG PINUNO…SA TINGIN KO PO AY HINDI NILA KAKAYANING LABANAN MAG-ISA ANG KAMPON NI NEFARIUS NA NAGKALAT SA MUNDO NG MGA MORTAL. BAKA MAPAHAMAK LANG SILA.


KAILANGAN NILANG MATUPAD ANG MISYONG NAKAATANG SA MGA BALIKAT NILA. WALA KANG DAPAT ALALAHANIN EROS DAHIL NAGAWA NILANG MABUHAY BILANG NORMAL NA TAO SA MUNDO NG MGA MORTAL…MAGAGAWA DIN NILANG LABANAN ANG KAMPON NI NEFARIUS DAHIL KUNG HINDI…KAILANMAN AY HINDI NA SILA MAKAKABALIK DITO SA UTOPIA.


EROS: PERO MAHAL NA PINUNO…


SINASALUNGAT MO BA ANG UTOS NG KATAAS-TAASANG DIYOS AT JOSA NG UTOPIA EROS?


EROS: HINDI PO...PAUMANHIN PO SA INYO. AT MARAMING SALAMAT SA ORAS NINYO.


MAKAKAALIS KA NA EROS....


Pagkaalis sa Judgement Temple ay naglakad-lakad si Eros hanggang sa makarating siya sa hardin ng Utopia.


DIWATA: MUKHANG MALALIM ANG IYONG INIISIP EROS.


EROS: IKAW PALA DIWATA..HINDI KO NAMALAYAN ANG IYONG PAGDATING.


DIWATA: DAHIL SADYANG MALALIM ANG IYONG INIISIP EROS. MAYROON BANG BUMABAGABAG SA IYONG ISIPAN?


EROS: INIISIP KO LAMANG SINA PRINCESS.


DIWATA: ANG MGA JOSANG IPINADALA SA LUPA?


EROS: TAMA KA DIWATA...SABI NG MGA GREAT GODS AT GODDESS NG UTOPIA AY NALALAPIT NA ANG PAGDATING NG PANGANIB SA KANILA.


DIWATA: HUWAG KANG MAG-ALALA EROS...ALAM KONG HINDI SILA PABABAYAAN NG MGA JOSA...MAY MGA TULONG NA DARATING SA KANILA.


EROS: SANA NGA DIWATA....SANA NGA...


End of Chapter 2

11 comments:

  1. sis ikaw na bahalang mag-edit ah...hehehe..thanks... sensya na sa update ko ah..haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. done editing! talagang pinilit kong wag basahin habang ini-edit! hahaha... basa mode na talaga!

      Delete
  2. uwaaaah sis!!! ang ganda shet!!! natuwa ako sa paglabas ni eros my crush! uwaahhhahahaha!!!

    at gusto ko yung tattoo i mean birthmark pala! ahaha... at naiinggit ako kay xixi!!! description palang naku-cutan na ako! uwaaahhhh!!! >_____<

    ReplyDelete
  3. hahaha...hindi ko kasi alam sis yung mismong pangyayari hala sige type nalang ako ng type..late ko na kasi nabasa yung pm mo sakin..haha..kaya isinama ko na sina eros...bulabugin mo si queen para sya na magupdate..haha

    thank you sis..

    ReplyDelete
    Replies
    1. kakilig talaga sis... ahaha... nabanggit p aniya pangalan ko... uwaaahhh... alam mo may naisip na nga akong mga love triangle para saating tatlo eh... saken kasi gusto human vs god! dylan vs eros!!! uwaahhh kilig... hahaha...

      Delete
  4. hahaha...sige lang sis...iyo na ang dalawang lalaki..haha..

    may naisip na din ako sakin..pero bago yun sana magupdate na si queen

    ReplyDelete
  5. gnda ni2 ate!!!!!! sna nga next n agd!

    gus2ng gus2 q tong team up niorn tatlo!

    ReplyDelete
  6. likey likey! incest relationship ba ang kina rohan at empress... nako! intrigera lang! haha. nabasa q kasi s pf eh... hahaha, d2 n aq nag-comment.

    -anew_beh

    ReplyDelete
  7. Naku! Si Eros ah... NAKOW! Type ko si Empress. Boyish eh. Adorbs!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^