Wednesday, November 7, 2012

Following Your Heart : Chapter 7

CHAPTER 7
 ( Shanea’s POV )

Three years later...


Abala siya sa pag-ka-calculate ng kung anu-anong numbers. Feeling nga niya umiikot na ang mga ‘yon sa paligid niya. Pinikit. Dinilat. Pinikit. Dinilat. Paulit-ulit niyang ginawa ‘yon hanggang sa mawala sa paningin niya ang mga numbers na lumilipad. Nagtagumpay naman siya kaya lang bigla namang nagdilim ang paligid niya. Hindi dahil sa nahilo siya. Kundi dahil may mga kamay na humarang sa mga mata niya.


“Hulaan mo kung sino ‘to.”


Napangiti siya. “Si Jed.”


Nagliwanag na ang paligid niya dahil agad na tinanggal ng taong ‘yon ang mga kamay nito sa mata niya. Nakasimangot na umupo ito sa katabi niyang upuan. “It’s Hiro. Not Sed.”


“It’s Jed.”


“Okay. Sed.”


Napangiti siya sa kakulitan nito. Parang siya lang. “Don’t tell me nagseselos ka?”


Nilapit nito ang mukha sa kaniya. “Yes.” seryosong sagot nito.


Nakangiting hinampas niya dito ang hawak niyang ball pen.


Napaatras ito. “Aray naman.” nakangusong reklamo nito.


“Gusto mo pa? Ilan ang gusto mong idagdag ko?”


“Ayaw na.” Ngumiti na ito. “Ano ‘yang ginagawa mo?”


“At dahil tinanong mo na din ‘yan. Ikaw na ang gumawa nito. Favorite mo ‘yan, promise.” Inusad niya  dito ang mga papel na nasa mesa pati ang ball pen na hawak niya.


Tiningnan nito ang mga papel. Napahawak ito sa noo nito. “Ang sakit ng ulo ko. Pwede bang ikaw na lang ang gumawa niyan. Tutal naman, diyan ka magaling. Ang sakit talaga ng ulo ko, eh.” pag-iinarte nito.


Napangiti lang siya sa pagda-drama nito. “O sige. Pero ipagluluto mo ko. Hindi pa kasi ako nagbi-breakfast kanina bago pumunta dito. Bulacan pa ko nanggaling.” Nandito kasi somewhere in QC ang restaurant nila.


“Weh? Ikaw pa, makalimutan ang breakfast.”


“Natunawa na ‘yong kinain ko kanina. Ngayon, nagugutom na talaga ko. Hindi ka ba naaawa sakin, Hiro?” Nagpa-awa face pa siya.


“Oo na. Kung hindi lang...”


“Kung hindi lang ano?”


“Kung hindi ka lang maganda.”


“Matagal ko ng alam ‘yon. Sige na, bilis, pumunta ka na sa kusina at ipagluto mo na ang amo mo.” biro niya.


“Opo, madam. May chef naman kasi dito, bakit sakin pa nagpapaluto?”


“Masarap kasi yung version mo ng fried rice, eh.”


“Parehas lang kami ni Kuya Kevin.” Yung chef ng restaurant ang tinutukoy nito.


“Pero mas masarap yung sayo.”


Tinakpan nito ang bibig niya. “Shhh...ang ingay mo talaga. Baka marinig tayo ni kuya. Patalsikin tayo sa restaurant niya.” bulong nito.


Inalis niya ang kamay nito sa bibig niya. “Wala pa ngang nomination, talsik agad. Ano ‘yon? Force eviction.”


Nagkatawanan na lang sila sa mga kalokohan nila. At sabay ding napahinto ng mapansin nilang napalingon sa gawi nila ang ibang customers na nando’n.


“Lagot ka, Hiro, ang ingay mo kasi.”


“Ikaw kaya.” Nakangiting tumayo si Hiro at hinarap ang mga customers. “At dahil masaya po kaming dalawa. Lahat po ng customers na nandito, may free po kayong dessert. Enjoy your food my dear customers.” Umupo na uli si Hiro. “See?”


“Ang aga naman ng dessert mo.” Ngumiti siya ng matamis. “Eh, paano naman ako? Ipagluluto mo na ba ko ng napakasarap-the best ever na fried rice mo?”


“Ang galing mo talagang mang-uto noh.”


“Naman. Talent ko kaya ‘yan. Ano pang hinihintay mo? Magluto ka na.”


“Wala bang kapalit ‘to?”


“Pasasalubungan kita ng isang sakong buko pag-uwi ko galing probinsya.”


Napangiwi ito. “Kahit wag na. Umay na umay na ko sa buko. Diyan ka lang, ipagluluto kita ng napakasarap-best ever na fried rice ko.” Tumayo na ito at pumunta ng kusina. Panong hindi mauumay si Hiro, eh last year, inuwian niya ito ng isang sakong buko. Wahehe.


Sino si Hiro sa buhay niya? Boy friend niya. Three years na silang magkakilala. Nagtransfer ito sa school niya nung third year siya. Business Ad din ang course nito. Nagkasundo agad silang dalawa. Bakit? Kasi halos parehas lang sila ng ugali. Makulit. Maloko. Madaldal.


Third din siya ng ligawan siya nito. Pero binasted niya. Hindi dahil sa mahirap itong magustuhan. Sa katunayan nga, kahit transferee lang ito. hearthrob ito sa school nila. Binasted niya ‘to dahil alam niya sa sarili niya na si Jed pa din. At alam ni Hiro ang kwento nila ni Jed. Na-kwento na niya dito.


After that basted issue, they became good friends. Not just friends, but almost best friends.


At ng mga panahong tuluyan ng nawala si Jed sa kaniya. Do’n lang siya nakapag-isip-isip kung ano ba talaga ang gusto niya sa buhay. Dati kasi puro kay Jed lang siya nakadepende. Gusto ko ng ganito kasi si Jed. Ayaw ko ng ganito kasi si Jed.


Pinagpatuloy niya ang course niya. Nahihiya naman siya kina mamita at papito kung mag-shi-shift pa siya, eh two years na lang. Tutal naman magagamit niya ang course niya dahil gusto niyang magtayo ng restaurant pagka-graduate niya. Pero dahil masyadong malaki ang puhunang magagamit niya, naisipan niyang magtayo na lang ng bakery. Kaya naisip niya no’n, after niyang grumaduate ng college ay kukuha siya ng culinary arts.


Pero hindi na niya kailangang magtayo ng sarili niyang bakery, dahil pagka-graduate niya, kinuha siya ni Hiro bilang business partner sa restaurant na binili nito sa kaibigan nito. Mayaman ang pamilya ni Hiro kaya balewala lang dito ang pera.  Ito daw ang bahala sa anda, siya daw ang bahala when it comes to business, pero tutulungan pa din naman siya nito. Malakas kasi ang karisma nito para manghatak ng mga costumers. Iyon daw ang itutulong nito. Sira ulo talaga.


Pero ang pinakagusto niya kay Hiro ay ang galing nito sa pagluluto. Namana daw nito sa mama nitong namayapa na. In born talent, pagyayabang nito.


Kaya nga this coming June, mag-te-take siya ng culinary arts. Gusto pa din niyang matuto. Hindi yung puro kain lang ang alam niya. Para kung gusto niyang magpaluto, hindi na niya ito kukulitin.


“Here’s your order ma’am.” Si Hiro ang nalingunan niya. Nilapag nito ang fried rice sa mesa. Sabay upo sa tabi niya.


“Wow! Amoy pa lang, mukhang masarap na. Lalo na pag kinain ko na.”


“Naman, ako pa. Hindi lang ako puro kagwapuhan noh.” Inabutan siya nitong spoon at fork.


Nagsimula na siyang kumain. “Yummmyyyyyy! Ma-mimiss ko ‘to pag-uwi ko sa Romblon.” Next week na ang alis niya. Kasabay niya si Kuya Harold niyang umuwi. Si Aeroll, susunod na lang daw.


 “Sayang lang, hindi ako makakasama. Dati ko pang gustong pumunta ng probinsya ninyo. Hindi naman matuloy-tuloy. Siguro may balat ako sa pwet.”


Napabungisngis siya. “Patingin nga.”


“Ayoko nga. Makita mo pa ang napaka-macho kong katawan.”


Nag-inarte siyang nandidiri. Nilapirot lang nito ang ilong niya.


“Aray ah, sakit, ah.” reklamo niya. Napangiti lang ito. “Saka, hindi ka talaga pwedeng sumama kasi walang maiiwan dito sa restaurant mo.”


“Natin.” pagtatama nito. “Saka, uuwi si ate. Magtatampo ‘yon pag hindi ko siya sinundo sa airport.”


“Ang sabihin mo, hindi niya ibibigay sayo ang pasalubong niya.”


Napangiti ito. “Kasama na ‘yon syempre. Speaking of pasalubong, yung pasalubong ko, ah.”


“Isang sakong buko?”


“Wala na bang makikita sa probinsya ninyo kundi buko? Wala bang mangga? Wala bang alatiris. Wala bang santol? Wala bang dalandan? Wala bang strawberry? Wala bang kahit na ano maliban sa buko? Diyos kong probinsya na ‘yan.” Tinapik pa nito ang noo nito.


Napabungisngis siya. Ang arte talaga nito. “Alam ko na ang ipapasalubong ko sa’yo.”


“Ano? Ano?” parang excited na bata na tanong nito.


“A...”


“A?”  Ganito pa yung bibig ni Hiro à ^O^


“Al...”


“Al?”


“Alatiris, para hindi masyadong mabigat.”


Napakamot ito ng ulo. “Mas gugustuhin ko pa ang isang sakong buko kesa sa alatiris.”


“Sabi mo ‘yan, ah. Isang sakong buko. Gusto mo gawin ko pang dalawa, eh.”


“Gawin mong tatlo.”


“Sabi ko nga, isa lang. Teka lang, wag mo nga muna akong daldalin. Hindi ko matapos ang kinakain ko, eh.”


Nagpalinga-linga ito na tila may hinahanap. “Nasan yung madaldal? Palalabasin ko ng restaurant natin ng hindi ka maistorbo sa paglamon, este pagkain mo.”


Napangiti siya. “Yung unggoy na nagsasalita.”


Nilingon siya nito. “Ikaw?”


“Yung nagsabi ng ‘ikaw’.”


“Edi ikaw nga. Kasasabi mo lang ng ‘ikaw’.”


“Ikaw din. Kasasabi mo lang din ng ‘ikaw’.”


“Ikaw ‘yon.”


“Ikaw.”


Paulit-ulit silang ganon hanggang sa matapos niya ang kinakain niya. Tumigil lang sila ng mag-ring ang phone nito.


“Excuse me, Shasha. Sasagutin ko lang ‘to. Si daddy.” paalam nito bago lumabas ng restaurant.


Shasha. Hiro was the only person na nagpalayaw sa kaniya. Ayaw daw nito ng Shanea. Gusto daw nito, unique. Yung tipong pag may tumawag sa kaniya ng Shasha, alam niyang ito ang tumatawag sa kaniya.


After Jed broke her heart without him knowing it. Si Hiro ang naging clown ng buhay niya. He makes her laugh all the time. Parati ‘tong nakasundo sa kaniya nung college sila. Palaging nangungulit. Parang siya noon kay Jed.


Napabuntong hininga siya. Jed na naman. Kailangan ba talagang isingit siya lagi sa iniisip ko? Eh, mukhang nakalimutan na niya ko.


Three years had been past. Pero Ni ha Ni ho, wala, kahit alam naman niyang may communication ito at si Aeroll. Hanggang sa lumipas ang mga araw na sinanay na niya ang sarili niyang wala ng Jed na makakaalala sa kaniya. Nagawa naman niya.


At kung magkikita siguro sila ni Jed, yayakapin pa niya ito ng bonggang-bongga na parang walang nangyari three years ago. At ngayon, masasabi niyang nakapag-move on na siya. Dahil alam niya, wala na ang dating Shaneang sumusunod sa puso ni Jed. Wala na talaga.


* * *
[Disclaimer: Photo/s in this chapter were edited by Aiesha Lee. Credit goes to the owner/s of the original photo/s used.]



7 comments:

  1. aNg saya SayA kO paRa aY shAneA dHiL nkHanaP xAh ng ktuLad ni hiRo,,, i LiKe hiM,,, paRaNg ang LigHt Lng nG persOnaLity niA nkNgiti LnG aq hAbnG binBsa aNg chApter na tO,,, peO nmiMiss q si jEd,,, at xEmPre mkA JEDNEA aq,,, gwA gwA ko Lng yAn coUpLe naMe n yAn,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete
  2. JEDNEA ^___^ How about Hiro and Shanea? Hmmm. la ko maisip haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. how about SHAHIRO ate! s my girl c hiro si nico ee!!! un nmn ang crush q! kya crush q din xah dito...

      Delete
  3. I Heart, haha, nice one, Shahiro :)

    So anong team kayo?

    JEDNEA (Jed & Shanea)

    SHAHIRO (Hiro & Shanea)

    Kaya lang basted na diba si Hiro kay Shanea dati, haha ^____^

    ReplyDelete
  4. i super like hiro!!! crush ko yan dati pa eh.. hahaha.. ang cute nila!! kinikilig ako ng malagkit sa kakulitan nila!!! i cant stop myself from laughing..

    ReplyDelete
  5. nakupoo! maka-hiro pala kayo, haha, mukhang si nicole lang ang maka-Jed ah ^_____^

    ReplyDelete
  6. ay pwede bang makisali dito! ShaHiro din ako eh.
    si lee jun ki yata ang 1st korean crush ko noh~ >///<

    at okay lang kahit nabasted na ni shanea si hiro, wala namang sinabing hindi pwedeng manligaw ulit eh. diba??? euhahaha!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^