Monday, November 5, 2012

Unbreakable Spell: Chapter 12



CHAPTER XII: First Mission
Hindi ako tumigil sa kakatakbo meron pa kasing dalawang round eh kailangan tapusin ko dahil kung hindi daw ay dagdagan na naman ang parusa sa akin ng guro namin nahuli kasi niya ako na natutulog. Naantok kasi ako dahil ang tinuturo niya ay Math ang best enemy ko. Psh bakit naman kasi Math eh! Ayoko talaga ng math lalo na ang english mas mabuti pang itutulog ko na lang kesa pasakitin yung utak ko!

Pawis na pawis ako pero hindi ko yun inalintana mas mabuti na yun para mawala na ang bilbil ko dito sa tiyan ang dami ko kasing kinain kahapon eh. Nung makarating kasi ako ay hapon na at marami akong binili na pagkain para kay fameh at farley pero naabutan ko nalang sila na tulog na tulog ang daming kalat sa kwarto ko. Ang pinagtaka ko ay sino ang nagpakain sa kanila?
Aba! Pagkagising kasi nila ay binungangaan kasi ako ni Farley dahil hindi halos mamatay na sila sa kagutom. Kahit almusal lang ay hindi ko daw sila hinandaan. Hindi naman ako marunong magluto err... siguro ay yung basic lang pero hindi din ako sigurado kung masarap yung luto ko.
Humihingal na tiningnan ko ang building.
“Good morning, baby star! Ang aga mo naman nag-jogging!” Sinabayan ako ni Vester. Sino pa nga ba? tsk! Kung si Hackette na lang sana! XD pero joke lang.
>O< Bakit ba tinatawag niya akong baby star? Hindi ako baby na star!
“Che!” bakit ba hindi ma-rest in peace na lang siya? Binilisan ko ang pagtakbo pero nakakasabay pa din siya.
“menupause ka siguro `no kaya ganyan ka?”
Nakakainis na ang lalaking ito ha? Kaya naman kinarate ko na siya pero kahit anong gawin ko ay naiiwas talaga ng mokong. Pero habang kinakarate ko siya ay bigla kong naalala yung kahapon. Bigla kasi siya umalis ng banggitin ko ang MAGULANG.
“Hey!” He chuckle.  “Tigilan mo na iyan!”
“Ah hindi pwede! Akala mo ikaw lang ha!”
Binigyan ko siya ng side kick pero nahawakan niya yun.
“Ayaw mo talaga??”
Hinigit niya ng mahigpit yung paa ko kaya hindi ko yun maigalaw. Parang may kuryente doon tapos gumapang sa buong sistema ko.  Kahit na naka-suot ako ng jogging pants.
“Dahil inatake mo ang senior mo ay kailangan kang parusahan.” Ha? Parusahan? Pero parang hindi ako naniniwala dahil nga naman nakangiti siya at parang pinagloloko niya ako. “Since member ka ng Phantom Black though hindi pa namin inanunsiyo yun ay kailangan kang parusahan. Ako ang presidente and you are just a mere a freshmen.” Biglang bumaligtad ang paningin este ako pala ang ulo ko ay nasa lupa at nasa itaas yung paa ko tapos nagsimulang lumatang. Nalula ako sa taas.
“Aah! IBABA MO AKO!”
“say you’re sorry then I let you go.”
“>O< Hindi ko gagawin yun! over my dead body!”
“Ikaw ang bahala...” Hindi niya ako binitiwan. Tiningnan ko ang paa niya at hinigit yun. Diyos ko! tulungan niyo po ako sa masamang taong ito! papatayin ata ako! “Sigurado ka na ba na ayaw mo talaga? kapag oo bibitiwan kita pero diritso ang katawan mo sa lupa.”
O_O what the— “Hindi!” tanggi ko pa din. Grabe naman kasi si PRIDE eh ayaw talaga!
“okay.” Sabi niya bigla ko nalang naramdaman ang pagluwag ng paa ko kaya kumapit ako ng mahigpit sa paa niya at kahit ayaw ko ay tumili ako! for the first time in my life! Ngayon lang ako sumigaw na parang babae!
“Aah! Tulong! Sige na! sorry! Hindi nakita kakaratehin! Gagawin ko lang ang lahat para ibaba mo ako!” Nasa pinaka-taas na kami.
“Okay. But first you need to let go of me.”
“Ano? Nahihibang ka na ba?! kung gagawin ko yun deadbol ako!”
Tumawa na lang siya. “just do what I said. Trust me.”
Tiningnan ko siya at ang mga mata niya ay nagsasabi na paniwalaan ko daw siya. “Kapag mamatay ako dito. ikaw ang una kong mumultohin!”
“Sure.”
I let go. Pumikit ako pero ilang segundo pa ay parang may kumarga sa akin. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko nalang na nasa bisig ako ni Vester  at >///< anak ng tipaklong bakit parang nabibingi ako sa ingay ng puso ko.
DUG DUG DUG!!!
“Let me guess. In love ka na sa akin `no?” natatawang sabi niya nang nasa lupa na kami.
O///O  Lumayo ako sakanya. Okay Wistar huminga ka ng malalim. “Psh. A-ako? ma-iinlove sa`yo? In your face!” I scan the whole place pero wala na kami sa PE area kundi nandito kami sa forest. Teka hindi ko matandaan na meron ganito ah. “Teka bakit nandito tayo. Kahit mas marami ka pang alam na magic sa akin hindi kita uurungan.Siya naman ay napakamot sa ulo. Daming kuto, dre?
“Don’t worry wala akong gagawin masama sa`yo. Pinapatawag kasi tayo ni Levion.” Sabi niya.
“Sino?”
“Aish. Ilang araw ka na dito pero di mo alam kung ano ang full name ni mr. Knightwalker?”
“Ahh eh pano yung parusa sa akin ng guro ko?”
“Mamaya mo na problemahin yun. Sundan mo lang ako.” Sinundan ko naman siya pasikot-sikot. Tapos ng makalabas na kami sa kagubatan ay sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag. Tapos ng maka-adjust na ako ay nakita ko doon si Farley at Fameh kasama sina Ianthe at anim na lalaki isama na lang natin si Yvonne.
Bakit kaya nandon siya?
“Vester-sama!!!” Biglang niyakap ng maliit na fairy si momo si Vester. “Bakit mo kasama ang pangit na iyan?”
“Gusto mo bang tirisin kita?” banta ko sakanya.
“Ehk!! Vester-sama!! Titirisin daw niya ako!”
Sarap inisin ang babaeng ito `no? “Ang liit liit mo kasi! Hahaha!”
“Ah ganun?” Nameywang siya tapos bigla nalang siyang naging kasinglaki ko at naka-uniform. “Ngayon kasing laki na tayo tingnan natin kung may ikatawa ka pa! psh!” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang sa paa.
“Nandito na ba ang lahat?” Si Mister Knightwalker yun na kakarating lang.
“Opo!” sabi nilang lahat. Nandito din pala si Hackette *O* yey!
“Hoy! Tibo huwag na huwag kang lumalapit kay Vester k—“
“Shh...” Isang maliit na lalaki na napaka-cute. Mahaba at blonde ang buhok niya. Siguro ay isa siyang Elmony yung parati kinukwento ni mama.  “Narinig niyo yun?” Ngayon ko lang siya nakita.  Nga pala basahin niyo yung RACES kung hindi niyo pa alam kung ano ang Elmony.
“Naririnig?” Hindi ko mapigilan na itanong.
Tiningnan niya ako. “Oo... boses ng kalikasan...” Kalmadong sabi niya. What the--baliw ba siya?
“Ehem!” Si Sir yun. “Kaya ko kayo pinapunta dito dahil meron akong mission na ibibigay sa inyo. Pero bago yun ay gusto ko sana sabihin sa inyo na madagdagan na naman ng bagong myembro at yun ay si Yvonne sa kadahilan ay meron siyang potential na maging isa sa Phantom black.” -_- Eh kami? Hindi?
“Bwahahaha! Kawawa naman ang isa diyan.” Tinawanan ako ni Momo.
“Miss Salvia Walker, Hindi ba  may klase ka ngayon? Bakit nandito ka?” tanong niya kay Momo. Ah so Salvia pala ang pangalan ng bruhang ito.
“Eh s-sir na-nandito k-kasi ang irog ko eh.”
“Bumalik ka na kung ayaw mong isumbong kita sa iyong ama.”
“TT__TT no... I want to be with my Vester.”
“Kelan mo pa naging sayo si Vester? Tsk tsk.” Napapailing na sabi ko. She glare at me.
“Ikaw! Kapag nalaman ko na nilalandi mo siya ay sasakalin kita!” Bumalik na siya sakanyang anyo tas lumipad na umalis. Nang makaalis na siya ay pinagpatuloy ni Levion.
“Kaya una sa lahat ay gusto ko makilala ninyo ang isa’t isa.”
-_- Hindi na po kami mga elementary student na kailangan e-introduce ang sarili pero sige na lang. Ilang minuto ay nagpakilala na kami. Yung parang baliw na lalaki na maliit ay si Trey siya at yung lalaki na wavy hair ang hindi ko kilala eh. Nandon siya sa madilim.
“At siya naman ay si Raulin siguro ay kilala niyo na siya.” –levion.
Walang make-up. Pinaghalong kape at gatas yung skin tone niya. Unang kita ko ay black yung hair niya ngayon naman ay chestnut color.
“Pwede bang sabihin mo na ang pakay mo?” sabi niya. “at ikaw! Ikuha mo nga ako ng tubig!” inutusan niya ata si Ianthe na sumunod naman.
“Eh walang b-baso!”
“Ehem! Kaya ko kayo pinapunta dito sa liblib ng kagubatan ay dahil importante ang sasabihin ko. Siguro alam na ninyo na may nangyayari dito sa school. Kampon ng mga kadiliman ay labas pasok na.”
O.O Kampon ng kadiliman?
“May possibiladad ba na kaya nandito sila ay hinahanap nila ang Peontar?” sabi ni Yvonne. Mukhang hindi naman kalandian ang rason para sumali ng organization na ito para... sa peontar thingy. Sabagay sa pagkakaalam ko ang mga cognite ay interesado sa ancient history at mga alchemy.
“They are looking for a four magical stone called PEONTAR. Naging parte na ng ating kasaysayan nating noong labin anim na taong na ang nakalipas. Kapag nakolekta nila ang lahat ng peontar ay hinala ko ay papakawalan nila ang reyna ng kadiliman na si Jubani ang reyna ng mga ahas at marami na siyang alam na iba’t ibang pinagbabawal na salamangka at may plano siyang sakupin ang mundong zephian...” Ang dami pa niyang sinasabi tungkol sa kasaysayan at inaantok ako. Gusto din niya na mag-cooperate daw kami na hanapin yun.
=_= sakupin daw? Hehehhe pwede ba yun?
“bakit ba natin problemahin iyan? Let the seven warlock solve this problem.” Sabi ni Hackette. “Kinakalawang na ba sila kaya umaasa na lang sila sa atin.”
“Paaralan natin ang naksasalay. Tatlo ng studyante ang nawawala at hindi pa nakikita kahit saan. Hindi pa kami sigurado kung bakit nila gustong pakawalan siya.”
Tinaas ko yung kamay ko. “Err... tanong lang ha? Eh paano po kami este ako po? Hindi naman po ako marunong gumamit ng magic err kunti lang pala! Isa lang po akong mahinang nilalang >O< paano ko haharapin ang mga gaya nila?”
“Huwag kang mag-alala, baby star. Nandito naman ako hahhaha!” Si Vester iyon.
>//> “Heh! Tumigil ka diyan!”
“Hindi ka na sana sumali dito, tibo.” Sabi ni Yvonne. Sakalin ko kaya siya?
Oi! Huwag mong sakalin si miss ganda! Singit ni Farley. Kainis talaga kapag may nakakaalam sa plano mo ano? Lumapit ako sakanya tapos akmang babatukan pero ginamit niya si Fameh na shield.
“huwag kang mag-alala, Miss Var Garnur. Tuturuan ka naman nilang lahat.” Tukoy niya sa anim na lalaki. “pero sa ngayon bibigyan ko kayo ng mission. I want you all investigate this person.” Pinakita niya ang picture ng lalaki na dilaw ang buhok tas hindi magkapareho ang kulay ng mata niya sa right kasi blue tas sa left ay yellow. “Meron kasing nagbalita sa akin na gumagamit siya ng black magic—“
“At gusto mo kami magpanggap na exchange student kung saan siya nag-aaral?” putol ni Hackette.
“Ganun na nga. Hindi kayo maari na gumamit ng magic pwera na lang kung nasa peligro kayo, got it? Ang pangalan niya ay ” Pumitik siya tas yung damit namin ay nag-iba. “nakahanda na ang lahat para mag-transfer kayo.”
“Ang bilis naman! Teka pano na ang mga klase namin sa mga susunod na araw?” si Ianthe yun.
“OO nga!” Segunda ko at tiningnan ko ang damit ko. shit! Maikling palda!!! Pumipito pa si Vester.
“Nice legs!” Sila Jamil at Genro yun.


“>.> Saan ang maganda sa legs na iyan?” – Si Hackette yun.
“Ibalik ninyo yung uniform ko! kadiri ang damit na ito!!!”
“Pero Miss Var Garnur sa school na pinapasukan niya ay dapat daw magsuot ka ng pambabae.”
TT__TT “Ayoko ng maikling palda.” Hindi niyo talaga ako mapapasuot niyon `no noong previous school ko nga eh lagpas tuhod yung haba ng palda ko dahil ayaw ko maexpose yung legs ko. Pero pano `yun? bawal daw magsuot ako ng panlalaki? “Pahabain niyo na lang ang palda. Titiisin ko na lang.”
Kaya hayun. Blue yung uniform tapos lagpas na yung palda ko. Okay kahit pano ay comfortable naman ako `no. Pero agad naman uli bumalik sa dati yung PE Uniform ko tapos lumitaw sa harap ko yung mga uniform ko. meron din siyang binigay na bag kaya nilagay ko sa loob ang mga damit tas sinukbit.
Pagkatapos niyon ay nagpaalam na sa amin siya dahil meron daw siyang meeting ngayon.
Oi Wistar! Pakilala mo ako kay Miss ganda!
At ang loko ay nangungulit talaga!
Sabihin mo sakanya na gusto ko siya!
Psh. “Oi Yvonne!” tawag ko sakanya na tumaas naman yung kilay. “Type ka ni Farley—Oh hayan tapos na ha?” Baling ko kay Farley.
“Farley who?”
“Farley. Ito.” Turo ko sakanya.
“baliw ka siguro `no?” Hindi siya naniniwala sa akin.
Tsaka sabihin mo sakanya thank you sa pagkain kahapon at sabihin mo din na >//> LIKE KO SIYA!!! ayusin mo!!!
“Hindi `no! tsaka sabi pa nga niya thank you sa food daw kahapon at seryoso siya na gusto ka niya!” pfft! Gusto ko matawa sa expression niya XD bwaahhahaha!
“Hindi ako pumapatol sa isang...” Tiningnan niya si Farley. “SA ISANG HAYOP!” tumakbo siya palayo sa amin.
Q___Q *Sniff* pano na ako? waah! Siya pa naman ang type ko! why oh why?! Wala talagang nagmamahal sa akin.
 Bigla niya ako tinulak.
“Huwag kang mag-alala Farley e-rereto kita sa mga polar bear doon sa north pole.”
HINDI KO SILA TYPE! MGA PANGET SILA! PAREHO ANG HITSURA! AMOY ISDA!
Tingnan mo oh? parang nilalait niya ang kanyang kalahi. XD
“Baliw.” Dinaanan ako ni Hackette. TT__TT shit! Iniisip siguro niya na baliw ako.
“wai—“ nag-disappear siya.
“Marami pa naman oras para makausap mo siya...” shit naman itong inano. Parang baliw talaga.
Nagsialisan na din sila.
“Baby star, nagugutom ka na ba? sabay na tayo *O*”
“No thanks.” 
“Ikaw ang bahala basta ha huwag kang magsisi.” Pinapat pa niya ang balikat ko. Ehk! Sinuntok ko siya sa braso. Tinirik ko na lang ang mata ko sa kalangitan.
Pinaypayan ko ang sarili ko. “Grabe! May bagyo ba ngayon kasi ang lakas ng ihip ng hangin dito eh!” Naiiling na lang ako na iniwan siya.
May gusto ata yun sa`yo ayiieeh dalaga na si baby wistar.
O_O Hinabol ko si Farley para dagukan pero ang bilis niyang tumakbo tapos nagtago siya sa malaking puno.
“hoy! Lumabas ka nga diyan kahit anong tago mo iyang malakin ulo mo ay nakikita ko!”
Tiningnan niya ako tas nilabas niya yung dila niya. Wah! Ang cute niya! Shit itong usong ito!
“Ble—oi ano ito?” Inamoy pa niya ang bulaklak na yun. White flowers yun at kumikinang iyon ng itim. “Waah ang bango naman niya--*tug*”

Bigla na lang siyang natumba kaya naman dinaluhan ko. “Oi farley gising!” Tiningnan ko ang paligid pero wala na silang lahat. Toinkz. Kami pala ang nawawala. Malayo kasi ang takbo namin.
“Farley... paattaaay?♥”
“Oi itigil mo iyan Fameh hindi pa patay siya `no siguro ay nawalan siya ng malay dahil siguro wala siyang kinain.” Kiniha ko siya tapos sinabit sa bag ko. =_= Para kasi siyang key chain eh.
“Anong ginagawa ninyo dito?” Boses yun ni Yvonne. Nilingon ko siya. “tsaka bakit kayo nandiyan?! Umalis kayo sa bulaklak na iyan ngayon din!” Sita niya sa akin.


4 comments:

  1. aNg swEet niLa,,, sHemeLin chUkcHak chEnes,,, paRang aqNg ewAn na kniKiLig dtO,,,, hWAhahA,,,

    ReplyDelete
  2. ang kulit nito.
    ang saya basahin!

    ang kulit nito.
    ang saya basahin!

    ang kulit nito.
    ang saya basahin!

    ReplyDelete
  3. ang cute talaga ni farley. *o*

    sumakit ang tyan ko kakatawa sa panlalait niya sa kalahi niya.

    ReplyDelete
  4. ang cute talaga ng bear!! kulit much! tawa lang ako eh..

    eeehhh!!!! i like vester nah! pwde akin na lang siya?? hahah

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^