Wednesday, November 14, 2012

Following Your Heart : Chapter 8



CHAPTER 8

( Jed’s POV )yes! Nagka-POV din siya! *smiles*


Inilibot niya ang tingin paglabas ng gate ng bahay nila. Three years na ang lumipas. Ang dami na ding nagbago dito. Nagsimula na siyang humakbang papunta sa bahay ng Montelagro. Walking distance lang ‘yon.


Pagliko niya sa kanto, may nakasabayan siyang babae pero nauuna ito sa kaniya. Dedma lang siya. Nakapamulsa siya, habang nasa daan ang tingin niya. Napahinto lang siya nang huminto din ang babae at nilingon siya.


“Why?” tanong niya.


Hindi ito sumagot at lumakad uli. Hindi na lang niya ito pinansin. Wala lang siguro itong magawa sa buhay nito. Lumiko ito sa may kanto. Lumiko din siya dahil do’n ang daan niya. Nang bigla uli itong huminto at nilingon siya.


“Teka, sinusundan mo ba ko?” tanong nito.


Kumunot ang noo niya. Siya? Susundan ito? “Okay ka lang, miss? Why should I follow you? Pag-mamay-ari mo ba ang daanang ito para hindi ako dumaan dito?” Tiningnan niya ang kalsada. “Wala namang pangalang nakalagay dito.” Nakita niyang natigilan ito. “So, if you’ll excuse me, may pupuntahan pa ko.” Lumakad na uli siya at nilagpasan ito.


“Ang sabi ni Manang Fe, mababait daw ang mga tao dito. Hindi naman pala lahat.”


Hindi niya alam kung sinadya ba ng babae na iparinig ‘yon sa kaniya. Kumunot din ang noo niya sa sinabi nitong pangalan. Manang Fe? Hindi kaya si Manang Fe na kilala niya ang tinutukoy nito? Nilingon niya ito. “May sinasabi ka?”


“Hindi naman pala mababait ang mga tao dito.” matapang na sagot nito.


Ang tapang naman nito. “Kasama ka don.” dagdag niya. Naglakad na uli siya at iniwan ito. Ang lakas naman ng trip ng babaeng ‘yon. High siguro ‘yon. High sa katapangan.


“Hindi ako taga dito noh!” Nadinig pa niyang sabi ng babae. Hindi naman pala taga-dito pero kung makaasta akala mo kung sino!


Nasa tapat na siya ng bahay ng Montelagro. For sure magugulat si Aeroll nito. Hindi niya kasi binanggit na uuwi siya. Nakapag-doorbell na siya ng mapalingon siya sa likuran niya.


Kumunot ang noo niya ng makita ang babae kanina. “Ikaw yata ang sumusunod sakin, eh.”


“Ako? Dito din kaya ako—”


“O, andyan ka na pala, Princess. Kanina ka pa hinahanap nina Harold. Akala nga, naligaw ka na.” Napalingon siya sa nagsalita. Si Manang Fe. Napalingon din ito sa kaniya. Nanlaki ang mata nito.


“Jed! Ikaw ba yan?”


“Hello, Manang! Long time no see.” bati niya. Nilingon niya ng tinawag nitong Princess. “See? Hindi kita sinusundan.” Dahil parehas pala sila ng pupuntahan. Bisita siguro ito nila Harold. Ito kaya ang girlfriend ni Harold na kinuwento ni Aeroll sa kaniya?


* * * * * * * *


Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Harold, Aeroll at sa nakatungangang si Princess na kakalabas lang ng kusina. Nandito sila ngayon sa dining room. Nalaman niya na si Cath ang girlfriend ni Harold at hindi si Princess, na bestfriend pala ni Cath. Nasa kwarto pa ang bestfriend niyang si Aeroll pagdating niya kanina.


Nagku-kwentuhan sila ng sabay-sabay silang mapalingon sa boses ni Aeroll. Sa malakas na boses ng bestfriend niya. “Anong nangyari kay Princess?!”


Kumunot ang noo niya ng mapansin ang facial expression nito at ang itsura nito. He looked so worried with Princess na pati yung damit nito baligtad pa ang pagkakasuot. Tumutulo pa nga ang buhok nito. And take note, hindi man lang siya napansin nito.


What’s with Princess para mag-alala ng ganito ang kaibigan niya? Hmm... I missed something huh.


Lumabas ng kusina si Princess. Napatingin si Aeroll sa babae sabay tingin ng masama sa natatawang si Harold. Okay. Gets ko na, mukhang may ginawa na namang kalokohan ang pinsan nito. Nothing change huh.

(A/N: Nasa story ko na LOVE AT SECOND SIGHT, kung anong kalokohan ang ginawa ni Harold kay Aeroll. What chapter? Wahihi... Basahin nyo nlng po yung story ^^)

At kung hindi pa sinabi ni Lolo Remedia na nando’n ang presence niya, hindi pa siya mapapansin ng sira-ulong kaibigan niya.


Bigla itong napalingon sa gawi niya. A smile curved on his lips. “Long time no see, pare.”


* * * * * * * *


Nandito silang dalawa ni Aeroll ngayon sa verandah. Sina Harold ay abala sa pagkukulitan sa garden. “Ba’t hindi mo man lang sinabing uuwi ka na?” tanong ni Aeroll sa kaniya. “Kailan ka pa dumating? Sila Tita?”


“Kahapon lang. Ako lang ang umuwi.”


Hindi niya binanggit dito na kahapon siya uuwi from States. Naiwan ang parents niya. Napailing lang ito. At gets niya ang pag-iling nito. Magbestfriend nga sila diba. Iniisip nitong wala pa ding nagbago sa kaniya. Malihim pa din siya. Nah. He just want to surprise his friend pero mukhang hindi ito maniniwala sa dahilan kuno niya kaya hindi na lang niya sinabi.


Three years man ang lumipas na hindi siya umuwi ng dito sa Pilipinas, hindi pa rin natigil ang communication nilang dalawa. Kaya nga dito na siya dumeretso sa Romblon dahil nasabi sa kaniya ni Aeroll na magbabakasyon ang mga ito ngayong summer. Sabagay, halos every summer naman ata nagbabakasyon ang mga ito dito. Hindi binenta ang bahay nila dito kaya don siya tumuloy kahapon.


Matagal na niyang kaibigan si Aeroll pati na ang pinsan nitong si Harold. Childhood friends sila. Kahit pa sabihing tuwing summer lang sila nagkikita noon kasi sa Bulacan at Manila ito talaga mga nakatira.


 Yes, he was born here, but when he was about to enter highschool, lumipat sila ng parents niya sa Bulacan, sa mismong village kung san nakatira sina Aeroll. Harold was living in Manila.


At syempre, every summer dito sa Romblon ang punta nila. Natigil lang ‘yon this past three years ng mag-migrate sila ng parents niya sa States.


Three years. Ang tagal na pala.


“Ikaw, how are you, pare?” tanong niya.


“Eto gwapo pa din.”


Napalingon siya sa garden kung nasan sina Harold ng marinig niya ang tawanan ng mga ito. Particularly, ang tawa ni Princess. “Si Princess.” wala sa loob na sambit niya. Para kasing...


“Hey!” Napalingon siya kay Aeroll ng kalabitin siya nito. Nakakunot ang noo nito.


“Bat ganyan ang noo mo? Don’t tell me you’re jealous because I’m staring at your Princess.”


Mas lalong kumunot ang noo nito. “You’re staring at her?”


“I’m just kidding, pare. Napatingin lang ako sa kaniya ng madinig ko ang tawa niya. May naalala lang akong bigla.”


At sana hindi na lang niya sinabi ‘yon dahil sa nakita niyang ngiti ni Aeroll ngayon. “Alam ko kung sino ang naaalala mo.” Sabi na nga ba.


“Wala akong sinabing sino. May naalala akong ano.”


“I know you, pare. We’re bestfriends, right?”


“I know you, too, pare. Matagal man tayong hindi nagkita. Kilalang-kilala pa din kita.” Nilingon niya saglit si Princess. “Finally. Magpinsan nga talaga kayo ni Harold. Lagi kayong sabay sa mga bagay.”


 Ngumiti lang ito. At akala niya magkukwento na ito sa kaniya, but he was wrong dahil iba ang sinabi nito. “And finally, nandito na din siya.”


Kumunot ang noo niya. “Who?”


Hindi na nakasagot si Aeroll dahil isang babae ang sumulpot mula sa likuran niya with matching sigaw at dere-deretsong yumakap sa kaibigan niya.


“Na-miss kita, Aeroll!”


Mas lalong kumunot ang noo niya. That familiar voice.


* * * 

2 comments:

  1. dahil feeling ko ang tagal kong ndi nag-ud, dalawang chapters ang pinost ko ^____^

    ReplyDelete
  2. LumaBas na cNa aerOLL at pRinceSs,, hwaHaha,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^