Sunday, November 11, 2012

You Got Me : Chapter Nine

Chapter Nine


Pumaparaan si Madam



            Panahon na ng sem break, panahon na rin para makapag-relax para naman may utak kaming magagamit for the next and last sem namin sa university. Oo, graduating na kami nila Milo kaya naman susulutin namin ang sem break na to dahil for sure, magiging sobrang toxic ng second and last sem namin.


            “Saan ang gorabelles natin mga girl-zees?” tanong ni Milo sa mga baklita.


            Nandito nga pala kami ngayon sa pinaka-malapit na Starbucks sa school at kasalukuyang nag-aayos ng project na ipapasa nila. Last day of submission na kasi kaya ang mga bading aligaga.


            “Kahit saan Milo-la, basta kung saan madaming papa.” Sagot naman ni Miley na inaayos ang projects nya. “Ikaw ba Shen, saan mo balak magpunta ngayong sem break?” biglang tanong nya sa akin.


            “Wala, sa bahay lang siguro.” Sagot ko naman.


            Napa-tingin naman silang lahat sa akin dahil sa naging sagot ko. “Ano ka ba naman Shen-elin our dear Shen-elin, you have to go out-of-town with us, you have to enjoy this sembreak because this will be the last.” Sabi sa akin ng malanding si Milo.


            “Oh sige, saan ba kayo pupunta?” mataray na tanong ko sa kanila.


            “Sa amin!”


            “Sa kanila!” ulit ng Bading-Girls-Zees! Sabay turo nila dun sa taong nagsalita from my back.


            Lumaki naman ang ngiti ni Milo na akala mo naka-jackpot sa lotto. “Tama, sa fafa mo tayo magbabakasyon Demi-licious, right Fafa Wacky?” tanong nito kay Mahangin Man.


            Never mind that vacation anymore, tatawagan ko na lang si Mama at Papa at sasabihin ko na magbabakasyon ako sa Japan habang sem-break. Naku naman, ayoko makasama ang mayabang na to sa bakasyon no.


            “Yeah, dun na lang kayo sa resthouse sa Batangas since malapit lang din naman iyon sa beach.” Sagot ni Wacky kay Milo. “By the way Shen, ipinapatanong ni Mommy if you can spend your break with her at Batangas.”


            Hay nako, ang lakas talaga ng toyo ng mag-ina na to. Alam naman ni Madam ang number ko bakit hindi na lang nya ako tawagan, bakit kailangan pa nyang papuntahin dito yung anak nya?!


            “Paki-sabi kay Madam hi-“ hindi ko tapos yung sinasabi ko ng bigla na namang nag-ingay ang cellphone na bigay ni Madam. “Hello po?!”


            “Good morning Shen, kasama mo ba ngayon si Wacky ko?” si Madam nga yung tumatawag. “Naitanong na ba nya sa iyo yung pinatatanong ko?”


            “Opo Madam, nandito po si Sir Wacky at naitanong na rin po nya sa akin.”


            Narinig ko namana ng sinabi ni Mina kay lola Milo “Sister, ang bigtime nemen ni kumareng Shen-elin si Madam President pa ang umaaya sa kanya.” Para ganon lang bigtime na agad.





            Tama ba naman kasi na i-blackmail ako ni Madam na kapag hindi ako pumayag na mag-bakasyon sa kanila ay hindi na nila ako tatanggapin kapag nag-enrol ako? Syempre pumayag na ako, para naman matupad yung pangarap ko na magkaron ng diploma at magkaron ng magandang trabaho.


            “Welcome back Shen anak!” salubong agad sa akin ni Madam pagdating na pagdating naming anim sa rest house nila. “Kamusta ang byahe, napagod ba kayo?” anim kami kasi ang pesteng si Wacky kinunchaba yata si Madam para sya na lang ang sumundo sa amin sa bahay.


            “Naku Madam President, hindi po kami napagod sa byahe, ok lang po kaming lahat.” Eto talagang si Milka oh, madaldal. “Oo nga po pala Madam President, thank you pos a pagpayag nyo na sumama kami kay Shen-elin.”


            Natawa naman si Madam sa mga pinagsasabi nitong si Milka. “Manang, pakituro na sa apat na kasama ni Shen ang magiging kwarto nila. Halika Shen, ako na mismo ang sasama sayo sa magiging kwarto mo.” At hinila na nya ako paakyat ng bahay.


            Akalain mo nga naman oh, parang ako pa ngayon yung anak ni Madam kasi ako yung inaasikaso nya. “Sigurado po kayo, eto ang magiging kwarto ko? Parang masyado naman po yatang maganda to para maging guest room lang.” aba eh para akong prinsesa sa kwarto na to eh, may sariling CR, may living room, may malaking TV, basta kumpleto ang gamit.


          “Oo naman iha, you’re special to my son so you’re also special to me.” Special daw ba eh, baka favorite ako ng anak nya, favorite bwisitin. “Oh sige Shen, maiwan na muna kita para naman makapag-pahinga ka muna.” At lumabas na nga ng magandang kwarto na ito si Madam.


            “Mamaya na ako mag-aayos ng gamit ko, mas gusto ko muna ang matulog.” At humiga na ako sa napaka-lambot na kama na to. “Ahhh, life! This is what you called life!” peste naman kasing mga bakla yon, napaka-iingay sa sasakyan.


            “Deminyitaaaa… come on in out of your room na, pasyal tayo sa beautiful place of Batangas!” sino ba ang sumisigaw na yon, kakapikit ko pa lang para magtulog eh. “Demi-licious babe, labas na sa lungga!!!”


            Nagtakip na lang ako ng unan sa tenga para hindi ko na marinig yung tumatawag sa akin, pero ang mga bading sadyang makukulit eh. “Award!!! Prinsesa ba ang nakatira dito? Dapat mga sisters tayo ang nandito at hindi ang Deminyitang si Demi-licous Shen-elin.” Si Miley yon for sure.


            “Baby gelay, tayo ka na jan para maka-gora na tayo nila Fafa Wacky, kanina pa sya waiting in ka-gwapuhan sa beauty natin.” Sabi sa akin ni Milo habang hinihila ang mga braso ko. “Demi-licious babe, tayo na jan.” ayoko mamasyal, bukas na lang kasi at pagod pa ako. “Sige ka, si Fafa Wacky ang papapuntahin ko dito para gisingin ka with a kiss!” sa sinabi na yon ni Milo bigla ko syang hinampas nung unan na nakatakip sa muka ko.


            “Subukan mong gawin yan Lola Milo ng nawalan ka na ng ganang mabuhay. Ipahalay kaya kita ulit kay Luisa, gusto mo?”


            Tawanan naman ang tatlo pang bakla dahil sa reaksyon ni Milo. “Malandi ka din eh no Deminyita, kunwari pang ayaw gusto rin naman.” ako pa talaga ngayon ang malandi ah, saka alin yung kunwari na ayaw ko pero gusto ko pala talaga?


          “Tara na kasi Shenelin, gorabelles na tayo. We have to make the most of it, baka last na natin tong out-of-town togetherness.” Kung makapag-salita naman tong si Mina akala mo wala na talagang next time. “Tayo na jan gelay, come on!” at hinila nya din nya ako patayo sa kama.





            Hindi ko alam kung nabayaran nitong si Madam o kaya naman ni Wacky sina Milo eh, bigla na lang kasi silang nawala tapos ngayon kaming dalawa na lang ni Wacky ang magkasama.


            “Anong tinitingin-tingin mo jan, may kinalaman ka ba kung bakit bigla na lang nawala sila Milo?” tanong ko kay Mahangin Man ng mahuli ko syang nakatingin sa akin habang nag-lalakad kami. “Malaman ko lang na ikaw ang pasimuno nito, masasaktan ka talaga sa akin Wacky!”


            Nag-iwas muna sya ng tingin bago nagsalita “W-wala akong alam, hindi ko alam kung saan nagpunta sina Milo at lalong wala akong kinalaman sa ginagawa nila.” Siguraduhin nya lang dahil kung mag kinalaman sya, baka itulak ko talaga sya sa bangin.


            “Hay naku naman oh, tara na nga bumalik na lang tayo sa resthouse nyo.”


            Pero parang wala syang narinig, dire-direcho pa rin kasi sya sa paglalakad papunta dun sa hanging bridge dito sa Picnic Grove sa Tagaytay habang nagpi-picture ng magagandang view. Kung itulak ko kaya sya sa tulay na yon, lalabas kaya ang mga bakla?


            Talaga naman oh, ang sama ng iniisip mo Demi. Wala namang ginagawang masama sayo yung tao tapos balak mo pang itulak jan sa tulay. Dapat nga magpasalamat ka pa kasi nakakapag-bakasyon ka ngayon ng libre.


            “Bumalik na lang kasi tayo dun sa sasakyan Wacky, masakit na mga paa ko, kanina pa tayo lakad ng lakad eh.” ang parang bata kong pagrereklamo, at para mas pang-bata talaga, umupo pa talaga ako. “Wacky, anu ba!”


            Tumigil naman sya sa paglalakad papunta pa sa kung saan, at nagsimula na syang lumakad palapit sa akin. Pwede bang doon na lang sya ulit pumunta sa gusto nyang puntahan? Ang gwapo nya kasi ngayon sa paningin ko kung kailang pawisan na ang lolo.


            “Tara na!” bigla nyang sabi sa akin nung tumalikod at umupo sya sa harapan ko. “Papasanin na lang kita.” Ano daw, ayoko nga nakakahiya! Pero Demi Shen naman, masakit na paa mo ngayon ka pa aarte ng ganyan. “Tara na, wag ka ng mahiya. Kapag hindi ka pa pumasan, hindi tayo makaka-uwi.” At talagang tinakot pa ako.


            “Eto na nga eh, sasakay na sa likod mo.” Syempre natakot naman ako na hindi ako maka-uwi no. “Pero wag na pala, pipilitin ko na lang maglakad mag-isa, nakakahiya eh.”


            Lalakad na sana ako, kaya lang bigla naman nya akong hinila at binuhat na para kaming bagong kasal. Oh come on, mammon! Bakit kailangang may ganitong eksena sa Batangas?


            “Ibaba mo nga ako, hindi na masakit ang paa ko, kaya ko ng maglakad mag-isa.” At talaga namang todo palag ako sa pagkaka-buhat nya sa akin, pinagtitinginan na kasi kami nung ibang nandito sa park eh. “Huy Wacky, ibaba mo na ako!”


            Pero hindi man lang nya ako pinansin, direcho pa rin sya sa paglalakad pabalik kung saan nya ni-park kung van na dala namin. Kung makikita lang kaming dalawa nung mga bakla at ni Madam, naku baka mabasag eardrums nyo dahil sa mga tili ng Bading-Girls-Zees!


            Tama ba yung nakita ko, flash ng camera? “Waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!” puchaness, flash nga ng camera at sina Milo ang may gawa!


            Bigla na naman akong nagkikisot para ibaba ako ni Wacky, and this time ibinaba nya ako. Kasi naman oh, bakit may picture pa?! “Hoy Milo, burahin mo yang picture na yan!” sigaw ko kay BBF ko na kasalukuyan pa rin nagtatatalon sa kilig.


            “DBF and Fafa Wacky, you two is such a great couple to look at!” ay malandi talaga, hindi man lang inintindi ang mga sinabi ko. “Tingnan nyo girls oh, ang cute nilang dalawa.” at tiningnan naman nung tatlo yung picture naming dalawa ni Wacky!


            Ayoko na talaga, badtrip na buhay to oh! “Arrrgggghhh!!!” makalayas na nga lang dito! Nakaka-inis na Milo yan, sinabi ng burahin yung picture ayaw pa ring sumunod. Nakaka-inis talaga!!!


            Naglakad na talaga ako palayo sa kanila kahit na nahihirapan na akong maglakad kasi talagang masakit na ang paa ko, mali kasi yung napili kong sapatos eh. Ang malas ko lang talaga ngayong araw, ang malas-malas ko!!!!


            “Hey Shen, where are you going?” pahabol na tanong ni Wacky.


            Sinagot ko naman sya, pero hindi na ako nag-abala na lumingon pa. “Sa impyerno, hahanapin ko si Luisa Capistrano at ipapahalay ko yang si Emilo Alejandro Perez Punongbayan!” pag ako nainis talaga ni Milo hahanapin ko talaga si Luisa!


            Nagtawanan naman ang tatlong bading, pero hindi ko alam kung bakit, siguro dahil sa naging reaksyon ni lola Milo. Kasi naman, tama bang pagka-isahan ako?! Malamang kinontrata ni Madam tong mga to eh, minsan nga naiisip ko ibinubugaw sa akin ni Madam ang anak nya na si Wacky eh, pero pasensya na lang si Madam dahil hindi ko bibilin ang anak nya. 




3 comments:

  1. pahaba na ng pahaba mga pangalan ko ah.. hahah.. pasimple rin to lagi sa madam ha.. nakakahalata na ako.. fairy godmother lang ang peg??haha

    sana ginawa na lang yun ni milo!! kunwari ako si sleeping beauty!!.. sayang un eh.. haha..

    gustong gusto ko talaga toh!!! my goodness!! panagarap ko to eh!! ung back ride and ung pangkasal na buhat.. hahah.. gosh!! kilig ever!! ginawa pa talaga naming shooting venue ang batangas!!

    hala,sige! operation: searching 4 luisa! at ng mahalay na yang malanding si milo.. hahah.. such a meanie..

    ReplyDelete
  2. HwaHehE,,, LaGot k nNmaN emiLio,,, ipPahaNap na si LUisa at naNg maturUaN ka ng LEksyOn,,, hWaHeHehE,,, aNg saYa ng chApter,,,

    ReplyDelete
  3. sana matagpuan na si Luisa at ipahalay si Emilio Punongbayan :D hahahah

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^