Saturday, October 27, 2012

Love at Second Sight : Chapter 27

CHAPTER 27
( Aeroll’s POV )

Pasakay na siya ng van ng magbago ang isip niya. “Hindi na po ako sasama.”


“Hindi ka man lang magpapakita sa mga pinsan mo?” tanong ng lolo niya.


“May tatlong araw pa naman po bago kami umuwi, eh. Bukas na lang po ako sa kanila bibisita.” Isang linggo lang sila dito. Kasabay na din niyang uuwi sina Harold.


“Hayaan niyo po siya lolo. Nag-aalala lang po kasi ‘yan sa prinsesa niya.” tukso nito Harold.


“Tinatamad lang ako. Hindi naman kasi ako nakatulog kanina pagdating natin. Saka—”


“Oo na, insan. Ang dami mong dahilan. Wari ka pa diyan.”


“Ewan ko sa’yo.” Binalingan niya ang lolo’t lola niya. “Sige po, ingat po kayo. Pakisabi na lang po, ‘Lo, na bukas na lang ako dadalaw sa kanila.”


“Sige, apo. Kanor, tara na.”


Pero bago pa siya makahakbang papasok ng bahay ay nadinig pa niyang nagsalita ang mga ito. Ng sabay-sabay. Pati ang grandparents niya nakisali pa. “Alagaan mo ang prinsesa mo!” Nagtawanan pa ang mga ito.


Natawa din siya. “Matutulog lang ako ‘noh.”


“Weh? Talaga lang, hah.” tukso ni Harold.


“Talagang-talaga. Ingat!” Humakbang na siya papasok ng bahay. Baka kapag nagtagal pa siya ay hindi din makaalis ang mga ito dahil sa panunukso sa kaniya. Bakit ba nila ‘ko tinutukso kay Princess? Hay, ewan ko sa kanila.


“Oh, Prince, hindi ka sumama sa kanila?” tanong ni Manang Fe.


“Hindi po. Bukas na lang apo ako dadalaw sa mga pinsan ko. Matutulog po muna ako ngayon. Napagod ako sa swimming namin kagabi.”


“O sige.”


“Akyat na po ‘ko sa kwarto.” Umakyat na siya ng hagdan.  


Napahinto siya sa paghakbang ng mapatapat sa kwarto ni Princess. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Tingnan ko kaya? Kaya lang baka triple ang kasungitan nito ngayong mero’n to.


Napakamot siya ng kilay niya. Wag na nga lang. Matutulog na lang ako. Humakbang na siya papunta ng kwarto niya nang mapaatras uli siya pabalik ng kwarto ni Princess.


“Ano ba, Aeroll? Are you going to sleep or not?” tanong niya sa sarili.


O gusto mo lang alagaan ang prinsesa mo kaya hindi ka sumama? singit ng kunsensya niya.


“Oo na. Oo na. Manahimik ka ng kunsensya ka.” Ano ba kasing nangyayari sakin? Hinawakan na niya ang seradura ng pinto at dahan-dahang binuksan. Kumunot ang noo niya ng hindi makita sa kama si Princess. Ayun! Nasa baba pala ‘to nakaupo habang nakayukyok sa gilid ng kama.


She murmured something na hindi naman umabot sa pandinig niya.


“Hey! Okay ka lang?” Lumapit na siya dito at umupo sa gilid ng kama.


Napaangat ang tingin nito sa kaniya. Napangiwi siya. Para itong bruha sa gulo ng buhok nito. Napangiwi din ito at yumukyok na naman sa kama.


“Uminom ka na ba ng gamot?” tanong niya.


Iniling lang nito ang ulo nito.


“Bakit hindi ka pa uminom?”


“Tubig...”


“Wala kang tubig?”


“Oo…”


“Wait lang. Ikukuha kita.” Tumayo siya at humakbang palabas ng kwarto nito ng madinig niya itong nagsalita.


“Bwisit! Ang sakit…”


Nagmadali na siyang bumaba ng sa kusina. Kumuha siya ng isang basong tubig. Yung warm lang. Nagpakulo din siya ng tubig.


* * * * * * * *


( Princess’ POV )

Bakit ba ang tagal no’n? Kumuha lang ng tubig, inabot ng siyam-siyam. Isang balde ba ang kinuha no’n? O isang drum?


Hindi niya alam kung bakit ito nandito. Ang alam niya kasama ‘to nila Harold. Hindi na siya nagtanong dahil nasa sumasakit na puson lang niya ang atensyon niya.


Bumukas ang pintuan ng kwarto niya. “Yung gamot mo?” nadinig niyang tanong ni Aeroll.


Tinuro niya ang side table. Naramdaman niyang lumundo ang gilid ng kamang kinayuyuk-yukan niya.


“Kumain ka na ba?” tanong nito.


“Oo…”


“Inumin mo na ‘to.”


Inangat niya ang ulo niya at kinuha ang gamot at basong hawak nito.


Binalik niya ang baso dito matapos uminom. “Thanks…” Yumukyok uli siya sa kama.


“Lumipat ka kaya sa kama.”


“Maya...”


Nagulat siya ng bigla siyang umangat. Yun pala, binuhat siya ni Aeroll at inilipat sa ibabaw ng kama.


“Ano ba!?” Tiningnan niya ito ng masama. Umayos siya ng higa at namaluktot patalikod dito.


“Oh, hot compress. Lagay mo diyan sa tiyan mo.” Napalingon siya dito. May hawak itong hot compress. Aabutin na sana niya ‘yon ng humakbang ito sa gilid ng kama kung sa’n siya nakaharap. Hindi na siya nakahuma ng ito mismo ang maglagay niyon sa bandang tiyan niya.


“Thanks...” Ipinikit niya ang mga mata niya. Heaven. Ang sarap ng init na dala ng compress sa puson niya. Ilang saglit ang lumipas ng maramdaman niyang kinumutan siya nito hanggang beywang niya.


“Gusto mo ng mainit ‘di ba?”


Tumango siya. Kapag ganitong meron siya, gusto niyang naiinitan siya.


Naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya. Idinilat niya ang isang mata niya. Nakasandal ito sa headboard ng kama habang nakahalukipkip.


“Oh, makikiupo lang ako.”


Ipinikit uli niya ang mata niya. “Siguraduhin mo lang...”


Hindi na ito sumagot. Hanggang sa maramdaman niyang hinahaplos na nito ang ulo niya. Ilang saglit ang lumipas, nakaramdam na siya ng antok. Dala ng ginhawa ng hot compress sa puson niya at ang paghaplos nito sa ulo niya.


Hinihila na siya ng antok niya. “Inaantok na ‘ko…”


“Sige lang, prinsesa. Babantayan kita.”


Kasabay no’n ay tuluyan na siyang nakatulog.


* * * * * * * *


( Aeroll’s POV )

Sinilip niya ang mukha ni Princess.


“Princess?” Hindi ito sumagot.


“Nakatulog na nga.”


Inayos niya ang hot compress na nakalagay sa tiyan nito. Tinanggal din niya ang eyeglass nitong hanggang sa pagtulog kasama nito. Na baka pati sa panaginip kasama pa din nito. Pinunasan din niya ang pawis sa noo nito.


“Buti na lang at hindi ako naging babae. Maganda nga ako pag naging babae ako, ayaw ko namang maranasan ang dysmenorrhea. Ang sakit kaya no’n.”


Maingat siyang humiga sa tabi ni Princess at humarap dito. Inalis niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito. Hindi niya mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ‘to. Ang ganda niya kapag natutulog…


Nang matigilan siya. He cleared her throat.  Ano ba ‘tong ginagawa ko? Humarap siya sa kisame.


“What now, Aeroll? Matulog ka na din sa kwarto mo.” kausap niya sa sarili niya.


“Mamaya na. Hindi pa naman ako inaan—” Napahikab siya. “Medyo inaantok na nga.”


Tiningnan niya ang relo niya. Alas diyes pa lang. Matutulog na muna ako. Inalis niya ang hot compress sa tiyan ni Princess. Dahan-dahan siyang umalis sa kama. Pinagmasdan muna niya muna ito. Naalala niya ang tanong nito sa kaniya kagabi no’ng nasa resort pa lang sila.


“Why are you so…so concern to me? Kahit ang sungit ko sa’yo minsan. I think, hindi lang minsan dahil madaming beses na ‘yon. Kahit hindi maganda ang pagkikita natin no’n. Kahit ilang araw pa lang tayong magkakilala, pero bakit ganyan ka sakin?”


Napabuntong-hininga siya. “Hindi ko din alam, Princess. Hindi ko din alam.” Hinaplos muna niya ang pisngi nito bago humakbang palabas ng kwarto nito.


* * * * * * * *


Nagising siya sa katok. Idinilat niya ang mga mata niya. Anong oras na ba? Tiningnan niya ang wall clock niya. Alas dose ng tanghali. Ibinilin niya kay Manang Fe na katukin siya ng alas dose para kumain. Ibinilin din niyang huwag gigisingin si Princess dahil natutulog ‘to at nagpapahinga.


“Prince, kakain na!”


“Sige po, Manang. Bababa na po ako.”


Bumangon na siya, naghilamos at lumabas ng kwarto niya. Huminto siya sa tapat ng kwarto ni Princess. Gigisingin ko ba siya? Mamaya na lang ala una. Nagpapahinga pa ‘yon. Kumain naman siya kanina bago matulog. Baka sungitan na naman ako kapoag inistorbo ko ang pagtulog niya.


Bumababa na siya.


2 comments:

  1. shaks!!!! ang ganda!! kilig much!!! grabe talaga!!!! pwede bang ganyan ka rin sa kin aerol kapag mei dysme ako?? hahaa..

    ReplyDelete
  2. waLa n tLgaNg maS suSweet pa kUng uNg LLki eH naiintiNdihaN ang piNagadaanaN ng isaNg baBae LLo na kaPag maSakit aNg pusOn,,, sHockiNg ka aeRoLL,, uRso sWeeT,,, swErtE ni pRincEss saU,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^