Sunday, January 29, 2012

Boyfriend in Disguise : Chapter 10

Chapter 10
(ISHY ARAVILLA POV)


Nagpasya na lang kaming kalimutan ang nangyari. At tsaka, hindi naman siguro dapat gawing big deal yun! That was just a kiss!



"Sorry."


Photobucket


"I told it's okay! Part yun ng pagpapanggap! I think mas naging kapanipaniwala nga eh." At napayuko si Johann. "Sorry kung ako yung biglang sumingit ha. Hindi ko lang kasi matiis na ginaganun ka nung Elaine at nung kasama niyang lalaki. She's not worth Johann, mas may deserving pa na babae sa pagmamahal mo. At mas deserve mo yun dahil mabait kang tao."




"You really are something Ishy."




At nandito na kami sa harap ng condo. Inihatid ako ni Johann. "Sige na Johann, see you at school na lang!"




"Yeah... and Ishy kung maalala mo yung bagay na nakapag-paiyak sayo kanina, tawagan mo lang ako ha."




"Actually pinaalala mo siya ngayon, imbes na nakalimutan ko na sana." At nagtawanan kami. "Don't worry about me Johann, matikas akong babae! Bye!"




"Bye!"




Pag-alis niya, pumasok na rin ako sa loob ng building at umakyat na sa floor ko. Pagpasok ko sa loob ng unit ko, sumalampak na lang ako sa upuan.




"Bakit kaya hindi na tumawag si Riley..." At nung pag-check ko sa phone ko. "Aw syet! Nakalimutan ko palang i-on ulit!" Dang! Pinatay ko pala nung bago ng interview niya kasi baka tumawag siya ulit. Tapos yan, nakalimutan ko ulit i-on! Kaasar!




"Gusto ko pa naman makausap siya tungkol kay Casey Anne." Tapos in-on ko yung TV. Wala namang balita... at yung showbiz news, tungkol lang sa nangyaring interview kanina...


Photobucket



.




.




.




At sa "Welcome party ni Casey Anne ngayon? At... at escort niya si Riley?"




= = = = =


(RILEY DAYNE POV)




"Riley, he's from A-X Fashion Mag. Mag-post naman kayo ni Casey together." Ang sabi nung manager ni Casey.




"Sure! Tara Riley!"



"Ha?" Aayaw sana ako kaso nahila na niya ako so wala akong nagawa kundi ang ngumiti.




"One more picture." Kanina pa yun sinasabi nung photographer galing A-X! "Akbayan mo naman siya Riley."




I didn't answer back, instead ngumiti na lang ako. Nakngpucha! Hindi pa naman ako nagpaalam kay Boo na mage-escort sa welcome party na 'to!




"Come on don't be shy." Nag-smile si Casey at siya ang humila sa kamay ko para maakbayan ko siya. "Is this better?"




"Perfect! Ang ganda ng register niyo sa camera! Bagay na bagay kayo!"


Photobucket



"Really? Then you should send us a copy, okay?" Tapos after ng picture-taking, hinila niya ulit ang kamay ko so parang ang dating ay magkaholding-hands kami.




Nagpunta kami sa table namin, and sa wakas medyo nalayo ako sa camera! Nakakangawit ngumiti!




"Sanay ka naman sa cameras diba?"




"Yeah, why?"




"Then why do I get this feeling na parang hindi ka masaya na kasama mo ako? Na parang pilit lang ang mga ngiti mo? Don't you like being my date tonight?"


Photobucket

"No... it's not that." Ano ba? Like ko ba o hindi? "Pagod lang ako dahil sa sunud-sunod kong schedule today. Bukas may klase pa ako."




"Oh yeah, I heard that you're still attending school despite of your hectic schedule. Pwede ka namang maghome-school, gaya ko."




Eh di kapag ginawa ko yun, wala na akong way para makita si Ishy. "Well, kaya ko naman pagsabayin eh... kaya ko pa naman..." May lumapit na waiter at nag-offer ng glass of wine at kinuha ito. "Let's not talk about me. This is your party. Welcome sa C-Ent, Casey."




Pagkasabi ko nun, nagsmile siya saakin at bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi. Watdapacker!!!




"Umm... there are cameras kasi. You know, for publicity na din." Tapos parang nangti-tease pa yung mga tingin at ngiti niya. "And that's how I also say thank you."




Dang! Ano na naman 'tong iniisip ko at ikinikilos ko! Hindi ko maiwasang matuwa sa kanya!






*     *     *




Buong oras lang kaming magkasama ni Casey... at hindi ko matawagan si Boo. Kanina pa niya ako tini-text pero hindi ko naman mareplyan! Kanina nung tinatawagn ko siya naka-off phone niya.




"Casey, I have to go for a while."




"Teka iiwan mo ako?"




"No, um... I have to call my mom. Kinakamusta niya ako eh."


Photobucket



"Is that so? Sure! Bumalik ka agad ha!"




"Yeah. I'll be right back." At umalis na ako agad. Nag-iisip na ako kung saan ako pwedeng magpunta. Kung saan tahimik at walang abala. Then naisip kong sa roof top so nag-elevator ako agad papuntang taas.




At sakto nga, walang tao! May roof top garden kasi sa hotel na 'to, tamang-tama! Makakapag-relax din ako at makakausap ko pa si Ishy! I dialed her number and...




*ringgggg... riiiinnnnnnnggggg*




"Come on Boo, pick-up! Dalian mo..."




"Hello?"




"Hey Boo!" Hay sa wakas narinig ko rin ang boses niya! "Nagising ba kita?" Hatinggabi na kasi. "Boo...?"




Bakit hindi siya sumasagot? Galit ba siya? "Boo!!!"




"Bakit?"




"Anong bakit? Natutulog ka na ba? Kausapin mo naman ako ng maayos."





"Diba nasa party ka ni Casey Anne? Bakit ka tumatawag?" Lintek na yan! Nasa news na agad yun! At alam na niya! "Baka hinahanap ka ng ka-date mo."




"Ishy naman!" Puchaks! Nagtatampo pa yata! Hindi ko kasi nasabi eh! "Hindi kita nasabihan kasi hindi kita matawagan kanina."



"Alam ko... kaya nga bumalik ka na dun sa party." Ang plain lang ng boses niya! Hindi ako masaya! "Oh sige na ba-bye na. Matutulog na ako."


Photobucket



"Sandali lang naman!" Naimagine ko mukha niya. "Wag ka munang matulog! Kaya nga tumakas ako sa party para makausap ka tapos susungitan mo lang ako."




"Eh ano bang gusto mong pag-usapan! Inaantok na nga ako! Bye!" Tapos binabaan niya ako ng phone.




"Shet!!! Galit nga siya!!!" So tinawagan ko siya ulit...




*ringgggg... riiiinnnnnnnggggg*




"Hello!!!"




"Ishy wag mo naman akong babaan ng phone."




"Diba nga ba-bye na! Bakit ba ang kulit mo? Matutulog na nga ako!"




Hindi man lang ako nakaporma ng banat sa kanya! "Oh sige na, saka na lang tayo ulit mag-usap... good night." Tapos hindi siya sumagot. "I love you."




Please mahabaging langit! Sana mag 'I love you too siya!'... "Hey Ishy! I said I love you."


Photobucket



"Oo na! I love you too... good night!" Kahit na parang napilitan lang yung 'I love you' niya, okay lang saakin. That only means na mapapatawad niya ako. Bukas na bukas din pipilitin kong pumasok at babawi ako sa kanya!




Akala ko yun na yun eh, kaso biglang may umeksena.




"Who is Ishy?" Nagulat na lang ako sa boses ni Casey! Tokshit! Bakit siya nandito? Sinundan niya ako? "Girlfriend mo? You have a girlfriend Riley?"




"Ha?" Ampupu!!! Mag-isip ka ng palusot! "No... just another girl. Nothing serious."




"And you actually think I'll believe you?" Hindi ko ma-explain ang expression sa mukha ni Casey, pero kinakabahan ako. Siya yung tipong hindi ko kayang paikutin. "You're keeping a secret girlfriend... a non-showbiz girlfriend!"




Napalakas na ang boses niya kaya tinakpan ko yung bibig niya. "Sheeesh! Baka may makarinig sayo!"




"What were you thinking? You'll ruin your career!"




"It'll be ruin if you tell them..." Pagkasabi ko nun, may dumating na din from the press.




"Oh anong ginagawa ng star of the night and her date dito?"




Napaka-awkward ng situation so I had to do something. Hindi ko kasi alam yung tumatakbo sa isip ni Casey, hindi ko siya kabisado.




So inakbayan ko si Casey at kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat. "Nagpapahangin lang kami... let's go back to the party."








*     *     *




The party went on, pero hindi pa rin ako mapalagay. Wala man lang sinasabi si Casey Anne, so I wonder what she's thinking.




Mabait naman siya, kasundo niya ang lahat. Kaya nga siguro ang bilis ng pagsikat niya at ngayon umaanggat pa ang career niya.




"Hey! Mag-sayaw naman tayo!"


Photobucket



"Sure..." This is the right time for me to talk to her about my secret relationship. Kahit na maraming nakatutuok saaming cameras, I had to do this.




Pagdating namin sa gitna, romantic song yung pinatugtog. Gamitan mo ng charms mo Riley... "So hindi mo ba itatanong yung tungkol kanina?" Magkalapit ang mukha namin at ibinulong ko yun sa kanya.




"I don't really need to ask Riley... I know the truth already."




"So what are you planning? Sasabihin mo sa kanila?"




"If I do that, masisira ka sa public... and I know what will happen to that secret girlfriend of yours." Ngumingiti-ngiti pa rin kami sa cam, hindi lang pinahahalata kung ano talagang pinag-uusapan namin. "And you know what's worse? Pwedeng madamay ang career ko, because we're a love team now. Lahat halos ng projects ko, kasama kita."




"Yeah... I know..."




"So I'll keep my mouth shut."




"Really?" Napangiti ako sa kanya. Sabi na mabait itong si Casey Anne eh! "Thank you! Thank you very much!" At niyakap ko siya nang mas mahigpit sa sobrang saya! Nakahinga ako ng malalim.


Photobucket



"But you have to do something for me too, Riley."




"Anything! What is it?"




Grabe! Napapalibutan kami ng mga tao! At nakakasilaw na rin yung flashes from the cameras. "Kiss me."




"What?"




"Kiss me..." What is she thinking? "In front of everyone."




Napailing ako... "No." This isn't a scene from a movie or a drama or an MV! Kahit may cameras, this is is reality! And if I kiss her in front of them...




"Then I'll do it." Malaking issue 'to!




At hinalikan niya ako at lalong naghiyawan ang mga tao. Ilang milyung pictures kaya ang nakuha nila? Nakuhaan kaya nila ito ng video? Matagal na magkadikit ang mga labi namin ni Casey, and I want to push her away... but I can't.




"Wow!!!" This is a big story! Pagtingin ko pa lang sa mga mukha from the press people, I know na may mga story na silang naiisip.


Photobucket



"Hey Riley... in exchange for keeping your secret and your girlfriend's name. Then you should make me happy. With this stuff, mas magbo-bloom pa ang career ko... at mo!"




What the hell! Is this some sort of make-believe couple? A blackmail? And Casey Anne wants to use my weakness for her own gain! Shet!!!




Paano ko ipapaliwanag ito kay Ishy?




Casey and I really need to talk now!







= = = = =


(ISHY ARAVILLA POV)







Sa school this morning, laking gulat ko nang wala man lang fans na nag-aabang sa school gate. Hindi ba darating ngayon si Riley?




At nung makita ko na sina Helena at Mindy sa usual tambayan namin. "Hey mga GF's..." Namamaga ang mga mata nila at mukhang wala pa sila sa mood. "What's the problem?"




"Uwaaaaahhh GF!!!" At niyakap nila ako pareho... "Sih Riley!!!"




"Wait... what about Riley?"




"Hewe! Look at this pictuwes..." At pinakita nila saakin yung website nila, kung saan may na-post na silang pictures about last night's welcome party ni Casey Anne.




"Kalat nah yan over the net! They kissed!"




"And it's confiwm! Kaya din pala lumipat si Casey Anne sa C-Ent because she's in a in a welationship with Wiley!"




"Uwaaaaaaaaaaaaahhhh!!!" At hagulgol sila sa pag-iyak.



I looked at the pictures... smiling photos of Riley... and the kiss scene with Casey Anne... Nabasa ko din yung short statement ni Casey Anne... they're dating for almost a year na daw...




"No this can't be true..." Hindi ito magagawa saaken ni Riley!




Photobucket



(Disclaimer: I do not own the photos used in this chapter)

End of Chapter 10


4 comments:

  1. hay naku casey! ang ganda mo pa naman nakakabwiset ka! mang-aagaw bf ka! kung magsalita ako akala mo ako si ishy noh! pero kasi ang epal niya talaga! yayyyyys! >..<

    ReplyDelete
  2. Sapakan na lang oh!

    Hahaha :"> ay naku! Ayokong mainis pero nainis ako bigla.
    Chucu!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^