Wednesday, November 14, 2012

Following Your Heart : Chapter 9


CHAPTER 9
( Shanea’s POV )

Nakaupo siya sa bintana ng kwarto niya ng maka-receive siya ng text mula sa kuya Harold niya. Pinapapunta siya nito sa palasyo ng Montelagro. Trip lang niyang tawaging palasyo. Wala lang. Trip nga diba. Wahehe. May surprise daw ang mga ito sa kaniya. And she loves surprises. 


Mabilisan siyang naligo, nagbihis, dampot ng susi ng motor niya at helmet niyang color pink na regalo sa kaniya ng lolo Dia niya (mother ng papa niya), sabay baba. Nasa dining room na ang lolo’t lola niya at kumakain. Hindi na siguro siya ginising ng mga ito para sumabay dahil alam nilang pagod siya sa paglamyerda kahapon.


“Lola, pupunta lang po ako kina Lolo Remy.”


“Ngayon na? Hindi ka pa nag-aalmusal.”


Kumuha siya ng pandesal. “Makikikain na lang po ko do’n.” Sabay halik sa pisngi ng mga ito.


“Mag-ingat sa pagda-drive.”


Sinubo niya ang pandesal sabay saludo sa mga ito. Lumabas na siya ng bahay nang may pumasok sa kukote niya. Mali. Sa kumalam niyang sikmura pala. Bumalik uli siya sa loob.


“May nakalimutan ka?”


Kumuha siya plastic. “Opo.” Kumuha siya ng limang pandesal. “Nagreklamo po yung tiyan ko. Penge po ng lima ha.”


“Dalhin mo na kaya lahat?”


“Talaga, lola?” Tiningnan niya ng natitirang pandesal. Tatlo na lang. “Tatlo na lang pala ang natira.”


“Kaya nga dalhin mo na.”


“Huwag kang kakain habang nag-mamaneho.”


Kinuha niya na ang tatlong pandesal. “Opo naman po. Ako pa. Gora na po ko.” Humalik uli siya sa pisngi ng mga ito. 


Habang nasa daan at nagda-drive, hindi naman niya mapigilang kumain. Nagugutom na siya, eh. Abot kamay na lang niya ang plastic ng pandesal na nakasabit sa manibela ng motor niya, tatanggi pa ba siya? 


Tutal naman malinis ang kalsada, hindi dahil sa walang kalat, sabagay wala naman talagang kalat, kundi dahil walang masyadong sasakyan. Halos puro motor nga ang nakikita niya. Common means of transportation kasi dito ay motor kung hindi tricycle.


Kumuha siya ng pandesal at isusubo na sana ng maalala niyang naka-helmet pala siya. “Naku naman, panira tong helmet na ‘to, eh! Nagugutom na ko, eh.” Binalik niya ang pandesal sa plastic. “Maya ka saking tinapay ka.”


Malapit na siya sa palasyo ng Montelagro. “Hmm... ano kayang surprise sakin nila kuya Harold? Parang kahapon lang magkasama kami. Ba’t hindi pa niya kahapon sinabi?”


 One week na siyang nandito sa Romblon. Kasabay niya ang kuya Harold niya. Kahapon ipinakilala ng kuya niya ang girlfriend nitong si Cath na hindi pa niya nakikita pero nakita na ni Aeroll. 


Ipinakilala. As in sa mga relatives nila dito, which means, seryoso ang kuya Harold niya kay Ate Cath. Oo, ate Cath ang tawag niya kasi two years ang tanda nito sa kaniya. And she likes Ate Cath. Unlike sa mga naging past girlfriends ng kuya Harold niya. Mga mukhang uhm, basta! Hindi niya feel. Alam ninyo ‘yon?


At excited na din siya sa isa pang kinukuwento ni Kuya Harold na bestfriend daw ni Ate Cath. Ang prinsesa ni Aeroll.


* * * * * * * *


Hindi niya na kailangang mag-doorbell dahil pagtulak siya sa gate, bukas ‘yon. Tuluyan niyang binuksan ang gate para makapasok ang motor niya. Nang maipasok ang motor niya ay sinara uli niya ang gate. Ipinarada niya ang motor sa isang tabi. Nasa kabilang bahagi ng bahay ang garden pero natatanaw niya pa rin sina kuya Harold.


“Mukhang may happenings, ah.” Patakbo siyang pumunta sa kabilang bahagi ng garden. Hindi niya na tinanggal ang helmet niya.


“Aeroll!!!” Nasa verandah ito.


Agad siyang naglambitin sa leeg nito ng tuluyang makalapit dito. “Namiss kita, Aeroll!”


“Ang bigat mo, ano ba? Hindi ako monkey bar, okay. And how many times do I have to tell you na KUYA Aeroll. Not just Aeroll. And FYI, wala pang dalawang linggo ng huli tayong nagkita. Kung maka-miss ka dyan parang ilang taon tayong hindi nagkita at parang hindi tayo magkasama sa bahay.” 


“Hindi ako mabigat. I’m just twenty years old and you are twenty three. Two years lang po ang tanda mo sakin.”

 
Pero namiss naman niya talaga ‘to, eh. Hindi kasi ito sumama kahapon sa kanila. Ngayon lang niya uli ito nakita. Syempre, busy siya sa paglalamyerda nitong mga nakaraang araw.


“Three years.” pagtatama nito.


She just smiled. “Okay, one year, Aeroll.”


Pilit nitong tinatanggal ang mga braso niya sa leeg nito. Pero hindi siya bumitaw. “Yung surprise ko muna. Sabi ni kuya Harold may surprise kayo sakin.”


Ngumiti ito. “Nasa likuran mo.”

 
Mabilis pa kay flash ang ginawa niyang paglingon. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya. 


“Jed!? Oh my God!” Grabe namang surprise ‘to! Uber to the highest level! Hindi niya tuloy alam kung anong gagawin niya. Puteek! Anong gagawin ko? I didn’t expect na makakaharap ko siya? Ano? Ano ang gagawin ko?!


Diba sabi mo yayakapin mo siya ng bonggang-bongga pag nagkita kayo uli? Go, girl! sulsol ng isip niya.


Parang wala sa sariling ‘yon nga ang ginawa niya. Mabilis siyang kumalas kay Aeroll at yumakap sa nakakunot-noong si Jed.


“Na-miss kita sobra! Sobrang-sobra!” Tiningala niya ito. “Na-miss mo ba ko? Ang tagal na nating hindi nagkita, ah.” Syete! Bakit ang gwapo mo lalo? At ano ba ‘tong pinagsasabi ko?


Nilingon nito sa Aeroll. “Is she…”


“Yes. The one and only.” Mukhang hindi siya nito namukhaan dahil sa suot niyang helmet. Kaya naman tinanggal na niya ang epal niyang helmet.


“Surprise to see me, Jed? Ako din na-surprise sa surprise nila kuya Harold sakin.” Totoo ‘yon. Kaya kung anu-ano tuloy ang lumalabas sa bibig niya.


“Bat hindi mo sinabing nandito siya?” Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. At kung makipag-usap ‘to kay Aeroll, parang hindi nga siya nag-eexist sa harap nito. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng... Hayyy... Basta, kung ano man yung naramdaman niya, hindi dapat. Mukha ngang hindi ito masaya ngayong nagkita sila after three long years.


* * * * * * * *


( Jed’s POV )

Mabilis pa sa alas-kwatrong yumakap sa kaniya ang babaeng yumakap kay Aeroll. Nakakunot-noong tiningnan niya ito. Naka-helmet ito kaya hindi niya makita ang mukha nito. At kung maka-yakap. Wagas kung wagas!


“Na-miss kita sobra! Sobrang-sobra!” Tiningala siya nito. “Na-miss mo ba ko? Ang tagal na nating hindi nagkita, ah.” Her voice!


To confirm na tama nga ang hinala niya kanina pa, nilingon niya si Aeroll. “Is she…”


“Yes. The one and only.”


As if on cue, tuluyang tinanggal ng babae ang helmet nito gamit ang isang kamay dahil nakayakap pa din ang isang braso nito sa kaniya. Tumambad sa kaniya ang nakangiting mukha ni...


Shanea... 


“Surprise to see me, Jed? Ako din na-surprise sa surprise nila kuya Harold sakin.”


Shit! Hindi ko napaghandaan ‘to! Kaya sa kawalan ng sasabihin, si Aeroll ang kinausap niya.


“Bat hindi mo sinabing nandito siya?”


“Kailangan ba?” balik-tanong nito. “Alam mo namang lagi namin siyang kasama kapag nagbabakasyon dito.”


Sabi ko nga! Pero hindi pa din siya nagpa-awat.


“How did she know I’m here?”


“Wala siyang alam na nandito ka.”


Nang biglang sumingit si Shanea sa usapan nila. “Kung ako na lang kaya ang tanungin mo, Jed. Sasagutin kita ng bonggang-bongga. Kesa kay Aeroll, walang kasusta-sustansya ang mga sagot niya. Si kuya Harold ang nagtext sakin na may surprise daw siya sakin. I didn’t expect na ikaw ang surprise niya.”


Make her stop from talking, Jed! Make her stop! utos ng isip niya.


“But you know what, I was—“


Yun nga ginawa niya. “Stop. Baka abutin pa tayo ng magdamag sa sagot mo.”


 Saka lang niya napansin ang mga brasong nitong nakayakap pa din sa kaniya. Dahan-dahan niya ‘yong tinanggal. Hindi sinasadyang napatingin siya sa mga mata nito. And he saw something in her eyes. That familiar expression in her eyes.  Kapag...kapag...Shit! Ano na namang ginawa ko?


“Hindi mo ba ako na-miss?”


Napalunok siya. Ano bang klaseng tanong ‘yan? Syempre...


“No.” Nilingon na niya si Aeroll na tahimik lang na nakatingin sa kanila. “Mauna na ko, pare. Saka na tayo mag-kwentuhan.” 


“Aalis na kami, Aeroll.” Hindi niya alam kung nakangiti ba ito while saying that or what dahil humarap na ito sa kaibigan niya.


“Me.”


Nilingon siya nito. Nakangiti na ito. “Yes, us.”


“Hindi ka pa din nagbabago.” You’re still acting like...


“Oo naman. Ako pa din ‘to. Mas gumanda nga lang. Mukhang ikaw ang nagbago.”


I’m not! Hindi na siya sumagot dahil ng mga sandaling ‘yon, all he wanted to do is to... “Pare, saka na tayo mag-kwentuhan.” baling niya kay Aeroll.


Tumango ito. “Ingat!” 


Nilingon niya sina Harold na ngayon ay nasa kanila ang atensyon. Tumango lang ito sa kaniya. Humakbang na siya paalis ng hindi nililingon si Shanea.


* * * * * * * *


( Shanea’s POV )


Napasunod na lang siya ng tingin kay Jed. Pinilit niyang ngumiti. Nilingon niya si Aeroll.


“Don’t worry, Aeroll. Iingatan ko ang pare mo.”


“Umalis na siya, pandak.” Oo, pandak pa din ang tawag nito sa kaniya kahit matangkad na siya. Kaya ang ganti niya, hindi niya ito tinatawag na kuya.


“Matangkad na ako.”


“San banda?”


“Dito. Saka may motor ako, maaabutan ko din ‘yon.” Nang may maalala siya. “By the way, where’s your Princess?”

 
Lumingon siya sa gawi nila kuya Harold. Isang hindi pamilyar na mukha ang nakita niya na kasama ng mga ito. Isang magandang babae. Ito siguro si Princess. I mean ate Princess. Bagay ang name niya sa kaniya. Mukha siyang prinsesa.


 “Is that her, Aeroll? Hi, Princess!” Kinawayan niya ang babae. “I’m Shanea! Harold and Aeroll’s beautiful cousin! Saka na tayo magchikahan, susundan ko pa kasi si Jed.” Nangingiting tumango lang ito. 


Susundan? Ulit niya sa isip niya. Suddenly, she felt something familiar from that word. 


Tumakbo na siya sa nakaparada niyang motor at pinaandar ‘yon. “Babayu, guys!! See you soon!! Muah!!” Nag-flying kiss pa siya para sa effect ng ‘muah’ niya.


* * * * * * * *


(Jed’s POV)

Nasa labas na siya ng gate ng Montelagro. Nakatayo sa gitna ng daan, nakapameywang at nakaharap sa gate. Five minutes na siyang nakatayo do’n.



Ano pang ginagawa mo dito, Jed? Go home! utos ng isip niya.


He sighed. Aalis na siya ng biglang bumukas ang gate. Lumabas si Shanea sakay ng motor nito. May kagat pa itong pandesal sa bibig nito.


Nagtama ang mga mata nila. May dumaan munang anghel bago siya nakapagsalita.


“Shanea.”


“Jed.”


* * *



3 comments:

  1. NakakainiS over oVer si jEd,,, yuN Lng reActioN nuNg maGkita cLa ni shaNea,,, baKit hindi mU sbIhin ang tToo moNg nrRamdamAn kuMag ka,,, ay nakU,, kaPag gaNyaN k ng gaNyan jEd, ituTuLoy q aNg pagsuPorta kaY hirO,,, nasAan na ba yUn,,, sIa c mR.gOod vibEs eE,,,

    ReplyDelete
  2. i cant wait 4 jed to meet the boy friend of shanea.. hahaha.. gulo yun.. at bakit sinabi mo na kagad kay princess na pinsan ka ni aerol??? dapat pinagselos mo muna.. para medyo magtampuhan yung dalawa.. malay mo,baka umamin nah.. hahaha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^