CHAPTER 9
( Shanea’s POV
)
Nakaupo siya sa bintana ng kwarto niya ng
maka-receive siya ng text mula sa kuya Harold niya. Pinapapunta siya nito sa
palasyo ng Montelagro. Trip lang niyang tawaging palasyo. Wala lang. Trip nga
diba. Wahehe. May surprise daw ang mga ito sa kaniya. And she loves surprises.
Mabilisan
siyang naligo, nagbihis, dampot ng susi ng motor niya at helmet niyang color
pink na regalo sa kaniya ng lolo Dia niya (mother ng papa niya), sabay baba. Nasa
dining room na ang lolo’t lola niya at kumakain. Hindi na siguro siya ginising
ng mga ito para sumabay dahil alam nilang pagod siya sa paglamyerda kahapon.
“Lola, pupunta lang po
ako kina Lolo Remy.”
“Ngayon na? Hindi ka pa nag-aalmusal.”
Kumuha
siya ng pandesal. “Makikikain na lang po ko do’n.” Sabay halik
sa pisngi ng mga ito.
“Mag-ingat sa pagda-drive.”
Sinubo
niya ang pandesal sabay saludo sa mga ito. Lumabas na siya ng bahay nang may
pumasok sa kukote niya. Mali. Sa kumalam niyang sikmura pala. Bumalik uli siya
sa loob.
“May nakalimutan ka?”
Kumuha
siya plastic. “Opo.”
Kumuha siya ng limang pandesal. “Nagreklamo po yung tiyan ko. Penge po ng lima ha.”
“Dalhin mo na kaya lahat?”
“Talaga, lola?”
Tiningnan niya ng natitirang pandesal. Tatlo na lang. “Tatlo na lang pala ang natira.”
“Kaya nga dalhin mo na.”
“Huwag kang kakain habang nag-mamaneho.”
Kinuha
niya na ang tatlong pandesal. “Opo naman po. Ako pa. Gora na po ko.” Humalik
uli siya sa pisngi ng mga ito.
Habang
nasa daan at nagda-drive, hindi naman niya mapigilang kumain. Nagugutom na
siya, eh. Abot kamay na lang niya ang plastic ng pandesal na nakasabit sa
manibela ng motor niya, tatanggi pa ba siya?
Tutal
naman malinis ang kalsada, hindi dahil sa walang kalat, sabagay wala naman
talagang kalat, kundi dahil walang masyadong sasakyan. Halos puro motor nga ang
nakikita niya. Common means of transportation kasi dito ay motor kung hindi
tricycle.
Kumuha
siya ng pandesal at isusubo na sana ng maalala niyang naka-helmet pala siya. “Naku naman,
panira tong helmet na ‘to, eh! Nagugutom na ko, eh.” Binalik niya
ang pandesal sa plastic. “Maya ka saking tinapay ka.”
Malapit
na siya sa palasyo ng Montelagro. “Hmm... ano kayang surprise sakin nila kuya Harold?
Parang kahapon lang magkasama kami. Ba’t hindi pa niya kahapon sinabi?”
One week na siyang nandito sa Romblon. Kasabay
niya ang kuya Harold niya. Kahapon ipinakilala ng kuya niya ang girlfriend
nitong si Cath na hindi pa niya nakikita pero nakita na ni Aeroll.
Ipinakilala.
As in sa mga relatives nila dito, which means, seryoso ang kuya Harold niya kay
Ate Cath. Oo, ate Cath ang tawag niya kasi two years ang tanda nito sa kaniya.
And she likes Ate Cath. Unlike sa mga naging past girlfriends ng kuya Harold
niya. Mga mukhang uhm, basta! Hindi niya feel. Alam ninyo ‘yon?
At
excited na din siya sa isa pang kinukuwento ni Kuya Harold na bestfriend daw ni
Ate Cath. Ang prinsesa ni Aeroll.
*
* * * * * * *
Hindi
niya na kailangang mag-doorbell dahil pagtulak siya sa gate, bukas ‘yon.
Tuluyan niyang binuksan ang gate para makapasok ang motor niya. Nang maipasok
ang motor niya ay sinara uli niya ang gate. Ipinarada niya ang motor sa isang
tabi. Nasa kabilang bahagi ng bahay ang garden pero natatanaw niya pa rin sina
kuya Harold.
“Mukhang may happenings,
ah.”
Patakbo siyang pumunta sa kabilang bahagi ng garden. Hindi niya na tinanggal
ang helmet niya.
“Aeroll!!!”
Nasa verandah ito.
Agad
siyang naglambitin sa leeg nito ng tuluyang makalapit dito. “Namiss kita,
Aeroll!”
“Ang bigat mo, ano ba?
Hindi ako monkey bar, okay. And how many times do I have to tell you na KUYA
Aeroll. Not just Aeroll. And FYI, wala pang dalawang linggo ng huli tayong
nagkita. Kung maka-miss ka dyan parang ilang taon tayong hindi nagkita at
parang hindi tayo magkasama sa bahay.”
“Hindi ako mabigat. I’m
just twenty years old and you are twenty three. Two years lang po ang tanda mo
sakin.”
Pero
namiss naman niya talaga ‘to, eh. Hindi kasi ito sumama kahapon sa kanila.
Ngayon lang niya uli ito nakita. Syempre, busy siya sa paglalamyerda nitong mga
nakaraang araw.
“Three years.”
pagtatama nito.
She
just smiled. “Okay,
one year, Aeroll.”
Pilit
nitong tinatanggal ang mga braso niya sa leeg nito. Pero hindi siya bumitaw. “Yung surprise
ko muna. Sabi ni kuya Harold may surprise kayo sakin.”
Ngumiti
ito. “Nasa
likuran mo.”
Mabilis
pa kay flash ang ginawa niyang paglingon. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita
niya.
“Jed!? Oh my God!” Grabe
namang surprise ‘to! Uber to the highest level! Hindi niya tuloy alam kung
anong gagawin niya. Puteek! Anong gagawin
ko? I didn’t expect na makakaharap ko siya? Ano? Ano ang gagawin ko?!
Diba sabi mo yayakapin mo siya ng
bonggang-bongga pag nagkita kayo uli? Go, girl!
sulsol ng isip niya.
Parang
wala sa sariling ‘yon nga ang ginawa niya. Mabilis siyang kumalas kay Aeroll at
yumakap sa nakakunot-noong si Jed.
“Na-miss kita sobra!
Sobrang-sobra!” Tiningala niya ito. “Na-miss mo ba ko? Ang tagal na nating
hindi nagkita, ah.” Syete! Bakit ang gwapo mo lalo? At ano ba ‘tong
pinagsasabi ko?
Nilingon
nito sa Aeroll. “Is
she…”
“Yes. The one and only.” Mukhang
hindi siya nito namukhaan dahil sa suot niyang helmet. Kaya naman tinanggal na
niya ang epal niyang helmet.
“Surprise to see me,
Jed? Ako din na-surprise sa surprise nila kuya Harold sakin.” Totoo ‘yon. Kaya
kung anu-ano tuloy ang lumalabas sa bibig niya.
“Bat hindi mo sinabing
nandito siya?” Hindi
man lang siya nito tinapunan ng tingin. At kung makipag-usap ‘to kay Aeroll,
parang hindi nga siya nag-eexist sa harap nito. Hindi niya alam kung bakit pero
nakaramdam siya ng... Hayyy... Basta, kung ano man yung naramdaman niya, hindi
dapat. Mukha ngang hindi ito masaya ngayong nagkita sila after three long
years.
*
* * * * * * *
( Jed’s POV
)
Mabilis pa
sa alas-kwatrong yumakap sa kaniya ang babaeng yumakap kay Aeroll.
Nakakunot-noong tiningnan niya ito. Naka-helmet ito kaya hindi niya makita ang
mukha nito. At kung maka-yakap. Wagas kung wagas!
“Na-miss kita sobra!
Sobrang-sobra!” Tiningala siya nito. “Na-miss mo ba ko? Ang tagal na nating
hindi nagkita, ah.” Her voice!
To
confirm na tama nga ang hinala niya kanina pa, nilingon niya si Aeroll. “Is she…”
“Yes. The one and only.”
As
if on cue, tuluyang tinanggal ng babae ang helmet nito gamit ang isang kamay
dahil nakayakap pa din ang isang braso nito sa kaniya. Tumambad sa kaniya ang
nakangiting mukha ni...
Shanea...
“Surprise to see me,
Jed? Ako din na-surprise sa surprise nila kuya Harold sakin.”
Shit! Hindi ko napaghandaan ‘to!
Kaya sa kawalan ng sasabihin, si Aeroll ang kinausap niya.
“Bat hindi mo sinabing
nandito siya?”
“Kailangan ba?”
balik-tanong nito. “Alam mo namang lagi namin siyang kasama kapag
nagbabakasyon dito.”
Sabi ko nga!
Pero hindi pa din siya nagpa-awat.
“How did she know I’m
here?”
“Wala siyang alam na
nandito ka.”
Nang
biglang sumingit si Shanea sa usapan nila.
“Kung ako na lang kaya ang tanungin mo, Jed.
Sasagutin kita ng bonggang-bongga. Kesa kay Aeroll, walang kasusta-sustansya
ang mga sagot niya. Si kuya Harold ang nagtext sakin na may surprise daw siya
sakin. I didn’t expect na ikaw ang surprise niya.”
Make her stop from talking, Jed! Make
her stop! utos
ng isip niya.
“But you know what, I
was—“
Yun
nga ginawa niya.
“Stop. Baka abutin pa tayo ng magdamag sa sagot mo.”
Saka lang niya napansin
ang mga brasong nitong nakayakap pa din sa kaniya. Dahan-dahan niya ‘yong
tinanggal. Hindi sinasadyang napatingin siya sa mga mata nito. And he saw
something in her eyes. That familiar expression in her eyes. Kapag...kapag...Shit! Ano na namang ginawa ko?
“Hindi mo ba ako
na-miss?”
Napalunok
siya. Ano bang klaseng tanong ‘yan? Syempre...
“No.”
Nilingon na niya si Aeroll na tahimik lang na nakatingin sa kanila. “Mauna na ko,
pare. Saka na tayo mag-kwentuhan.”
“Aalis na kami, Aeroll.”
Hindi niya alam kung nakangiti ba ito while saying that or what dahil humarap
na ito sa kaibigan niya.
“Me.”
Nilingon
siya nito. Nakangiti na ito. “Yes, us.”
“Hindi ka pa din
nagbabago.” You’re
still acting like...
“Oo naman. Ako pa din
‘to. Mas gumanda nga lang. Mukhang ikaw ang nagbago.”
I’m not!
Hindi na siya sumagot dahil ng mga sandaling ‘yon, all he wanted to do is to...
“Pare, saka
na tayo mag-kwentuhan.” baling niya kay Aeroll.
Tumango
ito. “Ingat!”
Nilingon
niya sina Harold na ngayon ay nasa kanila ang atensyon. Tumango lang ito sa
kaniya. Humakbang na siya paalis ng hindi nililingon si Shanea.
*
* * * * * * *
( Shanea’s
POV )
Napasunod na lang siya ng
tingin kay Jed. Pinilit niyang ngumiti. Nilingon niya si Aeroll.
“Don’t worry, Aeroll.
Iingatan ko ang pare mo.”
“Umalis na siya,
pandak.” Oo, pandak pa din ang tawag nito sa kaniya kahit
matangkad na siya. Kaya ang ganti niya, hindi niya ito tinatawag na kuya.
“Matangkad na ako.”
“San banda?”
“Dito. Saka may motor
ako, maaabutan ko din ‘yon.” Nang
may maalala siya. “By the way, where’s your Princess?”
Lumingon
siya sa gawi nila kuya Harold. Isang hindi pamilyar na mukha ang nakita niya na
kasama ng mga ito. Isang magandang babae. Ito
siguro si Princess. I mean ate Princess. Bagay ang name niya sa kaniya. Mukha
siyang prinsesa.
“Is that her, Aeroll? Hi, Princess!” Kinawayan
niya ang babae. “I’m
Shanea! Harold and Aeroll’s beautiful cousin! Saka na tayo magchikahan,
susundan ko pa kasi si Jed.” Nangingiting tumango lang ito.
Susundan?
Ulit niya sa isip niya. Suddenly, she felt something familiar from that word.
Tumakbo
na siya sa nakaparada niyang motor at pinaandar ‘yon. “Babayu, guys!! See you soon!! Muah!!”
Nag-flying kiss pa siya para sa effect ng ‘muah’ niya.
*
* * * * * * *
(Jed’s POV)
Nasa
labas na siya ng gate ng Montelagro. Nakatayo sa gitna ng daan, nakapameywang
at nakaharap sa gate. Five minutes na siyang nakatayo do’n.
Ano pang ginagawa mo dito, Jed? Go
home! utos ng isip niya.
He
sighed. Aalis na siya ng biglang bumukas ang gate. Lumabas si Shanea sakay ng
motor nito. May kagat pa itong pandesal sa bibig nito.
Nagtama
ang mga mata nila. May dumaan munang anghel bago siya nakapagsalita.
“Shanea.”
“Jed.”
NakakainiS over oVer si jEd,,, yuN Lng reActioN nuNg maGkita cLa ni shaNea,,, baKit hindi mU sbIhin ang tToo moNg nrRamdamAn kuMag ka,,, ay nakU,, kaPag gaNyaN k ng gaNyan jEd, ituTuLoy q aNg pagsuPorta kaY hirO,,, nasAan na ba yUn,,, sIa c mR.gOod vibEs eE,,,
ReplyDeletei cant wait 4 jed to meet the boy friend of shanea.. hahaha.. gulo yun.. at bakit sinabi mo na kagad kay princess na pinsan ka ni aerol??? dapat pinagselos mo muna.. para medyo magtampuhan yung dalawa.. malay mo,baka umamin nah.. hahaha..
ReplyDeleteang cute!
ReplyDelete