CHAPTER 4
( Shanea’s POV )
“Ang sarap talaga ng luto ni manang.” Tulog na ang lolo’t lola niya pagdating
nila ni Jed. Si Manang Hellen, ang kasa-kasama ng grandparents niya dito sa
bahay, ang naabutan nilang gising.
“Lahat naman sa’yo masarap.”
Tiningnan niya si Jed na nasa harap niya. “Hindi naman
lahat, ayoko kaya ng ampalaya. Ang pait ng lasa.”
“May ampalaya bang matamis? Wala naman diba?”
Nasabi na ba niyang pilosopo si Jed? “Lagyan mo ng
asukal, tatamis ‘yon.”
“Edi ikaw subukan mo.”
“O sige, bukas, ita-try ko. Ano kayang lasa no’n?” Napangiwi siya at napalunok. “Nagbago ang
isip ko. Ayoko na palang i-try. Parang ang sagwa ng lasa niya.”
“Sino bang nagsabing i-try mo?”
“Ikaw kaya. Sabi mo subukan ko.”
“Kumain ka na nga lang dyan.” Nagsimula na itong kumain.
Sumubo siya ng kanin. “Ayoko din ng okra.” pahabol
niya.
“Me, too. Ang sagwa ng lasa.”
Alam
ko. Favorite
ko kaya ang okra dati. Ginaya lang kita ng malaman kong ayaw mo no’n kaya hindi
ko na siya favorite.
“Gustong-gusto ko ng sea foods. Lalo na ang hipon. Yummy.”
“The bad thing is ayaw ng katawan mo sa sea foods. And don’t
dare to eat one. Tapusin mo na ‘yang kinakain mo, uuwi na ko.”
May allergy kasi siya sa sea foods. The last
time na kumain siya no’n was when she was in third year high school. Alam na
niyang may allergy siya pero dahil nga may katigasan ang ulo niya, tumikim siya
ng hipon. Nangyari? Napuno lang naman ng pantal ang katawan niya at namaga ang
fes niya. Ang masama pa no’n, JS prom nila kinagabihan. Nangyari? Hindi siya
naka-attend. At ng gabi ding ‘yon kung kailan nagkakasiyahan ang mga
schoolmates niya sa school nila, ngumangawa naman siya sa kwarto niya. At ang
mismong gabi ding ‘yon, nahulog ang puso niya. Kanino?
- F
L A S H B A C K –
Nakahiga siya sa kama niya habang
nakatalukbong. Nadinig niyang nagbukas ang pintuan ng kwarto niya. Ang mamita
siguro niya. Kanina pa ito pabalik-balik sa kwarto niya para ayain siyang
kumain. Wala siyang gana. Mas gusto niyang ngumawa. Dahil habang nagkakasiyahan
ang mga schoolmates niya sa JS Prom nila, nandito siya ngayon sa kwarto niya.
Mag-isa. Kandakasi naman, ang tigas ng ulo niya. Kumain pa siya ng hipon
kanina, hindi pala kain, tikim lang naman, eh. Eto tuloy ang napala niya.
“M-mamita..ayoko pong..kumain..” ngumangawa niyang sabi. “Gusto kong
mag-isa..saka—” Sininok siya. “—mukha po kong..malaking kamatis..saka malaking
pantal..na tinubuan ng mukha..” Iyon ang tukso sa kaniya nina Aeroll
at King ng makita ng mga ito ang itsura niya. Kaya nga ayaw niyang magpakita sa
mga tao sa bahay nila. Kaya nga pinatay niya ang ilaw ng kwarto niya kahit pa
nakatalukbong na siya ng kumot.
“Tama nga ang sabi ni Aeroll, nagmumukmok ka dito.”
Natigil sa ere ang pag-ngawa niya. “Je..Je..Jed? A-anong
ginagawa mo dito?”
“Bakit patay ang ilaw ng kwarto mo?”
“Huwag mong bubuksan ang ilaw!” Hinigpitan niya ang kapit ng kumot sa
katawan niya. Dinilat niya ang mata niya. Sumilip siya sa kumot niya. Binuksan
nito ang ilaw ng kwarto niya.
“Patayin mo yung ilaw!”
utos niya.
“Ayoko.”
Lumundo ang gilid ng kama niya. Nagulat na lang siya ng hilahin nito ang kumot
niya at hinagis sa kung saan.
“Tama nga si Aeroll, mukha kang kamatis na tinubuan ng mukha.”
Hindi niya alam kung pa’no itatago ang mukha
niya dahil ng kuhanin niya ang unan niya ay inagaw nito ‘yon sa kaniya. Ginawa
niya? Bumangon siya, niyakap ito at sinubsob ang mukha niya sa balikat nito.
Prente, hindi nito makikita ang kamatis niyang mukha. Hihiwalay sana ito sa
kaniya kaya mas lalo niyang hinigpitan ang yakap nito. Hindi man lang niya
napansin ang pagkakadikit ng katawan nila.
“Nasasakal na ko.”
reklamo nito.
“Ayokong makita mo yung mukha ko. Ang pangit ko.”
“Kailan ka ba gumanda?”
Napangawa na naman siya sa sinabi nito.
“Shanea naman, sinasakal mo na nga ako, mabibingi pa ako sa
ngawa mo.”
Hininaan niya ang ngawa niya. “M-mahina..na
ba?”
Napapalatak ito. “Ano ba kasing iniiyak mo?”
Ngumawa na naman siya ng malakas ng maalala
ang JS Prom niya. “Hindi ako..naka-attend sa..JS Prom namin..”
“So?”
“So? Alam..mo bang—”
Umepal si sinok. “—first and last na JS Prom..namin ‘to. Next year..wala na..“
“Ano naman ngayon?”
“Hindi mo ko..maintindihan..lalaki ka kasi..”
Naramdaman niyang napabuntong-hininga ito. “Gusto mo bang
makaranas ng JS Prom?”
“Hindi na mangyayari ‘yon..kasi nandito ako..”
“So?” Humiwalay
ito sa kaniya. Tinakpan niya ang mukha niya. Kinuha nito ang mga kamay niya.
Yumuko siya. Inangat nito ang baba niya. Pumikit siya.
“Dumilat ka nga.”
utos nito. Todo iling niya.
“Dumilat ka.”
utos uli nito.
“Ayoko. Pagtatawanan mo ko.”
“Sinong may sabi?”
“Ako. Sina Aeroll at King, pinagtatawanan nila yung itsura ko.”
“Ako ba sila? Kanina pa ko nakatingin sa mukha mo, natatawa ba
ko?”
Idinilat niya ang isang mata niya. Hindi nga
ito tumatawa. Seryoso pa nga ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.
Tuluyan na niyang idinilat ang isa pa niyang
mata. “Hindi
ka natatawa sa mukha ko?”
Umiling ito. Pinahid nito ang luha sa pisngi
niya.
“Why?”
Kumunot ang noo nito. “May nakakatawa ba sa itsura mo?”
Tumingin siya sa full length mirror na nasa
gilid ng kama niya. Natatawang –naiiyak siya. Ngayon lang niya nakita ang mukha
niya pag nagkaka-allergy siya sa hipon. Natatawa kasi mukha siyang kamatis na
tinubuan ng mukha. Naiiyak kasi ang pangit niya!
“Shanea, para ka ng sira sa ginagawa mo. Stop it, okay.”
Nilingon niya ito. “Bakit ako, natatawa ko sa itsura ko?”
“Ikaw lang. Hindi ako. Saka sanay na ako. Si mommy ganyan din
ang itsura kapag nagkaka-allergy siya. Parehas kayo.”
“Talaga? May allergy din ang mommy mo?”
“Oo. At ako nag-aalaga sa kaniya. Dahil ang daddy hindi
mapigilang matawa sa itsura ni mommy.”
“Ikaw, Jed, pag nagka-asawa ka, magiging katulad ka din ng daddy
mo?”
“Of course not. I will take care of her. Teka nga, bakit sa
pag-aasawa napunta ang topic natin?”
Tumayo na ito. “Wear
your gown. Babalik ako.”
“Gown?”
“Yah, your gown. Yung pinagyayabang mo sakin.”
“Bakit ko susuutin ‘yon?”
“Pupunta tayo sa school ninyo.”
Nanlaki ang mga mata niya. “What?! Sa
itsura kong ‘to? Hindi nga? Pupunta talaga tayo sa school? Pa’no ‘yan? Yung
mukha ko? Magmamaskara na lang ako?”
“Basta suutin mo. Wag ka nang magtanong.” Humakbang na ito palabas ng kwarto niya.
Nagtataka man ay sinunod niya ang utos nito. Sinuot niya ang binili niyang gown
na above the knee ang haba. Color pink ‘yon, her favorite color.
Pero thirty minutes na ang lumipas, walang
Jed na bumalik hanggang sa makatulugan na niya ang paghihintay. Hindi niya alam
kung ilang minuto o oras na ba siyang nakatulog dahil nagising na lang siya ng
may tumatapik na sa pisngi niya.
“Hoy kamatis na pandak, gumising ka na.”
Iminulat niya ang mata niya. Si Aeroll ang
nabungaran niya.
“Hay, salamat. Nagising na ang kamatis na pandak.”
ngiting-ngiting sabi nito.
Napansin niya ang mamita niya, ang papito
niya at si King sa loob ng kwarto. “Bakit?” Saka lang siya natauhan ng tumawa ng
mahina si King. Nagtalukbong agad siya ng kumot.
“King.” saway dito ng mamita niya. Naramdaman
niyang lumundo ang gilid ng kama niya. May humaplos sa ulo niya. “Shanea, matutupad mo na ang gusto mo.”
Ang mamita niya.
“Po?”
“Basta.” Naramdaman niyang umalis na ito sa kama. “Ikaw na ang bahala sa unica iha namin, ah.”
Nadinig pa niyang nagsalita ang mamita niya.
“Sige, pare, ikaw na ang bahala kay pandak.” Boses ni Aeroll ‘yon.
Hanggang sa madinig niyang nagsara ang
pintuan ng kwarto niya. Sino kaya ang
kausap ng mga ito. Teka, hindi kaya si…
“Bumangon ka na diyan.”
Si Jed!
Inalis niya ang talukbong niya. Patay na ang
ilaw, pero may liwanag na nagmumula sa lampshade niya. Regalo sa kaniya ng
mamita niya ‘yon. Hindi lang siya basta lampshade, kasi may mga shape na
nabubuo mula sa liwanag ng ilaw. May stars, hearts at moons. Umiikot ang mga
‘yon sa loob ng kwarto niya dahil umiikot din ang lampshade niya. Inikot din
niya ang tingin niya. Pagbaling niya sa
bintana, napansin niya ang isang mesang maliit, may dalawang upuan at may
pagkain sa ibabaw.
“Wow!” Umupo
siya sa gilid ng kama niya. Saka lang niya napansin ang mga red petals na
nakakalat sa sahig. Napa- “wow!” uli siya.
“Puro wow lang ba ang alam mong sabihin?”
Napalingon siya kay Jed na nakatayo sa gilid
ng nakasaradong pinto. “Wow!” Alam ninyo kung bakit? Dahil ang gwapo
ni Jed sa suot nitong tuxedo. Sapat na ang liwanag na nagmumula sa lampshade
niya para masabing napaka-gwapo ni Jed ngayon. I mean, gwapo naman talaga ito.
Pero, basta, ang gwapo nito ngayon sa paningin niya. Lalo na ng lumapit ito sa
kaniya.
“Ang gwapo mo naman.”
Tumikhim ito ng mahina. “Thank you.” Pinasadahan siya
nito ng tingin. “Y-you
look..ahm..look..”
Napangiti siya. First time niya itong
makitang nabubulol. “I look beautiful, right? Alam ko na ‘yan. Partida pa
‘to, wala na ngang make-up, mukha pang kamatis ang mukha ko.”
“Yeah right.” Inilahad nito ang kamay nito. Kasabay no’n
ay may nadinig siyang sweet music na nagmumula sa—hindi niya alam. Basta may
nadidinig siya.
“Sasayaw tayo, Jed?”
“Magta-tumbling tayo.”
seryosong sagot nito.
Natawa siya ng mahina. “Ang galing mo talaga mag-joke, nakakatawa.”
“Hindi ako nag-jo-joke.”
Tinanggap niya ang palad nito. Inakay siya
nito sa gitna ng kwarto niya. Kumapit siya sa leeg nito. Humawak naman ito sa
beywang niya. Napahagikgik siya. Inalis niya ang kamay nito sa beywang niya.
Kumunot ang noo nito. “Bakit? Anong tinatawa-tawa mo?”
“Nakikiliti ako, eh.”
“Hindi ka pa ba nahahawakan sa beywang mo?”
“Hindi pa ako nakikipagsayaw. Kapag kasi may sayawan sa
probinsya hindi ako nakikipagsayaw. Gusto ko ‘yong pam-party-ng sayaw, alam mo
‘yon?”
“Tama lang pala na hindi ka pumunta ng JS Prom, baka
nakakalimutan mo, sayawan ‘yon.”
“Nag-practice naman ako, eh. Kami ng bestfriend ko. Kaya lang
nakikiliti talaga ako.”
“So, anong gagawin natin ngayon?”
“Mag-L.A walk na lang tayo.”
Kumunot na naman ang noo nito. “L.A walk sa
sweet music, okay ka lang, Shanea? I have an idea.” Kinuha nito ang
kamay niya at nilagay sa leeg nito. Alam
ninyo ba ang ginawa ni Jed? Niyakap niya ko.
“Nakikiliti ka pa?”
Umiling lang siya. At napalunok. Ang
lapit-lapit kasi nila. Hindi lang malapit. Magkadikit ang mga katawan nila. At
first time na maging ganito siya kalapit sa isang lalaki. Nayakap naman na siya
ni papito, Aeroll at King, pero iba ang mga ‘yon. Oo, wala pa siyang naging
boyfriend. Para daw kasi siyang bata. So? She doesn’t care.
Ganito pala yung feeling na yakap ka ng
isang lalaki. Oo nga pala, nayakap na niya ito kanina nung itago niya ng
kamatis niyang mukha. Pero kasi naman, hindi siya aware kanina sa ginawa niya.
Ngayon lang niya napagtuunan ng pansin. Ang sarap ng feeling. Parang okay na
kahit ganito na lang sila habang-buhay. O kaya ba dahil ganito ang pakiramdam
niya dahil si Jed ang nakayakap sa kaniya? Anong connection no’n sa
nararamdaman niya?
Nagsalita na lang siya para malayo sa isip
niya ang ayos nila. “Ikaw ang may gawa nito?”
“Hindi naman lahat. Tinulungan nila ako.”
“Pero ikaw ang nakaisip nito?”
“Yes.”
Napangiti siya. “Ka-touch naman. May ka-sweetan ka din pala
sa katawan, Jed.”
“Anong tingin mo sakin? Bato?”
“Hindi naman. Pero bakit mo ginawa ‘to?”
“Tinawagan ako ni Aeroll. Baka daw ma-dehydrate ka na sa
pag-ngawa mo dito kaya he asked my help.”
“Talaga? Ginawa ‘yon ni Aeroll?”
“Yes.”
“May kabaitan din pala sa katawan si Aeroll. Lagi na lang akong
inaasar no’n, eh. Tapos, tapos…”
Napangiti siya. “Pero
mas mabait ka kasi pumayag kang gawin ‘to. Thank you, Jed.
Super-daeng-madaeng-super salamat.” Yung tipo nito na gagawin ang
ganitong bagay? Tsk, ang layong mangyari.
“Ngayon lang ‘to kaya lubus-lubusin mo na.”
“Oo naman. Lulubos-lubusin ko na.”
Lumapad ang ngiti niya. Nang biglang kumunot
ang noo niya. Alam ninyo kung bakit? Ang pangit nung background music, parang
pampatay.
“Ano ba ‘yang kanta na ‘yan?! Ang pangit! Wala na bang mas
papangit pa diyan? JS prom ko ‘to, baka nakakalimutan ninyo?”
Nakadinig siya ng tawanan mula sa labas ng
kwarto niya. Si Aeroll at si King! Maya-maya ay napalitan na ang kanta.
Napangiti siya. Sinabayan niya ang kanta.
“What if I never knew…what if I never found you...I never had
this feeling in my heart...”
At habang kumakanta ay nakatingala lang siya kay Jed na nakatingin naman sa
bandang likod niya. “...how did this come to be...I don’t know how long you
found me...but from the moment I saw you…deep inside my heart I knew...”At
habang nakatitig siya sa mga mata nito, ilong nito, bibig nito, sa mukha nito,
bakit parang..parang..
“Wag ka na ngang kumanta, panira ‘yang boses mo.”
Hindi niya nadinig ang sinabi nito. “Baby your my
destiny…you and I were meant to be…with all my heart and soul…I’ll give my love
to have and hold...”
“Shanea.”
Tinitigan siya nito.
“…and as far as I can see…you were always meant to be…my
destiny...”
Tugudog! Tugudog! Tugudog! Tugudog! Tugudog!
Napahawak siya sa dibdib niya.
“Okay ka lang?”
Napakalas ito ng yakap sa kaniya.
Nilingon niya ito. Nagtama ang mga mata
nila. Bakit parang may nagbago kay Jed ngayon sa paningin niya.
Tugudog! Tugudog! Tugudog! Tugudog! Tugudog!
“Shanea?”
Tugudog! Tugudog! Tugudog! Tugudog! Tugudog!
Huminga siya ng malalim. Tumikhim ng malakas
at ngumiti. “O-okay
lang ako. Nagugutom lang ako. Kain na tayo. Mukhang ang sasarap ng niluto
ninyo, ah.”
- E N D
O F F L A S H B A C K –
“Shanea.”
Napakurap siya sa pagbabalik-tanaw niya. “Yes, Jed?”
“I’m done eating. Uuwi na ko.” Tumayo ito. Napatayo din siya.
“Ihahatid na kita.”
“You stay here.”
Kinuha niya ang susi sa bulsa ng short niya
at inabot dito. “Gamitin
mo na lang yung motor ko.”
“Ayoko. Magta-tricycle na lang ako.”
“O sige, ihahatid na lang kita.” Hahakbang na sana siya ng kunin nito ang
susi mula sa kaniya.
“Ibabalik ko na lang bukas. Good night, Shanea.” Tumalikod na ito.
“Goonight din, Jed. Sweetdreams. Sleep tight. Sleep well. Sleep” Nang may maalala siya. Tinawag niya uli
ito. Lumingon ito.
“Bakit?”
“Sunday bukas diba? Simba tayo.”
Tiningnan lang siya nito at humakbang na
palabas ng bahay na hindi man lang siya sinagot.
Napangiti siya. Silence means yes. “Ingat, Jed.” pahabol niya kahit wala na ito
sa paningin niya.
* * *
ang ganda! :))
ReplyDeletegrabe talaga ate!!!! para akong mababaliw sa kilig!!! i super duper love this chapter!!! kilig much!!!!! to the highest level!!!
ReplyDeletehndi ata ako mkaka tulog sa gabi!!! naiisip ko tong chapter na to eh.. hahaha galing mo talaga ate mgpakilig!!
*smiles *thanks demidoll, me too, tipong ako naman ang nagsulat pero ndi ko din mapigilang kiligin, haha
Deleteganito siguro pag NBSB, wahahaha, lahat ng frustrations ko sa love, sa pagsusulat ko binubuhos :)))