Friday, October 26, 2012

Following Your Heart : Prologue



AieshaLeeNote: Dahil ganada ang utak ko, may new story uli ako! Yey! Ito pong story na ‘to, related po siya sa ongoing story ko na LaSS (Love at Second Sight). Yun muna ang masasabi ko. Enjoy reading sa mahaba-haba kong Prologue. ^________^


PROLOGUE


Patalon-talon pa siya habang naglalakad pauwi.



“Hello, Kuya guard!” nakangiting bati niya sa guard sabay lusot sa ilalim ng nakaharang na…hmm…basta.


“Shanea! Bakit naglakad ka lang? Nasan yung sundo mo?” pahabol na tanong ng guard.


“Hindi po ako sanay lumipad.” hindi lumilingong sagot niya, tumakbo na siya. Nang lumiko siya sa may kanto saka lang siya huminto. Patalon-talon habang naglalakad uli ang ginawa niya. Kumanta pa siya.


“I was walking—” Natipalok siya sa isang batong hindi niya nakita. Tuluyan siyang nadapa. Nang umupo siya, nakita niyang may gasgas ang tuhod niya.


“Bata, okay ka lang?” Umangat ang tingin niya sa nag-mamay-ari ng boses na ‘yon. Isang gwapong mukha ang tumambad sa kaniya.


“May sugat ako, eh.” Itinuro niya ang tuhod niya.


Kumunot ang noo nito. “Diba pinsan ka ni Aeroll?”


Tumango lang siya. “Yung sugat ko.” Itinuro uli niya ang sugat niya.


May kinuha itong panyo at itinali sa tuhod niyang may sugat.


“Salamat. Bakit kilala mo si Aeroll?” tanong niya.


“Aeroll?” Marahil ay nagtaka ito kung bakit Aeroll lang ang tawag niya sa kaibigan daw nito.


“Oo. Si Aeroll. Bakit kilala mo siya?”


“Hindi mo ba ako namumukhaan?”


Nilapit niya ang mukha sa mukha nito. “Hindi, pero ang gwapo mo.” nakangiting sagot niya.


Nilayo nito ang mukha sa kaniya. “Kaibigan ako ni Aeroll. Madalas akong magpunta sa bahay ninyo.”


Nilapit niya uli ang mukha dito. “Hindi ko talaga matandaan. Madami kasing bumibisita kay Aeroll sa bahay. Puro boys. Pero mas madami ang girls. Madalas nasa kwarto lang ako. Sabi kasi ni mamita, huwag ko daw kukulitin sina Aeroll at ang mga kaibigan niya. Masunurin ako kaya sinusunod ko si mamita.”


Napakamot ito ng noo. “Ang daldal mo.”


“Sabi nga nila. Anong pangalan mo?”


“Kuya Jed.”


“Jed..Jed..Jed..”


“Kuya Jed.” pagtatama nito.


“Shanea ang maganda kong pangalan, Jed.”


“It’s KUYA Jed. Grade four ka pa lang diba?”


“Grade five.”


“Grade five ka, third year high school ako. Dapat kuya ang itawag mo sakin.”


“Ah..” Nagbilang siya sa daliri niya. “Grade five, grade six, first year, second year, third year.” Tiningnan niya uli ito. “Tatlong taon lang tanda mo sakin.”


“Apat.”


“Dalawa pala.”


Huminga ito ng malalim. “Tama nga si Aeroll, napakakulit mo.” bulong nito na hindi naman niya nadinig. “Tumayo ka na dyan.”


“Buhat mo ko sa likod. Masakit ang paa ko.”


“Ayoko. Maglakad ka na lang. Malayo pa sa bituka ang sugat mo. Mauuna na kong umuwi.”


“Pero…” Nang may maisip siya. “Hindi ko alam ang bahay ko.”


Kumunot ang noo nito. “Hindi mo alam?”


Napakamot siya ng ulo. “Nakalimutan ko kung saan, eh.”


Napabuntong-hininga ito. “Alright. Follow me.”


Tumayo na siya. “Talaga? Pwede kitang sundan?” Si Aeroll kasi pag sinusundan niya, nagagalit sa kaniya. Para daw siyang buntot nito. Napakakulit. Pati sina mamita at papito, napapakamot na lang ng ulo kapag nasa bahay sila at panay ang sunod niya sa mga ito. Pati si King na kapatid ni Aeroll, gusto na siyang tirisin. Tapos etong taong ‘to, okay lang na sundan ko siya. Napangiti siya.


Mas lalong kumunot ang noo nito. “Oo, sundan mo lang ako at huwag mo akong sasabayan. Ayoko ng madaldal na kasabay. Sa likod ka lang.”


Napangiti siya. “Okay, Jed.”


Naglakad na si Jed. Sumunod naman siya.


Nasa likod lang siya habang inaapakan niya ang anino nito.



Years passed…



Second year college na ako ngayon.


College graduate na si Jed.


At hanggang ngayon sinusundan ko pa din siya.


I’m just following what he said,


“Follow me.”


Masunurin nga ako diba?


But deep that word, may mas malalim pa akong dahilan.


I’m just following Jed’s heart where my heart belongs.


Sad to say, ako lang ata ang nakakaramdam no’n.


Because  Jed was following other’s heart.


At kilala ko ang taong 'yon. 


'Okay lang' sabi ng isip ko.


'Masakit' sabi ng puso ko. 


Pero kahit gano'n.


Masaya na kong ganito.


Na kahit mapatid na ang ugat sa leeg ni Jed sa pagsaway sakin dahil sa katigasan ng ulo ko.


Na kahit magkanda-kunot na ang noo niya sa mga pinagsasasabi ko.


Na kahit mabingi na siya sa mga kwento kong barbero.


Na kahit gusto na niya akong tirisin sa kakulitan ko.


Na kahit feeling ko lagi ko na lang siyang iniistorbo.


Hindi pa din niya ako pinagtatabuyan palayo sa kaniya. Kaya malaya kong nasusundan ang puso niya. Ang puso niyang sumusunod naman sa iba.


Darating kaya ang panahong ako naman ang susundan niya?


O darating ang panahon na ako na mismo ang sumuko sa kaniya?

>>> CHAPTER 1 HERE

[Disclaimer: Photo/s that I will use in the SUCCEEDING CHAPTERS will be edited. Credit goes to the owner/s of the original photo/s that I will use.]

2 comments:

  1. sBi q n yaN uNg stOry ng piNsaN ni aeRoLL,,, buTi pO nacMuLaN na,,, wOohOo,,,

    ReplyDelete
  2. super ganda!!! ang cute-cute!!! lalo na ung mamita and papito.. hahaha...

    naku,parang bad vibes ako jan sa sunod2 epic na yan.. haha..

    more UD pls..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^