CHAPTER 5
( Shanea’s POV )
Hindi niya alam kung ilang beses na siyang humikab.
Nagluluha na nga ang mga mata niya at gustong-gusto ng pumikit. Humikab na
naman siya ng kalabitin siya ni Jed na nasa kaliwa niya.
“Shanea, takpan mo naman ‘yang bibig mo pag naghihikab ka.
Napapalilingon sa’yo yung mga tao, eh.” bulong nito.
“Inaantok na talaga kasi ko... Yung mata ko malapit ng matulog...” bulong din niya habang papikit-pikit ang
mga mata.
‘’Ang lakas ng loob mong mag-ayang magsimba kagabi tapos tutulugan
mo yung misa.”
“Nag-aya akong magsimba pero hindi ganito ka-aga…” Alam ninyo ba kung anong oras siya
pinuntahan ni Jed sa bahay nila? 5:30 ng madaling araw. Wala pa siyang tulog
dahil ala-una na ata siya nakatulog kagabi. Kanina pala. Alam ninyo kung bakit?
Sa paghahalungkat sa maleta niya ng maisusuot. Buti na lang dala niya yung
sunday dress niya. At buti na lang mabilis siyang kumilos kanina. Paspasan ang
ginawa niyang pagligo. Pero wa-effect pa din, hindi pa din siya nilulubayan ng
antok. Nag-tricycle na nga lang sila papunta sa simbahan dahil baka mahulog pa
daw siya sa motor.
Ang problema niya ngayon, antok na antok na
siya. Sobra. Yung tipong pag hinayaan niyang pumikit ang mata niya ng dalawang
segundo, tiyak makakatulog na siya.
“Wala kang sinabing oras.”
“Kahit na…”
Tuluyan ng pumikit ang mga mata niya. Bumagsak ang ulo niya sa balikat ni Jed.
Buti na lang at nandito sila sa pinakadulong upuan.
“Shanea…”
Naramdaman niyang tinapik nito ang pisngi niya.
“Inaantok talaga ko, Jed…”
Kinurot nito ang pisngi niya. Wa-effect pa
din.
“Gigising ka o hindi kita ililibre mamaya?”
“Five minutes lang…”
Napabuntong-hininga ito. “Okay.”
Inalalayan nito ang ulo niya.
Napangiti siya. Sorry po, papa God. Idlip lang po ako…
* * * * * * * *
“Gusto ko ng lugaw na may laman, itlog at lumpiang toge. Libre
mo ko, ah.”
bungad niya pagkalabas nila ng simbahan.
“Nadinig mo ba yung sinabi ko kanina? Pag natulog ka, hindi kita
ililibre.”
“Wala akong nadinig. Saka five minutes lang akong natulog.”
“Fifteen minutes.”
“Ten minutes lang.”
“Fifteen. At kung hindi pa kita hinila palabas ngayon sa
simbahan, hindi ka pa magigising.” Nauna na itong naglakad. Syempre, sumunod lang siya.
“Sorry na po. Kandakasi naman ikaw, pwede namang mamayang hapon
na tayo magsimba. Bakit naman ganito kaaga? Ayan tuloy, sobrang antok na antok
ako. Hindi ko tuloy napakinggan ang misa.” Tumingala siya sa langit. “Patay ako nito
kay papa God.” Nag-sign of the cross siya. Papa God, madami pong sorry talaga. Alam Ninyo naman pong hindi ako
nagsisimba sa umaga lalo na pag wala akong tulog, kasi alam ko pong makakatulog
lang ako. Sorry po. Bati na po tayo, ah. Nag-sign of the cross uli siya
bago lingunin si Jed na malayo na ang agwat sa kaniya. Mga benteng hakbang.
Nakapameywang ito habang nakakunot ang noong nakatingin sa kaniya.
Napangiti siya. “Ang gwapo talaga ng Jed ko…”
bulong niya sa hangin. Lumapit siya dito.
“What are you doing?” tanong nito ng tuluyang siyang makalapit
dito.
“Doing what?”
Jed just waved his hand. “Never mind.”
Tumingala ito sa langit na tila may hinahanap.
Tumingala din siya. “Kinakausap ko si papa God kanina. Yun ba
yung tinatanong mo?” sabay tingin dito.
Nilingon siya nito. “Kinausap?”
“Yap. Baka kasi nagalit siya kanina ng tulugan ko yung misa.
Lalo na’t hinila mo ko, eh hindi pa tapos yung misa.”
“Kesa naman pagtinginan tayo ng mga tao dahil kung makasandal ka
sa balikat ko, para ka lang nasa bahay.”
Napangiti siya. Sayang, tulog ako kanina ng mga oras na ‘yon. Hindi ko tuloy na-feel.
Wahehe. “Kaya
nga kinausap ko si papa God kanina. Nag-sorry ko. Baka kasi hindi Niya tupadin
yung mga wishes ko this coming Christmas, eh. Madami pa naman akong wish.”
Nagbilang siya sa daliri niya. “Gusto kong magka-kotse. Gusto ko ng house and lot. Gusto
ko mag-tour around the world, pero sa ngayon, around the Philippines na muna.
Gusto ng—”
“Shanea.”
putol nito sa sinasabi niya.
“Madami pa kong gusto, hindi ko pa nasasabi lahat.”
Dahil ang pinakagusto ko this coming Christmas ay ikaw, Jed. Simula ng araw na
magustuhan kita, ikaw ang lagi kong wini-wish kay santa. Sabi ko nga, kahit wag
ka na niyang i-box, baka kasi hindi ka makahinga, edi baka hindi ka na umabot
sakin pag dineliver ka na.
“Summer pa lang ngayon, Shanea. Ang aga mong mamasko. At yang
mga wishes mo, hindi ang Diyos ang magbibigay niyan. Ikaw ang gagawa ng paraan
para makuha ang mga ‘yan.”
“Alam ko.”
At malabong makuha kita sa paraang gusto
ko. Tumingala siya sa langit. “Alam na alam ko. Kaya nga kailangan kong mag-sikap para
sa future ko.” Nilingon niya ito. “Right, Jed?” Para sa future ko lang.
“I’m glad, naging seryoso ka sa bagay na ‘yan. Puro ka kasi
kalokohan, eh college ka na.”
“Matalino naman ako.”
“Kaya nga, you should use that, hindi sa kalokohan, kundi sa
pag-aaral mo.”
“Opo.”
Napahawak siya sa tiyan niya. “At para sipagin akong lalo sa pag-aaral ko, kailangan
laging may laman ang tiyan ko. Mahirap mag-aral ng gutom. And speaking of
gutom, nagugutom na talaga ako. Kain na tayo.”
Napapalatak ito. “Akala ko pa naman seryoso na ‘tong babaeng
‘to…” bulong nito na nadinig din naman niya.
Napangiti siya. “Tara na, Jed. I’m so hungry.”
“KKB tayo.”
“Alam mo ‘yon?”
“Of course.”
“Eh, yung KKK?”
“KKK?”
“Oo. Ay, hindi mo alam ‘yon?” natatawang tanong niya. “Yung mga bata,
alam na alam ‘yon.”
Kumunot lang ang noo nito.
“KKK as in Kalbo, Kinis, Kintab. Katulad no’n oh.” Itinuro niya ang isang lalaking sakto sa
description niya. Tiningan nito ‘yon.
Nagulat siya ng tumawa ito bigla. Tumawa si Jed ko. Napangiti siya. Bihira
niya itong makitang tumawa ng ganito ng dahil sa kaniya. Dahil sa korni niyang
joke. Napalingon ito sa kaniya. Napahinto ito sa pagtawa nito nang mapansin
siguro nito na nakatitig lang siya dito. Ilang beses itong tumikhim. Bumalik na
ang normal ‘serious fes’ nito, pero kita pa din niya ang pinipigilang ngiti sa
labi nito.
“Lets go.”
Tumalikod na ito.
“Ililibre mo ko?”
“Yes.”
Nakangiting sumunod siya dito.
* * *
LesHe,,, aNg tawA q dUn sa KKK,,, kaLbo, kiNis kinTab!!!! hwAHeheHe,,,
ReplyDeletehahah.. sayang un ah.. shemay lang!! kng mka laf trip nman tong si shanea.. ang sakit ng tyan ko..
ReplyDelete