Monday, March 12, 2012

Help! She's Seducing Me! - Chapter Three

Chapter Three

Bwisit na lalake yon, sino ba sya para basta-basta na lang akong bigyan ng bagong pangalan? Sana lang balikan talaga sya nung mga gumawa nun sa kanya, saksakan kasi talaga sya ng yabang kaya bagay lang yon sa kanya.

“Ouch!

Ouch, ouch nya muka nya, hindi nya ako madadaan sa mg acting nya. Grabe ka Charlene, bakit ba galit ka don sa lalake eh wala naman syang ginawang hindi maganda sayo? Maawa ka naman kahit konti lang, sayang ang magandang lahi na meron sya kung hindi na nya yan naikakalat sa 7,107 islands ng Pilipinas.

“Tulungan mo na ako, please. Sorry na rin kung nagalit kita.”

Maawa ka na Cha, tingnan mo na lang yung mapupula nyang labi na parang ang sarap halikan, yung ilong na matangos, yung mata nya na nakakatunaw kapag tinitigan ka, yung ngipin nya na pantay-pantay at nakaka-silaw sa puti. Kaya mong bang tiisin ang ganyang kagandang lalake? Haaaay, oo na, oo na, babalikan ko na sya at tutulungan ko na. Minsan parang hindi rin maganda na meron kang kunsensya eh, katulad na lang ngayon.

Wala rin akong nagawa kundi ang balikan sya, parang hindi rin naman kaya ng konsensya ko na may mapapa-hamak na isang tao dahil sa hindi ko tinulungan, kahit pa ba saksakan ng arogante ang tao na yon!

“Oo na, wag ka ng umarte jan dahil hindi ka magaling na artista.” Inilagay ko na lang yung braso nya sa balikat ko as support dahil iika-ika din syang maglakad. “Malapit na dito yung sa amin kaya tiisin mo na lang yang masakit sayo.”

Hindi naman na sya nagsalita basta tuloy lang sya sa paglakad. Grabe, ang laking abala talaga ang dala nitong si Mr. A sa akin. Una late na akong makaka-uwi dahil tinalo pa namin yung pagong na hundred years ng nabubuhay sa sobrang bagal. Kung pwede nga lang, kung pwede lang talaga sana kinaladkad ko na lang sya o kaya pagulungin para lang mapa-bilis kami.

At sa wakas, naka-uwi din kami. Si Chay, ayun na kila Aling Lucia at nakiki-kain. Laking pasasalamat ko at sobrang bait ng kapitbahay namin na si Aling Lucia, kita nyo naman kahit na hindi ko naibilin sa kanila ang mahal kong kapatin nag-kusa sila na pakainin ang kapatid ko.

“Sandali lang ah, susunduin ko lang yung kapatid ko sa kapitbahay, mahiga ka lang muna jan, gagamutin ko yang mga sugat mo pagbalik ko.” Hindi ko na sya hinintay na sumagot bilang nagmamadali rin din ako dahil nag-aalala ako sa kapatid ko. “Naku, magpapa-load pa nga pala ako para matawagan yung resto-bar.”

Pinuntahan ko muna si Chay sa kapitbahay at saka ako nagpa-load. “Ate Cha, bakit ngayon ka lang, saka diba may trabaho ka pa?” hay naku Chay saka ko na lang sasabihin sayo.

“Umuwi na muna tayo Chay at may lalake sa bahay natin eh.” Oops, parang mali yata yung construction of sentense ko.

“Nag-uwi ka sa bahay ng lalake? Lagot ka kay Mama at kay Papa, dadalawin ka nun sa panaginip mo mamaya.”

Sabi na nga ba at mali talaga yung pagkaka-sabi ko eh. Sya nga pala si Charise, baby sister ko, nine years old pa lang yan at grade three student. Well hindi ko naman talaga sya kapatid, pina-ampon lang sya kina Mama after nyang ipanganak. Alam naman yon ni Chay pero naintindihan naman nya dahil pinalaki naman namin sya na parang isang tunay na member ng pamilya.

Tama bang takutin ako? “Hindi Chay, nagdala ako ng lalake sa bahay kasi nadaanan ko sya kanina dun sa kabilang barangay na napag-tripan, kawawa naman kasi eh.” Yun yung una kong akala, pero nung magsalita na sya, ayan na, bigla ko na lang na-reach yung boiling point ko ng wala sa oras.

“Ganun ba Ate? Tara na umuwi na tayo para magamot mo na yung sugat nya.” At ayun hinila na ako ng magaling kong kapatid pabalik ng bahay.

Pagdating namin sa bahay, tulog na si Mr. Arrogant, sobrang feel at home at talagang naka-taas pa yung paa nya dun sa center table. Hilahin ko kaya bigla yung pinagpa-patungan nung mga paa nya? “Sige na Chay, tulog ka na sa taas at ako ng bahala sa bwisita natin na to. Maaga ka pang gigising diba?”

“Sige ate, pasok na ako sa kwarto ko. Ate, hindi mo ba talaga kilala yang lalake na dinala mo dito, baka naman boyfriend mo yan at ayaw mo lang sabihin Ate?”
Echuserang-tsismosa talaga nitong si Charise, paglaki nito tatalunin nito si Boy Abunda o kaya naman si Lolit Solis. “Sige na, pumasok ka na sa kwarto mo. Good night.” Ng makita ko na naka-pasok na sa kwarto nya ang maganda kong kapatid na nag-mana sa akin ay ginising ko na si Mr. A.

“Oi, gumising ka muna jan, magpalit ka muna ng damit bago ka matulog.” Pero hindi man lang sya gumalaw muna sa pagkaka-tulog nya. Teka, tulog nga ba talaga ang isang to, baka mamaya isa na syang malamig na bangkay!

Hala ka, bakit ganon, bakit parang hindi na yata sya gumagalaw? “Ui Mr. A, wag ka naman dito sa bahay namin mamatay, baka mamaya mapag-bintangan pa na ako ang bumugbog sayo.” Pero hindi pa rin sya gumagalaw. “Aba, hindi na ako natutuwa sa mga inaarte mo ha.” Tapos hinawakan ko na sya para alugin sya. Wala akong pakelam kahit na sumakit pa yung buong katawan nya, basta ang mahalaga magising sya. Pero ng ginawa ko yun eh talaga naman nagulat ako, siomai na yan ang init nya, hindi lang basta mainit, saksakan sya ng init, nilalagnat pala!

“Huy Mr. A, wag ka namang ganyan oh. Sorry na dun sa mga nagawa ko sayo kanina, hindi ko uulitin promise. Wag ka lang mamamatay magiging mabait na ako sayo, pangakong-pangako ko yan.” Taraklis wa-epek pa rin eh, ano bang gagawin ko? Sandali nga, mapunasan na lang muna nsya ng maligamgam na tubig na meron alcohol, baka sakaling bumaba na yung lagnat nya.

Hay, ang malas mo talaga minsan Charlene, hindi ka na nga naka-pasok sa evening job ko tapos eto pa ngayon ang isang hambog na lalake na inaapoy ng lagnat. Anak ng tokwa talaga, kapag talaga minalas ako sagad hanggang sa ilalim ng lupa!

I carry him to my room, kawawa naman kung sa sofa lang sya matutulog diba, eh may lagnat na nga. Hindi naman ako ganong kasama para hayaan lang sya dun sa sala. Dalawa lang din naman kasi ang kwarto dito sa bahay, etong kwarto na gamit ko, eto yung room dati ni Mama at ni Papa, tapos yung room naman na gamit ni Charise is yung dati kong kwarto.

“Mr. A, ok ka na ba, ok na ba ang pakiramdam mo?” eto namang isang to ayaw man lang sumagot, kahit umungol lang sya ok na sa akin yon.

Siguro nagtataka kayo kung paano ko sya napalitan ng damit at ng pantaloon no? Oh well, yung damit lang naman talaga nya yung pinalitan ko. Yung sa pang-ibaba naman nya, I first make sure na hindi lang sya naka-brief, kasi kung hindi, hindi ko papakelaman ang pantalon nya. Laking pasasalamat ko na lang dahil naka boxer short ang kumag. Sa mga nagtatanong kung maganda ba ang katawan nya, oo! Maganda ang katawan nitong ungas na lalake na to, ikaw ba naman ang makakita ng six-pack na abs ewan ko lang kung hindi tumulo ang laway mo. Pero paglilinaw lang, hindi ko masyadong nakita yung katawan nya na walang naligaw na taba, kasi patay yung ilaw kaya madilim kaya hindi ko talaga nakita yung maganda nyang katawan! Maniwala na lang kayo, wala talaga akong nakita.

“Ang lamig… ang lamig!!!” ay anak ka ng kapitbahay ko! Nagsalita na rin sya, salamat naman! Pero ano daw, malamig daw! Siguro kaya binugbog to ng mga tambay kasi nakita na sumisinghot ng shabu sa loob ng sasakyan tapos hindi man lang sila inaya, selfish ba! Ang init-init dahil summer na tapos dadali sya ng ang lamig! “Ang lamig, paki-patay naman yung aircon.”

Aircon? May aircon ba kami, kailan pa? Nyemas na yan, hindi kaya nagdidiliryo na ang isang to? Naku naman, anong dapat kong gawin? “Ang ginaw-ginaw!” tapos nanginginig na sya this time. Juskoday, ano po bang dapat kong gawin? Kapag ba binuhusan ko sya ng mainit na tubig titigil na sya sa kakasabi ng maginaw?

Tama! Naalala ko na yung sinabi sa akin ni Louanne, kapag giniginaw ang isang tao, ang pinaka-dabest na pantanggal ng ginaw nito is body heat! BODY HEAT sa kumag na to na parang may bagyo sa loob ng katawan nya? Kailangan kong yakapin ang isang to, as in ako talaga ang yayakap? Ang swerte naman ng lalake na to kung ganon! “Ang lamig!” oo na nga, yayakapin na nga kita, at ibibigay ko na rin sayo ang aking body heat! Nyetang buhay talaga to oh, alin ba sa seven deadly sins ang nagawa ko ngayong maghapon at ganito ako kamalas?

“Arrrrrrhhhhh!!!” nagawa mo pa talagang umungol impakto ka ha, itulak ko kaya to! “Ang lamig, ang ginaw!”

Ano pa bang dapat kong gawin, yakap-yakap ko na nga sya giniginaw pa rin sya! Teka nga, makuha muna lahat ng naka-tago naming kumot dito sa bahay. Ay tanga! Wala nga pala dahil nag-donate ako sa school last year!

“Paki-patay yung aircon please naman oh!” babatukan ko na tong isa na to, kailangan ba talaga nyang ipamuka sa akin na wala kaming aircon? “Ang lamig!”

Langya, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa lalake na to! Matawagan na nga si Louanne, for sure maraming alam sa ganito yung dahil nursing student sya. Kasi naman, ano bang alam ng isang Biology student sa mga ganitong bagay, kung parang pusa lang sana sya na ida-dissect eh.

“Hello Lou, ano bang dapat kong gawin kapag giniginaw yung isang taong may mataas na lagnat?... … Ginawa ko na yan eh, pero giniginaw pa rin sya, nanginginig pa rin yung buo nyang katawan… … What? Yayakapin ko sya ng walang blouse, bra lang ang suot ko?” hinayupak na yan, idadagan ko na lang sa kanya lahat ng damit ko, pati na rin yung sa kapatid ko wag ko lang syang yakapin ng naka-bra lang. “Wala na bang ibang paraan? … … … Dadalin sa ospital? Lou naman anong oras na oh, saka wala akong pera eh.” Kung kaya lang dalin ng kunsensya ko yun eh, eh di sana pinabayaan ko na lang talaga tong lalake na to.

No choice naman na ako eh, kailangan ko talagang gawin to! Pero gagawin ko to hindi dahil sa gusto ko, gagawin ko lang to para naman hindi ako ma-konsensya at dahil kailangan!

I take-off my shirt and then niyakap ko na sya, pati sya tinanggalan ko din ng damit kagaya ng sinabi ni Lou. Effective naman sya kasi tumigil na yung panginginig ng katawan nya, tapos pantay na rin yung pag-hinga nya. Hay salamat po! Dahil sa mejo late na rin at pagod ako, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na bra at shorts lang ang suot.



3 comments:

  1. nakakatuwa naman 2ng update na 2.
    hindi ko alam kung ano uunahin ko eh. tawa ba o kilig! ang hirap pagsabayin. ahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayiieee... thanks for reading my story...

      Delete
  2. hahaha.. hindi nman ata ako naniniwala na wala siyang nakita.. haha.. ang swerte naman ng lalaking to! mei nkayakap sa kanya na ubod ng sexy at ganda at almost naked pah!... haha,kilig much..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^