Tuesday, January 17, 2012

After All : Chapter 7

Chapter 7:
Kalabasa at Sitaw

[Lance POV]



I was sitting quietly at the back of the school. This is my favorite spot dahil tahimik at bihira lang ang estudyanteng nagpupunta dito. Sawang sawa na ako a ingay ng mga estudyante dito.


I noticed someone come in. siguro gusto din nya ng tahimik na lugar kaya hindi ko nalang pinansin.


I continue reading the book I was holding when suddenly biglang may nagtiliang mga estudyante.napailing nalang ako.



“Por dios por santo!!!Nasa eskwelahan kayo...mga imoral!!!”
Narinig kong sabi ng kasama ko dito.



As I look around I noticed it was a girl. But shock afterwards when I found out that it was JM. Ang bestfriend ng bestfriend ko. At ang pinakamaingay na babae na yatang nakilala ko.


She was holding a notebook. Mukhang magrereview sya dahil I heard from Aya na may exam sila mamaya.


Pero teka...eh hindi naman sya nagrereview eh because the only thing that was written in her notebook is….


I’m not in love with Lieu


At napuno nya ang notebook na yun ah.


Sinundan ko ng tingin ang tinitignan nya.


There, I saw West, Vaughn, Jake and Lieu.


Teka...wala si Vince?


Hmm…mukhang may something dito.


“wag yang notebook ang pag-initan mo” I told her.


I noticed her back stiffened. Siguro kinabahan sya ng bigla nalang akong magsalita.


“kung naiinis ka sa nakikita mo wag mo nalang tignan para hindi ka masaktan”


Nagkibit- balikat nalang ako after saying that at sumandal sa katawan ng puno as I put my book to cover my face.
Makatulog na nga lang.


“ANAK NG TETENG KA NAMAN LANCE!!! IKAW LANG PALA YAN MUNTIK NA AKONG ATAKIHIN SA PUSO SA NERBIYOS DAHIL SAYO!!!”


I heard her saying that.


Sabi ko na nga ba eh kinabahan sya. She must be thinking that I’m the ghost of CSL.


“ akala ko may nagmumulto na sakin dito. Sa susunod nga wag ka basta basta magsasalita ah!”


Told you..napangiti ako habang nakatakip padin ang libro sa mukha ko.hindi ko sya pinapansin. Hinayaan ko lang sya magsalita.


“ngayon namang kinakausap ka ayaw mong magsalita! Abnormal ka rin noh?!”


Ako pa ngayon ang abnormal. Hay masyadong maingay itong babaeng ito.


“nauna ako dito. Nabulabog mo lang ako dahil masyado kang maingay.”


I stood up at pinagpagan ko ang pantalon ko para alisin ang mga damong dumikit sakin.


“Hoyy!!! Montealegre----”


She shouted but I stopped her.
“…kung ayaw mong masaktan wag mong tignan.” As I told her that I glanced at the notebook she’s holding.


She blushed but I didn’t care at all as I walked out of there. Leaving her speechless.


But I could still hear her shouting.


“HAY NAKU KASALANAN MO ITO EULYSIS ANDRADE!!!”


My friends noticed me kaya lumapit nalang ako sa kanila. Mukhang wala na naman silang kasamang mga babae.


“san ka galing bro?” West asked me.


“dyan lang sa tabi- tabi” I answered and look at Jake and Vaughn “may exam kayo di ba? Bakit nandito pa kayo?”


“mamaya pa naman yun eh. Last subject” Vaughn answered at binalingan si Jake. “nagreview ka ba ‘tol?”


Jake laughed. “Ako pa!!! eh henyo yata ito. Kalabasa at sitaw yata ang almusal ko kanina”


Napakunot ang noo naming lahat.


“Anong konek?” Lieu asked


“syempre... Kalabasa pampalinaw ng mata at sitaw pampahaba ng leeg…hahahaha!!!”


Batok ang inabot niya kay West.


“ Luko-luko ka magtino ka nga. Graduating na tayo kaya dapat nagseseryoso ka na sa buhay mo.”payo ni West


“ bakit naman eh bata pa naman ako.saka alam mo brother West..at mga tropapipz ko..sa buhay ng isang estudyante hindi mo naman kailangan maging matalino para makasurvive sa mga exam. Tatlong bagay lang ang kailangan mo. Una, papel panalawa, ballpen at pangatlo ang pinakamahalaga sa lahat...kaibigang maaasahan...dun tayo panalo pare!!!” pagyayabang ni Jake.


“Grabeng katwiran yan ah” komento naman ni Lieu.


“Ang daya mo nga Jake katabi mo si Aya may kokopyahan ka eh ako wala.pasahan mo ako ng sagot mamaya.” Vaughn told Jake.


Sinita ko silang dalawa.


“ kayo imbes na nag-aaral kayo para makapasa umaasa lang kayo sa ibang tao.”


“‘tol naman nagreview naman kami kahit papano. Saka hate ko talaga ang Math eh. Hindi kayang iabsorb ng utak ko.”


“258mb lang kasi ang memory ng utak nyan ni Vaugh eh” pang-aasar ni Jake.


Sumimangot naman si Vaughn. “nagsalita ang matalino...eh kaya ka lang nakakapasa kasi matalinaw ka eh.” Ganting-asar naman nito.


“tigilan niyo na nga yan ang iingay nyo” saway ko sa kanila.


“oy! Wag daw kayo maingay natutulog si Lance” pang-aasar ni Lieu.


“Lol!” pabiro kong sinuntok sa balikat sa Lieu.


“ nasan nga pala si Vince? Bakit hindi nyo ata kasama?” I asked them


“Si Vince? Ginugyardyahan si Aya”


“Ano?? Si Aya?? Bakit?”








No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^