Saturday, October 27, 2012

You Got Me : Chapter Seven

Chapter Seven

You are Mine, I am Yours


            Ano ang napala ko sa pagpunta sa birthday ni Madam President sa Batangas except sa na-try kong mag-mix ng alak sa isang five-star hotel? Ayun absent ako sa first two subjects ko, may exam pa naman kami today. Taraklis na yan, ang hirap pa naman kumuha ng special quiz sa subject na yon.


            “Bruhilda kang Deminyita ka, saan ba kayo gumorabelles ni Little Mr. President at kanina ka lang naka-uwi?” tanong ni Milo sa akin pagpasok ko sa classroom namin para sa third and last subject ko for today. “Hoy, san ka nagpunta? Sinuko mo na ba ang Bataan, nag Tirad Pass ba kayo ni Fafa LMP?”

            Sungalngalin ko nga ang baklang to. “Ang bunganga mo naman Milo, Tirad Pass ka jan, ikaw kaya ang tirahin ko jan?!” baklitang yon, hindi man lang pigilan ang bunganga sa pagsigaw.


            “Saan ka nga ba kasi nag Eva-Fonta kahapon Demi-licious babe?” tanong naman sa akin ni Mina.


            At si Miley ang sumagot sa tanong ni Mina. “Ano ka ba naman bading-girlzee, syempre sa love-nest nilang dalawa ni LMP!” ang kinikilig na sabi ni Miley.


            “Bakit kayo ang sumasagot sa mga tanong para kay Demi-licious babe? Tell us baby, where-lalu ka ba talaga gumora, kasama mo ba si fafa Wacky?” biglang singit ni Milka.


            Naku naman oh, ito ang isa sa disadvantages ng pagkakaron ng baklang mga kaibigan, masyadong matanong kapag may lalake na involve sa storya. Kaya minsan parang ayoko ng magkaron ng lovelife eh, for sure na mas malala pa ang mangyayaring interrogation eh.


            “Kayong apat, tigilan nyo muna ako sa kakatanong nyo ng kung ano-ano dahil nag-iisip ako kung paano ako makakakuha ng special quiz kay Mam Linda at Sir Gorospe.” Sumasakit na kasi ang ulo ko sa ingay nila, tapos kailangan ko pang mag-isip.


            “Ang taray ng lola natin girlalus, masyadong high-bloody marry.” Comment naman ni Milo na naka-recover na sa ginawa ko sa kanya kanina. “Kwentuhan mo na lang kami mamaya Deminyita kapag tapos ka ng mag-emote ok?!”


            At hindi nagtagal ay dumating na si Sir Wilbert, hindi pa ako nakakapag-review eh, umaasta pa namang major subjet ang Life and Workd of Rizal na tinuturo nya. I wish, I wish with all my heart, sana magbago ang isip nya at next meeting na lang sya magpa-exam.


            “Good afternoon class, nakapag-review na ba kayo?” kung sasabihin ko ba Sir na hindi pa, hindi ka muna rin ba magpapa-exam? “Ok, since mukang nakapag-review naman kayo, next meeting na tayo mag-exam.”


            “Yes!” iyon ang simple pero mejo malakas kong nasabi dahil sa announcement na yon ni Sir. “He-hehe, sorry po Sir.”


            Bigla namang nilapit ni Milo ang pagmumuka nya sa akin. “Kung maka-yes ka DBF wagas na wagas, gagawa kasi ng balbal ayaw tuloy ni nakapag-review.” Kurutin konga sya sa hita nya. “Arrroouuuccchhh naman Deminyita, my flawless skin!”


            “Mr. Punongbayan!” bwahahaha, ang epic ng itchura ni Milo.


            “I’m super ka-duper sorry Sir, may surot po kasing kumagat sa akin eh.” at tiningnan nya ako, tawanan naman ang buong klase.


            Kahit kailan talaga tong si Milo, patawa. Eto namang si Sir, kanina pa salita ng salita sa harap pero hindi man lang nya mahalata na lahat kami ay hindi interesado sa mga sinasabi nya, nasa kalagitnaan na si Sir ng mga sinasabi nya ng may biglang kumatok.


            “Good afternoon Sir, nandito po bas a room na to si Miss…” at tiningnan nya yung isang papel na dala nya. “Miss Shizuka?” ng marinig nila ang sinabi nung lalake na kumatok, lahat sila sa akin na naman nakatingin.


            “Yes, she’s here. Ano bang kailangan mo sa kanya?” tanong ni Sir sa lalake.


            “May delivery lang po para sa kanya.” Delivery sa loob ng school? Ang alam ko uso lang yon kapag Valentines Day eh. “Sino po ba sa inyo si Ms. Shizuka?” At itinuro ako ng apat na kaibigan kong bakla at ng iba ko pang classmates, kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang tumayo at lumapit kay Kuya. “Mam, pa-received na lang po dito.” At pinirmahan ko na yung itinuro nyang spot.


            Isang five by seven na kahot yung ibinigay sa akin ni Kuya Delivery man, ano naman kaya ang laman nito? Inalog ko pa yung kahon habang naglalakad ako pabalik sa upuan ko pero wala naman akong narinig, hindi naman siguro bomba to diba?!





            “Open sesame mo na agad yan dear, bilis!”


            Mas excited pa talaga sila kesa sa akin na makita kung kanino at kung ano ang laman nitong kahon na to. Kulang na nga lang agawin nila sa akin at sila na mismo ang magbukas nito eh.


            “Wag nga kayong mga atat masyado, sa bahay ko na lang to bubuksan.” At tumayo na ako para umuwi. “Babalitaan ko na lang kayo kapag binuksan ko na.” sa sinabi ko na yon bigla naman akong hinila ni Milo pabalik sa kinauupuan ko kanina.


            “Wag ka ngang pa-suSpencer Reyes jan, bukasan mo na yan.” kahit kailan talaga tong si Milo ang kulit.


            “Oo nga naman Demi-licious, buksan mo na ang kahon ng excitement!” pilit din ni Mina sa akin.


            “Ayoko pa!” sagot ko naman.


            “Buksan mo na yan teh, maje-jerbs na kami sa sobrang excitement eh.” si Miley naman yun.


            “Ayoko pa nga ka---“ at biglang tumunog yung kahon.


            “Bongganess ka teh, mukang brand new phone ang laman nyan. Open mo na Demi-licious babe.” Si Milka.


            Kanino ba kasi talaga galing ang kahon na to? No choice naman na ako, binuksan ko na rin kahit pa naka-tanghod yung mga pagmumuka nila dito sa kahon.


            “Waaaaaaaahhhhhhh!!!” sabay-sabay nilang sigaw.


            “Bongga ka talaga DBF, iPhone5 oh!” kahon pa lang naman ang nakikita nila, kung mga makapag-react akala mo iPhone5 nga ang laman. “Getchingin mo na ang phonelalu sa loob, para ma-knowsung-samsung natin kung sinetch ang kumo-coca-cola sayo.”


            Fuck, iPhone5 nga! Kanino naman galing to, hindi kaya kila Mama o kaya kay Kuya, pero bakit hindi man lang nila sinabi sa akin na papadalan nila ako ng bagong phone?


            “Ay anak ka ng halimaw Milo!” pasensya, nagulat ako eh.


            Calling… “You are Mine, I am Yours!” sino ba to, hindi kaya nagkamali lang ang nagbigay nito?


            “Waaaaaahhhh!!!” sigaw na naman nilang lahat, kaya yung mga naglalakad sa malapit sa amin, napalingon.


            “Award-winning talaga ang beauty mo Deminyita, may jowawit ka pala hindi mo man lang nishe-share sa amin.” Ang malanding sabi ni Milka sa akin ng mabasa nya ang caller ID na lumitaw sa bagong phone na hawak ko“Sagutin na dali, di dapat nagwe-waitsung si papable papa mo.”


            Mga baklang to, mas marunong pa kesa sa akin. “Hello?” yun lang ang  nasabi ko, tapos yung boses ko parang takot ako, haha.


            “You like it?” gago ba to, hindi muna talaga sya nagpakilala ha. “Ay oo nga pala, it’s me Wacky!”


            “Nasaan ka?” tanong ko sa kanya, isosoli ko tong cellphone na to.


            “Ilang oras mo pa lang akong hindi nakikita miss mo na agad ako, sabi na nga ba nahulog ka na sa akin eh.”


            “Aba, ang hangin mo talaga Mahangin Man, walang kasing-lakas ang hangin mo sa katawan. At excuse me, hindi kita type! Nasaan ka ba kasi?” tanong ko ulit sa kanya, apaka-yabang na halimaw nya!


            Natawa naman sya sa sinabi ko, pero ano bang nakakatawa sa sinabi ko? “Ang cute mo talaga My Demi kapag naiinis ka, lalo kang nasisingkit.” Hell, ibig sabihin nasa malapit lang sya kasi nakikita nya ako eh.


            Para saan ba ang cellphone na to? Bakit ba inistobo mo pa ang klase namin kanina para lang dito?” nakaka-inis sya, anak sya ng presidente ng school pero kung sirain nya ang oras ng klase parang wala syang pakelam sa pinag-hihirapan ng tatay nya. “Hindi ko tatanggapin tong phone na to, ayokong madagdagan ang utang ko sayo!”


            Sa sobrang inis ko sa kausap ko, nakalimutan ko na nasa tabi ko nga pala ang mga bakla na ang tingin nakakapaso.


            “Si Little Mr. President ba yon Demi-licious?” tanong agad ni Mina sa akin. “Bakit naman inaway mo sya, eh nag-givesung na nga sya sayo ng bagong phone?”


            Naku Mina, kung alam mo lang ang lahat. Saka hindi ko naman sinabi sa kanya na bigyan nya ako ng bagong cellphone, anong akala nya sa akin walang pambili?!


            “Deminyita baby, coca-calling ulit ang nagmamay-ari sayo at pag-aari mo. Si fafable Wacky ba itey?” hay nakao Milo, ang landi talaga. “Sagutin mo na to Deminyita, bilis! Award din ang ring-tone oh, I’m Yours ni papa J.M.”


            Hinablot ko yung cp kay Milo at saka ko in-accept yung tawag ng mokong. “Ano na naman ba?” bwisit naman kasing buhay to, bakit pa kasi umeepal pa sya sa mundo ko. Sa Bading-Girls Zee pa nga lang magulo na buhay ko dumagdag pa sya.


            “Tanggapin mo na yang phone na yan, hindi ko naman yan idadagdag sa utang mo sa akin.” Kahit na, ayoko pa rin kasi nakakahiya. Baka mamaya isipin pa nya sinasamantala ko sya. “And si Mommy talaga ang nagpapabigay nyan not me, inutos lang nya sa akin.” S-si Madam President? Binibigyan nya ako ng latest phone? Bakit? “Napansin nya kasi na wala kang ginagamit na phone eh, so akala nya nawala yung phone mo.” Ang generous naman ni Madam, sana nanay ko din sya.


            “Hindi ako naniniwala sayo!” mamaya parangap pala nyang maging writer eh, mahirap na. “Saka tingin ko hindi yon gagawin ni Madam.”


            “Tingnan mo ang photos nyang phone na gamit mo, puro pictures mo na kasama ako, si Mommy, si Daddy at solo pictures mo ang nanjan. Pinalagay ni Mommy yung mga pictures na yan para sayo, para daw lagi mo syang maalala.”


            Ayoko pa rin maniwala, hindi kapani-paniwala ang sinasabi nya eh. Kung tatawagan ako ni Madam ngayon, at sasabihin nya na sa kanya nga galing ito, saka lang ako maniniwala.


            Calling… Mommy Madam!


            Oh come on, ang lakas naman ng pandinig ni Madam, pano nya nalaman na gusto ko na sya ang tumawag para maniwala ako sa mga sinasabi ni Wacky.


            “Hello po?” aatakihin na yata ako sa puso sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. “Ikaw po ba yan, Madam President?”


            “I miss you already Shen, pwede mo ba akong puntahan ngayon dito?” ano daw, pupuntahan ko sya sa Batangas? Ngayon alam ko na kung saan nagmana ng ka-abnuan nya si Wacky, sa Mommy nya. “Tapos na ang mga klase mo, right?”


            “Madam, joke po ba yon? Kasi po ang layo ng Batangas eh, may klase pa po ako bukas, tapos may trabaho pa po ako mamayang seven ng gabi.” Hindi naman sa ayaw ko syang puntahan, kaya lang kasi baka kapag hindi pa ulit ako pumasok mamaya sa bar eh mawalan na ako ng trabaho. “Baka po kasi matanggal ako sa trabaho ko kapag hindi na naman po ako nakapasok.”


            Natawa naman si Madam sa mga sinabi ko, mag-ina nga talaga sila. “Oh my pretty Shen…” eto namang mga bakla na to ang iingay, tanong ng tanong kung sino daw ba ang kausap ko.


            “Wag nga muna kayong magulo, kausap ko si Madam eh. Kapag ako pinatalsik nito dito sa school, di ko patatahimikin ang lahi nyo.” Sabi ko sa mga bading, salamat naman at tumahimik sila. “Ano nga po pala ulit yung sinasabi ninyo Madam, pasensya na po kayo at ang mga alaga ko ay gutom na.”


            “You’re such a funny lady Shen, that’s why I really, really like you. Please visit me here at the President’s Ofiice, my husband and my son is not around. We can have some girl talk, you know.”


            Jusko day, hindi ko na talaga keri ang mga pangyayari ha. Gusto ako ni Madam President dahil funny daw ako, tapos gusto rin nya akong maka-usap ng sarilinan sa President’s Office.


          “S-sige po Madam, punta na po ako jan.” at nag-paalam na ako sa kanya. “Gaaaaaaahhhhhh!!!”


            “Anyareh teh, ahhhnnyareeeeehhh???” exag na tanong sa akin ni Miley.


            “Demi, si Madam President ba talaga yung ka-chikahan mo? Bakit tinawagan ka nya? Naku, baka paglayuin nya kayong dalawa ni Little Mr. President nyan. Hindi pa nagsisimula ang maganda nyong love story ni fafa Wacky ending na agad.” Ang mahabang litanya naman ni Milka! Nakakaloka silang lahat!


            “Sa bahay kayo matulog mamaya, iku-kwento ko sa inyo lahat! Ok na ba yon? Go-gorabelles na ako mga girl-zees dahil baka mainip si Madam. Babush!” at tumakbo na ako papunta sa President’s Office para puntahan si Madam!



5 comments:

  1. PASENSYA NA PO KAYO KUNG BIHIRA LANG AKO MAKAPAG-UPDATE...SUPER BUSY KASI KAYA HINDI MASYADONG NAKAKAPAG-SULAT, BAWAL PA MAGPUYAT...

    BASTA ONCE NA MAGING OK NA ANG LAHAT, BABAWI AKO!!!

    PASENSYA NA DIN PO AT HINDI AKO NAKAKAPAG-REPLY SA MGA COMMENT NINYO, PERO SUPER KINIKILIG AT LUMILIGAYA AKO SA MGA COMMENT NINYO, SOURCE OF INSPIRATION KO ANG MGA YAN!!!

    ReplyDelete
  2. grabeeeee ateeeee!!! i really really LIKE this!!! as in!! super duper kakilig!! sobrang pinapasaya mo talaga ako ate.. this made my day!!!

    hahhaha... tawa much talaga sa BGZ!!! kung ang mga ito lagi kasama ko,sigurado sabog lage utak ko.. hahaha.. nakakawindang ung mga tili!!

    iphone5 daw oh!! richness!! feeling ko talaga nasa tabi lang ung loko kaya alam nyang sumisingkit ung mata ko sa inis.. hahah.. goshness!!!.. awwh!! ang sweet nman ni madam P,pwede bang magpa adopt na lang ako sa inyo??haha..

    teka lang,ano toh?? bottomline w/ madam P??.. nakakaloka nman tong woman's talk na to..

    ---ok lang ate kahit matagal kang mag UD,basta meron pa rin.. hahah..thank u po.. :)

    ReplyDelete
  3. wAaaah mErOn na pO pLa niTO,,, BUti na Lng chiNecK kO,,, hwaHuhU,,, kaKiLig muCh pO,,, hwOhOhO,,,

    ReplyDelete
  4. ~angel is luv~


    update pa po ate! bitin!!

    ReplyDelete
  5. hahahah :D ILOVE MADAM :) hahaha ang mga beklings talaga hindi ako binibigo na patawanin :) hahahah saya :D

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^