I Hate That I Love You : Chapter 5 : KISS?!!!
Jene’s POV
Urghhh, ouch. Anong nagyari? Bumangon ako and I saw myself in a bed. Nanaginip lang ba ako? Kasi kung panaginip lang na sinali ako nang mga kaibigan ko sa raffle na yun eh, magdidiwang ako.
Tumayo ako, ouch ang sakit nang ulo ko. I checked the clock 4am. Well baka nga nanaginip lang ako. Kinuha ko yung cellphone ko and I was about to text Jas when I saw the date. UWWWAAAHHH! Kala ko panaginip lang lahat, hindi pala TT^TT
Teka eh pano ako nakauwi? I looked around, holy smoke! Nasan ako? PAKSHET. Ang tanga ko! Ngayon ko lang napansin na wala ako sa kama ko. I saw 2 notes on the side table may 1 at 2. Siguro yung one muna
Thanks for last night
-mystery guy
Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Napaupo ako sa sahig… “Shit!”ang tanging salitang nasabi ko, tears were trying to escape my eyes pero I kept my self composed. Again I saw the note number two, kinuha ko agad yun at binukasan
Haha, I trolled you. I’m just joking.
Nakita kitang natumba sa kalsada,
kaya ayan tuloy dito na kita dinala,
since hindi ko naman alam ang bahay mo.
Wag ka magalala wala akong ginawa sayo.
Lock the door when you leave, no need to say thanks.
-mystery guy
Asdfghjkl! Loko to ah, niloko pa ako. Kala ko panaman…urrghhh! Nakakainis siya, subukan niya lang magpakita saken mapapatay ko siya, tinakot ako. I looked around the unit, malinis at desente naman siyang tiganan. Nakiligo agad ako at nagbihis. Paglabas ko nang kwarto eh may nakita akong agahan sa lamesa, may note nanaman
Eat your breakfast,
Sorry hindi ako magaling magluto
-mystery guy
Ang sweet naman nitong taong ito. Umupo ako at kumain, american breakfast lang naman pero masarap siya. After kong kumain ay hinugasan ko na yung mga plato, aba! Feeling at home ako sa bahay niya. After everthing I was ready to leave pero I decided to leave a note din. Kumuha ako nang papel at ballpen sa bag ko at nagsulat
HOY! Ikaw, nakakainis ka! Tinakot mo ko.
Salamat huh, I owe you bigtime.
Humanda ka saaken huhuntingin kita :p
-Jene
Tapos ko magsulat nang note ay lumabas na ako nang unit niya. I went straight to school.
Pagpasok na pagpasok ko palang sa classroom eh nakasalubong na ako nang isang yakap. Nagulat ako. Lumapit naman yung dalawa kong kaibigan “JENE ADRIENNE! Saan ka ba nanggaling ha?”sabi ni Jasper, napakamot lang ako sa ulo ko
“We were so worried about you Jene. Kala namin kung ano nang nagyare sayo”patay tayo jan. Anong sasabihin ko sa mga to? Nahimatay ako tapos nagising ulit sa kalsada? Namagic ako? Ano nakain ako nang lupa?
“ah, eh. Ano kasi, dun ako sa hotel natulog. Kailangan kong magsenti at mapadasal para mamaya sa raffle draw na sana hindi ako mabunot”sabi ko. Mukang nasatisfy naman yung dalawa sa sagot ko pero etong si Jasper eh parang kakaiba parin yung tingin saakin “alam mo ba Jas?”tanong ko sakanya
“*sigh* oo alam ko, pinagalitan ko na silang dalawa wag ka magalala”
“bakit mo naman pinagalitan? Isang entry lang yun Jas, malabong yung isang yun ang mabunot mamaya sa raffle”sabi ko sakanya think positive Jene. Hindi ikaw ang mabubunot mamaya, sigurado na tayo jan
“I hope so, Jene”sabi niya
“TSK! Tiwala lang Jas. Tignan mo”sabi ko sakanya tapos inakbayan ko siya, kahit hes wayyy too tall
“HMP! Ang kulet mong bata ka!”sabi niya tapos pinisil niya yung ilong ko
“HOY! Bawal PDA!”sigaw ni Max, nagtiliaan naman yung iba kong kakalase . TCH! Eto nanaman sila, lagi nalang nila akong inaasar kay Jas sa di malamang dahilan
Bagay silang dalawa!
Oo nga noh
Hindi kaya masbagay kami ni Jasper
Tssss. Wag ka nang epal kay D.O ka nalang
Ay sabagay! Sige-sige kay D.O nalang ako! GO!!! BAGAY KAYO!
Tch! Mga tao nga naman. Umupo na ako sa upuan ko at pumasok na ang teacher namin, nagsimula na kaming magklase.
Algebra
Trigo
Chemestry
Recess
Filipino
Literature
Lunch
History
MAPEH
Recess
TLE
Values
URGGH!! I’m gonna die! Imagine nag-vavalues pa pala ang 4th year? Well oo sa school namin, oo. Well anyway 30 minutes lang naman siya so ayus lang. Uwian na namin so nagaayus pa ako nang gamit. “JENE!!! Daliaan mo, baka ma-late tayu sa raffle aayusan mo pa kameee!”pagrereklamo ni Les. AISH! The raffle is 3 hours from now saka kahit naman ayusan ko sila ngayun hindi panaman ngayun yung day-out diba? Pagkakaalam ko bukas pa yun.
“ANJAN NA PO!”sabi ko. Lumabas na kami nang room at nagpunta sa bahay. Mga atat e
Pagdating namin sa bahay nagbihis lang sila nang susuotin nila at nagsimula na akong ayusan sila. That took one and a half hour, ang dami kasing reklamo eh. Tapos ko silang ayusan syempre aayusan ko rin ang sarili ko, and that only took thirty minutes, wala naman ako masyadong kaartehang ginawa eh.
“well what can I say, kung sino pa yung pinaka tipid magayos siya parin yung pinakamaganda”sabi ni Max sabay roll eyes, hindi naman eh. Maganda din naman sila ah.
“AHHH!! Tama na daldal tara na sa EXOtic baka mamaya malate na tayo”sabi ni Les sabay hila saamin. URRGHH! Here goes nothing…sana lang hindi ako yung mabunot.
After 1234567890 years nakarating narin kami sa EXOtic, ang daming tao jusko ang hirap humanap nang pwesto. Nandito kami ngayon hinihintay yung countdown. Sa bigscreen kasi may countdown eh, excited na ang lahat kasi magpre-preform daw ang EXO ngayon. Ako hindi ako naeexcite, KINAKABAHAN ako. Jusko lord, wag naman po sana ako ang mabunot dito.
5
4
3
2
1
Now Playing: History– EXO
KAAAAAYYYAAAAHHHH!!!
EXO!!! MY LOVE!!!
MARRY ME!!!
I LOVE YOU EXO!!!
“Max! Les! restroom lang ako ha”at nagsimula na nga ang kaguluhan, hindi na ako naririnig ni Max at Les dahil busy sila sa pagsigaw. Nakipagsik-sikan ako sa mga baliw na fans.
Nung makalabas naman ako mula dun sa kumpol nang baliw na fangirls eh pumunta na akong cr. Hayyysss, kinuha ko yung bag ko at hinalungkat yun, hinahanap ko yung phone ko eh, tatawagan ko muna si Jasper, nakak-
*boogsshh*
Nahulog yung bag ko, napatingin ako dun sa nakabanga saakin. Naka jacket siya at shades. TCH! Wala ba tong balak mag-sorry? Kapal niya ha. Pinulot ko yung bag ko “hindi ka manlang ba marunong mag-sorry?”tanong ko, grrrr. Wag niya ako bwibwisitin na ngayon masyado na ako inis sa mga fangirls nang EXO
“Ako pa ang magsosorry?”tanong niya saakin, aba? Sino pa ba? Alangang ako?
“ay hindi ako ako. Kaya nga sabi ko ‘kung-hindi-KA-manlang-ba-magsosorry’?”arrrghhhh, etong lalakeng to simpleng sorry lang hindi pa magawa eh
“alam ko, hindi ako tanga. What I mean is bakit ako ang magsosorry eh ikaw itong hindi nakatingin sa dinadaanan mo”sabi niya. THE NERVE OF THIS GUY!!!
“anong ako? Eh di dapat umilag ka kung alam mong hindi pala ako nakatingin”sagot ko. Grrrrr, nakakabwisit itong lalakeng to ah!
“o di inamin mo rin na hindi ka nakatingin?”aba?!! pinupuno talaga ako nito ha
“ang ibig kong sabihin eh, hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo!”
“Hindi ka rin nakatingin!”AURRGHHH!!! BWISIT NA LALAKENG TOH! ANG SARAP IHAWIN
“Wag mo sakin sisihin sa kabulagan mo!”
“wag mo rin saakin isisi ang kaengotan mo!”
“BWISIT KAAA!!! BWIIIISSSEE-“Hindi ko alam ang nangyare basta ang alam ko nalang, he pressed his lips into mine. Hindi ako makagalaw, nabato na ata ako dito. I can feel millions of bolts flowing through my body. I can feel my tummy turning upside down. I can feel the sweetness and softness of his lips. I can feel all of my blood coming up to my face. He kissed me, he took my first kiss!
NAg-awAy taPos kiSs sa baNdaNg huLi,,,, aLeLeLE,,, keLandi!!!!! hwAhEHe,,, pEo niKiLig aq,,,, waGas!!,,,
ReplyDelete