Chapter 33 :
Forgotten Memories
[Aya’s POV]
Nang magpasyang umuwi ang mga barkada ay nagpaiwan si West. He said he wants to stay with me at may pag-uusapan daw kami kaya nagpaiwan siya.
“What is it?”
He sighed before answering my question.
He looks me into the eyes.
“Are you happy with your life now?”
I didn’t answer. I’m shocked to hear that question.
“Define happiness”
“Aya!”
“okay fine. I’m not really happy. Although I’m famous now it doesn’t mean that I’m really happy….I-I guess you know what I mean”
“Do you still love him?”
“Yes” I answer with full of conviction.
“Then why don’t you try to be courage this time and seek for your happiness?”
Naguguluhang napatingin ako kay West. Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya..or rather yung gusto niyang ipahiwatig.
“ngayong buhay pala si Vince isn’t it about time for you to be happy? 5 years is long enough to be miserable. It’s already time for both of you to be happy.”
Napailing ako. Sana nga ganun kadali ang lahat. Sana isang sabi ko lang magagawa na.
“hindi ako naaalala ni Vince, Kuya. How could I be happy with that?”
“Eh ano kung hindi ka niya naaalala? Hindi mahalaga ang nakaraan. Ang mahalaga yung present at yung future. Kung hindi man naaalala ni Vince yung nakaraan niyo then why don’t you try to make a memorable moments now? Gumawa kayo ulit ng memories. Don’t sticks with the dilemma na hindi ka niya naaalala dahil I can feel that somehow in any way Vince still love you.”
Hindi ako nakapagsalita. Inisip ko yung mga sinabi ni West sakin.
“Think about it Aya”
Pabagsak akong nahiga sa sofa. Staring at the ceiling in my suite.
“What should I do West? I don’t have that time to fix things up. Isang linggo lang ako dito sa Pilipinas then babalik na ako sa Japan ”
“Do you really want to go back in Japan ? Do you still want to go back even after knowing that Vince is alive?”
I didn’t answer. I just continue staring at the ceiling as if it can give me answers.
Do I still want to go back?
[Vince POV]
May mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari katulad ng mga taong hindi mo inaasahang makikita.
Malinaw pa sakin ang nagging pagkikita ng barkada at ni Aya.
Si Aya…
I have this different feeling whenever I look at her.
Yun bang pakiramdam na hindi lang siya isang simpleng kakilala.
Whenever I see her smiling it makes my heart beats faster and louder. It makes me feel happy. Parang her smile can make my day complete.
Sino ka ba talaga Aya?
Ano ba talagang kinalaman mo sa buhay ko?
Bakit nagugulo ang isip ko sa kakaisip sayo?
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto ko. Mula ng bumalik ang ala-ala ko ay bumalik na din ako dito sa bahay.
Ewan ko but somehow parang may nabago sa silid na ito. Hindi ko lang maisip kung ano.
Dahil hindi ako makatulog ay ipinasya ko nalang na bumaba sa kusina upang makakuha ng maiinom.
Hindi ko na binuksan ang ilaw pagbaba ko. May maliit na liwanag naman na nagmumula sa poste sa labas kaya hindi masyadong madilim.
Naglabas ako ng isang lata ng alak. Pampaantok lang. Wala naman akong balak na maglasing eh.
Hindi ko namalayan nakakaapat na lata na pala ako kung hindi lang may kumalabit sakin.
Pagtingin ko si Mommy ang nalingunan ko.
“Ma, ikaw pala”
Napatingin si Mama sa nagkalat na lata sa ibabaw ng lamesa.
“Umiinom ka yata Hijo” puna niya sakin.
“Pampaantok lang ‘Ma”
Tinabihan ako ni Mama. Umupo siya sa katabi kong silya.
“May problema ba Hijo?” masuyong tanong nya sakin.
“Wala ito ‘Ma” tanggi ko at nginitian siya.
Ayoko ng mag-alala pa sakin si Mama.
“Hijo, anak pa rin kita. Nawala ka man ng limang taon sa piling ko ay hindi magbabago ang nararamdaman ko.Alam ko kung kelan ka may problema. Nararamdaman ko yun.”
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin iyon sa kanya.
“May gumugulo ba sa isipan mo?”
“Ma, s-sino si Aya?”
Tinitigan ako ni Mama pero hindi siya nagsalita.
“Never mind ‘ma…mawawala din siguro ito.”
“Gumugulo ba siya sa isip mo?”
“Mula ng makita ko siya kanina iba na yung naramdaman ko. Parang kilala ko siya na hindi. Parang pamilyar sakin yung mga galaw niya..yung pagtawa niya…yung mukha niya…yung mga labi niya…pilit kong iniisip kung sino ba talaga siya pero kahit anong gawin ko hindi ko talaga maalala. Parang… Parang…I have this feeling na ma…ma…” hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Parang bigla akong nahiya kay Mama.
“Na mahal mo siya?” nakangiting dugtong ni Mama sa sasabihin kong hindi ko masabi.
“Posible ba yun ‘Ma? Posible bang mahalin ko siya isang beses ko pa lang siya nakikita?”
“Anak, sundin mo lang ang puso mo dahil kahit kelan hindi ka ililigaw nito.”
“Hindi ko maintindihan ‘Ma”
“Kung gusto mong malinawan kung anong kinalaman ni Aya sa buhay mo pumunta ka sa attic. Makikita mo dun ang hinahanap mo.”
Pagkasabi nun ay iniwan na ako ni Mama.
Napaisip ako.
Gusto ko nga ba talagang malaman kung anong kinalaman niya sa buhay ko?
Kinabukasan kahit na medyo masakit ang ulo ko dahil sa nainom ko kagabi ay maaga pa din akong gumising. Gusto ko kasing pumunta sa attic para malaman kung anong ibig sabihin ni Mama.
Hindi muna ako nagbreakfast. Dumiretso na agad ako sa attic ng bahay namin.
Ito ang nagsisilbing pinakastockroom na din kasi dito inilalagay nila Mama yung mga old things namin.
Mga dati kong gamit nung bata pa ako ang nakita ko dito. Sa dami ng tumpok na gamit dito hindi ko naman alam kung ano ba ang hahanapin ko.
Sinubukan kong isa-isahin ang mga kahon na nakita ko baka sakaling may makita akong interesante hanggang mapadako ang tingin ko sa isang kahon na may nakasulat na Photo Albums.
Medyo maalikabok na yung kahon kaya kailangan ko pa itong pagpagan.
Mga picture ko mula pagkabata ang nakalagay sa isang photo album., Family pictures, and pictures with my friends. Tinitigan kong mabuti yung photo album na naglalaman ng mga larawan kasama ang mga barkada ko.
Kumpleto kaming lahat. Kuha sa ibat-ibang lugar na nais pinuntahan namin. Napangiti nalang ako sa mga kuha namin. Ang kukulit naman kasi nila eh. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang babae sa larawan na kasama ko sa picture.
That smile…
Kung hindi ako nagkakamali si Aya ito. Kuha ang larawan sa isang beach. I read the caption sa ilalim ng picture.
Love of my life
Aya and Me at Boracay
The picture was taken five years ago.
Love of my life???
Tinitigan ko pang mabuti ang picture. Ang sweet ng kuha naming dalawa dun dahil nakayakap pa ako sa kanya.
AAAAAAHHHHHH!!!!
Sumasakit bigla ang ulo ko.
Si Aya…
Yun ang huli kong natandaan dahil bigla nalang akong bumagsak sa sahig ng attic.
Mukha ni Mama ang nabungaran ko ng magising ako.
“Thank God! What happened to you Vince? Nakita ka nalang ng katulong na nakabagsak sa sahig?” nag-aalalang tanong ni Mama.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa loob na pala ako ng silid ko. Tinangka kong tumayo pero napahawak nalang ako sa ulo ko dahil bigla siyang sumasakit.
“Magpahinga ka muna anak sabi nung doctor.”
“Okay lang ako ‘ma”
Pero muli akong pinahiga ni Mama sa kama .
Naisip ko tuloy bigla yung larawang nakita ko.
“Maiwan na muna kita anak. Kukuha ako ng makakain mo.” Paalam ni Mama pero pinigilan ko siyang umalis.
“Ma…si Aya…”
Napatingin sakin si Mama.
“Dati kong girlfriend si Aya diba?”
“Naaalala mo na hijo?”
Tumango ako.
“Nung nakita ko yung picture naming magkasama biglang sumakit yung ulo ko at parang pelikulang biglang dumaloy sa utak ko ang lahat ng nangyari.”
Hindi ko na mapigilang pumatak ang luha.
“Kaya pala ganun nalang yung nararamdaman ko para sa kanya. Kaya pala parang lagi kong napapanaginipan ang isang babae. Si Aya pala yun.”
Umiiyak na din si Mama.
“Ang sama ko Ma..hindi ko man lang siya naalala.”
“Don’t blame yourself Hijo…Nobody’s blaming you. Kahit si Aya naiintindihan ka.”
“Yun na nga Ma eh..For five years..I let her down..I caused her so much pain knowing that I’m dead tapos ngayon hindi ko pa siya naalala.”
“There must be a reason Hijo. Sabi naman nung doctor may mga cases daw talaga na kung sino yung pinakamahalagang tao sa buhay mo at yung may maraming memories sayo ang hindi mo maaalala. But isn’t it happy that you already remember her?”
“It’s too late Ma.. Five years has already passed.”
“There’s no such thing as too late for a person who’s inlove and willing to fight for his happiness and love ones..”
Hindi ako umimik. I just listen to my mom.
Hindi pa ba talaga huli ang lahat?
Mahal pa rin ba niya ako after all those years?
After All the pain that I’ve caused her?
“I-I…still…love..her..Ma.”
“I know Hijo…I know that”
After All | Character Photos | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4
Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10
Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16
Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22
Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27 | Chapter 28
Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33 | Chapter 34
Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39 | Chapter 40
Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45 | Chapter 46
Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10
Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16
Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22
Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27 | Chapter 28
Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33 | Chapter 34
Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39 | Chapter 40
Chapter 41 | Chapter 42 | Chapter 43 | Chapter 44 | Chapter 45 | Chapter 46
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^