Tuesday, February 14, 2012

My First Love, True Love and Forever Love: Chapter 9

CHAPTER 9
(Sabina “Saab” Bernardo)


Menchie: ipack-up na natin yung Lucy Torres-Gomez natin, its about time para ilabas na natin ang Solenn Huesaff side natin!!!

Nica: ano bang masamang hangin ang pumasok sa utak nyo at bigla nyo yang naisip?

Saab: utot ang pumasok sa utak naming dalawa ni Menchie. Pero eto kasi yan Nics, if we’ll flaunt our beauty sa tingin mo ba may aapi pa sa atin? Sa tingin mo ba may karapatan pa silang gawin sa atin yon?

Andrea: ako open ako sa idea na yan! Jusko, sawang-sawa na ako sa pang-aasar sa atin nila Ken. Konting-konti na lang malapit na syang manghiram ng muka sa unggoy!

Nica: ok fine. Pero sige nga, saang wardrobe naman tayo mangre-raid para lang jan sa Project Solenn Huesaff peg nyo?

Menchie: sisiw lang yan Nica. Ang dami-dami naman mall jan, kung gusto mo yung mismong boutique ni Solenn ang puntahan natin eh!

Nica: gaga ka ba Menchie, saan naman ako kukuha ng pera pambili ng mga ganong kamahal na damit?

Saab: don’t worry Nica, kaya ko na yan!

Andrea: iba na talaga ang may kaya!!! Hahaha!!!

Saab: naman! Basta, hindi na tayo papayag na apihin nila Jodie.

Menchie: tama!!! At yang Jodie na pinanganak na kakambal ang inggit, naku sigurado ako na maiinggit yon kapag nakita nya ang mga bago nating gamit.

Nica: so balak mo talagang inisin si Jodie?

Menchie: oo naman! Makapag-ganti man lang ako sa kanya.

Andrea: eh paano naman si Chloe, ang feeling sossy?

Saab: sus naman Andrea, kayang-kaya mo na yan!!!

Nica: eh paano naman si Ken, ang mapang-inis na si Ken?

Saab: eh di sagot na natin syang dalawa Nica.

Nica: naku hindi na, baka mabalian ko pa sya ng buto kapag sinagad nya ang pasensya ko!

Saab: pero alam mo Nica, nakikita ko si Ken na tumitingin sayo ng palihim.

Nica: palihim ba yon eh nakita mo nga?! Gaga ka talaga, baka imagination mo lang yan!

Saab: Bru naman, hindi pa naman malabo ang mata ko. Saka yung tingin nya, iba talaga eh, parang may something!!!

Menchie: alam mo Sabina, ang lakas na talaga ng topak mo! May something ka pang nalalaman jan, ano naman ang alam mo sa something?

Saab: masama bang mag-marunong minsan? Hahaha!!!

Andrea: gaga ka talaga! Pero napansin ko din yon Nica, ikaw nga lang ang hindi nya iniinis eh.

Nica: grabe kayo!!! Yang mga sapot nyo sa utak tanggalin nyo na, masyado ng madami eh.

Menchie: so ano, kailan ang make-over?

Saab: ASAP!!! Kung gusto nyo this coming Sunday!

Andrea: shoot! Sunday tayo!

Nica: sigurado ba talaga kayo sa balak nyo? Wala talaga akong budget para sa mga ganyan eh.

Si Nica kasi, galing sya ng probinsya pero maganda yan pero mahiyain talaga sya. Nakakapag-aral lang sya dito kasi scholar sya, kasi nga matalino. Si Menchie at si Andrea naman, may kaya sila sa buhay kaya ok lang sa kanila yung plano. Bakit nga ba kasi ang gaganda nila, mayaman pero mas pinili nila na maging loner? Sabagay, kahit naman ako loner talaga ako lalo na nung bago ako mag-transfer dito sa St. Louise. Wala talaga akong matatawag na kaibigan noon, kasi naaalala lang nila ako kapag may mga sosyalan silang pupuntahan at kailangan nila ng magagandang damit and even car, mga USER sila diba! Pero this time, alam ko na pwede ko na silang tawagin na mga tunay na kaibigan ko!!!

Saab: oo naman, bawal ng mag back-out!

Andrea & Menchie: TAMA!!!

Saab: oi mga bru, akyat muna ako sa aking place-to-be.

Menchie: hay nako, magre-reminisce na naman ang lola natin! Kasi naman, sabi ko naman sayo madali na lang makikita yung tao na yun kung gagamit ka ng Internet!

Saab: ayoko! Sabi ko naman sayo ang gusto ko eh, yung magkikita kami ng wala akong ginagawa na kahit na anong effort.

Nica: sino ba yang pinag-uusapan nyo? Boyfriend mo or ex mo Saab?

Andrea: ikaw ha, hindi ka man lang nagsasabi na nagka-jowa ka na!

Saab: mga aning, kapitbahay lang namin sya dati at kalaro ko!

Menchie: pero wag ka, kung isipin!!!

Saab: che!!! Sige na, text nyo na lang ako kung saan kayo tatambay.

Pupunta na naman ako sa rooftop, aalalahanin na naman si Ryuji, pesteng bata yon hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon. Si Rina naman kasi, hindi pa rin ako dinadalaw kahit sa panaginip para balitaan kung alam na nya kung nasaan si Ryuji.

Saab: gano kaya kataas tong building namin kung dito ko titingnan mula sa taas? Hmmm…

Lumapit ako dun sa pinaka-dulong part nung building na ang katapat is yung likod naman ng Engineering Building.

Saab: kung tatalon kaya ako dito, mamamatay ako o mababalian lang ng buto? Ano kayang itchura ko pag nalaglag ako? Eeeiw!!! Ang panget!!!

Nagulat na lang ako ng may biglang lalake na sinisigawan ako na nasa rooftop ng Engineering building.

Ryuji: Miss wag kang magpapakamatay! Maraming tao ang gusto pang mabuhay ng matagal, samantalang ikaw magpapakamatay ka!!! Sandali lang, wag kang aalis jan sa kinatatayuan mo!!!




2 comments:

  1. ayun na yun!!! nibabasa ko na habang ini-edit ko!!! next na~

    ReplyDelete
  2. wow!!!!!!!!! an dmi upd8s s story n 2!!!!!!! happy valentines day po!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^