Thursday, February 23, 2012

My First Love, True Love and Forever Love: Chapter 13

CHAPTER 13
(Sabina “Saab” Bernardo)




Menchie: bakit ngayon ka lang? Hello sayo Sabina, ten ang usapan natin, 10:30 na oh!

Saab: eto naman, thirty minutes lang naman ako late. Excited ka lang kamo!

Andrea: bilang late ka, ikaw ang manlilibre ng lunch. Tara na!

Nica: maawa naman kayo kay Saab, ako na lang manlilibre ng lunch.

Saab: don’t worry Nica ok lang, what are friends for?

Nica: sure ka?

Menchie: sure yan Nica! Tara na, shopping na tayo!


So we went straight sa isang boutique na puro talaga magagandang damit ang makikita mo. Uunahin na namin si Nica since wala talaga syang hilig sa fashion, total make-over ang gagawin namin sa kanya.

Saab: hey guys, eto yung card ko ah, kayo ng bahala, sasagutin ko lang tong phone ko. Babalik agad ako.

Menchie: ok, no problem.


Bakit na naman tumatawag tong si Yaya, nag-paalam naman ako sa kanya ah.

Saab: hello Ya, bakit?

Yaya: tumawag ang Mama mo, ang sabi nya lilipat na daw ulit tayo sa Twilight Park.

Saab: talaga Ya? Kailan daw po? Yaya, dun pa rin kaya nakatira sila Tita Yukiko, Tito Eugene at Ryuji?

Yaya: ay nako Sabina hindi ko rin alam, itanong mo na lang mamaya sa kakambal mo pagtulog mo!

Saab: yun lang ba Ya? Tawagan na lang kita kapag pauwi na kami ah, ok? Bye Ya, labyu!


Yes!!! Babalik na ulit kami sa bahay na puti, sa Twilight Park. Sana doon pa rin sila nakatira, super miss ko na yung home-made cookies ni Tita Yukiko!


Menchie: oh, sinong tumawag sayo?

Saab: si Yaya, sabi daw ni Mama babalik na daw ulit kami sa Twilight Park, doon na daw kami ulit titira!!!

Menchie: so ibig sabihin kung doon pa rin nakatira yung playmate mo, magkikita na ulit kayo!!! Waaaaahhhh!!!

Andrea: ano ba yang pinag-uusapan nyo? Saka sino naman yung playmate mo na yon Sabina?

Nica: nakaka-OP naman kayong dalawa huh!!!

Saab: HUWAW!!! Ikaw ba talaga yan Nica? You really look so great!!!

Nica: salamat! Bagay ba?

Andrea: kukutusan na kita jan Nica, kanina ka pa tanong ng tanong! Bagay nga kasi sayo! Naku, baka lalo ka na nyang pagmasdan ni Ken!

Nica: bakit naman nasingit na naman ang isang yon sa usapan?

Saab & Andrea: kasi nga may something!!!

Menchie: ang ganda mo kasi girl, hindi ka lang talaga marunong pumorma!

Nica: eh bakit kayo, sanay naman pala kayong mag-ayos bakit pinipili nyo pa ring maging simple?

Saab: ako kasi ayoko ng komplikado at magulong buhay. Baka mamaya may maka-discover sa akin, hindi pa naman ako ready sa ganong fame!

Andrea: ako man, saka na lang kapag ready na ako!

Menchie: same here! Hahaha!!!

Bilang tapos na kaming mamili, foodtrip naman kami. Since it’s my treat, ako na ang pinapili nila kung saan kami kakain, saan pa ba syempre sa Fridays ka na! Nakaka-miss kasi yung Ceasar Salad nila saka yung Mojito nila, isama mo na yung Mocha Mud Pie at Chicken Club Sandwich.

Nica: sa akin chicken club na lang.

Andrea: Bacon Cheeseburger for me.

Menchie: half rack of baby back ribs, ceasar salad with grilled chicken and Classic Mojito.

Nica: hindi ka naman gutom nyan Menchie?

Saab: sa akin ano na lang sizzling chicken and mushroom, Jack Daniel’s Cheeseburger and Mocha mud pie. Medium well lang ha.

Waiter: for your drinks mam?

Andrea: bottomless iced tea for me.

Nica: ganon na lang din sa akin.

Saab: Big Apple Mojito for me.

Waiter: ok Mam.

Saab: ui wait lang huh, tatawagan ko lang si Yaya.


Lumabas muna ako ng Fridays para tawagan si Yaya, baka kasi may gusto syang pasalubong, alam nyo na! Makalimutan ko ng uwian si Mama at Papa, wag lang ang pinaka-mamahal kong yaya!


Ryuji: Miss nahulog from your bag!

Saab: huh?!


Sya na naman? Sya yung lalake na napag-kamalan akong magpapakamatay ah, anong ginagawa nya dito? Kamuka nya talaga si Ryuji, yung childhood friend ko.


Ryuji: nahulog 'to from your bag, here.

Saab: thank you! Diba ikaw yung lalake dun sa rooftop, sa Engineering building? Yung timang na inakala na magpapakamatay ako?

Ryuji: timang? Ako timang? Ayos ka ah, kung nakita mo lang sana yung itchura mo nun, muka ka talagang suicidal.

Saab: ah ganun ba. Anyway, thanks!

Ryuji: may I know your name miss?

Saab: bakit, ipapakulam mo ako? Ikaw muna ang magsabi kung anong pangalan mo.

Ryuji: I’m Ryuji Francisco, it’s your turn!


Sh-sya? Sya na ba talaga si Ryuji, yung Ryuji na kalaro ko before at lagi akong iniinis? Yung Ryuji na gusto ko ng agawan ng Mama at Papa, yung Ryuji na… sya na ba talaga si Ryuji Francisco?


Saab: Ryuji Francisco ba yung sinabi mong pangalan mo? Kaano-ano mo si Yukiko Francisco at Eugene Francisco?

Ryuji: bakit alam mo ang pangalan ng parents ko? Isa ka sa mga stalkers ko noh!


Huh!!! Ang kapal pa rin pala ng muka nya hanggang ngayon, wala pa ring kakupas-kupas yung self-confidence nya!!!


Saab: ang kapal ng apog mo ha! Ako, stalker mo? In your dreams!!!

Ryuji: hindi ka pa rin nagbabago Inah, asar talo ka pa rin sa akin hanggang ngayon!

Saab: a-anong sabi mo?

Ryuji: akala mo ba hindi kita nakilala nung isang araw sa rooftop ng building nyo? Hinayaan lang kita na maka-alis dahil may exam pa tayo pareho. Akalain mo nga naman oh, pareho lang pala tayo ng university na pinapasukan!


Oh My Gosh!!! Yung kababata ko na si Ryuji nga!!! Rina maraming salamat, nagkita na rin kami!!! Makaka-kain na ako ng home-made cookies!!!

4 comments:

  1. yessss!!! nagkakilala nmn pla clang 2!!! iba tlga pag love eh...

    ReplyDelete
  2. walang kupas ang self-confidence at ka-gwapuhan! aminin!!! :D

    ReplyDelete
  3. ngkita n sila ulit!!!! wuhhoooooo!!!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^