Saturday, October 27, 2012

Face to Face with Mang Doro [One-Shot]

“Face to Face with Mang Doro”
( one shot story )
written by : Aiesha Lee

A/N: Nag-uusap kami ng bestfriend ko ng biglang pumasok sa usapan namen si Mang Doro. Ito ang kwento ng pakikipagdebate ng ating bida kay Mang Doro.

= = =

CHARACTERS
Jen
Aina
Marrion
Mang Doro
Rhaine

= = =

[ JEN’s POV ]


Naglalakad ako papunta sa may kanto para bumili ng barbecue ng matanaw ko ang bestfriend kong abala sa panginginain sa hawak niyang isaw.


“Bhest!!!” malakas na tawag ko sa kaniya. Yung sigaw na agaw-pansin. Haha.
Napalingon siya sakin. Hindi lang siya, pati ang mga taong nasa paligid namin. 


“Hi Fans!” nakangiting bati ko sa kanila. “Suportahan niyo nga pala ang bagong palabas ng kabit kong si Lee Min Ho, okay?” Napangiti lang sila sa sinabi ko.


“Ang ingay mo talaga!” sabi ni Aina ng makalapit ako sa kanya.


Nginitian ko lang siya ng pagkatamis-tamis. “Libre mo ba ko, bhest?”


“Pa-libre ka naman?”


“Thank you, bhest.” Nilingon ko ang tindera. “Limang isaw po, Ate Lez, sagot po ni Aina.”


“Kahit kailan ka talaga, bhest.” reklamo ni Aina.


“Hindi mo naman ako matitiis diba?” ngiting-ngiting sabi ko.


“Sows!” Nilingon niya ang tindera. “Padagdag pa po ng limang isaw, Ate Lez.”  Hinarap niya ko. “Balita ko nagdebate kayo ni Mang Doro kagabi.”


“Shhh…” saway ko sa kaniya.


“Sino si Mang Doro? Bagong lipat ba ‘yon dito? Ba’t hindi ko alam?” sunod-sunod na tanong ni Ate Lez. Ito ang numero-unong tsismosa sa lugar namin.


Naghagikhikan kami ni Aina.


“Matagal na po siyang nandito sa lugar natin, Ate.” sabi ko.


“Kilala nyo ho siya, hindi lang siguro ninyo matandaan.” sabi naman ni Aina.


Kumunot ang noo ni Ate Lez na tila inaalala kung sino si Mang Doro. “Ate, yung isaw namin masusunog na.” untag ko sa kaniya, dahil mukhang tila aabutin pa siya ng siyam-siyam sa pag-iisip. Kung alam lang niya na si Mang Doro ay…ehem! saka ko na sasabihin.


“Ano na? Ano nang nangyari kagabi?” tanong uli ni Aina sakin.


“Maya ko na iku-kuwento sa’yo.” bulong ko sa kaniya. Nang maibigay samin ang isaw ay umalis na kami. “Sa court tayo.”


“Sige.”


Nang makarating sa court ay umupo kami sa isa sa mga bench na nando’n.


“Anong nangyari kagabi?” tanong agad ni Aina sakin.


“Grabe! Ayoko na talaga! Bwisit na ‘yan!”


Tumawa si Aina. “Sayang wala ako kagabi.” Night shift kasi ang kaibigan ko. Sa call center siya nagta-trabaho.


“Buti na lang at wala ka kundi dalawa kayo ni Rhaine na mang-aasar sakin.” Yung isa naming bestfriend ang tinutukoy ko. “Ayoko na talaga! Hindi na ako uulit.”


“Sinabi mo pa. Ganyan din kaya ako dati nung first time kong makipagdebate kay Mang Doro. Ang sabi ko hindi na ako uulit.”


Napailing ako. “Tsk. Grabe talaga kagabi. Yung tipong hindi na ako makatayo sa pwesto ko dahil sa pesteng Mang Doro na ‘yan. Kung hindi ko lang siya kailangan, iniwan ko na siya. Hindi ko na nga matandaan kung ilang minuto ako sa pwesto ko dahil sa pakikipagdebate sa kaniya. Nakatulog na nga ata ako sa pwesto ko kung hindi lang ako sinundan ni Rhaine.”


“Ang hirap noh? Tapos dati ang lakas mo pang mang-asar kapag kami ni Rhaine ang nakikipagdebate kay Mang Doro.”


“Para naman kasi kayong sira.”


“Eh, anong tawag sa’yo?”


“Nasobrahan lang ako kagabi kaya nagtagpo kami ni Mang Doro.”


“Balita ko din sinundo ka ni Marrion.” Boyfriend ko ang tinutukoy niya.


“Tinext ni Rhaine.”


“Nagpaalam ka naman diba sa kaniya?”


“Oo. Eh, hindi na nga kasi ako makatayo sa pakikipagdebate kay Mang Doro kaya tinext ni Rhaine si Marrion.”


Bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi.

.

.

.

.

.

.

.

.


Birthday ng kapatid ni Rhaine. Napadami ako ng inom kaya ang napala ko, nagtagpo kami ni Mang Doro. Parang walang katapusang debate ang nangyari saming dalawa. Buti na lang at sinundan ako ni Rhaine para ilayo kay Mang Doro. Kaya lang laking gulat ko ng pagbalik ko sa sala ay nandon si Marrion, ang boyfriend ko.


“Jen.” Patay! Tinawag niya ko sa name ko.


“Hi, Honey!” todo ngiting bati ko, sabay lapit sa kaniya. Nahihilo pa ko kaya muntik na kong matumba. Buti na lang at nakalapit agad sakin si Marrion at naalalayan ako. Yumakap ako sa beywang niya. “A-ang bango natin, honey, ah...” sabay singhot sa damit niya.


“Amoy tsiko ka naman.”


“Iuwi mo na ‘yan, Marrion. Pasensya na, nasobrahan ng inom. Hindi pa naman sanay ‘yan. Ayun nakipagdebate tuloy kay Mang Doro.” singit ni Rhaine.


“Ang tigas kasi ng ulo nito. Thanks for texting me, Rhaine. Ah, sino nga pala si Mang Doro? Lolo mo? Tito?”


Napahagikgik kaming dalawa ni Rhaine.


“Don’t tell me nagseselos ka kay Mang Doro?” natatawang tanong ko. “Dalawa na pala ngayon ang pinagseselosan mo, si Lee Min Ho at si Mang Doro.”


“Of course not. I’m just asking. Ang mabuti pa, iuwi na kita.”


“Ayaw mo bang makilala si Mang Doro, Marrion?” tanong ni Rhaine.


No need. Kamag-anak siguro niya si Dora. Or maybe anak niya si Dora.


“Funny ka talaga.” natatawang sabi ko.


“I know.” Binuhat niya ko. Napayakap na lang ako sa leeg niya.


“Ang sweet talaga ng boyfriend ko. Inggit ka, bhest?”


“Hindi.”


“Sabi ko nga.” Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Marrion. “I wanna go home, honey. Nahihilo na ko…”


“Oo, uuwi na tayo. Huwag ka kasing masyadong malikot. Steady ka lang dyan.”


Matapos makapagpaalam sa pamilya ni Rhaine ay umalis na kami ni Marrion. Gising pa ang mama ko ng makarating kami ng bahay. Buhat pa din ako ni Marrion.


Idinilat ko ang mga mata ko. “Goodmorning, ‘Ma!”


“Gabi pa lang, Jen.”


“Tita, ideretso ko na po sa kwarto si Jen.”


“Ma, si papa?” pahabol kong tanong.


“Tulog na, kaya wag kang maingay.”


Hindi na ko sumagot. Ipinikit ko na lang uli ang mga mata ko. Naramdaman ko na lang na ibinaba ako ni Marrion sa kama ko. Bumaling ako ng higa papunta sa kanan. Sa kaliwa. Sa kanan. “Nahihilo ko…”


“Huwag nga kasing malikot.” Naramdaman kong tinanggal niya ang sandals ko. Dumapa naman ako ng higa. “Huwag kang malikot. Kukuha lang ako ng tubig.” Tumihaya ako ng higa.


“Eto na, Marrion.” Boses ‘yon ng mama ko.


“Sige po, tita, ako na pong magpupunas sa kaniya. Matulog na po kayo.”


“O sige, dito ka na matulog. Hating gabi na. Bukas naman yung kwarto ni Jiro.”


Kapatid kong teenager ang tinutukoy ni mama. Minsan kasi dito nakikitulog si Marrion samin kapag may okasyon dito sa bahay, lalo na kapag late na masyado para umuwi siya. Wala pa kaming isang taong magkasintahan, pero sobrang close na siya sa pamilya ko. Mabait kasi siya, ang sweet pa, katulad ngayong inaasikaso niya ko.


“Pumayag akong uminom ka, hindi ang maglasing ka.” sermon niya habang pinupunasan ang mukha ko.


“Hmmm…parehas lang ‘yon...” Inaantok na ko.


“Iba ang inom sa paglalasing.”


Inaantok na idinilat ko ang isang mata ko. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko. “Sorry na po…”


“Next time na uminom ka at maglalasing, dapat kasama mo ko, is that clear?”


Napangiti ako. “Yes po...”


Hinaplos niya ang mukha ko. “Matulog ka na.”


Ipinikit ko uli ang ang mata ko. “I can’t sleep…umiikot ang ulo ko…”


Naramdaman kong umusad siya ng upo. Idinilat ko ang isang mata ko. Nakasandal na siya sa headboard ng kama ko sa tabi ko. Bahagya siyang nakahiga. Inilagay niya ang isang braso sa bandang ulunan ko.


“Matulog ka na. Dito lang ako.” Pinapikit niya ang mga mata ko. Naramdaman kong hinahaplos ng kamay niyang nasa ulunan ko ang ulo ko. Sumiksik ako ng higa sa kaniya. Unti-unti na kong hinihila ng antok.


“Honey?”


“Hmm…”


“Kailan mo tatanggalin tong mga pictures ni Lee Min Ho?”


Napangiti ako. Nasabi ko na bang seloso din ang boyfriend ko? “For life na ‘yang andyan…”
Napapalatak lang siya. “Sino ba si Mang Doro?” sa halip ay tanong niya.


“Si.. Mang Doro.. ay…” hindi ko na nadugtungan ang sinasabi ko dahil tinatamad na kong magsalita.


“Honey?” Hindi na ko sumagot. “Buti naman at nakatulog na ang babaeng makulit.”


Gising pa ko…


“Sweetdreams, honey.” Naramdaman kong hinalikan ni Marrion ang noo ko sabay haplos sa mukha ko.


Goodnight, honey...

.

.

.

.

.

.

.

.


“Oi!”


Napakurap ako at napalingon kay Aina. “Bakit?”


“Bakit ka dyan! Tulala ka na naman. Iniisip mo na naman si Lee Min Ho noh?”


“Of course not. Honey ko ang iniisip ko.” ngiting-ngiting sagot ko.


“Akala ko si Lee Min Ho na naman. Ano, iinom ka pa?”


“Oo. Tanduay ice na lang para lasang sprite.”


“Sira ulo! Edi mami-miss mo si Mang Doro niyan?”


“Nasa banyo ko lang siya kaya hindi ko siya mami-miss.”


“Eh, yung pakikipagdebate mo sa kaniya?”


“Iyon ang hindi ko mami-miss.”

.

.

.

.

.

.

.

.


Kilala ninyo na ba kung sino si Mang Doro?


Hindi siya totoong sino.


Kundi ano.


Si Mang Doro ay isang inidoro.


^________^

A/N: Resulta ‘yan ng isang gabing pakikipagdebate ko kay Mang Doro. Grabe ayoko ng maulit ‘yon. Kaya nga hanggang tanduay ice na lang ako. Haha!

Warning: Drink Moderately. Drinking too much would lead you to Mang Doro, face to face.


2 comments:

  1. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahahahahahahahahahahahahahahaha! EPIC!!! Alam mo ba nasa isip ko kung sino si Mang Doro?! Akala ko si mang Doro ay isang parrot! Bwahahaha! At nagets ko ung F to F kay Mang Doro!!! Hahahahah! Laughtriop ako! Ayos to! Like like ko to!!! Wahahahah.XDD

    ReplyDelete
  2. what???? my gosh.. iba pala si mang doro.. hahaha.. tawa much!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^