Sunday, November 4, 2012

You Are My Life : Chapter Five


(Martin's POV)

"Bye, Beb. Ingat ka-este-Ingat sila sa'yo." Paalam ko sa kanya nung nasa pinto na kami ng Condo Unit ko.

♥Chuuu~

"Sira ka talaga! Sige na. Bye, Bebe." Paalam niya rin saka na tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.


Nung nasa tapat na siya ng elevator at napansin kong bumukas yung elevator, tinawag ko siya.


"Beb!" Napalingon siya at nakita ko sa mga mata niya ang ?_?




Tumakbo ako papalapit sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.


"De, Seryoso na. Mag-ingat ka. Wag kang magpapabingwit, ipangako mo. Wag ka rin magpapaniwala basta sa mga nakikita mo, at wag ka basta mainiwala sa sasabihin ng iba, ha?" Paalala ko sa kanya.


Baka mamaya kasi, may makasalubong na lang siya bigla tapos magsabi ng kung anu-ano at bigla na lang siya mawala sakin. Di ko kakayanin yun.


"Ano ba yang pinagsasabi mo, Martin. Tigilan mo na nga yan. Sige na, inaantay na ko ng mahiwagang elevator dito." Sabi niya pero alam ko bakas sa boses niya na medyo nalulungkot siya.


Tumalikod na siya at pumasok sa nakabukas na elevator. Kumaway siya ng mabagal sakin at bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator napansin kong may tumulong luha sa mga mata niya. Hinawi niya agad ito at ngumiti sakin. Tuluyan nang nagsara ang elevator kaya tumalikod na ako at naglakad pabalik sa Unit ko.


"Sino siya, Martin?" Tanong ng kapatid ko na malapit sa hagdan.


Tumingala ako. "Hindi mo na kailangan pang malaman. " Cold kong sagot.


Naalala ko yung sinabi sakin ni Mom dati. Nalaman daw ni Matthew na yung kaisa-isa niyang niligawan eh yung matagal ko nang hinahanap na first love ko, di niya sinabi sakin kaya parang kusang nabuo yung gap sa pagitan namin. Traydor siya. Yun lang ang alam ko ngayon. Hindi ko na siguro maibabalik pa yung buong tiwala ko sa kanya. 


Pag-akyat ko, hinila niya yung kwelyo ko. Hindi ako gumagalaw. Hahayaan ko lang siyang sapakin ako pero tandaan niya, sasapakin siya ng pagmamahal niya sa mahal ko balang araw. Sigurado ako dyan.


 "Anong nangyari sayo, Martin?! Bakit pakiramdam ko unti-unting tumataas ang gap natin sa isa't isa?!" Hindi niya ma-waring tanong sakin.


Ngumisi ako sa kanya. "Bakit nga ba? HAHA! Siguro dahil napupuno na naman ako dyan sa pagiging CASSANOVA mo." Sarkastikong sabi ko sa kanya.


Nakaramdam ako ng kirot sa kanan kong pisngi. Sinapak niya ko. Unti-unti kong nalasahan ang mga dugo sa labi ko. Teka ha? Pasapak lang, isa lang talaga. Pwede ba?


Kinuyom ko ng sobrang higpit yung kamao ko saka ko siya binigwasan ng malakas. Napa-higa siya dahil sa lakas ng suntok ko.


"Tandaan mo 'to. Kapatid lang kita sa AMA kaya tinuturing kitang KAKAMBAL ko. Pero wag na wag mo kong gagaguhin dahil mas gago pa ko sa inaakala mo, Brother." Nanggagalaiti kong sabi sa kanya saka na ako tumalikod at papasok na dapat sa kwarto nung hilahin niya ng malakas yung paa ko.


(Third Person's POV)

"Shit! Yung phone ko, naiwan ko sa kitchen." Sabi ni Danielle saka bumalik sa elevator at pinindot ang number ng floor kung saan naka-assign ang Pad ng nobyo niya. 

Pagkarating niya sa floor nito, dumiretso agad siya sa Condo nito at binuksan ang pinto.

'Bat nakabukas? Alam ko nagla-lock yun ng pinto ah?' Isip-isip niya.

Pagpasok niya sinara niya agad ang pinto at napagitla siya ng makarinig ng kalabog.

"Hayop ka! Pasalamat ka nga tinanggap ka pa namin ni Mama kahit Bastardo ka! Tapos ganito pa?! Umalis ka na nga sa Gang tapos ngayon babalik ka?! Kapag di ka pinabalik, gagawa ka ng bagay na ikagagalit ko talaga?! Tangna! Subukan mo lang!" Sigaw ni Martin.

Tumingala si Danielle at nakitang naka-upo si Martin sa tyan ng isa pang lalaki. Eto ba yung nakita  niya kanina na... uhm.. Basta, gumagawa ng putapeteng miraglo sa Condo ni Martin. Isip isip niya

"Martin!" Tawag niya sa binata saka siya tumakbo paakyat

Napalingon si Martin at nanlaki ang mga mata niya pero bigla rin siyang humarap sa lalaking inuupuan niya sa tyan saka siya tumayo.

Lumapit si Danielle at ngayon niya lang napansin kung sino yung lalaki.


"Matthew." Mahina niyang tawag.


Kusang pumihit ang ulo niya at lumingon sa nobyo niya.


Nagtataka siyang tumingin sa mga mata ng binata na ngayon ay nakatingin sa kanya na malaki rin ang mga mata. Dumaan ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang tatlo. BIgla na lang may tumulong luha sa mga mata ni Danielle.


'Alam niya?' Ang katagang patuloy na tumatakbo sa utak ng dalaga.

Nang matauhan si Danielle ay bigla niyang nasampal si Martin ng malakas.


"Alam mo pero hindi mo sinabi sakin! Akala ko namamalik mata lang ako sa tuwing makikita ko si Matthew! Pero ano 'to?! Playing boxing games with your Brother?! Ow, correction with that, Playing boxing games with your Fucking Bastard Brother! Am I right?! He's not your true Twin Brother, Right?! You keep it as a secret to me! How Dare you do that!" Danielle exclaimed.

Tumalikod na siya at aapak na dapat sa step ng hagdan ng aksidenteng natapilok siya. Lalong lumaki ang mata ng nobyo niyang si Martin habang pinagmamasdang gumulong ang katawan ng nobya niya sa hagdan. Kahit lalaking-lalaki siya, hindi niya maiwasang mapatulo ang luha. Nagagalit siya sa sarili niya ngayon. Ang totoo niyan, kaya ayaw niyang buksan ng dalaga ang pinto ng isang kwarto kanina ay dahil hindi pa siya handang malaman ng nobya niya na matagal niya nang alam na buhay ang kapatid niya. Dati rin, payag siyang uminom ng Root Beer ang nobya niya pero ng malaman niyang umiinom din nito ang kapatid niya, sinimulan niya nang pagbawalan uminom nito ang dalaga. Hindi niya alam, pero kapag umiinom ang nobya niya ng Root Beer kasama siya, ang naiisip niya, siya ang kapatid niya na kasama ang nobya niya na habang umiinom ng Root Beer. Hindi niya maintindihan ang sarili niya pero nagseselos siya basta-basta kapag naiisip niya yun.


"Ohmygod, Danielle!" Alertong sigaw ng kapatid niya.


Ang alam niya, may Amnesia ito dahil sa aksidenteng nakuha nito ng habulin ng kapatyid niya si Danielle 5 years ago. 

Nagsimulang tumayo si Matthew at tumakbo papunta sa katawan ni Danielle na nakahiga sa malamig na sahig. Naalala niya na lahat. Simula dun sa pagkakagusto niya sa dalaga hanggang sa aksidente kung saan pinagbilin niya pa sa doktor bago siya mawalan ng malay na itago itong lihim kung sakaling mabubuhay pa siya, na sana hindi malaman ng mga kaibigan ng mahal niya na kung maaaring mabuhay siya ay sabihin sa mga kaibigan ng dalaga na patay na siya. Ngunit sa kasamaang palad, nalimutan niya ang lahat ng bagay na konektado sa pinaka-mamahal niyang babae dahil nagkaroon siya ng Lacunar Amnesia. Sinabi s kanya ng doctor na humahawak sa kanya, mahirap daw pagalingin ang ganitong sakit. Marami sa kanila na nakaranas nito ay naalala na ang mga nakaraan nila at nakayanan ang sobrang sakit ng ulo, ang iba namang hindi nakasurvive ay yung mga taong hindi kinaya ang sakit ng ulo. Maraming beses niya na itong naranasan. Paminsan pa nga eh pagkusang lumilitaw sa isip niya ang mga pangyayari kasama ang dalaga, parang binibiyak ang bungo niya. Minsan naman, para na siyang mababaliw sa sobrang sakit ng ulo niya. Pasalamat na lang talaga siya dahil nalagpasan niya ang lahat ng sakit na ginawa ng dati niyang sakit sa kanyang ulo.

Nang matauhan si Martin, agad siyang tumakbo pababa at itinulak ang kapatid niya na pinapakiramdaman ang pulso ng nobya niya. Agad niya itong binuhat at sumakay sa elevator. Nang makarating siya sa carpark at makalapit sa kotse niya, saka niya lang naalala na hindi niya pala nadala ang susi ng kotse niya. Dumiretso siya sa labas habang buhat pa rin ang walang malay niyang nobya. Pumara siya ng taxi at pumasok siya sa back seat at inihiga niya ang ulo ng dalaga sa kanyang hita.

"Ahm, ser. Saan ho tayo?" Magalang na tanong ng taxi driver.

Mukha itong luko-luko pero hindi niya na pinansin ang mukha nito sa salamin.

"Sa Smith's, brad." Tipid niyang sagot.

Smith's Hospital ang pinaka-malapit na ospital sa Condominium kung saan siya nakatira kaya duon niya na ito pinadiretso.

Napansin niyang mabagal lang ang takbo ng taxi kaya umangal siya.

"Brad! Pakidalian naman!" Reklamo niya.

Binilisan ng taxi driver ang takbo ng taxi nito kaya agad naman silang nakarating sa ospital. Nang mailabas niya na si Danielle sa loob ng taxi, pinigilan siya ng driver sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

"Ser, yung bayad ko pala?" Tanong nito sa kanya na parang nanghihingi.

Lumapit na ang ibang nurse na lalaki ng makita nilang may pasyente sa labas. Inakay nila si Danielle. Si Martin naman, humarap sa taxi driver saka kumapkap sa bulsa niya sa likod. Nanlaki na lang ang mata niya. Patay. Naiwan niya pa sa Unit niya.

"Ah-eh. Brad, pwede bang saka ko na lang bayaran? Emergency kasi--" Hindi na inantay ng taxi driver ang paliwanag ng binata, agad niya itong sinunggaban ng suntok sa pisngi saka kinwelyuhan ang binata gamit ang dalawa niyang kamay.

"Mahirap ang buhay ngayon! Tapos pinagmamadali mo pa ako kanina tapos ayun pala wala kang pambayad?! Ilabas mo ang pitaka mo! Hindi pwedeng hindi ko makuha ang bayad -- AHH ARAY!" Reklamo ng taxi Driver.

Sinapak ni Matthew ang taxi driver ng isang beses saka naglabas ng isang libo. Itinulak niya ang papel na pera sa dibdib ng taxi driver saka niya ito tinignan ng masama. Buti na lang at tama lang ang dating niya at hindi nito nagulpi ang kapatid niya.

"Pare, sa susunod palamigin mo yang ulo mo ha! Wala na ngang LAMAN puro ka-tanginahan pa yang punyetang LAMAN ng Walang KWENTA mong ulo! Teka, tanong ko lang ha? May utak ka ba?! Customer mo tapos sasaktan mo?! Aba! Baka makasuhan kita dyan! Ayusin mo ha!" Sigaw ni Matthew saka na inakay ang kapatid niya papasok ng Emergency Room.

Kinilabutan ang taxi driver kaya agad siyang pumasok sa taxi niya at ibinulsa ang isang libo. Sa sobrang takot niya, muntik pa siyang may makabanggaan.

> SMITH'S HOSPITAL <

Lumabas na ang doktor mula sa likod ng mataas at malaking kurtina na kanina ay nakaharang sa isang kama kung saan nakahiga ang dalaga. Nilapitan ng magkapatid ang doktor saka tinanong.

"Dok, kamusta na siya?" Nagkasabay na tanong ng dalawang binata.

"Kamag-anak ho ba kayo ng pasyente?" Tanong rin ng doktor.

"Nobyo niya ho." Sagot ni Martin. "Kaibigan niya po." Kasunod naman na sabi ni Matthew.

"Wala naman masyadong naapektuhan sa kanya. Nilagyan lang namin ng benda ang ulo niya at nilagyan ng Band-Aid ang kaliwa niyang Cheekbone dahil nagkaroon ng cut. Sa ngayon, aantayin muna natin na magising siya para malaman natin ang kalagayan niya. Minor wounds lang naman ang nakuha inya, mabuti na lang at nadala siya rito agad. Sige, mauna na ako." Pagpapaliwanag ng doktor saka na umalis.

Paggising ni Danielle...

Nagunahan pa ang magkapatid sa isang upuan pero sa huli ang nobyo rin ng dalaga ang nagwagi.

 "Kamusta na pakiramdam mo?" Nagkasabay na naman na tanong ng magkapatid.

Tinaasan lang sila ni Danielle ng kilay.

"Get out, the two of you. Before I shout here and make a fucking scandal." Nagtitimping sabi ni danielle.


Nakatingin lang sa kanya ang magkapatid kaya bigla siyang namula at hindi na napigilan ang sarili at sumigaw.


"I said GET OUT! NOW!" 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Hala? Step Brother lang si Matthew? Anak sa labas? Huwaaaaaaaaah~ TT__TT Kaloka!

1 comment:

  1. ANg taPang ni mArtiN,,, aYaw niA tLga mwaLa si bEb niyA s kNya,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^