Thursday, March 15, 2012

Help! She's Seducing Me! - Chapter Four

CHAPTER FOUR

“Arrrgghhh! Ang sakit ng katawan ko!” ano bang nangyari at ang sakit ng katawan ko? Whoa! Sino na naman tong katabi ko? B-bakit naka-ganyan lang sya, saka bakit naka-hubad din ako? Darn! Na-rape ba ako nitong babae na to? Sa naisip ko na yon parang gusto kong magwala! “Sh*t!”

“hmmm…” nakuha mo pang umungol babae ka, napagod yata sa ginawa nya sa akin!

“Waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!”


“Waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!” sumigaw sya eh di sumigaw din ako, pwede bang sya lang? “Tumahimik ka nga jan! Where the hell am I?”

Bigla syang tumayo at nag-suot ng damit, she’s sexy ha! “Nandito ka lang naman sa bahay namin ng kapatid ko! At kung itatanong mo kung paano ka napunta di—“

“Pwedeng hinaan mo yang boses mo? Nakaka-hiya naman yata sa mga kapitbahay mo.”

She has this loud voice that hurts my ears so bad. Saka grabe kung magsalita dire-direcho! “H-huh! Hoy lalake, wala kang karapatan na pagsabihan dahil bahay ko naman to. At oo nga pala, you’re here because you asked me to help you last night.”

I, I ask her to help me last night? Why would I do that? “What? What are you talking about?”

“Wala kang natatandaan, sigurado ka? Ok, let me tell you what happened last night!”

Ano ba kasi talaga ang nangyare, bakit wala talaga akong matandaan? Bigla naman akong napa-tingin sa left side ko where there’s a mirror! “God! What happened to my handsome face? Who did this to me?” maliliktikan ang kung sino man na gumawa nito sa akin.

“Nabugbog ka jan sa kabilang barangay kagabi, muka ka kasing mayabang kaya napag-tripan ka nila.” Sa kabilang barangay? “Yung kotse mo nga pala iniwan natin don kagabi. Bilib nga ako sayo eh, mas uunahin mo pa yung kotse mo kesa sa sarili mo. Kung tatanungin mo kung nasaan na yung kotse mo ngayon, sorry pero hindi ko rin alam. It’s possible that it’s still there, but there’s also a possibility na nahati na yon at kasalukuyan ng iniinom ng mga tambay yung napag-bentahan nila!”

What? Ang pinaka-mamahal kong kotse na chop-chop na? Darn! “Magbihis ka na at mamaya na tayo mag-usap, for now samahan mo muna ako kung saan naiwan ang kotse ko!” kaya kong palampasin yung ginawa nila sa muka ko, kaya kong tanggapin na binugbog nila ako, pero ibang usapan na kapag yung kotse ko ang pinakelaman nila!

“Inaantok pa ako, kung gusto mo ikaw na lang ang pumunta dun sa kabilang barangay.”

Hindi ba nya alam kung sino ako, hindi ba nya ako nakikilala? “Tumayo ka na jan at samahan mo ako. That’s an order!” good Lord, please give me a very long patience this time, kahit ngayon lang po.

“I don’t care if that’s an order! Why should I take that order of yours eh hindi mo naman ako empleyado at hindi rin kita boss?”

Kahit hindi kita empleyado, kailangan mo akong sundin dahil ikaw ang may alam kung saan nangyari ang lahat.” Nakaka-inis kang babae ka, ang sarap pilipitin ng bituka mo! “Tumayo ka na jan at mag-ayos, and maglabas ka na rin ng mga damit na pwede kong gamitin.”

Pero hindi pa rin sya gumalaw sa pagkaka-higa nya dun sa kama. Haaaaaay!!! Nauubos na talaga ang pasensya ko sa babae na to, malapit ko na talaga syang…Haaaay!!! “Tumayo ka na jan, malapit na akong magalit.” pero hindi pa rin sya bumangon o kahit harapin man lang ako. Peste talaga ang babae na to. Napilitan tuloy akong lapitan sya at yugyugin! “Ano ba miss, naiinis na ako sayo!”

Pagkasabi ko nung naiinis na ako sa kanya ay bigla syang bumangon, and because of that tumama yung ulo nya sa may cheekbone ko. “Aaaawwwww!!! Talaga bang inuubos mo ang pasensya ko?” singhal ko naman sa kanya, bwisit na babae!

“Hoy leche kang lalake ka, hubarin mo yang damit ng Papa ko at lumayas ka na dito! Napaka-walang kwenta mong tulungan, ni hindi ka man lang muna mag-pasalamat! Bwisit na yan, kung katulad mo lahat ng tao na kailangang tulungan wala ng magiging mabait na tao dito sa mundo. I’m not asking na may ibigay ka sa akin in return, isang salita lang ok naman na eh! Lumayas ka nga sa harap ko at baka kung anong magawa ko sayo!” mahabang litany nya at talaga namang pulang-pula sya sa galit, she’s more beautiful when she’s mad.

This is the first time na merong sumigaw sa akin na babae, and honestly I don’t know how to deal with this kind of amazona. “Ok, I’m sorry! I just feel so frustrated because that car is my life that means everything to me.” Wow, for the first time I mean the word ‘sorry’ when I said it. “Please, please help me to find my car and those assh*le guys that did this to me. I’m really sorry, please do help me.” She gives a deep sigh before she goes outside the room. “Hey, where are you going?”

“Sandali naman, wag ka ngang masyadong apurado jan, kukuha ako ng damit na pwede mong magamit pero sana lang wag kang maarte.” Tapos tuluyan na syang lumabas ng kwarto at naiwan naman akong mag-isa.

======================

Kung nalaman ko lang na saksakan talaga ng sama ang ugali nitong nilalang na to hindi ko na talaga sya tinulungan, hinayaan ko na lang sana sya dun sa loob ng sasakyan nya. Ang laki na ngang perwisyo at kahihiyan ang dinulot nya sa akin tapos sya pa tong may ganang magalit at mainis! Arrrggg!!!

“Ok, I’m sorry! I just feel so frustrated because that car is my life that means everything to me. Please, please help me to find my car and those assh*le guys that did this to me. I’m really sorry, please do help me.” Wow naman, sorry daw oh! Pasalamat sya sa Mama at Papa ko dahil pinalaki nila akong isang mabait at matulungin na bata, dahil kung hindi, sisipain ko talaga sya palabas ng bahay namin.

This will be the last time that I’m gonna help him, after this wala na talaga, magiging masama na ako pero sa kanya lang. maihanap na nga ng maisusuot ang isang to ng makalayas na sya dito. “Sandali naman, wag ka ngang masyadong apurado jan, kukuha ako ng damit na pwede mong magamit pero sana lang wag kang maarte.” Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nya na sa Papa ko ang mga damit na gamit nya and patay na ang Papa ko? Hmmm…

After kong makuha yung mga damit na dapat kay Papa (bago pa tong mga ito, never pang nagamit ni Papa.) bumalik na agad ako sa kwarto ko kung saan nandun ang kumag na lalake na yon. “Oh, sa tingin ko naman kasya lang yan sayo.” Tiningnan naman nya yung mga inabot kong damit.

“Kanino tong mga to, sa Papa mo o sa kapatid mong lalake?” tanong nya sa akin habang tinitingnan pa rin yung mga damit.

“Damit ng Papa namin yan dapat. Ireregalo ko dapat yun sa kanya kasi malapit na ang fathers day, kaya lang before that day come naaksidente sila ni Mama. “Sige na, magpalit ka na.”

“Nasaan na ang parents mo, buti ok lang sa kanila na magka-tabi tayong natulog last night?” kailangan pa ba talagang ipaalala na tabi kaming naka-tulog?

Wala naman talaga sa plano ko ang tumabi sa kanya sa pag-tulog, pero dahil siguro sa pagod na sinabayan ng inis eh naka-tulog ako ng hindi ko namamalayan. “Patay na ang parents namin ni Chay!” pagkasabi ko nun, bigla nya akong tinitigan na nanlalaki ang mga mata.

“WHAT? P-patay na ang parents mo? B-bakit, bakit mo pa to pina-suot sa akin?” tapos hinubad nya yung damit. At dahil dun sa ginawa nya, napatawa ako ng saksakan ng lakas at yung tawa na talaga namang nakaka-inis. Huh, bagay lang sa kanya yon! “Anong nakakatawa?”

Pinilit kong tumigil sa pagtawa at it takes minutes before I fully stop laughing. “You don’t have to worry anything, hindi pa yan nagagamit ng Papa kahit na isang beses. That shirt supposed to be my gift for him for fathers’ day, but I don’t have the chance to do so. A week before that day, they met an accident that cause their death.” Teka nga, bakit ba kailangan ko pang ikwento yun sa kanya?

“Magbihis ka na para makapunta na tayo sa Barangay Tanso” lumabas na ulit ako ng kwarto para gisingin ang kapatid ko para maka-kain na rin sya.

“Chay, bangon ka na jan kain ka na rin. Aalis si Ate at tutulungan nya yung pesteng lalake sa kabilang kwarto.” Bakit kaya ang mga bata ang hirap gisingin, hindi naman sila nagpupuyat? “Chay!” tinalikuran pa talaga ako. “Kikilitiin kita, sige ka.”

Bigla namang bumangon ang mahusay kong kapatid sabay ngiti sa akin. “Ate, hindi mo ba talaga boyfriend yung lalake na yon?” ka-chismosa lang talaga na bata. “Nanjan pa rin ba yung lalake, gusto ko Makita kung anong itchura nya.” Tumayo na sya sa higaan nya at nagpunta sa kusina para mag-hilamos at mag-mumog. “Ate, paligpit na lang nyan ah. Salamat!” sabi na nga ba at ako na naman ang gagawa nito. “Good morning Kuya, boyfriend ka ba ng Ate ko?”

Nang marinig ko ang tanong na yon ni Chay, patakbo akong pumunta ng kusina. At nandun nga ang bwisit na lalake na yon! “Hoy Charise, amg kulit mo talaga. Hindi ko nga sinabi boyfriend ang isang yan.” Pero parang walang narinig ang kapatid ko at patuloy pa rin sa pagtatanong sa bwisit na lalake na to.

“Kuya, ako nga pala si Charise at sya naman ang Ate ko, si Ate Charlene. Ikaw kuya, anong pangalan mo?”

Oo nga no, hindi ko man lang alam kung anong pangalan nitong isa na to pero parang nakita ko na sya before hindi ko lang matandaan kung saan.

“I’m your Kuya Staley, Stanley Motereal. Charise bakit ang sungit ng Ate mo, wala ba syang boyfriend?”

“Wala! Kapag ba walang boyfriend ang isang tao nagiging masungit?” tumango naman si Staley bilang sagot nya sa kapatid ko. “Pwede ba Kuya Stanley ikaw na lang ang boyfriend nya, para naman hindi na sya nagsu-sungit.”

3 comments:

  1. d2 q n lng ito bnbsa nde n dun s pf ksi minsan n lng aq s pf e...
    ikw stanley ha, kuya n tlga! msungit lng walng bf n agad! hahhhaahahhhaa!!!

    ReplyDelete
  2. nice one charise! :)
    “Pwede ba Kuya Stanley ikaw na lang ang boyfriend nya, para naman hindi na sya nagsu-sungit.”
    hahahahahaha!!

    ReplyDelete
  3. haha.. ang cute nila pag nag-aaway.. parang mag asawa lang.. teka?agad2?hahaha.. ang kulit ng sister nya! ang cute!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^