Saturday, November 10, 2012

You Got Me : Chapter Eight


Chapter Eight


Kuya Brandy strikes again!



          “Bakit naman ayaw mo pang sumama sa parents mo, hindi ka ba nalulungkot na nag-iisa ka lang palagi?” tanong sa akin ni Madam. “Sinong nakakasama mo sa bahay na tinutuluyan mo ngayon?”



            “Syempre po nalulungkot din ako, kaya lang po kasi ayoko talaga sa Japan.” Sagot ko naman sa kanya. “Minsan po pinapa-punta ko po sa bahay yung mga kaibigan ko para samahan ako, pero minsan po wala, ako lang po mag-isa”


            Aminado naman ako na mahirap din yung sitwasyon ko, pero nakakaya ko naman kasi ito talaga ang gusto ko, ang maranasan ang mabuhay sa paraan na gusto at alam ko.


            Bigla namang nag-ring yung phone ni Madam kaya naputol yung pagtatanong nya sa akin ng kung ano-ano. Nun lang din ako nagkaron ng time para libutin yung office ni Mr. President gamit lang ang mata ko, nakakahiya naman kung tatayo pa ako diba?! Pero minsan ang walangya ko talaga eh, tumayo pa rin kasi ako eh.


            Hindi ko kasi napigilan ang humanga dun sa isang painting dito sa loob ng office ni Mr. President eh. Ang ganda kasi eh, abstract sya pero napaka-attractive nya, kumbaga sa tao ang lakas ng sex appeal nitong painting na to. Walang sinabi yung isang painting na kaharap nitong abstract, yung katapat nya kasi is painting ng isang bukid na may kalabaw at magsasaka, which is so common. Pero etong abstract na to, meron talagang something sa kanya eh, meron kaka-iba sa painting na to.


            “You like that abstract painting, Shen?” nagulat naman ako dun. “You wanna know who did that painting?” at tumango lang ako sa kanya. “It’s our son Wacky.”


            Ano daw, si Wacky ang may gawa nito? Parang ayoko namang maniwala sa sinasabi ni Madam, parang isa yong napakalaking joke.


            “That was not a real abstract painting at first; it was a portrait of her first love, Pia.” Kaya pala, kaya pala parang may nakikita akong features ng isang tao sa abstract na to. “It became an abstract when Pia left him two years ago. Kung ano-ano ang ginawa nya jan sa portrait na yan para lang hindi na nya makita pa si Pia, kaya naging ganyan yan.” so, iyon pala ang kwento nitong portrait turned into an abstract painting.


            “Eh Madam, buti po pumayag sya na ilagay dito ang painting na to eh diba po ito yung magiging office nya?” tanong ko naman, baka kasi mamaya ang bitter pa rin ng lolo mo eh bigla na lang nyang maisipan na itapon to sa bintana ng office nya, sayang naman. “Saka saan po nagpunta yung Pia?”


            Ang chismosa mo talaga Demi eh noh, hindi ka naman pwedeng magka-gusto kay Wacky tapos ngayon inaalam mo yung story nung past relationship nya dun sa Pia na yon.


            “What a very tiring day!” biglang may nagsalita dun sa pinto nung office. “Hi Honey.” At napatingin naman sya agad sa akin. “Oh Shen, it so nice to see you here at my office.”


            “Good afternoon po Sir.” Maka-alis na nga dito, kailangan ko pa rin maghanda para sa trabaho ko mamaya eh. “Ah Madam, Sir, mauna na po ako. May trabaho pa po kasi ako, kailangan ko pa pong mag-ayos.” Paalam ko sa mag-asawa. “Madam, salamat po talaga dito sa bagong phone na regalo ninyo.”


            “Kapag wala kang magawa or if you have any problem, don’t hesitate to ring my phone. And if you want, you can stay to our humble home, right honey?”


            Ngumiti naman si Mr. President kay Madam “Yeah, that’s a very great idea.” Ang sweet naman nilang mag-asawa.


            “Sige po, mauna na po ako!” at naglakad na ako palabas ng office ni Mr. President para umuwi. “Ay palaka!” muntik na naman akong tumambling ha.


            “Shen! What are you doing here, may ginawa ka na naman bang kasalanan?” ano ba yan, bakit parang puro kamalasan yata talaga ang dala nitong si Wacky sa akin? “Hey!”


            “Ah wala, pinapunta lang ako ni Madam para maka-kwentuhan. Sige, una na ako!” at naglakad na ako palabas ng building. “Apaka-tanga mo talaga Demi!”





            “Hi Shen, bakit wala ka yata kagabi?” tanong agad ni Patrick sa akin. “I miss your mambo jumbo last night, napilitan tuloy akong magpagawa kay Brandy ng mambo jumbo.”


            Pang-ilang regular customer ko na ba ang nagtatanong sa akin kung bakit wala ako kagabi, siguro pang-pito na tong si Pat. “May biglaang lakad kasi eh, ayun hindi na ako nakapag-paalam dito. Buti na nga lang hindi pa nila ako tinatanggal eh.” sagot ko naman kay Patrick habang ginagawa ko ang order nya.


            Tumango-tango muna si Pat bago nagsalita ulit. “Kapag tinanggal ka nila dito, for sure marami ang hindi na pupunta dito.” Hay nako Patrick, ang lakas talagang maka-uto. “Hindi mo ba alam na ang daming may crush sayo dito? Kung meron man na gugustuhin na matanggal ka dito, they are the girlfriends of those guys na type ka.” Sobrang na yun ah.


            “Grabe ka naman Sir Patrick, parang hindi naman na yata yan makatotohanan.” Ay nako, never ko namang pinangarap na maging dahilan ng break-up ng isang magligaw. “Pero wala naman dapat ikatakot yung mga girlfriends nila dahil wala akong balak na agawan sila.” At last, tapos na ang order nya. “Here’s you Classic Mojito Sir Pat!”


          “Graveness naman dito Demi-licious, ang daming gwa--- oh, speaking of gwapo, eto ang pinaka-hot sa lahat.” Ang biglang epal lang ni Milka. “Shen-elin, ipakilala mo naman kami sa fafa hmmm na to.”


            Kahit kailan talaga, wala ng nakaligtas na lalake sa kanila. “Tigilan nyo lang si Sir Patrick, pagmakahiya nyo naman ako! Kurutin ko ano nyo jan eh!” mga haliparot na mga baklita. “Pasensya ka na sa mga iyan ha, pero ingat ka na lang din kasi baka bigla ka na lang nilang kagatin.”


            Parang mejo natakot naman si Patrick sa sinabi ko “Sige, dun lang muna ako sa mga kaibigan ko.” at naglakad na sya palayo sa bar counter ko.


            “Napaka-mean mo talaga Deminyita ka, your so nakaka-gigil, I want to twist your neck to the left, to the left!” reklamo ni Miley. “Pero ok na rin yon, mas marami pa for sure ang higit sa kanya.”


            “Shen!”


            Look whose coming, si Kuya Brandy, ang pag-ibig ni Milo. Nilingon ko si Milo at saka nginitian, pero inirapan lang nya ako. “Kuya Brandy!” tawag ko rin sa kanya.


            “Mukang dumadami ang sinasama mo dito ah, sana lang mabait yung mga bago mong kasama hindi katulad nung isa jan.” obviously si Milo ang pinatatamaan nya, at syempre ang Milo nanlisik ang mga mata.


            “Hi pogi, I’m Mina, Mina-dali ang pagdadalaga!” pa-cute na pagpapakilala ni Mina sa sarili nya.


            Next, si Miley Cyrup hahaha “And I’m Miley, Miley-gaya ang buhay kapag ako ang iyong kasama.” Ano to mga bakla, beauty contest?


            And our third candidate, “Hi fafa, I’m Milka, ang iniinom ng mga bata na puno ng sustansya! Milka! Wag makakalimot, Milka, iyon ang dapat ipainom sa mga bata!” kahit kailan talaga tong si Milka, long exposure.


            “Kalalandi nyo talaga kahit kailan, Kuya Brandy mga kaibigan naming dalawa ni Milo. Milo, bakit ang tahimik mo naman yata?” si Milo kasi, bigla na lang hindi nagsalita, nakakapagtaka yun ah. “Huy Milo!”


            “Baka gutom na naman ang kaibigan mo, sige na mag-break ka na, ako na muna ang bahala sa counter mo.”


            Hindi naman papayag ang baklita na gaganunin na lang sya ni Kuya Brandy. “Hoy ikaw lalake ka na pinagkaitan ng kagandahang asal, wag mo akong mabwisit-bwisit jan ha. Baka hindi kita matancha jan eh i-sway ko sa muka mo tong sapatos ko!” ang taray, napa-ooohhhh na lang tuloy kami nila Mina.


            “You’re so bad Milo, we think he’s a nice guy naman eh.” ang pa-cute na sabi ni Miley. “Right Brandy?”


          “Nako ewan ko sa inyo, ang lalabo na ng mga mata nyo.” At tumayo ang lola mo. “Jan na nga kayo, naghahanap lang ako ng mga gwafong fafa!” at umalis na sya sa harap naming lahat.


            “Ang sungit talaga ng kaibigan mo na yon Shen, pinaglihi ba yan ng nanay nya sa sama ng loob?”


            Tinapik ko na lang si Kuya Brandy as an answer to his question. “Ikaw na muna ang bahala dito Kuya, break muna ako” at lumabas na ako sa counter ko. “Kayo, hanapin nyo ang lola Milo-la natin at baka maghasik ng lagim yun.”




            Shockables, hindi ko man lang namalayan na finals na pala. Ibig sabihin non malapit na namang magbakasyon, tapos enrollment na naman, buti na lang wala na akong lacking requirements.


            “Demi-licious, give me some helpless-ness naman oh! Ang dami ko pang requirements na wala sa finish line teh.”


            “Kasi naman lola, inuuna pa ang pag-gimik at lalake kesa sa projects! Eh kung hindi kaya kita tulungan jan?” sagot ko naman kay Milo.


            Sa lahat ng Bading-Girls-Zees, sya lang ang kulang ang requirement, sya lang ang may kulang na project. Pasalamat sya at mahal ko sya, dahil kung hindi ay hindi ko talaga sya tutulungan.


            ‘”Ano pa ba ang hindi mo tapos na projects? Pumunta ka na lang sa bahay mamaya para naman matapos na agad natin.” Sabi ko na lang kay Milo, tinatamad pa kasi akong gumawa eh. “Iligpit mo na nga yan Milo, ang kalat na dito sa tambayan.”


            “Mama Demi, can we join to make-sung our projects sa house-lalu mo teh?” tanong ni Miley.


            Sorry na lang sila dahil ayoko muna ng magulo sa bahay, aba one week na silang laging nandon. Baka mamaya naka-blotter na pala ako sa barangay hindi ko pa alam, at magulat na lang ako na may biglang humuli sa akin.


            “Ay nako mga girl-zees, pass na muna kayo at baka mai-report na ako ng mga kapitbahay ko sa Home Owners Assoc.”


            Nangulit pa si Milka at Miley, pero sorry talaga pero hindi pwede. Saka pag sumama na naman sila, lalo ng walang matatapos ang malandi kong bestfriend na projects nya.


            “Hoy Shen-elin, baka naman gusto mong sagutin tong cellphone mo at kanina pa to nagpapa-pampam! Si papables mo naman ang tumatawag eh.”


            Hay naku naman oh, ano na naman ba ang kailangan ng isang to, ang aga-aga na naman nyang sisirain ang araw ko. “Hello, ano na naman?” nakaka-badtrip naman kasi sya eh, lagi na lang ganito.


            “Eto naman napaka-sungit, kakamustahin lang naman kita eh.” sagot ni Wacky sa kabilang line. “I can say hindi na naman maganda ang gising mo, bakit?”


            “Puyat ako!”


            Gaga ka Demi, bakit ayaw mong sabihin na kaya ka badtrip ay dahil sa kanya? “Eh bakit hindi ka na lang mag-quit sa trabaho mo para hindi ka napupuyat?” sapol ka don Demi, sapol na sapol!


            “Eh ano ba kasing pakelam mo?” masyado na yata akong masungit sa kanya, ang bad ko.


            “Ano ka ba naman Demi-licious, umiral na naman yang pagiging Deminyita mo ha.” sita naman sa akin ni Milo, at sumang-ayon naman ang mga bading-girls zees. “Umayos ka ha, kakalbuhin talaga kita!”


            Arrrggghh, whatever. “Sige na, busy kami ngayon eh.” at pinindot ko na ang end button.


            “Lola Deminyita, matanong ko lang ha, wag ka mo akong jojombagin ka, promise me! Bakit ba parang ang hotness ng dugo mo sa coolness na si Little Mr. President?”


            Majojombag ko talaga tong si Miley, pigilan nyo ako! “Hay nako Miley-gaya, wala naman ng bago sa pagiging little devil from ten-feet off the ground nyang si Demi. Ang dalas nyang sumupungin ngayon ng sakit na yan, most especially kapag si Little Mr. President ang issue.” Eh kung ibaon ko kaya sila ng twenty-feet off the ground?


            “Teh, ano ba kasi ang drama mo at ang mean mo kay Papa Wacky?” tanong naman sa akin ni Mina. Tumayo na ako kasi ayoko talagang sagutin yung mga tanong nila, nakaka-inis! Lahat na lang tungkol kay Wacky. “Ay ang lola walkout ang drama oh, wag ganyan teh!” pero hindi pa rin ako nagpa-pigil.


            Kung hindi lang dahil kay Madam hindi ko tatanggapin ang iphone na to eh. Si Madam naman kasi, ang power-tripper ng drama.


            “Hoy Shen-elin, san ka pupunta? Bumalik ka dito!” sigaw naman ni Milo na hindi na naman kinapitan ng hiya, puro foundation na lang. “Deminyita!”


            “May pupuntahan lang ako sandali, babalik ako!” 




2 comments:

  1. KaYa paLa naGing absTraCt aNg poRtrait,,, piNagbuntuNgan aNg paintiNg,,, cguRo kUng aQ diN gaNun diN ggWin q,,, bKa maLaLa pA nga gGwin q,,, hwAheHe,,,

    At tsAka deMinyitA,,, LumaLaLa yaNg sKit pAg datiNg kEi pApa wAcky hA,,, ayiiEeeHhh, maG-aMinaN n Lng kXe,,,

    ReplyDelete
  2. at sa harap ko pa talaga sila ng pkita ng ka sweetan.. inggit tuloy ako..

    at ano itey?? mei past pala si future husband-to-be ko.. (at opo!! inangkin ko na po sya ng tuluyan! hahah) wag lang syang umepal dito,at papasok talaga ako sa comp para sabunutan siya!!.. hahaha..

    tawa much sa BGZ!! wala po tayo sa pageant,nasa bar po tayo.. haha.. uhh?milo?? emotera ang peg mo teh??.. anyare? did i miss something?hahah..

    wat did you do na nman bah wacky ha?? HB tuloy ako.. bawal kaya magalit, nakakapangit.. haha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^