Tuesday, October 30, 2012

Love at Second Sight : Chapter 28

CHAPTER 28
( Princess’ POV )

Nakadapa siya ng higa sa kama nang maalimpungatan siya. Para kasing may humahaplos sa pisngi niya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya. May taong nakatayo sa gilid ng kama niya. Tumingala siya. Mula sa nanlalabo niyang tingin, naaninag niya si Aeroll. Ba’t ang labo? Napahawak siya sa mata niya. Wala pala ang eye glass niya.

 
“Yung eye glass ko?”


Isinuot nito ang eyeglass sa kaniya, na hindi niya alam kung paano napunta dito. “Nasa mga mata mo na.” nakangiting sagot nito.


“Anong oras na?” tanong niya.


“Alas dos na ng madaling araw.”


“Ano? Madaling araw?” Eh ang pagkakatanda niya, magtatanghali siya natulog kanina.


“Joke lang, prinsesa.”


Inirapan niya ito. Loko-loko talaga.


“Alas dos pa lang ng hapon. Hinintay kitang magising kaya lang baka abutin ka pa hanggang mamaya bago ka gumising. Kumain ka muna.” 


Napalingon siya sa tray ng pagkain na nakapatong sa side table. Bumangon siya at umupo. Wala na ang sakit ng puson niya.


Nang maramdamang niyang parang mabigat na ‘yong napkin niya. Argh! Napatingin siya sa kobre-kama. Para hindi matagusan ang kobre-kama niya kapag meron siya, nilalagyan niya ‘yon ng extrang malaking damit. Ang gulo pa naman niyang matulog.


Nakalimutan niyang lagyan kanina ng extrang damit ang hinigaan niya sa bandang puwetan niya kanina. Natagusan tuloy ‘yon ngayon.


“Hala ka! Natagusan mo. Lagot ka, ang hirap pa namang tanggalin ng blood stain.” Napapalatak pa ito.


Bigla siyang napalingon kay Aeroll. Nanlaki ang mata niya. She suddenly felt awkward. Hindi niya tuloy alam ang sasabihin dito. Tinakpan na lang niya ng kumot ang parte ng kobre kamang natagusan niya.


“Pwede ba lumabas ka muna?”


“Bakit naman? Magpapalit ka ba ng napkin mo? Sige, go lang.” Umupo pa ito sa upuang ando’n. 


Napangiwi siya. “Aeroll!”


“What?” Nagtataka ang mukha nito. “Ah, sorry naman. Nurse kasi ako kaya parang wala lang sakin yung mga ganyan.”


“Alam ko, pero pwede bang lumabas ka muna?”


“Okay lang ako dito. Don’t mind me. Tatalikod na lang ako.” Tumalikod nga ito ng upo.


“Ang kulit mo talaga!” Tumayo na siya at mabilis na pumunta ng banyo. Nang maalala niyang nasa cabinet ang napkin niya. Hindi siya nakakuha dahil malapit si Aeroll do’n at dahil nagmadali na siyang makapasok ng banyo.


“Paano ba ‘yan?” 


Nang makadinig siya ng katok sa banyo niya. “Bakit?” tanong niya.


“I think may nakalimutan ka.”


Nakagat niya ang labi niya. Parang alam na niya ang sasabihin nito.


“Hindi ka nagdala ng napkin mo.”


Napangiwi siya. “May dala ko.” kaila niya.


“Ows? Wala, eh. Nagmadali ka pa ngang tumakbo ng banyo.”


“Aeroll! Bwisit ka! Humanda ka talaga sakin paglabas ko dito!” inis na sambit niya.


Nadinig niyang natawa ito. “Ilalagay ko na lang sa tapat ng banyo mo yung napkin mo. Dalawa pa ‘yan. Modess pala ang gamit mo.”


“Anong modess ka diyan!”


“Ay, whisper ata ‘to.” Tumawa pa ‘to. “Sensya na, hindi ko natingnan.”


Hawak ba talaga nito ang napkin niya?


“Lumabas ka na dyan, prinsesa. Magpalit ka na ng napkin mo.”


Namula siya. Ang lakas mangbwisit nito! “Argh! Yari ka talaga sakin pag labas ko dito! Mata mo lang ang walang latay!”


Tumawa lang ito bago niya nadinig na nagbukas at nagsarado ang pintuan ng kwarto niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng banyo niya at sinilip kung wala na ito. Wala na nga. Mabilis siyang lumabas at ni-lock ang pintuan ng kwarto niya. Napatingin siya sa napkin kuno na nilapag nito sa tapat ng banyo niya. Wala naman siyang nakita.


“Bwisit na Aeroll na ‘yon! Ang lakas mang-asar, ah!”


“Yong pagkain mo, kainin mo, prinsesa.” Napalingon siya sa pintuan ng kwarto niya. Nasa labas pa pala ito. Lumapit siya sa pintuan at sumandal. Kahit ni-lock na niya ‘yon, feeling niya mabubuksan pa din ni Aeroll ‘yon.


“Humanda ka sakin mamaya!”


“Bakit na naman? Wala naman akong ginagawa, ah.”


“Sana maging babae ka din para magka-menstruation ka. At ng malaman mo kung anong feeling ng mero’n.”


“No need. I already knew it.”


“Bakit? Nagkaro’n ka na siguro ‘no?” pang-aasar niya.


Nadinig niyang natawa ito.


“Tatawa-tawa ka pa diyan.”


Huminto na ito sa pagtawa. “Princess.” tawag nito sa kaniya.


Kumunot ang noo niya. Napapansin niya, kapag masyadong seryoso ang sinasabi nito, Princess ang tinatawag nito sa kaniya. “Bakit?”


“Next time, pag alam mong dadalawin ka ng bwisita mo. Uminom ka na ng gamot. Hindi ‘yong hihintayin mo pang mamilipit ka sa sakit bago ka uminom ng gamot. Remember that, okay?” Seryoso ang boses nito habang sinasabi ‘yon.


Napa- “O-oo.” na lang siya.


“Sige, kumain ka na diyan pagkatapos mong magpalit ng napkin mo.”


“Aeroll!”


Tumawa na naman ito bago niya madinig ang yabag papalayo.


“Sira ulo talaga ‘yon!” Napapailing na lumapit siya sa cabinet at kumuha ng pampalit na short at undies.


* * * * * * * *


Kumakain na siya ng pagkaing dala ni Aeroll ng madinig niyang may kumatok sa pinto.


“Sino ‘yan?”


“Si Manang Fe mo ‘to.”


Tumayo siya at lumapit sa pinto. Naka-lock kasi ‘yon.


“Bakit po?” tanong niya dito. Nang mapansin niyang may dala itong tela.


“Natagusan daw yung kobre kama sabi ni Aeroll. Papalitan ko.”


Lihim siyang napangiwi. “Pasok po kayo. Sorry po, nakakahiya naman.”


“Wala ‘yon, iha. Ganyan din ako dati, laging natatagusan ‘yong kobre-kama ko.”


“Tulungan ko na po kayo.”


Matapos mapalitan ay lumabas na din ito dala ang kobre-kamang natagusan niya.


“Salamat po.”


“Wala ‘yon. Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka. Ibinilin ka sakin ni Nanay. Kamusta na ang pakiramdam mo?”


Napangiti siya. “Okay na po. Nakainom na po ako ng gamot. Thank you po.”


“Sige. Sa kusina lang ako pag may kailangan ka. Ubusin mo na ang pagkain mo.” Lumabas na ito ng kwarto niya.


Umupo siya sa gilid ng kama niya. Ang bait naman nila. Nakakapanibago tuloy.”


Simula nung mag-college kasi siya, sinanay na niya ang sarili niyang gawin ang mga bagay na walang tulong ng iba. Para din naman sa sarili niya yon dahil nga wala ang ate nya at nasa ibang bansa upang magtrabaho. Ang pusa lang niya ang lagi niyang kasama simula no’n. Pero simula ng dumating siya sa bahay na ‘to. Naramdaman niya ang samahan ng isang pamilya. Ang tagal na pala… nakaka-miss din pala ang ganitong pakiramdam.


“Mukhang malalim ang iniisip ng mahal na prinsesa.”


Napalingon siya sa nagsalita. Si Aeroll. Nakatayo ito habang nakahalukipkip sa dingding malapit sa pintuan.


“Kanina ka pa diyan?” tanong niya.


Nagkibit-balikat ito. “Medyo.” Napalingon ito sa maliit na mesang malapit sa bintana ng kwarto. “Hindi mo pa inuubos ‘yong pagkain mo.”


“Dumating si—Uubusin ko na ‘yan.” Hindi na niya sinabing pinalitan ang kobre-kama at baka tuksuhin na naman siya nitong damuhong ‘to. Tatayo na sana siya para kunin ang tray ng mauna na itong lumapit sa mesa. Kinuha nito ang tray at nilapag sa tabi niya.


“Kain na.” Kinuha nito ang kutsara at tinidor at inabot pa sa kaniya.


Kumunot ang noo niya. “Hindi na ako bata.” Kinuha niya ang spoon and fork mula dito. Susubo na sana siya ng mapansin niyang nakatingin ito sa kaniya. Nailang tuloy siya.


“Ehem! Tutunganga ka lang ba diyan?” untag niya dito.


“Hah?”


“Anong hah ka diyan? Lumayo ka nga.”


Lumayo nga ito.


“Layo pa.”


Humakbang pa ito palayo.


“Layo pa.”


Humakbang uli ito ng paatras.


Napangisi siya. Para itong sira sa ginagawa nito. Bakit ba sunod ito ng sunod sakin? Mapagtripan nga. “Layo pa. Malayo. Do’n o, sa bintana. Tumalon ka.”


Mukhang napansin nito ang ginagawa niya dahil napahinto ito. “Teka, pinagtitripan mo ba ako?”

 
“Ako? Hindi, ah.” pigil ang ngiting sagot niya.


Lumapit uli ito sa kaniya at umupo sa gilid ng kama. “Pinagtitripan mo ako.”


“Sino ba ang nagsabing sumunod ka sa sinasabi ko?”


Kumunot ang noo nito. Napakamot ito ng noo at mas lalong kumunot ang noo nito nang mukhang hindi ito makahagilap ng isasagot sa kaniya. Tumayo ito at walang sabi-sabing lumabas ng kwarto niya.


“Anong nangyari do’n?”


Wala pang ilang segundo ng magbukas uli ang pinto. Si Aeroll uli. “Ubusin mo ‘yan.” Iyon lang at isinara na uli nito ang pinto.


“Ang weird ng mokong na ‘yon.” Napapailing na pinagpatuloy uli niya ang pagkain niya.


* * * * * * * *


( Aeroll’s POV )

Dumeretso siya ng kwarto niya. “Ano bang nangyari sakin kanina? Para akong timang.” Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Pinagtatawanan siguro ako ni Princess ngayon.


Bumalik sa alaala niya ang mukha ni Princess ng abutan niya ito sa kwarto kanina. He saw something in her face. As if Princess was longing for something. Kumunot ang noo niya. Something? Ano namang something ‘yon? O sino ang something na ‘yon?


Baka boyfriend niya. singit ng kabilang isip niya.


Napabalikwas siya ng bangon. Napasabunot siya sa buhok niya. “May boyfriend na pala siya. Bakit ko ba nakalimutan ‘yon?”


Marahas siyang huminga. “Argh! Ano naman kung may boyfriend siya? Ano namang connection no’n ngayon sa iniisip ko?”


Eh, kasi nga po yung nakita mong longing kanina sa mukha ni Princess, she was longing for her boyfriend. singit ng kabilang isip niya.


“Shut up!” Marahas siyang humiga sa kama.


* * * 

6 comments:

  1. ang wlang hiya ni aeroll! bumangon n daw princess at magplit ng napkin mu. ahahahhahhahahhaa!!! walastik ang tawa q dun!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. cguo kung ako ang nasa katayuan ni Princess, nasapok ko na si aeroll hahaha :))

      Delete
    2. at dahil matgal akong nawala, ngayon lang po ako nkapagcoment..

      tawa much talaga!!! sobra!!! ang super sweet ni erol!!!! nakakaingit!! shaks!! pero if i were princess,baka nasabunutan ko na si aerol!! hahaha

      Delete
  2. wAg kNg mAg-aLALa aeRoLL,,, wE gOt uR bAcK dudE,,, iKaw aNg paRa kEi pRinCess,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto k nao ng ung part na magkita sila ni james haha, no kaya mangyayari? :)))))

      Delete
    2. ~angel is luv~

      please ate update mo na po! lalo mo ako pinaeexcite eh!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^