Tuesday, March 20, 2012

Help! She's Seducing Me! - Chapter Five

CHAPTER FIVE

                “Hoy, tumayo ka na jan at pupunta na tayo sa kabilang barangay, mamaya ka na lang kumain.” Jusko talaga tong si Chay, minsan talaga mas maganda yung tulog ang bata na to eh. Bakit ba kasi ginising-gising ko pa sya agad! “At ikaw Chay, maglinis ka ng bahay habang wala si Ate. At wag kang tatambay dahil parang kung ano-ano ang napupulot mong hindi maganda jan sa labasan.”

                Hinila ko na palabas si Stanley, baka kasi kung ano na naman ang sabihin nya sa kapatid ko. “Hoy lalake ka, pwede ba wag kung ano-ano ang sinasabi mo sa kapatid ko, wag mong i-pollute ang utak nya, bata pa ang kapatid ko.” Tiningnan lang nya ako, bwisit lang talaga.



                “Alam mo Charlene dapat maging mabait ka na sa akin.” At bakit ako pa ang dapat maging mabait sa kanya? Nagkaron na yata ng brain damage dahil sa pagkaka-bugbog sa kanya.

                “And why should I?”

                He smirk before he answer my question na lalong nagpalala ng inis ko sa kanya. Bakit ba kahit mag smirk lang sya ang gwapo pa rin nya? “If you don’t want to go in jail, be kind to me.”

                J-jail? As in bilangguan, kulungan? Kasalanan na pala talaga ngayon ang tumulong. Promise, hindi na talaga ako tutulong! Mukang malapit na nga talaga ang end of the world, ikaw na nga ang tumulong, ikaw pa ang masama. “Ipapakulong mo ako dahil sa tinulungan kita? Gago ka ba?” sorry for that ‘g’ word dahil talagang malapit ko ng mabugbog ang lalake na to.

                “How stupid! Kailan pa may na-kulong ng dahil sa pag-tulong? I’ll sue you for a criminal case of RAPE!”

                Rape? Kahit gwapo sya never kong naisip na pag-samantalahan ang isang to! He’s not my type; I don’t see enough reason para halayin ko ang isang to physically or verbally! Peste talagang tao to! Pagdating namin sa kabilang barangay ipapa-bugbog ko na talaga to, kahit pa bayaran ko lahat ng tambay.

=====================

                Her reaction is so cute, halatang gusto na nya akong patayin through her sharp stare. On second thought, parang mali talaga yung naisip kong ikaso sa kanya. Parang gusto kong bawiin yung sinabi ko sa kanya rape ang isasampa kong kaso sa kanya, and change it to robbery na lang.

                “Nagpapatawa ka ba Mr. Stanley Montereal, ako sasampahan mo ng kasong rape? Gusto mo bang sumikat at eto na lang ang alam mong pinaka-madaling paraan for you to have that fame? Well, sisikat ka talaga dahil pagtatawanan ka ng mga babae, lahat ng babae. Jusko naman Mr. Stanley Montereal, masyado ng marami ang mga bakla tapos dadagdag ka pa!”

                Ako? Ako bakla, kahit kailan hindi ko pinag-dudahan ang pagka-lalake ko. Pero kasi naman ang tanga-tanga ko, bakit naman kasi sa dami ng kaso na pwede kong sabihin, bakit yung rape pa? “Seryoso ako sa mga sinasabi ko, so if I where you be kind and polite to me kung ayaw mong mabulok sa kulungan!” wala na akong magagawa, kailangan kong panindigan ang nasimulan ko.

                Hindi na sya sumagot at lumakad na papunta siguro sa kabilang barangay habang pinag-tatawanan pa rin ako. Asar, kailan pa ako na-tanga ng ganito? But come to think of it, etong pananakot sa kanya na sasampahan ko sya ng criminal case is one of the best and simple way para naman maka-ganti ako sa kanya. Aba, wala ni isa man ang sumigaw sa akin, even my parents, kahit kailan hindi nila ako sinigawan. Samantala tong babae na to, kung sigawan ako akala mo amo ko sya at hamak na trabahador nya lang ako.

                “Malayo pa ba tayo? Kung iniisip o pina-plano mo na iligaw ako, gusto ko lang ipaalala sayo na madadagdagan ang kaso mo kapag ginawa mo yon.” Ang layo na kasi ng nilalakad namin hindi pa rin sya tumitigil.

                Bigla naman syaang tumigil sa pag-hakbang at hinarap ako. “Bakit nga ba hindi kita iligaw at kausapin ang lahat ng nandito na wag nilang sabihin sayo ang daan pabalik sa impyernong pinanggalingan mo? Infairness ha, matalino ka at nabigyan mo ako ng magandang idea.” What? Balak nya na iligaw ako? Oh come on, maliligaw talaga ako because I do not have any idea where am I. “But on second thought, parang wala naman yatang kwenta yon kasi matalino ka nga, so you can find your way home na parang pusa. What if gumawa na lang ako ng eksena na ni-rape mo ako? Joke lang! Walang maniniwala sa akin dahil alam nilang lahat na hindi mo yon magagawa sa akin.”

                “Kahit naman kayo ko yung gawin, hindi ko gagawin yon sayo. Hindi ko hahayaan na masira ang buhay ko ng dahil lang sa isang babae na katulad mo.” Pagka-sabi ko nung mga salita na yon, bigla na lang nagbago yung ekspresyon ng muka nya. Yung kaninang mapang-inis nyang itchura ay napalitan ng lungkot, at hindi ko alam kung bakit.

                “Bilisan mo at malapit na tayo.” At naglakad na sya ng mabilis palayo sa akin. May nasabi ba akong masama, na hindi maganda? Alin sa mga sinabi ko ang hindi nya nagustuhan?

=======================

“Kahit naman kayo ko yung gawin, hindi ko gagawin yon sayo. Hindi ko hahayaan na masira ang buhay ko ng dahil lang sa isang babae na katulad mo.”

Sabi nila maganda ako, pero alam ko naman ang totoo eh. Alam ko naman that I’m just like any other girl out there na walang maipag-mamalaki. Hindi ako mayaman, hindi maganda, walang kotse, lahat ng gusto ng isang lalake sa isang babae wala ako, kahit nga magulang wala ako eh. Alam ko naman lahat ng iyon, at ilang beses ko na ring sinabi sa sarili ko na I’m not worth it to get any attention from anyone most specially sa boys. Yeah, may mga schoolmates ako na nagpapalipag-hangin but I know naman that nacha-challenge lang sila sa akin dahil wala akong pina-pansin ni isa sa kanila. Pero masakit palang marinig sa ibang tao, lalo na sa isang lalake na wala akong kwentang tao, na wala akong karapatan na pagbuhusan ng atensyon dahil ganito LANG ako.

“Bilisan mo at malapit na tayo.”

Binilisan ko na ang lakad ko para naman matapos na ang lahat ng ito at ng tuluyan na syang mawala sa buhay ko, at ng hindi na ako magka-sala ng dahil lang sa wala. “Nandito na tayo, pumasok ka na sa loob at magsampa ng reklamo.”

“Samahan mo naman ako sa loob.”

Ang kapal talaga ng muka, pagkatapos nya akong sabihan ng ganon may gana pa syang magpa-tulong sa akin. Manigas man sya jan sa harapan ko, hindi ko na sya tutulungan. Baka mamaya madagdagan pa yung kaso ko na rape, baka idagdag pa nya yung kasong estafa, kidnapping, homicide, libel, unjust vexation at carnapping. Kung hindi pa sya maku-kuntento baka dagdagan pa nya ng assult that result to physical injury at frustrated murder.

“Pumasok kang mag-isa mo, problema mo lang naman yan eh. Problema mo, solusyunan mo.” Iwanan ko na lang kaya sya dito ng mag-isa, tutal maayos naman na sya. Kaya lang pano naman yung damit ni Papa? “Pumasok ka na! Kung tatayo ka lang jan at sisirain ang araw ko, hindi mo malalaman kung sino ang may gawa sayo nyan at kung nasaan ang kotse mo!” peste talaga, bahala nga sya sa buhay nya. Uuwi na ako, walang kasama ang kapatid ko sa bahay at may trabaho pa ako maya-maya.

1 comment:

  1. hahaha.. tawa much talaga.. world war 2 na agad.. aabot pa ata sila sa world war 100.. hahah..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^