Thursday, August 16, 2012

My Own Prince Charming : Chapter 9

[9. I think I Love You]


Kinabukasan sa school ay nagulat nalang si Jen ng pagbaba niya ng kotse ay isang nag-aabang na Ian ang sumalubong sa kanya. With matching flowers and balloons pa ito.


JEN: Anong kalokohan na naman ito Ian?



Grabe naman nakakahiya ito. Ang daming taong tumitingin samin habang naglalakad papasok ng building.


IAN: Hindi kalokohan ito Jen..diba sabi ko naman sayo liligawan kita?


JEN: Yeah I know pero hindi ganito. Nakakahiya kaya.


IAN: Wag mo nalang pansinin ang mga taong iyan Jen. Inggit lang sila sayo.


Narinig kong nagbubulungan na ang mga tao particular na ang mga babae.


GIRL1: Si Ian Saldana iyon diba? Gosh! Ang gwapo niya talaga!!!


GIRL2: Is he courting that girl?!


GIRL3: Hindi pwede iyon!!! Akin lang si Ian.


Hay naku grabe naman itong mga babaeng ito. Akala mo mga hindi mapaireng pusa. Ipinasya kong wag nalang pansinin ang mga sinasabi nila.


Hanggang sa makarating kami sa classroom ay kasabay ko pa din si Ian.


JEN : Sige na Ian dito nalang.


IAN : Okay…sunduin kita mamaya ah.


JEN : Wag na.


IAN : I insist okay?


JEN : Bahala ka nga.


+++++


Bitbit ang mga dalang bulaklak at balloons ay pumasok na si Jen sa loob ng classroom niya. Pinagtitinginan naman siya ng mga kaklase.


CLASSMATE 1 : Nice naman si Jen may manliligaw na galante.


CLASSMATE2 : Nakakakilig naman sana ako din.


Napapangiting napapailing nalang si Jen sa mga naririnig.


TRISH : UY! Ano yan ha? Seryosohan na ba talaga iyan?


JEN: Trish!!!! Kinikilig ako!!!


TRISH : Hallerr?? Obvious nga eh..konting hinay hinay lang mare at baka atakihin ka sa puso bigla.


JEN : Haaayyyy!!!! (at nakapangalumbabang parang nangangarap na sabi ni Jen)


TRISH : Wala Jen…malala na tama mo dyan kay Ian…inlove ka na noh? Umamin ka?!


JEN : Trish….this must be really love.


TRISH : Ay ewan ko sayo…umayos ka nandyan na si Mam.


+ + + + +


Parang nasa ulap si Ian habang naglalakad papasok ng classroom nila. Lahat ng taong makasalubong niya ay binabati niya. Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig.


KENETH : Ian!!!


IAN : Oh tol!!! Kumusta. (at mahinang niyakap niya ito)


KENETH : Okay ka lang ‘tol?


IAN : Oo naman…tara pasok na tayo.


Pumasok na silang dalawa sa loob ng room.  Wala pa silang professor. Nilapitan nila sina Ran at Sanji na busy sa pagtugtog sa gitara.


RAN : Oy Ian! Punta ka sa bahay sa sabado.


IAN : Bakit tol? Anong meron?


RAN : Birthday ko.


KENETH : TALAGA TOL?? BIRTHDAY MO?? Nagbeberthdey ka pa pala.


RAN : Oo naman. Baka ikaw ang hindi. Ang mga amphibians kasi na tulad mo eh walang birthday na sinecelebrate.


KENETH : Grabe ka naman tol.


SANJI : Sira ulo ka kasi eh..si Ran pa ang inasar mo.


IAN : Sige tol…punta ako.


KENETH : May mga babae ka bang bisita tol?


RAN : Wala…pero baka pumunta yung mga kaibigan ng kapatid ko.


KENETH : Babae??? Cool..punta din ako.


 RAN : Bakit??? Invited ka ba? Si Ian lang ang niyaya ko diba?


KENETH : Grabe ka tol para ka namang di friendship niyan eh.


RAN : Bawal pumunta ang walang regalo.


KENETH : It’s the thoughts that count tol.


SANJI : Mukha mo! Nagkuripot ka na naman dyan!


Natigil lang kami sa pag-uusap ng dumating na yung professor namin.


++++++



Montreal Residence


JEN : Manang si kuya?


MANANG: Nandun sa pool naliligo. ( Manang naman nagpapatwa..malamang naliligo sa pool talaga…alangan namang inumin ni kuya yung tubig ng pool)


Napailing na pinuntahan ko nalang si kuya Ran sa swimming pool. Gusto ko kasing once and for all matahimik na ang kalooban ko. I want to tell kuya about Ian. I want to be honest with him. Ngayon pang nararamdaman kong mahal ko na si Ian. Pero gusto ko bago ko siya sagutin ay may basbas na ni kuya… pppfffttt!!! Basbas talaga eh…ano kami ikakasal???


Natawa nalang ako sa kalokohang naisip ko. Sa pool ay tanaw kong nagsuswimming nga si kuya.


JEN : Kuya!!!


Tumigil naman ito sa paglangoy at tumingin sa akin.


RAN : Bakit? Kailangan mo???


JEN : May sasabihin ako. Ahon ka dyan.


Lumangoy si kuya palapit sa akin. At umahon sa pool. Infairness ah..ang gwapo at ang ganda ng katawan ng kuya ko. Siguro maraming babaeng nahuhumaling dito. Kainis lang kasi wala naman akong mabalitaang babae itong si kuya eh. Napakamalihim kasi. Pero ang alam ko nung highschool kami may crush siya kaso hindi ko naman alam kung sino yun dahil ayaw niyang sabihin sakin.


Inabot ko sa kanya ang tuwalya….hehe..siyempre nagpapalakas eh…kailangang maglambing…Idinampi naman niya ito sa basang katawan niya bago naupo sa nakalaang silya at inumin ang juice na dala ni manang.


RAN : Anong sasabihin mo?


JEN : Wag kang magagalit ah.


RAN : Ano ba yun?


JEN : Basta promise mo munang di ka magagalit.


RAN : Ano ba kasi yun? Paano ako magpapromise kung di ko naman alam kung ano bang sasabihin mo.


JEN : Basta magpromise ka.


RAN : hay naku! Kulit! Oo na..sige promise. Ano ba yun?


Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.


JEN : There is a guy sa school na nanliligaw sakin… He’s nice…gwapo..sweet saka mabait naman….(nilaro-laro ko ang straw sa juice na hawak ko habang nagsasalita..kinakabahan kasi ako) although hindi ko pa siya ganun katagal kakilala…I feel different with him…I like him…no…I think I’m already inlove with him.


RAN : So? What do you want me to do?


JEN : Could you give him a chance? Kilalanin mo siya.. because you know how much I respect and love you. Gusto ko makilala at magustuhan mo din siya.. because I really like him.


RAN : Malaki ka na Jen…alam mo na siguro ang ginagawa mo.. may sarili ka ng isip para magdesisyon..kaya lang naman kita hinihigpitan noon dahil sa ayokong mapahamak ka..ayokong matulad ka sa ibang teenagers.  But I guess this time..it’s all up to you now…basta ipakilala mo sakin yang lalaking iyan.


JEN : Talaga kuya?? ( nayakap ko si kuya sa sobrang tuwa) Basta promise mong di mo siya tatakutin ah.


RAN : Sis…kapag ang isang lalaki madaling magpasindak sa family ng girlfriend o nililigawan niya…he’s not worth you’re love….dun mo malalamng seryoso talaga ang isnag guy sayo.


JEN : Ganun ba? Hmmm…basta wag mo masyadong sindakin ah.


RAN : I’ll try…why don’t you invite him on Saturday para makilala ko siya.


JEN : I’ll try to ask him kung pwede siya. Thanks kuya ( at kiniss ko sa kuya sa pisngi at niyakap ng mahigpit)


RAN : Aray ko..Sige na ipagpapatuloy ko na ang pagswimming ko.


JEN : Okay thanks…


Iniwan ko na si kuya na bumalik sa paliligo sa swimming pool. Kaagad akong pumasok sa kwarto ko. I cant help to feel excited to talk to Ian.


Sana Makita ko siya bukas para masabi ko ang invitation ni kuya.


++++++



3 comments:

  1. ~angel is luv~

    naku, excited na din ako malaman na ni ran na si ian pala yung umaaligid sa kapatid niya. haha!

    ReplyDelete
  2. waaah!.. ngayon lang ulit ako nka pagcomp.. late tuloy ako.. haha,ang ganda ate!.. na miss ko talaga ung story na to..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^