Saturday, November 10, 2012

Masyadong Masyado : Chapter 10

CHAPTER X ---Matthew’s POV



Matthew: you love me too? You mean to say, sinasagot mo na ako???


Richelle: oo…


Matthew: thank you thank you… I love you so so much… (kiss ulit..pero mga 5 sec. lang naman.)


Richelle: hindi pa ako tapos… patapusin mo muna kaya ako. Kakagatin kita ulit jan eh.


Matthew: ok! OK! Pero ano?


Richelle: kailangan mo pa rin akong ligawan. Saka wala ka munang pagsasabihan na tayo na. ayokong isipin ng iba na easy girl ako.


Matthew: is that all? No problem.


Ang kulit ko din eh noh. Ayan tuloy, nakagat na naman ako. Ang sakit pa naman, gigil na gigil kung mangagat. Buti na lang mahal ko sya. 


Richelle: tapos na ba ako? Epal ka talaga eh.


Matthew: masakit na yung huli mong kagat ha. Mamaya magdugo to. Ano pa ba?


Richelle: utang na loob lang Matthew Montenegro, ayoko ng sakit ng ulo. Ayoko ng kaaway na babae. Kapag nakita kita na nakikipaglandian sa ibang babae, nako, kahit mata mo magkakaron ng latay sa akin.


Matthew: sisiw. Don’t worry honey, wala kang magiging kaaway at hinding-hindi mo ako masasaktan. Wala kaya akong balak lokohin ka.


Richelle: mabuti na yung maliwanag. Tara na. umuwi na tayo.


Matthew: ok. You’re the boss. I love you.


Richelle: oo na.. I love you too.


Matthew: kain na muna tayo bago kita ihatid sa inyo.


Richelle: wag na. iuwi mo na ako. Nakakapagod eh.


Matthew: at saan ka naman napagod eh hindi ka naman nag-drive.


Richelle: nakakapagod ka kayang kasama. Ang kulit-kulit mo kase.


Matthew: oo na… ako na makulet. Sige, iuuwi na kita. Baka umandar na naman yang kakaiba mong topak.


Richelle: gusto mo simulan ko ng paandarin ngayon? Ha?


Matthew: nako! Saka na. baka mamaya, brutal ang mode ng topak mo ngayon hindi pa ako maka-uwi ng buhay.


Richelle: ayaw mo? Sayang! Sweet mode pa naman ang andar ng topak ko. Once in a blue moon pa naman to mangyare.


Matthew: sweet mode ba? Simulan mo na. Hindi mo naman agad sinabi na maganda ang mood mo eh.


Richelle: sabi mo saka na eh. Eh di maghintay ka na lang ulit kung kailan ako susumpungin ng sweet mode ng topak ko.


Matthew: eto naman. Joke lang yung kanina. Sige na, gusto kong makita kung pano ka maglambing eh. Hindi ko pa nakikita yung ganong side mo.


Richelle: grrr… ang kulit mo talaga. Mag-drive ka na nga lang. inaantok na ako.


Matthew: easy. Wag ka ng magalit jan. sige ka, hahalikan kita.


Richelle: subukan mo lang ng nalagasan ka ng ipin.


Matthew: bakit ang init na ng ulo mo? (hindi ako galit…mahal ko sya eh…) kanina lang, ok ka lang. ganyan ka ba talaga kapag inaantok na.


Hala, tiningnan na ako ng masama. Iba na to. Kailangan ko nang manahimik at iuwi na sya. Para namang kakain ng buhay tong isang to kapag inaantok na.


Matthew: oo na, eto na nga. Magda-drive na nga ako. Love you.


Pagod nga yata talaga sya. sasandali pa lang kaming nakaka-alis tulog na agad. Parang
ang bait bait nya habang tulog, parang hindi nya kayang gawin lahat ng kaya nyang gawin kapag gising sya. naka-headset naman pala.


Richelle: dahil sa piling mo laging, Kay saya ng aking puso. Para bang ako’y nasa langit na. Ang paligid kayligaya. Kung ito may panaginip ay Ayoko nang magising. Ang pag-ibig ko’y patuloy at Aaminin ko sa’yo saranghae.




Matthew: huh?


Kinakausap ba ako nito o kumakanta? Pero kahit alin pa sa dalawa yun, ang ganda nung sinabi nya. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit ko sya nagustuhan. Hindi naman kasi talaga ang tulad nya ang gusto ko. Gusto ko sa isang babae ay yung submissive, mabait, matalino at matured kung mag-isip. Pero naiba lahat ng gusto ko ng makilala ko sya. una ko pa lang syang makita, alam kong iba sya. Sya na maharot, maingay, parang lalake kung kumilos, burara, walang hilig mag-ayos, stubborn at isip bata. Lahat ng ayaw ko sa isang babae nasa kanya pero sa kanya pa rin ako nagkagusto. Pero hindi naman ako sa nagsisisi na sa kanya ako nagkagusto, kasi sya lang yung babae o tao nakakapagpalabas ng mga kakulitan ko sa katawan, at napapatawa ako. Paano kaya kung hindi ko sya nakilala? Baka hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan si Kate. Minahal ko sya ng sobra-sobra, pero mula ng mag-aral sya sa ibang bansa hindi na sya nagparamdam sa akin. Sobra akong nasaktan sa ginawa nya.







1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^