Thursday, November 29, 2012

This Gay's Inlove With You Mare : Chapter 2

A/N : Dispensa kung natagalan ng UD, hehe.  Ngayon pa lang sinasabi ko na hindi ako hasler sa gay lingo. Nagresearch lang ako sa net, at pinagcombine-combine sila. :))) Kung may mali man, wag ninyo na pong pansinin, baka ma-hurt lang ako, HAHA, just kidding. Basta yun po, may translation naman. Yun lang, enjoy reading readers. MUAH! [winks]

CHAPTER 2
( Regina Salazar’s POV )

Dhiosah.


Nandito na ako sa tapat ng Dhiosah. After 1o,ooo years nakarating din ako dito.


Dumaan pa kasi ako kay Nic. I have no choice kasi madadaanan ko talaga ang bahay nila pagpupunta ako ng Dhiosah. Pero wah, hindi ako napilitang dumaan sa kanila. Kinamusta ko lang siya sa nangyari kanina.


“May multo sa bahay ninyo!!! Totoo talagang may multo sa bahay ninyo!!! Hindi na ko tatapak sa bahay ninyo!!! As in NEVER!!!


Salubong ba naman sakin ni prenship. Hindi pa ako nakakapasok ng hacienda niya dahil nakatambay siya sa labas ng gate nila. Ayaw daw niyang pumasok sa loob ng bahay kasi wala daw tao. Umalis daw si papa bear, si mama bear at si baby bear.
 

Bakit bear? Bear, kasi malulusog ang parents at ang eight years old na sisteret niya. Siya nga lang ang slim sa pamilya nila. Siguro ampon tong prenship ko. Sa tingin ninyo?


Kaya nga home alone ang peg niya ngayon. At kaya nga daw siya pumunta samin para makipag-tsikahan sakin tapos sinalubong pa siya ng multo sa bahay namen.


Syempre, dahil mabuti akong kaibigan, tinama ko siya. Halatang natakot ang prenship ko. Mukhang naiyak pa ata.


“Prenship, walang multo.”


“Anong wala?! Ano yung nakita ko sa bahay ninyo?!”


“That was my kuya. Akala mo ba ikaw lang ang pinagtripan niya? Ako din kaya. Don’t you remember his costume sa holloween party natin last year?”


Kumunot ang noo niya na parang inaalala ang tinutukoy ko. Nang biglang naningkit ang mga mata niya.


“BWISIT talaga yang kambal mo!!!”


Napangiwi ako sa tinis at lakas ng boses niya.


“BWISIT!!!”


Hanggang sa umalis ako puro ‘BWISIT’ ang sinasabi niya. Inaya ko pa nga siyang sumama sa Dhiosah kaya lang dumating na ang Bear family niya.


Kaya heto. Mag-isa lang akong nakatayo sa harap ng Dhiosah.


Dhiosah ang pangalan ng parlor ni Tito Diosa. Halata namang kinuha sa neymsung niya divah? Nasa loob din matatagpuan ang mga gwapo-este ang dalawang naggagandahang Diosabelles.


Pumasok ako ng parlor.


“Tiaran!”


Napatingin sakin ang dalawang taong nasa loob.


“Andito na ang Ada.”


Si Tito Diosa ang nagsalita. Syempre ako ‘yung tinutukoy niya. Ada as in diwata. Kung sila ang Diosa, ako’y isang diwata.


Abala sa pagkulot si Tito Diosa ng isang babae na mukhang matrona sa itsura nito. Mahihiya ang araw dito pag lumabas ito ng tanghaling tapat dahil sa nagkikislapang mga alahas sa katawan nito. Para itong alahas na tinubuan ng katawan. Katawan lang, dahil ang mukha nito ay parang make-up na tinubuan ng mukha.


Diosmiomarimar! Gugunaw na ba talaga ang earth ngayong 2012? Wag naman sana at hindi pa dumadating ang prince charming ko.


“Hindi ba natutulog ka?”


Napatingin ako kay Tito Diosa.


Sa unang tingin, hindi mo talaga mapagkakamalang vhakler ang Tito ko. Pormang lalaki kasi pero pag tumikwas na ang daliri at shumembot na ang katawan. Alam na. Manghihinayang ang sinumang makakakita sa kaniya. Nasa middle 30’s na ang Tito ko pero ang gwapo pa din. Sayang talaga. Sana naging babae na lang si Tito, edi masaya. Pero kahit ano pa si Tito Diosa. Love na love ko siya, to the highest level!


Sa totoo lang, isang pamhinta dati ang Tito ko. Yun ang kwento niya. Nung college daw siya saka niya natanggap ang katauhan niya.

[ A/N: PAMHINTA – vhakler ang lalaki pero in denial na vhakler siya ]

At siguro nagtataka kayo kung bakit straight siyang magsalita at hindi gumagamit ng gay linggo? Sabagay may mga vhakler naman talaga na straight kung magsalita diba? Kumbaga pusong babae, pero pormang lalaki pa din.


Back to my Tito Diosa, diba nabanggit ko sa Intro ng storyang ‘to na highschool kami tumira kay Tito Diosa. Natatandaan ko pa na sinabihan siya ni papa na wag kaming kakausapin ni kuya gamit ang gay lingo. Baka daw masanay kami ni kuya at matuto ng salitang ‘yon. Ang masama pa, baka daw maging kafederasyon si kuya. Takot lang ni papa dahil wala ng magkakalat ng lahing Salazar sa pamilya namen.


Dalawa lang kasing magkapatid si Tito Diosa at si papa. Nung mag-asawa si papa ng foreigner na lahing doberman este lahing german, hindi na pwedeng magkaanak yung step mom kong imported kaya ayun sinabihan talaga ni papa si Tito Diosa na kausapin kami sa salitang normal.


Takot lang din siguro ni Tito Diosa dahil si kuya na lang talaga ang magkakalat ng lahi namen. May mga pinsan naman kami. Lima. Apat na babae, at isang lalakwe. Oo. Naging vhakler ang nag-iisa ko pang pinsang lalaki.


Kaya nga si kuya na lang ang tangi naming tagapag-ligtas.


Hindi lang si Tito ang sinabihan ni papa, pati ang dalawang prenship ni Tito Diosa particularly si Bakureg. Halatang afraid si pudra noh? And speaking of prenship ni Tito Diosa, bakit wala ang dalawang diosabelles na ‘yon dito sa parlor?


Sinagot ko muna si Tito Diosa. “Si kuya kasi pinagtripan na naman ako.” Sabay tanong ng, “Nasan po sina Tukling at Bakureg?”


As if on cue, tumunog ang wind chime na nakasabit sa pintuan ng parlor.


“Hi mamah! Ditech nah ush!” (Hi Mama! Dito na kami.)


“Grabeyey! Ang damhing jutaw sah esem! Sight moh itech feslak ko mamah, tunaw na ang emyas koh!” (Grabe! ang daming tao sa SM. Tingnan mo ‘tong mukha ko, tunaw na ang make-up ko.)


“Buti na leng aketch, tunaw ang emyas, pero wag kah, effect pa din ang lolah moh!” (Buti na lang ako, tunaw ang make-up, pero wag ka, maganda pa din ako.)


“Ang daming ohm sa esem mamah! Maiinggit kah! (Ang daming lalaki sa Sm, mama! Maiinggit ka!)


Ang arte nila noh? At mukhang galing sa rampahan ang mga diosabelles. Oo. Naiintindihan ko ang mga sinasabi nila. Bahala na si ms.author sa translation.


“Hi Bakureg! Hi Tukling! San kayo galing? Bakit hindi ninyo ko sinamang rumampa?”


Napangiwi lang ang dalawang diosabelles. Hindi sa sinabi ko, kundi sa tinawag ko sa kanila.


Hindi pa ako nakuntento, lumapit pa ako sa dalawa. At gaya ng nakagawian ko...


*beso*  kay Bakureg


*beso*  kay Tukling sabay pisil sa masel niya. At pisil uli.


“Nakuh mamah! Kung wikikik mho lengs toh pamengkin, jombag itech sha fes. Feeling aketch, gustoh niya koh reypin. Goosebumps olover may sexymachow badey.” (Naku mama! Kung hindi mo lang ito pamangkin, bugbog  ang mukha nito. Feeling ko, gusto niya akong gahasain. May goosebumps na ako sa sexy at macho kong katawan.)


“Magtigil ka nga, Policarpio. Mangilabot ka sinasabi mo. Di hamak na mas maganda ang pamangkin ko sa’yo.”


“Planggana!!!! Mas mas effect ang borda koh sayo!” (Mas maganda ang katawan ko.)

 [ A/N : PLANGGANA – exlamative expression used for emphasizing ]

“Mas effect ang aken!” (Mas maganda ang akin!)


Napangiti na lang ako sa pag-uusap ng tatlong Diosa.


Siguro nagtataka kayo kung bakit gay lingo ang gamit nung dalawa kahit kaharap ako. Syempre, college na ko. Ang dahilan ng dalawang diosabelles, ang sinabi lang daw ng papa ko ay- “Huwag kayong magsasalita o kakausapin sina Regina at Rylie gamit ang salita ninyo ngayong HIGHSCHOOL na sila.”


Eh, college na daw kami ng kambal ko. Wala naman sinabing pati college magsasalita sila ng straight. Kaya ayun, lantaran kung magsalita ng gay lingo ang dalawang diosabelles ng parlor. Sabagay madali naman kasing intindihin yung gamit nilang salita. Hindi masyadong madugo sa tenga.


Pero si Tito Diosa, straight tagalog kapag kinakausap kami ni kuya. Mukhang hanggang ngayon, afraid pa din na mahawa si kuya. Nakow! Sa macho ng kambal ko, ipupusta ko ang isang balde ng tubig sa bahay namen na tunay siyang hombre.


Pinisil ko uli ang masel ni Tukling. Hindi ko kasi mapigilan, eh. Haha. “Ang macho mo talaga Tukling. Sayang ka. Sana naging tunay na hombre ka nalang sana. For sure madami kang paiiyakin. Hindi lang ‘yon, maganda’t gwapo pa ang magiging lahi mo.”


Ngumiwi lang siya sa sinabi ko. Sabay arteng naduduwal.


Natawa kaming lahat. Ang arte talaga niya! Sinong makakaisip na ang isang lalaki dati ay magiging ganito kaarte?


Si TUKLING na sa tunay na buhay ay si POLICARPIO BERMUDEZ JR. aka DIOSABELLE POLLY. Ang machong-gwapang diosabelle ng parlor Dhiosah. Kaya Tukling ang tawag ko sa kaniya kasi isa siyang x-men. Dating siyang guy na kakatuklas lang na isa pala siyang member ng federasyon. Kailan? Six months ago lang. Siguro nahawa na si Tukling sa dalawa niyang kaibigan. O siguro talagang pusong girlalu siya, hindi lang siya aware. Sayang talaga si Tukling, ang gwapo pa naman. Buti na lang at hindi siya gumaya kay Bakureg na girlalu ang get-up. Yun nga lang, ang highlights ng buhok ni Tukling, rainburak. Makulay ang buhay.

[ A/N : TUKLING – kakatuklas lang na isa siyang vhakler ]

“Don’t call me Tukling, Ada. Ang chaka khan. It’s Diosabelle Polly.”

 [ A/N : CHAKA KHAN - pangit ]

“Wow! English yun lolah. Nosebleed aketch.”


“Nemen! I’m don’t just hev diz sexymachow badey en byuti, I’m also brainy.”


Maasar nga si Bakureg. “Wala ka pala, Bakureg, eh. Mas lamang pala si Tukling, eh di hamak na orig ka.”


“Oh No, no, no. wikikik aketch payag jan, lolah.” (Hindi pwede. Hindi ako papayag diyan.)


Ito naman si BAKUREG na sa tunay na buhay ay si DIOSDADO TIRONTIO JR. aka DIOSABELLE GANDANG REYNA. Ang magandang diosabelle ng parlor Dhiosah. Maganda naman talaga siya, eh. Inggit nga ako sa long hair niya. Shiny-silky hair. Gandang Reyna ang nickneymsung niya kasi idol daw niya sa Bb. Gandang Hari.

[ A/N : BAKUREG – vhakler na orig, bata pa lang alam na nitong vhakler ito ]

Magkakalapit lang ng edad ang tatlo.


At sila ang tatlong gwapong-magagandang-machong-sexing mga diosabelles ng parlor Dhiosah. Kaya gustong-gusto kong pumunta dito, eh. Natatawa na ako, may natututunan pa akong bagong beki words na pandagdag ko sa gay lingo vocabulary ko.


Pero sa totoo lang may kulang pa sa tatlong itong to, eh. Asan na kaya yung...


“Hi mga diosabelles! Hir nah ang reyna ng mga diosabelles!”


Napalingon kaming lahat sa maarteng-matining na boses na ‘yon.


What da—“Anong nangyari sa feslak mo, Badet?” Grabe naman kasi yung mukha ng batang ‘to. Oo. Bata.

[ A/N : BADET – little bakla ]

“Bagay ba , Ada?” with matching twinkling his eyes pa.


“Wikikik.” (Hindi)


“Your feslak looks like a kamatis. Chaka khan!” (Parang kamatis yang mukha mo. Ang pangit!)


“Para kang sinampal ng sampung higanteng jutaw!”

 [ A/N : JUTAW – tao ]

No comment si Tito Diosa. Busy sa pagkulot sa matrona estes kay ate pala.
Pero wag ka, si ate nag-comment. “Ang sagwa ng mukha mo. Kay bata-bata mo pa lang, kung ano-anong ginagawa mo sa mukha mo. Hala ka, papangit ka paglaki mo. Magkakabutas-butas yang mukha mo.”


“Katulad po ng mukha ninyo, manang?” Aba, sumagot si Badet!


Pigil ang mga ngiti nina Bakureg at Tukling. Nagkunwaring busy sa mga kung anek-anek. Kung humagalpak ng tawa ang dalawa, for sure, baylalu sa costumer.


“Aba’t! Anong manang ka diyan!”


“Hindi po ba?” Sumagot pa talaga uli itong si Badet. Kutusan ko kaya siya ng tatlo!


“Mamah, wag kang hb, ang wrinkles, remember?”


Sinenyasan ako ni Tito na ilayo si Badet bago pa siya makalbo ni manang.


At bago pa magkaro’n ng world war III between manang and Badet...


“Tara nga dito. Maghilamos ka muna.” Hinila ko si Badet at dinala sa sink na nasa likuran ng kurtinang nagsisilbing pintuan o harang.


Kumuha ako ng bimpo at binasa. Pinunasan ko ang mukha ni Badet na mukhang ginawang pulbos ang blush-on.


“Diba ang sabi ko sa’yo, wag kang sasagot sa matatanda. Lagot ka mamaya kay Tito Diosa.”


Sumimangot siya. “Sorry, Ada.”


Siya si BADET. Ang little vhakler ng Dhiosah. Ten years old pa lang siya pero ang jandih na. Siya siguro ang susunod sa yapak ni Bakureg. Paano ba naman...kay gwapong bata pero pusong babae pala.


Nang matanggal ko ang make-up na nasa mukha niya, pinangggigilan ko ang magkabilang pisngi niya. “Ang cute! Cute! Cute mo talaga, Badet!”


“Aruch naman, Ada!”


Tinapik ko na lang ang pisngi niya. “Maya na tayo lumabas kapag wala na si manang.”


Umupo muna kami sa upuang andon. “Si Lola?”


Lola ni Badet ang tinutukoy ko. Ang lola na lang niya ang kasama niya sa buhay. Namatay ang nanay niya ng ipanganak siya. Hindi daw niya kilala ang tatay niya. Patay na din daw ayon sa lola niya.


Malapit lang kasi ang bahay ni Badet sa Dhiosah kaya madalas, dito siya tumatambay kapag wala siyang pasok. And guess who kung sino ang nagpapa-aral sa kaniya. Syempre, ang aking mabait na Tito. May edad na kasi ang lola ni Badet at dahil malapit si Tito sa lola niya. Saka dating girlfriend ni Tito ang nanay ni Badet nung highschool pa lang sila, nung mga panahong pilit tinatago ni Tito ang pagkatao niya.


“Nasa bahay po.”                                                                              


Wala na kong maisip na tanong dahil feeling ko nahila ang ilang parts ng utak ko dahil sa pagkahila ng anit ko kanina pagkagising ko. Nilingon ko si Badet. Sayang talaga ‘tong batang ‘to. Ang cute!


“Cyrus.” Cyrus ang true name niya. “Sure ka na ba na vhakler ka na talaga? Pwede ka pang magbago ng isip. Bata ka pa naman. Diba, classmate mo yung sisteret ni Nicole? Bagay kayo, ah. Para kayong number 10 pag magkasama. Pero hindi ko naman sinabing ligawan mo siya kasi mga bata pa kayo. Mag-aral muna kayo. Siguro after college, pwede mo na siyang ligawan. Sa tingin mo?”


Tiningnan niya ko.


Nang masama with matching taas kilay sabay flip ng hair na feeling kasinhaba ng buhok ko, eh, barber’s cut naman ang gupit niya. Ilusyonada talaga si badet.


Nginitian ko na lang siya. Sabi ko nga, sure na siya.


= = = = = = = =


First day of class.


“Ang tagal naman ng Kiro mo.”


“Saglit na lang, on the way na daw sila, eh. Saka ang aga pa kaya. Hindi ka ma-le-late.”


Nandito kami ni Nic malapit sa parking lot sa loob ng Stromberg University. Hinihintay namen si Kiro, ang jowabelles niya.


“Gwapo ba yung pinsan niya?”


Tiningnan ako ni Nic na parang alien ang nakikita niya. “Ano ka ba! Beki ‘yon noh! Pagnanasaan mo pa? Weird mo talaga.”


Na-kwento kasi ni Nic kanina dahil sabay kaming pumasok, na magta-transfer daw dito ang pinsan ni Kiro. Na ayon dito ay isang vhakler. At may isa pang sinabi si Nic sakin na wag na wag ko daw gagawin. Ang dumikit sa pinsan ni Kiro dahil allergy daw ‘yon sa mga girls. Baka daw ma-jombag ako. Hmp! Baka insecure lang ang pinsan ni Kiro sa kagandahan nameng mga girls.


“Of course not. Kailan ba ko nagnasa sa mga lalaki? Duh!”


“Sabagay.”


Nang may matanaw ako. “Si kuya, oh.”


“So?” Pero nilingon din naman ni Nic ang kambal ko. “Anong problema ng kambal mo? Bakit parang pinagsukluban ng langit at lupa?”


“Hindi na kasi dito mag-aaral ang bestfriend niyang si King.” Na-kwento ni kuya sakin kahapon pag-uwi ko galing Dhiosah na sa university malapit sa tirahan ni King magta-transfer ang bestfriend niya. Eh, sa kabilang-kabilang-kabilang bayan pa nakatira si King. Ang layo no’n.


“Buti nga, nang mabawas-bawasan naman yung mga war freak dito sa school natin.”


Medyo malapit nga sa away si King. Parang si Kuya. “Ang sama mo talaga, hindi ka ba naawa sa feslak ni kuya? Mukhang miss na miss na niya ang bestfriend niya.”


“Dapat ba akong maawa sa mukhang ‘yan? Tingnan mo nga yang kambal mo, parang kinikiliting ewan sa lapad ng ngiti. At hindi ko pa nakakalimutan ang kasalanan niya saakin kahapon!!!”


“Hah? Ano daw?” Sa totoo lang, hindi na kasi ako nakatingin sa gawi ni kuya. Nakatingin ako sa pumaradang kotse di-kalayuan sa tapat namen ni prenship. Mula sa kotse ay nakita kong bumaba si Kiro kasunod ang isang...


(O_O)


*lunok*


Pinasingkit ko pa ang mata ko dahil baka namamalikmata lang ako sa nakikita ko. Tapos pinalaki ko uli.


I-to-na-ba-ang-vhak-ler-na-pin- san-ni-Ki-ro-hin-di-na-man-si-na-bi-ni-pren-ship-na-ga-ni-to-ka-gwa-po-ang-pin-san-ni-Ki-ro-na-vhak-ler-pwe-de-tong-mo-del-ah-sa-ka-ba-kit—


Iniling ko ang ulo ko ng ilang beses. Napahawak ako sa bibig ko. Hayy...akala ko tumulo na ang laway ko. Ilang beses ko ding ginalaw-galaw ang dila ko para dumeretso. Para naman kasi akong tanga kanina. Naintindihan ninyo ba yung sinabi ko?


Teka-teka, Rehg. Don’t tell me, humahanga ka sa isang hombre? At para kang utal kanina. At bakit ganyan ang reaction mo? Eh, matagal ka ng napapaligiran ng gwapo? My goodness! Humanga ka sa isang hombre!? Bago yan, ah! Magpamisa ka na teh!


At bago ako magpamisa, nilingon ko muna ang kuya ko. Hindi na siya nakabusangot. Nakangiti na siya habang nakaakbay kay Carol, ang girlfriend niya. Napalingon sa gawi namen si Carol, kinawayan niya ko. Oo. Ako lang. Dahil ng lumipat ang tingin niya sa prenship ko, sinabayan ng irap.


Umalis na ang mag-jowa.


“Alam mo yang si Carol, hindi ko alam kung inis ba sakin or what? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. We’re not even close.” reklamo ni Nic sakin.


“Yaan mo siya sa trip niya. Kapag kinanti ka naman niya. Akong bahala sa’yo, prenship. Pagtutulungan natin siya.” Pero syempre joke lang ‘yon. Mabait naman sakin si Carol, eh. Sakin nga lang. Dahil kapatid ako ni kuya na boyfriend niya. Maldita siya sa mga babaeng nakapalibot kay kuya. First on the list ay si Nicole.


Pero syempre puro irap lang ang kaya ni Carol, pinagsabihan ko kasi siya na wag niyang aawayin ang prenship ko. Dahil pag nangyari ‘yon, hindi na kami bati. Wahehe.


Nilingon ako ni Nic. “Hindi ka ba— babe!”


Mukhang nakita na niya ang babe niya base na din sa lapad ng ngiti niya.


“Hi babe! Sorry medyo natagalan kami.” Ni-kiss ni Kiro sa cheek ang prenship ko sabay akbay dito. Hay...Inggit ako! Ang sweet talaga nitong si Kiro.


“It’s okay, babe. Siya na ba si Gra?”


At dahil sa tanong ni prenship, lumipat ang tingin ko sa hombreng kasama ni Kiro.


Diosmiomarimar!


Ganito ba kagwapo sa malapitan ang vhakler na pinsan ni Kiro?


At ganito ba ka-macho?


Pwede bang magpaka-tomboy na lang ako kung ganito ka-hot ang magiging jowabelles ko?


Nagtama pa ang mga mata nameng dalawa.


Our eyes locked.


Nawala tuloy ako sa sarili ko.


Nakalimutan ko ang babala ni prenship.


“Huwag kang lalapit sa pinsan ni Kiro dahil allergy yun sa mga girls. Pero kung gusto mong ma-JOMBAG ang beauty mo, sige lang, go.”


Dahil namalayan ko na lang.


Nasa harap na ko ng tinawag niyang ‘Gra’.


*pisil*  sa biceps


Isa pa uli.


*pisil*  sa biceps


“Rehg!!”


“Prenship!!”


“Hey!! What are you doing!?”


Wala akong nadinig.


Parang hindi pa nakuntento ang kamay ko.


Yung dibdib naman ng vhakler na ‘to ang pinagtripan ko.


*pindot*


Isa uli.


*pindot*


“Are you insane?!”


Tiningala ko siya. Diosmiomarimar! Ang gwapo talaga niya! Sanay na kong makakita ng gwapo, but there was something different in him. At hindi ko mapin-point kung ano. Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. “No. Tutal naman vhakler ka, papisil uli ng isa. Huwag mo kong jojombagin, ah.”


*pindot*


“Stop it, okay!!!”


Tiningala ko siya. Hala! Ang sama ng tingin niya sakin!


Bigla siyang umatras ng isang hakbang.


Buuuuuuuugggggggg!!!


“Glenn!!!”


“Oh my god!!! Regina!!!”


= = =

 A/N: Feeling ko last exposure na nila TUKLING at BAKUREG, pati ni BADET ang chapter na 'to! HAHAHA

8 comments:

  1. NkAkaLoka uNg dLawaNg dioSabeLLe,,,, paTi si LittLe bAdet,,, aNg bEybi vHakLer,,, haLa,,, taWa kMi ng taWa ng mGa kaibigAn q,,, aQ pa aNg naRrator s arAw na itEy,,,

    ANg dmi q pO icoComment dHiL s kniLa,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang kulet ng mga bakla ..!
      Nakakanosebleed !! X'D

      Delete
    2. HAHA, tell your friends NICOLE na salamat kamo!! Just give them a jombag este a hug and kiss from me :))))))

      Delete
  2. at njoMbaG b tLga ni gLeN c rEginA,,,, hwaaheheHehehe,,,, LaGot k GLeN!!!!!

    ReplyDelete
  3. ay wag mong gawing last exposure na yun nila tukling, bakureg at badet!!! ang riot nila dito, ang dami kong tawa!!! i bet na kakilala nila si byron noong badessa pa siya!!! and i love the gay lingo!!! walanjo yan, kakatuwa!!!

    but omigash!!!! najombag nga kaya ako ni glenn??? ahahahahaha!!! ang kulit ko naman kasi, masyadong mapagnasa at ang manyak ng effect ko dun!!! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. hwaHehe,,, aTey aeGyo sbi dAw ni gLen, ndE ka dAw niA joJombagiN s toToOng buhAy,,, ayiiieEeehhh,,,

      Delete
    2. HAHA, sis, nakaka-nosebleed naman kasi, hahaha, parang nagka-LSS pa tuloy ako, hindi nga lang sa kanta, kundi sa gay lingo, haha, may tinanong ang mama mo, sinagot ko ng WIKIKIK. HAHAHA, dae ko tuloy tawa non!


      Najombag ka tuloy sis! HAHAHA, kaw naman kasi, bawas-bawas! HAHAHA

      Delete
  4. my gosh!!! i cant stop myself from laughing!!! it was so freaking hilarious!!! ang dami kong tawa.. :D

    what in the world was she thinking?? i cant believe it!! so embarrassing!!! hahaha.. manyak lang ang peg???.. pero nka score ka dun gurl!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^