Saturday, November 10, 2012

Help! She's Seducing Me! : Chapter Twelve

Chapter Twelve


                Kamusta naman yon, sabi ni Stanley hired na daw ako pero wala man lang ibang instruction na ibinigay sa akin. Ako naman tong si tanga late na ng maisip yon, hay Charlene naman oh! Dapat ba akong bumalik sa office nya o hintayin ko na lang yung tawag nila, lechugas naman talaga oh!

                “Oh Ate Cha, nandito ka na pala. Ano ng nangyari dun sa pag a-apply mo ng trabaho?” tanong agad sa akin ni Chay nung makita ako. “Nagkita ba kayo ni Kuya Ley, naaalala parin ba nya ako?” hindi naman halata na gusto na nyang makita ulit si Ley diba?


                Hay nako, hindi ko pa rin talaga alam kung anong gagawin ko eh. Oo nga, hired na daw ako pero kahit na anong info tungkol sa pagkaka-hired ko wala naman akong alam. Bwisit naman kasing babae na yon eh, bigla-bigla na lang sumusulpot. Ako naman tong si gaga, masyadong na-overwhelm sa good news na hired na ako.

                “Huy Ate Charlene!” untag sa akin ni Chay.

                Pechay talaga oh “H-ha? A-ano, hired na ako kaya lang hindi ko pa alam kung kailan ako magsisimula eh, nakalimutan ko kasing itanong kanina.” Ang shunga ko lang talaga.

                Bigla namang nangiti ng nakakaloko tong kapatid ko “Masyado ka bang na-mezmerize sa kagandahan lalake ngayon ni Kuya Ley kaya nakalimutan mo ng itanong yung details na may kinalaman sa work mo?” malisyosang bata, inform ko lang kayo na hindi sya sa akin nagmana. Hindi ganyang kadumi ang pag-iisip ko.

                “Nako Chay, tigilan mo nga lang ako jan sa pantasya mo na magugustuhan ko ang mayabang na lalake na yon.”

                Mula kasi nung umalis si Ley sa bahay namin, hindi na ako tinigilan nyang si Chay sa kakatanong sa akin kung hindi ko daw ba talaga gusto si Stanley. Minsan nga todo build-up pa ang isang yan sa lalake na yon, anjan yung sabihin na mabait naman talaga si Ley at sadyang masungit lang daw ako, na bagay daw kaming dalawa at mas gusto nya si Ley kesa sa kahit na sinong lalake na makatuluyan ko. Kung hindi ko lang kapatid ang isang to, malaman na pilipit na ang leeg nya sa akin.

                Oo nga pala, nagdesisyon na ako na dito na kami sa Manila tumira dahil mas makakabuti dahil dito rin naman ako naghahanap ng trabaho, at sa kabutihang palad ay nakahanap na nga ako. Naghahanap talaga ako ng magandang trabaho para naman maipasok ko si Chay sa maganda-gandang eskwelahan para naman hindi masayang yung talino na meron sya.

                “Ate, saan nga pala ako mag-aaral ng high school? Diba malapit na ang enrolment?” biglang tanong sa akin ni Chay. “Oo nga pala Ate, siguro dapat mag-apply ako ng scholarship para naman hindi ganong kalaki ang maging gastos natin sa pag-aaral ko.”

                Umupo na ako ng sofa para naman kahit paano ay ma-relax ako. “Kunsabagay, kaya lang saan ka naman kukuha ng exam para makakuha ka ng scholarship? Wala naman tayong ganong kilala dito sa Maynila.” Minsan nga parang pinag-sisisihan ko na lumipat kami dito sa Manila eh, kasi wala talaga kaming kilala dito.

                “Sabi ni Aling Mameng yung munisipyo daw nagbibigay ng scholarship sa mga makakapasa sa exam, tapos sa Manila Science High School daw nila pinapa-pasok.”

                Si Aling Mameng yung landlady namin, at sobrang bait nya sa aming magkapatid. “Talaga, eh kailan ba ang kuhanan ng exam para sa scholarship na yan para masamahan kita?” tanong ko naman sa kanya, mejo matagal na rin kami dito kaya naman meron na ring kaibigan si Charise dito.

                “Itatanong ko bukas kay Kyla kung kailan may exam, sa MaSci kasi sya mag-aaral at balak din nya na kumuha ng exam para sa scholarship. Kaya Ate, kung may trabaho ka na non wala ka ng dapat ipag-alala kasi may makaka-sabay naman ako.” Yan ang namana ni Chay sa akin, yung pagiging madiskarte sa buhay, hahaha.

                Kung ano-ano pa ang napag-usapan namin ni Chay ng bigla naming narinig ang boses ni Aling Mameng na tinatawag kaming mag-kapatid.

                “Charlene, Charise! Lumabas nga kayo rito at may naghahanap sa inyo. Aba’y ka-gwapo naman nitong bisita ninyo.” Sigaw ni Aling Mameng.

                Gwapo? Bisita? Sino naman ang bibisita sa amin ni Chay eh paniguradong hindi naman kami pag-aaksayahan ng pamasahe nung mga dati naming kapitbahay sa probinsya, saka wala naman kaming gwapong kapitbahay noon, hahaha.

                “Kuya Ley!!!”

                Bigla naman akong napalingon kay Chay, langya, wala na pala sya sa tabi ko at nakalabas na. Hindi naman masyadong halata na excited ang kapatid ko na makita at maka-usap si Stanley diba? Pero teka lang, p-pano nalaman ni Ley na dito kami nakatira? Tanga ka lang Charlene Placido, tanga lang ang peg? Malamang kasi nilagay mo sa resume mo, jusko kang babae ka! Eh ano naman ngayon ang ginagawa nya dito, siguro naman hindi na trabaho ng may-ari ng kumpanya ang papunta sa bahay ng bago nyang hired na HR staff?!

                “Hello, pwede bang pumasok sa bahay nyo?” tanong ni Ley sa akin. Hindi na ako nagsalita pero tumango naman ako. “Thanks.”

                Si Chay naman ay biglang tinanong ni Aling Mameng kung sino daw ba yung bisita namin? “Sino ang bisita nyo na yan; aba’y kay gandang lalake at mukang mayaman pa? Boyfriend ba iyan ng Ate mo?” nasanay na rin ako kay Aling Mameng, tutal mabait naman sya sa aming dalawa ni Chay eh.

                “Kaibigan po namin yan ni Ate, si Kuya Ley po. Sana nga po boyfriend na lang sya ni Ate eh, kaya lang po hindi nila type ang isa’t-isa kaya mukang never magiging sila.” Sagot naman ni Chay kay Aling Mameng. “Pasok na po muna ako, sobrang na-miss ko yang si Kuya Ley eh.” At pumasok na rin sya ng bahay.

++++++++++++++++++++++++

                “Buti at naisipan nyo ng lumipat dito sa Manila?” tanong sa akin ni Ley, pero si Chay na rin naman ang sumagot sa tanong ni Ley na yon. “Mabuti naman kung ganon, para naman hindi na rin kayo masyadong ma-hassle. So Chay, saan mo naman balak mag-aral ng high school dito sa Manila?”

                Hello Chay and Ley, nandito rin ako, try nyo kaya na pansinin din ako paminsan-minsan. “Si Kyla kasi, yung friend ko sa Manila Science High School daw nya balak pumasok kaya dun na lang din ako. Sabi nga nya mahirap daw pumasok dun kasi matatalino lang daw talaga ang nakakapasok don. Pero syempre hindi naman ako natatakot kasi matalino din naman ako. Actually, balak naming dalawa ni Kyla na kumuha ng exam sa munisipyo para sa scholarship para naman hindi masyadong malaki yung magagastos ni Ate.” At nilingon naman ako ni Chay, ngumiti lang ako bilang pag sang-ayon sa sinabi nya.

                “Teka nga pala Sir, ano po bang ginagawa nyo dito? Bakit naman po naisipan nyo pang pumunta dito sa lugar namin?” pasensya na, hindi na kasi ako maka-tiis eh.

                “Oh, pasensya na nga pala sa eksenang ginawa ni Hershey kanina, hindi ko tuloy nasabi sayo ang mga information tungkol sa bago mong trabaho.” Sagot naman ni Ley sa akin.

                So ayun nga, sinabi na nya sa akin yung mga dapat kong malaman tungkol sa bago kong trabaho. Nagtataka lang talaga ako kasi alam nyo yun, bakit kailangan pang SYA MISMO ang pumunta dito sa bahay. Pwede naman diba na tawagan or itext na lang nila ako para pumunta sa opisina para doon na sabihin sa akin ang lahat ng dapat kong malaman tungkol sa bago kong trabaho.

                After namang sabihin ni Ley ang lahat, si Chay na naman ang kausap nya. Aaminin ko, minsan nakakatuwa silang pagmasdan kasi para silang totoong mag-kapatid, na close talaga sila sa isa’t-isa. Nakakatuwang pagmasdan si Chay na masaya sya habang nakikipag-kulitan kay Stanley.

(CHAY POV)

                Super na-miss ko talagang kakwentuhan si Kuya Ley, nakaka-miss yung mga kakulitan nya. Ang tagal na naming hindi nagkaka-usap pero parang wala pa ring nagbago sa amin since the last time we met. “Honor student ka ba when you graduated elementary?” biglang tanong sa akin ni Kuya Ley.

                Hindi naman sa pagmamayabang eh OO, salutatorian ako nun kaya nga tuwang-tuwa si Ate nun eh. Kasi akala nya talaga hindi ako kasama sa mga honor students dahil hindi ako nagsasabi sa kanya before na honor ako.

                “Oo naman Kuya, pero yun nga lang second best lang ako eh, hindi ako ang number one.” Hulaan nyo kung sino ang number one sa klase namin, syempre pa ang enemy number one ko na si Julian.

                Hindi ko naman nakita na na-disappoint si Kuya sa sinabi, in fact natuwa pa nga sya eh. “That’s great, at least naka-second ka diba? Bawi ka na lang ngayong high schooler ka na.” oo nga naman, ngayon na lang ako babawi dahil wala ng bwisit sa buhay ko na si Julian. “Teka, hulaan ko kung sino yung nag-top one sa inyo. Yun ba yung lalake na nakabanggaan mo noon sa mall?” pano nyang nalaman yon, manghuhula ba tong si Kuya Ley?

                Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya, ayoko ng maalala ang Julian na yon. “Eh Kuya, kamusta naman ang naging pagkikita nyo ulit ni Ate?” pag-iiba ko sa usapan.

                Hindi naman masyadong halata pero nag-blush si Kuya dun sa tanong ko, did I hit something? “Well, something came up unexpectedly kaya hindi kami masyadong nakapag-usap kanina.” Oh, yun naman pala eh bakit kailangan pang mag-blush ng pasimple?

                “Sir, pasensya ka na sa kaya kong ipakain sayo.” Biglang sabi ni Ate ng nilagay nya yung cupcake na nabili nya siguro sa kanto. Bilang ako ang gutom eh ako na ang nangelam nung hinanda nya, kasi naman hindi pa nga pala ako nagme-merienda anong oras na. “Chay, bakit ikaw ang kumain nyan?”

                “Ok lang yon Cha, wag ka ng magalit sa kanya.” Sabi ni Kuya kay Ate.

                “Pashensha naman Ate, ngayon ko lang kashe naalala hindi pa pala ako nagme-merienda eh.” Ang sagot ko kay ate na puno pa ang bibig ko nung cupcake na dinekwat ko. “Ahem, ahem…” anak ng kamalas-malasan naman oh, pati yung soda ni Kuya ako na rin ang makikinabang.

                Agad-agad namang inabot sa akin ni Kuya Ley at Ate Cha yung softdrinks, nagkadikit pa nga yung mga kamay nila at kinilig naman daw ako. “O-ok na ako, pwede nyo ng paghiwalayin yung kamay nyo.” Wew, akala ko matotodas ako sa ganon lang eh, buti na lang kinilig ako.

                “Sa susunod kasi Chay, wag mong kakainin ang pagkain na hindi naman sayo.” Bigla namang sabi ni Ate para pagtakpan yung pagba-blush nilang dalawa ni Kuya Ley. “Tingnan mo na ang nangyari sayo.”

                “Wag mo na syang pagalitan Charlene ok lang yon, baka talagang gutom na si Chay.” At nilingon pa ako ni Kuya Ley at saka kinindatan at nginitian. “Right Chay?”

                Ate Cha rolled her eyes as a sign of annoyance. “Whatever, bahala ka muna kay Sir Stan---“ hindi pa natatapos ni Ate yung sasabihin nya ay agad naman na nagsalita si Kuya.

                “Call me just like the old times; after all we’re not in the office.”

                Hihi, ang cute talaga ni Ate kapag nagba-blush oh. “Ok fine, Ikaw na muna ang bahala sa bisita natin Chay. Punta muna akong palengke para bumili ng kakainin natin mamaya.” Hindi na nga nya tinawag na ‘Sir’ si Kuya Stanley pero hindi naman nya sinabi yung pangalan. Ang mga grown-ups talaga, ang hirap intindihin.

                “I think it would be better if the three of us will eat dinner out. Ang tagal ko na rin namang hindi kayo nakakasabay kumain.” Sa lahat ng mga nangyari ngayong araw, eto na ang pinaka-maganda. Sana sa Zuppa CafĂ© ulit nya kami dalin, nakaka-miss yung masarap na rice bowl nila. “Bihis na kayo para naman maka-gala muna tayo before we eat dinner.”

                “Naku Si- Ley, wag na nakakahiya naman sayo.” Naku si Ate kahit kailan talaga kontra, minsan na nga lang makalabas sa lungga na to ayaw pa.

                “As your new boss, I’m commanding you to come with me together with your sister to eat dinner with me.” Aangal na naman si Ate. “And I won’t take no as an answer.” Kami ni Kuya Ley ang nanalo, mhehehehe!

3 comments:

  1. GRabe tLga maGtaG teaM cNa LEy at cHay kaY aTe niA,,, hwAheHe,,, pEro kAsi nMaN chA aNjaN na paGkkaTaOn wAg ka nA mahiYa,,, hwAhehE,,,

    ReplyDelete
  2. finally!! an UD!! yay!

    natulala na sya oh!! in denial pa kasi eh.. haha.. nakaka inggit nman silang mgkapatd.. matalino nga ako,pero minsan kulang talaga sa diskarte.. haha.. gagawin ko na rin silang inspirasyon ko sa life!! haha

    si julian!!! baka ng transfer na din un sa manila!!! hahah.. feel ko lang.. hmmn,we'll see..

    ang cute nila!! sobra!! parang family na sila eh.. hahah.. eh ano ka ngayon cha?aangal ka pah?? he's the boss now..

    ReplyDelete
  3. hahahaha.... wala daw sa office pero kung maka-command naman... wagas!!! hahahaha ... dami talagang alam ni Chay... pero Chay. wag masyadong pakasigurado na hindi ka na masusundan ni Julian.. haha malay mo maging schoolmate ulit kau... *u* ..haha

    ~ajea_08

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^