Monday, March 12, 2012

My Own Prince Charming : Chapter 8

[I Love You in a Broad Daylight]


YUUKI : Naihatid mo na si Ate Jen kuya?

IAN : Oo…at ikaw may kasalanan ka sakin.

YUUKI : Ako? Ano namang kasalanan ko sayo?

IAN : Istorbo ka. Babawasan ko allowance mo. ( at pumasok na ako sa loob ng bahay.)

YUUKI : You cant do that to me.

IAN : You know I can. Ako ang humahawak ng pera dito sa bahay remember?

YUUKI : KUYA!!!! ( nagdadabog na sinundan ko siya papasok ng bahay) Nakakainis ka.

IAN : I know. But you don’t have a choice.

YUUKI : Sisiraan talaga kita dyan kay Ate Jen para lalo kang mabasted! ( at nagtatakbo na ako papasok ng kwarto ko)

IAN : Hey Yuuki!!!!!


+ + + + +


IAN : Hi Jen.

Nagulat nalang ako ng biglang sumulpot si Ian sa harapan ko.

JEN : Ikaw na naman? Didn’t I tell you to stay away from me?

IAN : Nope..wala kang sinabi.

JEN : Then stay away from me. (at ipinagpatuloy ko ang paglalakad)

IAN : Ayoko nga  (sinusundan niya pa din ako)

JEN : Hindi yun choice Ian.

IAN : Bakit ba kasi iniiwasan mo ako Jen? Ano bang maling nagawa ko sayo?

JEN : Wala. But I don’t want to get close to you. Dahil kapag nalaman ng kuya ko na dinidikitan mo ako kawawa ka lang.

IAN : Hindi ako natatakot sa kuya mo.

JEN : Ganyan din ang sinabi ng lahat Ian.

IAN : I just want to be friends with you.

Bigla akong tumigil sa paglalakad at hinarap siya.

JEN : Friends lang?

IAN : No… More than friends. I want to know you better if you just allow me to do that.

Paano ko ba pipigilan ang isang lalaking kasing kulit ni Ian?

JEN : Look  Ian…maraming babae dyan. I’m sure they are much more willing to be friends with you.

IAN : I know. Pero ikaw ang gusto ko.

With those words from him parang may humaplos sa puso ko. No matter how much I try to resist him and the growing feelings inside my heart hindi ko pa din mapigilan ang sarili kong mahalin siya.

Sinong babae ang nasa matinong pag-iisip ang hindi magkakagusto sa isang Ian Saldana? He’s handsome, rich and smart. Nasa kanya na ang mga good qualities na hahanapin ng isang babae. He’s the ultimate Prince Charming of women.

Hinawakan niya ang kamay ko.

IAN : I know that it’s too early for me to say this but in that one second that I laid my eyes on you hindi ka na naalis sa isip ko. I know that when I saw your face nothings gonna be the same. You made my heart complete. Pakiramdam ko kahit gaano karami pang babae ang nasa paligid ko balewala sakin kung hindi naman ikaw ang nakikita ko.

I become speechless. I didn’t expect his confession and take note in a broad daylight in this university’s school ground. May mangilan-ngilang estudyante na din ang napapatingin sa kanila.

IAN : Pwede ba kitang ligawan Jen?

JEN : Ian look,…I’m just an ordinary girl… maraming babae ang mas maganda at mas better kesa sakin.

IAN : Why would I settle for better if I already have the best? You’re the best thing that ever happened to my life. Meeting you was the most memorable thing that happened to me.

JEN : Ian…

IAN : Please Jen, sana paniwalaan mo ako. I know na hindi maganda ang reputation ko sa school na ito but I’m willing to change all that just for you and believe me when I say that I love you dahil hindi lahat ng babae sinasabihan ko nun.

JEN : So dapat pa pala akong maging thankful ganun?

He smiled at me. At parang ice cream na gustong matunaw ang mga tuhod ko sa ngiti niyang iyon.

IAN : So would you let me to court you?

JEN : Ligawan mo muna kuya ko.

IAN : Ha? Bakit ang kuya mo ang liligawan ko?

JEN : Dahil masyadong istrikto ang kuya ko. Kapag nalaman niyang nililigawan mo ako ipapabugbog ka nun.

IAN : Okay sige. I’m not afraid at your brother. Kung kinakailangang buong pamilya niyo pa ang ligawan ko nakahanda ako para lang maniwala ka na seryoso ako sayo.

JEN : Sige goodluck sayo…


+ + + + +


KENETH : Oh Tol? Anong problema mo at mukhang naluging intsik ang drama mo?

IAN : Tigilan mo ako Keneth ah. Wala ako sa mood makipag-asaran.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jen ay pumasok na ako ng classroom at ngayon nga ay kinukulit ako ng mga kaibigan ko.

SANJI : Bakit tol? Ano bang nangyari? Chicks ba?

KENETH : Chicks? Si Ian mamomoblema sa chicks? Unbelievable!!!!

RAN : Tungkol ba dun sa babaeng nakilala mo?

IAN : Oo mga pare. Ang labo kasi eh.

SANJI : Paanong Malabo?

IAN : Ang sabi ko kasi liligawan ko siya.

RAN : Oh? Eh anong Malabo dun?

IAN : Ang sabi niya ligawan ko muna daw ang kuya niya. Ang labo talga. Paano ko gagawin iyon? Paano ko liligawan ang kuya niya?

SANJI : Ang tanong tol…marunong ka bang manligaw?

IAN : Yun nga eh.

KENETH : Hay naku! Ang hirap talaga maging gwapo.

SANJI : Kung ako sayo tol humanap ka nalang ng ibang chicks jan..madami naman jan sa tabi eh. Hindi yung pinapahirapan mo yung sarili mo sa babaeng yan.

IAN : ewan ko ba mga tol. Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya eh. Iba eh. Dito talaga eh (sabi kong tinapik-tapik ko pa talaga ang dibdib ko malapit sa puso)

KENETH : Iba na nga talaga.. nakakakilabot na si Ian.

IAN : Mga tol bigyan niyo naman ako ng tips kung paano ko mapapaamo yung kuya niya. Base kasi sa sinasabi niya mahigpit talaga ang kuya niya.

SANJI : Wala akong alam jan tol eh pasensya na..itong si Ran baka meron..may kapatid yan eh.

KENETH : Talaga? May kapatid ka Ran? Bakit hindi namin kilala?

RAN : Dahil hindi ko hinahayaang pumunta ng zoo ang kapatid ko.

KENETH : Ha? Ano yun?

SANJI : Di ba may kapatid ka din? Isipin mo nalang din kung what if may manligaw kay Yuuki. Anong gagawin mo?

IAN : Hindi ko naman pinapakialaman si Yuuki sa mga ganyang bagay eh malaki na siya…Ran…tips naman jan..anong gagawin ko para mapaamo ko ang kuya niya? Since may kapatid ka naman alam mo siguro yun.

RAN : Hindi ko alam kung paano mo mapapaamo ang kuya niya dahil hindi ko naman kilala yun eh. Pero siguro ipakita mo na sincere ka at talagang mahal mo yung kapatid niya mapapaamo mo din siguro yun.

IAN : eh kung kunwari ikaw yung kuya tapos yung kapatid mo ang liligawan ko..anong gagawin mo? Tatanggapin mo ba ako?

RAN : Hindi. Babangasan ko pagmumukha mo.

KENETH : Lupit mo naman tol.

RAN : Seryoso ako. Dahil kung si Ian ang manliligaw sa kapatid ko alam kong kawawa ang kapatid ko.

IAN : Oy! Good catch kaya ako.

RAN : Oo.. at babaero ka din. Baka lumuha ng graba ang kapatid ko..

IAN : Sama mo naman.

SANJI : Kaya ipagdasal mo Ian na hindi katulad ni Ran ang kuya nung chicks na pinopormahan mo. Kung hindi tapos ka na.

IAN : Hindi talaga. Napakasweet kaya nung mahal ko. Kaya imposibleng magkaroon yun ng kapatid na tulad ni Ran.


+ + + + +


TRISH : Jen..bakit natulala ka na jan?

TINTIN : Oo nga..saan na nakarating yung diwa mo ah?

Nasa favorite hang-out na naman kaming magkakaibigan ng mga oras nay un. Tapos na kasi ang klase ko.

SAM : Isama mo naman kami jan sa pangangarap mo Jen.

JEN : Wala. May naisip lang ako.

MITCH : Ano naman yun? Or rather..sino naman yun ha?

JEN : Wala…sino ka jan. ( todo iling pa ako)

TINTIN : Hay naku Jen hindi ka magaling magsinungaling alam mo ba yun ha? Si Ian yung iniisip mo noh?

JEN : Hindi ah…

TRISH : Sus kunwari pa..umamin na kasi ( pinagkikiliti nila ako sa bewang)

JEN : Hey! Stop it…

SAM : Ano? Aamin ka na?

JEN : Oo na..kaya tigilan niyo na yan.

Tumigil naman sila sa pangingiliti sakin.

JEN : Okay… nagkita kami ni Ian kanina and he asked me kung pwede daw ba niya akong ligawan.

Bigla nalang nagtitili ang mga kaibigan ko na animo’y mga pinagkakagat ng malalaking langgam.

TINTIN : Sabi ko na eh..may something sa kanila eh.

TRISH : Oh? Eh anong sabi mo?

JEN : Sabi ko ligawan niya muna si kuya. Alam niyo naman girls kung gaano kahigpit ang kuya ko. Tinalo pa sina mommy at daddy eh.

MITCH : Yeah right.. si Kuya Ran.

SAM : Oo nga..wala na yatang tatalo sa pagiging istrikto ng kuya mo eh. Dapat sa kanya nagsundalo eh.

TINTIN : Wag! Sayang ang kagwapuhan ni kuya Ran kung mababangasan lang sa gyera.

TRISH : Eh paano na yan ngayon? Anong sabi ni Ian?

JEN : Siya daw bahala. Di daw siya natatakot. Liligawan daw niya kung kinakailangan.
TINTIN : Matapang siya ah.

SAM : Well goodluck kay Ian..Pakisabi sa kanya Jen sagot ko na ang kape at biskwit.

TINTIN : Tumigil ka nga jan Sam.

SAM : Eh totoo naman eh..dalawa lang ang pwedeng kahantungan ni Ian kapag binugbog siya ni kuya Ran…ospital o sementeryo…pasalamat pa nga siya nag-offer pa ako ng pang kape niya.

TINTIN : Ewan ko sayo di ka makausap ng matino.

MITCH : Anong balak mo Jen?

JEN : Hindi ko alam. Natatakot ako para kay Ian.

TRISH : Ngayon ka lang natakot ng ganyan para sa mga manliligaw mo Jen..ibig sabihin ba niyan special talaga sayo si Ian?

JEN : I don’t know Trish..basta ang alam ko I feel something for him whether it’s like or love I don’t know.

SAM : Well goodluck talaga kay Ian. Ipagdadasal ko din siya Jen don’t worry.

MITCH : Tinatakot mo naman si Jen.

SAM : Jen, biro lang yun wag ka masyadong magworry. Malalampasan ni Ian yan kung talagang mahal ka niya.

JEN : Sana nga.

+ + + + +


7 comments:

  1. Ang lupit mo Ran!!! Sayo ako!!!

    ReplyDelete
  2. hindi nga katulad ni ran dahil si ran mismo ang kuya ni jen!!!
    huwahahahahahahaha!!!!!!!! kawawa ka ian kay ran my labs!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. uy sis..may plot na ako ng story niyo ni ran haha

      Delete
    2. ohmaygawd! update na yan sis!!!
      wag nang patagalin ang monster couple!

      Delete
  3. ate wla p rin po ba itong kasunod?

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^