Wednesday, August 22, 2012

My Own Prince Charming : Chapter 10

[10. Costume Party]



(JEN’s POV)


Nagtext sakin si Ian na ihahatid daw niya ako pauwe. Sobrang kilig naman ang lola mo diba? Ang haba haba ng hair ko.


TRISH : grabe na yan Jen ah…naaapakan ko na ang buhok mo sa sobrang haba.


Nakikitingin kasi siya sa cellphone ko at nakikibasa sa mga messages sakin ni Ian.


JEN : Well… ( I playfully flip my hair)


TRISH : Pero honestly Jen, I’m happy for you…sana si Ian na nga ang Prince Charming mo…kelan mo ba siya balak sagutin?


JEN : Kapag naipakilala ko na siya kina kuya Ran…Sabi naman ni kuya willing siyang makilala eh.


TRISH : Really??? That’s great. Bakit hindi mo nalang inbitahin si Ian sa bday ni kuya Ran sa sabado?


JEN : Yun nga din ang plano ko eh.


TRISH : Ohhhh!!! Nakakakilig naman..sana wag syang bugbugin ni kuya Ran.


Hinampas ko si Trish dahil sa sinabi niya.


JEN : Wag ka nga dyan!! Napaka mo..


TRISH : Joke lang naman yun.


Maya maya ay tumunog ang cellphone ko.


TRISH : Ayan na may text galing kay Ian. Basahin mo na.


JEN : Excited ka ‘te??? ( Sus..kunwari ka pa Jen..excited ka din eh)


Binuksan ko yung message ni Ian. Nasa labas na daw siya ng classroom namin.


JEN : Nandito na siya Trish…sige GTG na.


TRISH : Iiwan mo ako???


Naglalambing na niyakap ko siya.


JEN : Just this time..kakausapin ko lang si Ian. Text mo nalang sina Tintin para samahan ka.


TRISH : Kainis naman eh…pero sige na nga…enjoy mo nalang si Prince Charming.


JEN : Thanks. ( at kiniss ko siya sa cheecks)


***


JEN : Hi kanina ka pa? ( sa labas ng classroom ay nadatnan ko siya)


IAN : Hindi naman. So tayo na?


JEN : Ha??? (tanong ko ng namula ang mukha dahil sa sinabi niya)


IAN : Tayo na..i mean..tara na..alis na tayo..hatid na kita.


JEN : Ahh…akala ko sabi mo TAYO na eh.


IAN : Pwede din ( tapos nginitian niya ako…OHEHMJI  naman ang gwapo niya talaga..hindi ko maiwasang kiligin)


JEN : Tumigil ka nga dyan ( kunwari ay saway ko..para di naman obvious na kinikilig ako diba?)


Naglakad na kaming dalawa papunta sa kinapaparadahan niya ng sasakyan.


JEN : Ahh Ian… ( simula ko ng makasakay na kami)


IAN : Ano yun?


JEN : May lakad ka sa Saturday?


IAN : Saturday? ( saglit na nag-isip siya) Oh yes…Birthday ng bestfriend ko.. bakit?


JEN : (birthday ng bestfriend niya…so di siya pwedeng di pumunta…okay lang may next time pa naman) Ahhh wala naman…naitanong ko lang.


IAN : Gusto mo sama ka sakin?


JEN : Naku wag na nakakahiya…saka hindi rin ako pwede…birthday kasi ng kuya ko.


IAN : I see… ( pareho kaming natahimik dalawa habang umaandar ang sasakyan) Saan kita ihahatid? Sa bahay niyo naba?


JEN : Dun nalang sa kanto…magtatrycycle na lang ako papasok sa village. (hindi ko pa siya pwedeng dalhin sa bahay baka makita ni kuya)


IAN : Ha? Hindi ba pwedeng hanggang bahay niyo na? kahit sa gate lang. masiguro ko lang na safe ka.


JEN : Sorry Ian…hindi talaga pwede eh.


IAN : ( napabuntong-hininga nalang ako…ayaw niyang magpahatid..ayoko namang pilitin siya kasi baka makulitan siya sakin..siguro mahigpit ang parents niya) Okay sige..ingat ka nalang…text mo ako kapag nasa bahay ka na.


JEN : Okay..sige thanks.


Hindi namin namalayan na nasa kanto nap ala kami ng village namin. Agad akong bumaba ng sasakyan.


JEN : Thanks Ian..ingat ka..


IAN : Ikaw din.


Hinintay kong makaalis ang sasakyan ni Ian bago ako naglakad papasok ng village. Kailangan ko pa kasing maglakad ng konti para sa sakayan ng tricycle.


JEN : Hmmm…tutal hindi naman masyadong mainit lakarin ko nalang kaya? Exercise din yun..tagal ko ng walanag exercise eh. ( at sinimulan ko ng maglakad…dun lang ako sa may gilid para di ako mahagip ng mga dumadaang sasakyan)


Beeeeeppppp Beeeeepppppp!!!!


Napapitlag ako ng makarinig ng malakas na busina. Bakit naman ako bubusinahan ng ganun kalakas eh nasa gilid naman ako ng kalsada. Mang-aaway na sana ako kung di lang bumaba ang salamin ng sasakyan.


JEN : Kuya???!!!!


RAN : Yow!


SANJI : Hi Jen!


JEN : Bakit ba kayo nang-gugulat ah?!


RAN : Sakay na. ( sumakay na din ako sa likod ng kotse)


SANJI : Bakit naglalakad ka Jen? Hindi ka hinatid ng manliligaw mo?


JEN : Shut up! Bakit magkasama na naman kayo ni kuya? Malapit na talaga akong magduda na isa sa inyo ang bakla. Lagi nalang kayong magkasama eh.


SANJI : bakit ganun? Kapag ang dalawang babae magkayakap o magkaholding hands o lagging magkasama hindi mo iisiping tomboy yung isa…pero bakit kapag lalaki…bakla agad? Ang unfair ng buhay ah.


JEN : Sino bang nagsabing fair ang mundo?


RAN: dapat hinihintay mo nalang ako para sabay na tayong umuwi at hindi ka na naglalakad.


JEN : Okay lang yun kuya…exercise din yun.


SANJI : Asus!!! Nagpapasexy ang baby girl..


Hay naku nang-asar na naman itong si Sanji. Kakainis.!


JEN : I’m not a baby!


SANJI : Weeehhh??? Baby ka ni Ran eh.


JEN : Naman eh!!!! I’m old enough to take care of myself.


RAN : Quiet Jen!


Natahimik naman ako…natatakot talaga ako kay kuya eh. Nang-aasar na tinignan naman ako ni Sanji mula sa rearview mirror. Binelatan ko lang naman siya. Kaasar talaga…sira na ang exercise ko..sira pa ang araw ko.


***


[IAN’s POV]


Saturday…


Birthday ni Ran ngayon…kasabay pala sila ng birthday ng kuya ni Jen. Sayang gusto ko pa naman sanang isama si Jen para maipakilala ko na din siya sa mga kaibigan ko. Pero di bale may nexttime pa naman…kung di ulit pwede sa susunod na next time…o sa susunod pa…basta ipapakilala ko siya. I want her to be proud of me ‘coz I’m really proud of her.


KENETH : Eto na yata ang bahay nila Ran.


Kasabay ko kasi si Keneth sa pagpunta. Sa totoo lang kahit matagal na kaming magkakaibigang apat nila Sanji at Ran never pa kaming nakapunta sa bahay nila Ran…as in never…si Sanji nakapunta nay un kasi sila naman talaga ang close ni Ran eh. Ang madalas kasi naming tambayan eh yung bahay nila Keneth since malapit siya sa school.


IAN : Iyan na nga siguro..iyan ang nakalagay sa address eh.


Isang malaking bahay ang hinituan namin. Nakaktuwa kasi parang Japanese style yung bahay. malapit lang pala sa amin ang bahay nila Ran. Isang village lang ang pagitan.


KENETH : Di ba malapit lang bahay niyo dito?


Nakapunta na kasi siya minsan sa bahay kaya alam niya.


IAN : Oo…kung alam ko lang eh di sana hindi na kita sinundo. Dumiretso na ako ditto. Nagpaikot-ikot pa tuloy ako.


KENETH : Have mercy naman diba? Wala akong tsikot eh.


IAN : Eto na nga eh…have mercy have mercy ka dyan sapakin kita eh…sige na magdoorbell ka na.


KENETH : bakit ako? Bumusina ka nalang. Ayokong bumaba.


IAN : Bumaba ka na. ang arte nito parang di lalaki.


KENETH : Eh di ikaw ang bumaba.


IAN : Sipain kaya kita dyan! Kotse ko ito!


KENETH : Eto na nga bababa na..lagi niyo nalang akong inaapi ( ang arte talaga..kikilos din naman daming reklamo)


Isang maid na nakasuot ng kimono ang nagbukas ng gate.


KENETH : Hello po. Bisita kami ni Ran.


MAID : pasok po kayo. Hinihintay na po kayo ni Young Master.


KENETH : Young Master? ( napatingin siya sakin..kibit-balikat lang naman ang isinagot ko)


Pagpasok namin sa loob eh mangilan-ngilan lang ang sasakyang nakita namin. Wala bang masyadong bisita?


Nakakatuwang tignan kasi yung mga paikot-ikot na maid eh nakasuot ng kimono. Japanese theme yata ang party ni Ran..kung party nga bang matatawag ito. Pagpasok namin sa loob ng bahay ay namangha kami sa nasaksihan namin. Napakalawak at napakaganda ng pagkakaayos pero bakit parang konti lang ang tao?


KENETH : Tol…ang yaman pala nila Ran.


IAN : Oo nga eh..akala ko ako na pinakamayaman satin. Mas mayaman pala si Ran.


Isang magandang babae ang lumapit samin. Mommy siguro ni Ran. Kamukha niya eh.



QUEEN : Hello. Bisita ba kayo ni Ran o ni Angel?


Angel??? Nagkatinginan kami ni Keneth. Siguro yung kapatid ni Ran ang tinutukoy niya.


KENETH : Si Ran po. Kaibigan niya kami.


QUEEN : Ahhh ganun ba? Hali kayo..tuloy kayo..ako ang mommy niya.


IAN : Nice to meet you po.


Dinala niya kami sa isang parang malaking kwarto. Pagpasok namin doon ay medyo maraming tao. Pawang mga nakajapanese clothes sila. Nakakahiya. Mukha kaming outsider ni Keneth. Paano ba naman kasi nakasimpleng jeans at t-shirt lang kami.


Binulungan ako ni Keneth.


KENETH : Tol..napunta yata tayo sa panahon ng hapon.


IAN : hanapin mo si Yamashita. (pabirong bulong ko din)


Bigla namang ngumiti ang mommy ni Ran. Narinig yata kami.


QUEEN : Pasensya na kayo ah… yung pinsan kasi ni Ran ang may pakana nito. Ayawa nga din ni Ran eh..alam niyo naman ang batang iyon…hindi ba niya nabanggit sa inyo na may Japanese blood siya?


IAN : Hindi po eh.


KENETH : Malihim po si Ran eh..bihirang magsalita.


QUEEN : Ganun talaga ang anak kong iyon…kayo na sanag bahalang umintindi.


RAN : Ian..Keneth..


Dumating na pala si Ran. Sa likod niya ay nandun naman si Sanji. Nakahinga kami ng maluwag kasi kapareho lang namin ang suot na damit nung dalawa. Atleast di na masyadong nakakahiya.


QUEEN : mabuti nandito ka na hijo..ikaw na bahala dyan sa mga kaibigan mo ah. ( at iniwan na kami ng mommy niya)


KENETH : ang ganda ng mommy mo Tol.


RAN : Alam ko. Kaya nga baliw na baliw dyan ang daddy ko eh….kanina pa ba kayo?


IAN : Hindi naman…pero tol bakit hindi mo naman sinabing may theme pala itong birthday mo? para kaming alien dito.


RAN : Si Ate Ayesha lang may kagagawan niyang theme –theme na iyan. Ayoko nga eh. Nakita niyo ba akong nakasuot ng katulad ng sa kanila?


SANJI : Pinsan ni Ran si Ate Ayesha. ( singit nito…singit ng singit eh)


IAN : Ahhh… I see…( teka..parang si Jen yung nakita ko ah)


Nagkandahaba ang leeg na pilit kong tinatanaw yung babaeng dumaan pero bigla din siyang nawala. Guni-guni ko lang siguro yun.


Isang maganda at matangkad na babae ang lumapit samin.


AYESHA : MY golly!!! Bakit hindi kayo nakacostume???


Costume???? Ano ba itong napuntahan namin? Costume Party?


AYESHA : hay naku Ran pasaway ka! Ikaw pa naman ang celebrant!


RAN : Ate ayoko!!! ( todo angal si Ran..aba kung ako din naman yun ayoko din)


AYESHA : Anong ayoko ayoko ka dyan…hala!!! ( may tinawag itong palakad-lakad na katulong…may inabot ditong damit ang katulong. Isa isa naman kaming binigyan nito) ayan hala magsipagpalit kayo.


IAN : teka??? Bakit pati kami?


AYESHA : Ayaw mo??? ( tinaasan ba naman ako ng kilay???) ha..ah eh..


Kakamot-kamot nalang sa ulo si Sanji. Ganun din naman si Ran.


KENETH : Wow!!! Cool nito oh..para tayong si Kenshin Himura ng Samurai X…


Hay naku abnormal nga pala itong si Keneth.


AYESHA : hala!!! Magsipagpalit na kayo.. magsisimula na ang party. ( anito at tinaboy na kaming apat palabas ng silid na iyon)


IAN : oy Ran anong gagawin natin?


RAN : Akala ko nakatakas na ako. No choice tayo..isusuot natin ito dahil mapapagalitan tayo ni Ate Ayesha kapag di natin isinuot ito.


Mukhang nanlulumo ito. Wala yata siyang laban sa pinsan niya. Sabagay maski kami hindi rin naman nakapalag eh. Kaya wala kaming choice kundi isuot itong damit na ito. Na sabi nga ni Ran ay Yukata daw ang tawag ditto. Traditional na damit ng Japan. May kasama pang tsinelas na bakya ang ibinigay niya sa amin.


Sana pala nakapagdala ako ng camera…



***

Ito yung Damit na ibinigay sakin nung pinsan ni ran na si Ayesha.


 
Credits to the owner of this photo


6 comments:

  1. ay!gusto ko yan!japanese ung theme nung party.. sayang hindi ako invited.. haha,parang alien.. OP sila .. haha.. ooohhh!.. kahit na nka yukata ay gwapo pa rin.. akala ko mgkikita na sila,hndi pa pala.. ok lang.. hintay hintay..

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    ang cute naman ng party! mas maka-jpop po kayo kesa kpop no?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..halata ba? opo eh...otaku kasi ako..haha..mahilig ako sa anime...kaya mahilig na din ako sa anything sa japan...sa JPOP kasi ang unang naging crush ko..si Jun Matsumoto.hehe

      Delete
  3. yey! may update na! basamode na ulti ako! thank you shinaya!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^