Sunday, November 25, 2012

Following Your Heart : Chapter 10


CHAPTER 10
( Shanea’s POV )

Gusto pa sana niyang mag-stay pa kaya lang baka makahalata na sina Aeroll. Parang hindi na niya kayang umarte pang masaya kanina.


Malapit na siya sa gate ng pahintuin niya ang motor. Hindi naman siya tanaw nina Aeroll kaya okay lang. Para kasing hindi niya kayang mag-drive. Kasi naman...


Napahawak siya sa dibdib niya.


Tugudug! Tugudug!


Ano ba ‘to?


Tugudug! Tugudug!


Tumigil ka na!


Tugudug! Tugudug!


Huminga siya ng malalim. “Para akong aatakihin nito.”


Tugudug! Tugudug!


Ano ba kasing nangyayari sa kaniya? Bakit ganito maka-react yung puso niya? Bakit? Bakit? Dahil ba kay Jed? Oo, tama. Dahil kay Jed. Nagulat lang siya kanina ng magkita sila. Hindi niya expected na after three years, dito pa uli sila magkikita. Oo nga, ganon nga yon. Tama.


Naalala niya ang reaction ni Jed kanina. Kitang-kita ng mga mata niya. Hindi man lang niya nakitang natuwa ito ng makita siya. Nagulat? Oo. Pero natuwa? Isang malaking hindi.


Bakit, Jed? Bakit? Okay naman tayo nung maghiwalay tayo? Bakit hindi ka man lang natuwa ng makita ako? Three years ago, sabi mo ita-try mong tawagan ako pagdating mo ng America, pero ni ha ni ho, wala. Pati yung sinabi kong padalhan mo ko ng sapatos at rubber shoes, hindi mo tinupad. Dapat ako ang magalit sa’yo, eh, pero hindi ko naman magawa. Bakit, Jed?


She sighed. Kahit ano namang tanong ang gawin niya, hindi naman siya masasagot ni Jed. At wala siyang lakas ng loob na magtanong pa dito.


“I’m just sad and...disappointed sa reaction ni Jed. Bakit gano’n siya?”


Natigil ang pag-eemote niya ng mag-ring ang phone niya. A smile curved on her lips when she saw the name appeared on her phone’s screen. Alam ba niya na malungkot ako ngayon at kailangan ko ng kausap dahil para akong tangang kinakausap na naman ang sarili ko? Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tawag.


“Shasha! Kamusta ka na? Namiss kita. What are you doing now? Nakakabagot dito sa Sha-hiro. Wala ka kasi dito. Kailan ka ba uuwi? Isang linggo ka na diyan, ah.” Pangalan ng restaurant nila ang tinutukoy nito. Pinagsamang name niya at ni Hiro.


Napangiti siya. Parang kung magsalita ‘to, hindi sila magkausap over the phone kahapon. “Hiro.”


Matagal bago ito sumagot. “May problema ba?” Mukhang nahalata nito ang boses niya.


Pinasigla niya ang boses niya. “Wala noh! Nandito ako kina Aeroll. May surprise daw sila sakin kaya napaaga ang punta ko ngayon. Pero pauwi na ko.”


“Surprise?”


Syete! “Ah, oo. Ano...may surprise nga sila.”


“What surprise was it?”


Syete uli! Mangungulit ng mangungulit si Hiro pag hindi niya sinabi. Ayaw naman niyang sabihing si Jed ang surprise nina Aeroll. Wala namang dahilan para hindi niya sabihin, pero ewan, mas pinili niyang wag na lang ipaalam.


“Shasha?”


“N-nandito pa ko. Ano kasi...pinakilala nina Aeroll si Ate Princess. Yung kinukwento ko sa’yo kahapon.”


“Sure kang yun lang?”


“O-oo naman.”


“I know you, Shasha.”


“I’m not lying, Hiro.”


“I didn’t said that you were lying. Ba’t defensive ka?”


She sighed. Hindi matatapos ang usapan nila.


Silence.


“Shasha, yung pasalubong ko, ah. Isang sakong buko.”


Nakahinga siya ng maluwag na ito na mismo ang mag-change ng topic.


“Oo naman. Sinabihan ko na sina lola. Yun lang ba ang gusto mo?”


“Ikaw.”


“Anong ako? Tinatanong mo ko? Eh, ikaw nga ang tinatanong ko.”


He chuckled. “Wala.”


“Ano nga ‘yon?”


“Isang sakong alatiris.”


“Pag ikaw dinalhan ko no’n, ubusin mo dapat lahat ‘yon.”


Kahit hindi niya ito nakikita, feeling niya nakangiwi ito. “Basta ba sasabayan mo kong kainin lahat ‘yon.”


Napangiwi din siya. “Hindi na pala.”


Ang lakas ng tawa nito. Wala naman siyang sinabing joke. Para talagang sira. Nakitawa din siya. Nakakahawa kasi yung tawa nito. Kengkoy yung tawa, eh!


“Bakit ka tumatawa?” natatawang tanong nito.


“Eh, ikaw bakit ka tumatawa?” balik-tanong niya.


 “Gusto kong tumawa, eh.”


“Gusto ko ding tumawa.”


“Gaya-gaya pag laki buwaya!” pang-aasar pa nito.


She pouted. “Malaki na kaya ko.”


“San banda? Eh, pandak ka nga.”


“Maganda naman.”


“Teka, parang dumilim yung langit dito samin. Diyan ba?”


Tumawa siya. “Ang liwanag ng langit dito. Sobrang liwanag. Sumang-ayon ang langit na maganda ako.”


“Jeez! You heard it? Kumulog dito. Kumidlat pa.”


“Ang sama mo! Hindi na tayo bati! Wala kang pasalubong sakin!”


“Oh, oh, sumisikat na yung araw. Wow! Ang galing naman!”


Ang lakas ng tawa niya. “Mababano ako sa’yo, Hiro. Maya mo na nga ko tawagan. Magda-drive pa ko pauwi.”


“May helmet ka?”


“Yap.”


“Okay. Tawag na lang ako maya. Madaming ng costumers. Kailangan ng charm ko dito. Puro girls, eh. Pero don’t worry, hindi ko ipagpapalit ang best friend kong maganda.“


“Oo na. Oo na. Bye na hah. Ingat ka diyan.”


“Ingat sa pagda-drive. Tinatawag na ko ni Boss Kevin. May ipag-uutos ata.” biro nito. Madalas nilang biruin na Boss Kevin ang chef nila sa restaurant. Ito kasi ang pinakamatanda sa kanila. They treated each other in the restaurant like a family. Madalas silang magbiruan, pero pag oras ng trabaho, seryoso sila.


She hanged up the phone.


Thank you, Hiro. Ang sama ng loob ko kanina pero pinagaan mo.


Nakangiti na siya ng ini-start niya ang motor niya. Kaya lang biglang kumulo ang tiyan niya. “Hindi pa pala ako nag-be-breakfast. Ayoko namang bumalik pa kina Aeroll para lang makikain.”


Kumuha na lang siya ng isang pandesal at pinasak sa bibig niya bago pinaandar ang motor. Hindi na siya bumaba at tinulak na lang ang gate. Kaya laking gulat niya ng paglabas niya ay nakatayong si Jed ang nabungaran niya.


Hindi pa siya umuuwi? Ano pang ginagawa niya dito? Hinihintay niya ba ko?


Ayan ka naman, Shanea. Tumigil ka nga! saway ng konsensya niya.


Nagtama ang mga mata nila ni Jed.


Silence.


Akward silence.


“Shanea.”


“Jed.”


Nagkasabay pa silang magsalita.


Napanganga siya. Hindi niya napansing nalaglag na ang pandesal na nakapasak sa bibig niya.


Inulit niya sa isip ang sinabi nito. “Shanea.”


Namiss niya ‘yon. Sobrang namiss niya. At para na siyang tanga sa ginagawa niya. Hindi dapat, eh. In the first place, wala siyang dapat na maramdaman. Hindi siya dapat malungkot. Hindi siya dapat matuwa. Hindi siya dapat ma-disappoint. Hindi niya dapat ma-miss ang pagtawag nito ng ‘Shanea’. At ang pinaka-hindi dapat niyang maramdaman ang nararamdaman niya ngayon.


Ang mamiss niya si Jed.


Muntik pang matumba ang motor niya kung hindi lang nakalapit si Jed sa kaniya. Napahawak pa ‘to sa manibela kung san nakapatong ang kamay niya.


Nagkatinginan sila. Mabilis niyang tinanggal ang kamay niya sa manibela.


Lunok.


“Okay ka lang?”


Bakit parang nag-iba ‘to? His voice was not that cold katulad ng kanina. Parang may concern siyang nabasa sa boses nito. Parang bumalik na ang dating Jed three years ago.


Suddenly, a familiar feeling creep into her heart.


Tumango lang siya. Abala siya sa pagpapalayas ng pesteng ‘familiar feeling’ na ‘yon na nagpupumilit na pumasok sa puso niya. Matagal na niyang pinalayas ‘yon, pero bakit ngayon, nagbabalik pa?


“Shanea, you have...” Itinuro nito ang labi niya.


Pinahid niya ang labi niya.


“Mero’n pa.” Hindi na siya nakakilos ng ito na mismo ang magpahid ng kung ano man ‘yon sa labi niya.


Her body shivered because of what he did. Ano ba ‘yon? Dumikit lang yung daliri nito sa labi niya, kinilabutan agad siya. Tapos si Jed parang wala lang dito, tapos siya kung makareact, wagas! Nakisama pa yung mga internal organs niya. Hanubayan!


“Sure kang okay ka lang? Bakit parang ang putla mo?”


“Hah?” Napahawak siya sa pisngi niya. Panong hindi ako mamumutla sa ginawa mo? “Maputla ako? Kulang lang sa make-up ‘yan. Kaya lang alam mo namang hindi ako mahilig maglagay ng make-up diba. Kaya kulang lang sa pulbos ‘yan. Magpupulbos na lang ako sa bahay.” Idadaan na lang niya sa daldal ang nararamdaman niya.


“You talked a lot. Hindi ka talaga nagbago. You’re still the same Shanea.”


Hindi na siya nakasagot ng umepal ang tiyan niya. Napahawak siya do’n. Nakakahiya naman!


“Ano ‘yon?” tanong nito.


“Hindi pa kasi ako nag-be-breakfast.”


“What?!” Magkasalubong ang mga kilay nito sabay tingin sa relo nito. “You better go home.”


“Yun nga yung gagawin ko.” Ini-start na uli niya ang motor. “Una na ko.” Kumunot ang noo nito bago lumayo ng bahagya sa kaniya. “It’s nice...” Sabihin mo na, Shanea. “It’s nice to see you again, Jed.”


“Ingat ka.”


Asa pa siyang ganon din ang sasabihin nito sa kaniya.


“Goodbye, Jed.” Pinatakbo na niya ang motor ng dahan-dahan.


“Hindi ka talaga nagbago. You’re still the same Shanea.”


No, Jed. Nagbago na ko. Dahil kung ako pa din ang dating Shanea, malamang nakabuntot na ko sa’yo ngayon.


Hindi niya dapat hayaan ang sarili niya na bumalik ang nararamdaman niya kay Jed. Naka-move on na siya. Tapos na ang kabaliwan niya dito. Hindi siya papayag na bumalik ang feelings niya. Ayaw niya. Ayaw na niyang masaktan pa.


Kaya ngayon pa lang, siya na ang iiwas kay Jed. At iyon ang ginagawa niya ngayon.


“Shanea!”


Parang narinig niya ang boses ni Jed na tinatawag siya. You’re just hallucinating, Shanea.


“Shanea!!”


Hallucinating?


“Shanea!!!”


Bakit parang totoo? Inihinto niya ang motor at lumingon sa pinanggalingan niya. “J-jed?” Kasasabi ko lang na lalayo ako, bakit ikaw naman ang sumunod sakin?


Hinihingal na lumapit ito sa kaniya. “K-kanina...pa kita...tina...tawag...” hinihingal na sabi nito.


Nagtaka siya. “Bakit?”


Itinaas nito ang isang kamay nito. “Wait lang...I’ll catch...my breath...first. Ang layo...ng tinak...bo ko...” Ilang beses itong huminga ng malalim.


Hindi niya tuloy mapigilang pagmasdan ito. Tumutulo man ang pawis sa noo nito, still, ang bango nitong tingnan and he looked so hot. Teka, hot? Iyon ba yung sinabi niya?


Ito na nga ba ang sinasabi niya kaya gusto niyang lumayo kay Jed. Kung anu-ano na naman ang mga nasasabi at nakikita niya. Lalo na ngayon, tinatamaan pa ng sikat ng araw ang mukha ni Jed kaya para itong si Edward Cullen na kumikislap ang katawan kapag natatamaan ng sikat ng araw. Ang kaibahan nga lang, mukha ni Jed ang tila nagkikislapan dahil sa pawis nito.


Umiwas na lang siya ng tingin. Baka magkasala pa ang mga mata niya.


“Shanea.”


“Oh?”


“Bat ayaw mong tumingin?”


Saka lang siya tumingin. “Bakit mo ko sinundan?”


Nagkibit-balikat lang ito.


Ano kaya ‘yon? “Bakit nga?” Gusto talaga niyang malaman kung bakit. Ang layo kaya ng tinakbo nito para lang siya sundan, buti na lang at mabagal ang takbo niya.


Buti na lang? So masaya ka ngayong sinundan ka niya? tanong ng kabilang isip niya.


Hindi naman sa gano’n. sagot niya.


Nagulat siya ng ngumiti ito. “Gusto mong kumain?”


Saglit pa siyang nawala sa sarili dahil sa ngiti nito. Ang unang ngiti nito ngayong nagbalik ito! “A-ah, oo, k-kaya nga ako uuwi, eh. Bakit mo nga ko sinundan?”


“Ililibre kita sa bayan ng kahit na anong gusto mong kainin pero hindi ko sasagutin yang tanong mo o sasagutin ko ‘yan pero hindi kita ililibre? Choose.”


Teka parang pamilyar sa kaniya ang tanungan na ganito? Oo. Tama. Ganito sila mag-usap noon kapag nangungulit siya dito. Pinapapili siya nito. Pero hindi naman ako nangungulit ngayon, ah.


“Both.”


“Just one answer.”


“Hmm...” Gusto niyang malaman kung bakit siya nito sinundan, kaya lang hindi naman siya nito ililibre. Pag nilibre siya nito, magkakasama sila sa bayan ngayon!


Ba’t parang excited ka? tanong ng kabilang isip niya.


Wag ka ngang epal! sagot naman niya.


“So?”


“Pwedeng both?”


He chuckled. Lumapit ito sa kaniya. “Ako ng magda-drive. Umusod ka.”


“Both yung sagot ko.”


“Umusod ka na muna.” Umusod siya sa paatras. Napatingin ito sa short niya. Naka-short pala ko. Umusod siya sa unahan. Pero hindi pa din ito sumasakay. Umusod na lang uli siya sa likuran.


Napakamot siya ng ulo. “Sa’n ba ko uupo?” Para naman kasi siyang timang. Simpleng pagsakay sa motor, hindi niya alam kung sa’n siya uupo.


“Sa’n mo ba gusto?”


Gusto ko sa unahan. Pero hindi naman niya masabi. Noon kasi, basta pag ito ang nagda-drive lagi siyang nasa unahan.


Si Jed na ang sumagot. “Sa unahan ka na lang.”


Lihim siyang napangiti. Okay. Iisipin na lang niya na hindi nangyari ang pagkikita nila kanina. Tatanggalin na lang niya sa isip niya kung anong reaction nito ng magkita sila.


Umupo na si Jed sa likuran niya. Pinaandar na nito ang motor. Para siyang na-stiff sa pwesto niya. Ito na naman kasi, parang kahapon lang nangyari ‘yon. Yung mga araw na magkasama sila dati bago ito mag-migrate sa America.


“Shanea, relax ka lang. Para kang tuod.” Tsk, napansin pala nito.


Pa’no ko magrerelax? Tingnan mo nga yung pwesto natin? Dapat pala sa likuran na lang siya umupo.


Pinilit niyang mag-relax. Ilang segundo lang ang lumipas nang tumuwid ang likuran niya. Si Jed kasi! Ano bang trip nito? Ipinatong ba naman nito ang baba nito sa kanang balikat niya! Waaaaah!


Pigil niya ang hininga niya. Paano ako iiwas sa’yo, Jed, kung ikaw na mismo ang lumalapit sakin ngayon?


Wala sa loob na kumuha siya ng pandesal sa plastic na hawak niya at pinasak sa bibig ni Jed.


“Shwanewa man.”


Napahagikgik siya. Buti nga sa’yo. Wahehe.


Pero nagulat siya ng alisin nito ang kaliwang kamay nito sa manibela.


“Jed! Masemplang t—” Pinasak nito sa bibig niya ang pandesal na nanggaling sa bibig nito! Waaaah! Sa bibig nito!


“Akala mo, hah.”


Nilingon niya sa Jed. Nakangiti ito habang nakatingin sa kalsada.


Jed naman... Ano bang gagawin ko sa’yo? Ang hirap mo namang intindihin ngayong bumalik ka? Para kang may dual personality. Kanina, you were cold as ice, then the next thing I knew, naging sweet at concern ka na. Ano ba kasing tumatakbo sa isip mo ng hindi ako nalilito ng ganito?


“Shanea, sa kalsada ang tingin.”


Tahimik na lang niyang kinain ang pandesal na nasa bibig niya. Na nanggaling sa bibig ni Jed. Lihim siyang napangiti. Baliw na nga siya.


* * *



1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^